Ilang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin kami nagkakausap ni Jv ng maayos nung mismong araw na nag bar sila kinabukasan minessage ko si Mikko at hindi naman pala nalasing si Jv pero nakainom lang.
Ilang beses ko na rin sinubukan kausapin si Jv pero hindi nangyayari kasi lagi syang may kasamang iba't ibang babae hindi ko alam kung sinasadja nya ba iyon o gusto nya lang ipakita sa akin na kaya nya maghanap ng iba.
Sabagay nasa kanya naman na ang lahat kaya sino bang hindi magkakagusto sa kanya diba? Nagkakasama kami barkada pero hindi na kami katulad ng dati ni Jv.
Pasalamat na lang ako na nandyan sila Mikko para alisin sa amin yung awkwardness na nararamdaman ko kay Jv. Aaminin ko nami-miss ko na sya yung dating Jv na nakilala ko, hindi ko rin mapigilan na hindi sya nakawan ng tingin kapag hindi sya nakatingin sa akin.
Nagseselos ako sa mga babaeng nakakasama nya pero wala akong karapatan kasi ako mismo ang nagtaboy sa kanya. Ako mismo nagsabing maging magkaibigan na lang kami. Gusto kong bawiin sa kanya iyon pero natatakot ako baka ipagtabuyan na nya ako.
Ilang araw na rin ako dito sa company namin para mag start sa OJT ko nagkikita-kita pa rin kami nila Mikko pero madalas wala si Jv minsan gumagawa na rin ng paraan si Allan para mapapunta si Jv pero ayaw nya talaga.
Siguro kasi alam nyang andun pa rin ako at kilalang kilala nya ang mga kaibigan nya. Hindi na rin ako nakakapanuod ng mga laro nya kasi ginawa nya yung gusto ko. Sinabi nya sa lahat na wala na kami at panay bash sa akin mga fan girls nya.
Nakakausap ko si Gaile patungkol kay Jv at nag wo-worried na rin sya sa mga ginagawa ni Jv kahit kami nag aalala na rin sa kanya hindi naman sya ganon dati na babaero na.
Hindi ko maiwasan maguilty sa ginawa ko. Hindi ko maiwasan masaktan sa pag babago ni Jv. Yung dating Mr. Lover na kilala ko naging Mr. Playboy na.
Andito ako ngayon sa Coffee Area namin at binisita ako ni Gaile since kilalang-kilala sya dito madali na sya nakakapasok dito sa company namin.
"Ate Ivy sa tingin mo ba babalik pa si kuya sa dati?" tanong sa akin ni Gaile.
Napaisip rin ako sa tanong nya at sana naman bumalik pa sya sa dati.
"Ba-baka naman. Pero kung hindi ko sana sya nireject edi sana matino pa sya" napatingin ako sa hawak kong tasa.
"Ate wala ka naman kasalanan naiintindihan kita na gusto mo lang protektahan pagkakaibigan nyo ni kuya." pang papakalma nya sa akin.
"Bakit mo nga pala natanong iyon? " pag iiba ko ng topic kasi ayoko na muna isipin ang nagawa ko kay Jv.
"Kasi binging bingi na ako sa mga sumusugod sa bahay dahil lang sa hiniwalayan sila ni Kuya ang dami na nga namin napa banned sa Village natin dahil kay kuya" pag rereklamo ni Gaile
"Bakit? Ilang beses ba mag palit ng baabe si Jv?"
"Mahigit tatlong babae sa isang araw ate Ivy may times pa nga na sabay-sabay sila sumusugod sa bahay namin. I asked kuya kung nadadala ba nya dito sa bahay hindi naman daw yun pala sinusundan sya hanggang sa bahay namin"
Nagulat ako sa sinabi ni Gaile. Ang dating Jv na kilala ko marunong makuntento sa isa pero anong nangyari sa kanya ngayon? Siguro tama lang siguro na kausapin ko sya.
"B-bakit daw ganon na yung kuya mo ngayon? H-hindi naman sya ganun dati diba? Marunong sya makuntento sa isa"
"Siguro ate dahil nasaktan sya sa hulung pag uusap nyo ni Kuya Jv. Ang laki ng epekto ng nangyari sa inyo para kay Kuya Jv. Ate mahal na mahal ka ni kuya hindi naman sya magiging ganon kung wala lang sa kanya yun"
Natahimik ako sa sinabi ni Gaile tama naman sya eh kung wala lang kay Jv yung nangyari sa amin hindi sya magiging ganito.
"Aayusin ko ito Gaile" tumingin ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay nya "I promise. Gagawin ko lahat para umayos at bumalik sa dati ang lahat sa amin nami-miss ko na rin naman sya eh" pag amin ko kay Gaile. "Ate Ivy hindi mo naman kailangan mangako eh atsaka naniniwala mamam ako sayo. At hindi rin mo rin kailangan sisihin ang sarili mo kasi wala ka naman kasalanan sa mga pagbabago ni Kuya at sa pagiging womanizer nya"
"Thank you Gaile" saka ko sya nginitian.
Nagpaalam na si Gaile na babalik na sya ng school kasi may pasok pa pala sya sumaglit lang sya dito para kamustahin ako.
Tinext ko na rin si Jv na magkita kami at gusto ko sya makausap sinend ko sa kanya ang details ng pagkikitaan namin hindi pa sya nag rereply pero sana sumipot sya mamaya.
Kinakabahan ako sa maaring mangyari sa pag uusap namin pero sana maayos namin ang tungkol sa amin. Mag so-sorry rin ako sa kanya at magpapaliwanag.
Nalaman ko rin kay Gaile na walang gabi na laging tumatambay sa bar si Jv kasama sila Mikko at yung mga nagiging babae ni Jv. Hindi ko na maintindihan ang dapat gawin sa kanya natatakot naman ako na kapag nagsabi ako ng side ko mas magalit sya sa akin.
Gusto ko lang umayos ang lahat sa amin wala na akong ibang gusto pa kasi si Jv na lang yung mas higit na nakakakilala sa akin, sya yung mas higit na nakakaintindi sa akin pero pano kami babalik sa dati kung ganito na kami malayo sa isa't-isa.
Kung sakaling hindi sumipot sa usapan namin si Jv kinausap ko sila Mikko na ako ang tawagan o Imessage nila kapag nakipag kita sa kanila si Jv.
Ako na mismo ang pupunta sa bar para mas makausap sya ng maayos at mas magkaintindihan kami. Wala na akong pake kung maraming tao at maingay doon basta makita ko si Jv at makausap ok na ako doon.
Pasalamat na rin ako kasi tinutulungan ako nila Mikko sa sitwasyon namin ni Jv thankful ako na nandyan sya para sa akin lalo na si Gaile. Tama na ang pagiging mapride aayusin ko ang sa amin ni Jv masyado na rin ako nagmatigas para lang lumayo sa kanya at hindi ko akalain ganito ang epekto sa kanya.