webnovel

Get My Revenge!

Blood XXIV: Get My Revenge! 

Hades's Point of View 

 Hinila ko ang upuan at umupo kasabay ang pagsunod ko ng tingin kay yaya na nagsisimula ng maghanda ng pagkain ko. "Ang aga mo yata ngayon, manang?" Tanong ko kasabay ang paglapag niya nung plato sa harapan ko. 

 Humagikhik siya. "Para namang hindi ka nasanay." Sambit niya at itinuon na ang atensiyon sa TV. "Pero totoo kaya 'yong mga balitang 'to? Nakakatakot." 

 Lumingon ako sa TV para panuorin ang balita. Pinapakita sa screen ang mga bangkay na natagpuan sa madilim na eskenita. 

Humarap ang TV Newscaster sa camera. "Kinikilala ang binata sa pangalang Edrick Aporongao na kasama ng kanyang kasintahan na si Alyssa Vergara. At ayon pa sa nakalap ay…" 

 Naningkit ang mata ko at napatayo noong makita ko sa screen ang pamilyar ang lugar sa akin. "Malapit lang 'yan dito, ah?" Gulat kong reaksiyon. 

Iyan kaya 'yong madalas kong daanan para hindi na ako masyadong mamasahe. Shortcut route 'yan papunta rito sa bahay. 

 

 Bigla namang bumungad ang leeg ng isang biktima sa screen kung saan mayroong dalawang butas doon at mukhang nakapakalalim. 

 Napasinghap si Manang. "Bakit ipinapakita nila 'yan? Pa'no kung may batang nanonood?!" Nag-aalalang wika ni Manang. 

 

 Napailing ako't mabilis na kinuha ang remote. 

"Maaari nga bang may iba pang naninirahan sa mundong ito maliban sa atin? O ano kayang hayop ang umatake sa kanila?" Sabi pa ro'n sa TV. 

Umiling ako't pinatay ko na lamang 'yung TV kaya bigla namang napalingon sa akin si Manang. "Ba't mo pinatay?" tanong niya pero inupuan ko lang ang remote at kinuha ang tinidor ko para kumain. 

 

 "Sa sobrang lawak ng imahinasyon ng mga tao ngayon, kung anu-ano na ang sinasabi. Hindi dapat tayo nagpapaniwala sa ganyan." Paliwanag ko 'tapos nginitian si manang. "Sabay ka na sa akin. Nakakalungkot ng mag-isa, eh." 

 Napagikhik naman siya 'tapos umupo na nga lang sa tabi ko. "Ikaw talagang bata ka." Binigyan ko lang siya ng malapad na ngiti 'tapos lumingon sa kaliwang bahagi. Hmm? 

Zedrick's Point of View

Yapak ng mga paa namin ang ume-echo sa buong paligid, hininga na hingal na hingal at ang tumutulong pawis ay patuloy sa pagbagsak. Matapos naming dumiretsyo sa condo ko para tingnan si Zoe ay naabutan naming wala na siya sa kwarto ko. Nakatanggap din kami ng tawag mula sa Head-- na si Mr. Okabe na mayro'n ng lumalaganap na duguan sa isang area ng eskenitang kinatatayuan namin ngayon. 

 Tiningnan ko ang pader kung sa'n nakaukit ang pangalan nung street. "Shea Street." Basa ko at ibinaling ang tingin sa harapan. "Hindi pa rin ako makapaniwala. Pa'nong naging bampira si Zoe?" Naguguluhan ko pa ring tanong. Imposibleng magkamali ang instinct ko. Tao si Zoe, kaya pa'nong nangyari na naging bampira siya 

 "I also have no idea. Bago lang din 'to sa akin." Kalmadong wika ni Savannah nang hindi inaalis ang tingin sa harapan. 

 Umangat pa kaunti ang ulo ko upang makita siya. Nangunguna siya sa pagtakbo samantalang na sa likuran ko naman si Vermione. "Pa'no kung nagkakamali lang tayo? Paano kung lumabas lang si Zoe kaya wala sa condo at 'yung umatake sa 'yo nung nakaraan sa dati mong condo ang pumatay sa natukoy ni Mr. Okabe?"

 "Si Zoe man o 'yung bampirang may abilidad na Pyrokinesis. Kailangan pa rin nating mahanap 'yung may gawa sa dalawang nabiktima." Lintaya ni Savannah at dikit-kilay na =lumingon sa akin. "Saka nagkakamali? Edi sinasabi mo rin sa aking nagkakamali ka lang din sa naging instinct mo nung pagpunta natin sa Destination Area 3-F? No'ng sinabi mong alam mo kung nasa'n iyong hinahanap natin?" Panghihinala niya. Tinutukoy rin niya 'yung bampirang may abilidad makapaglabas ng spirits.

 "H-Hindi! 'Di ako nagkakamali ro'n. Sigurado ak--" Napatikum ako dahil sa na-realized ko. Ito pala 'yung ibig sabihin ni Savannah. "I see, I get it now. Kung sa Area 3-F ko naramdaman ang presensiya ng bampirang iyon at biglang nawala kasabay ang paglitaw ni Zoe. Maaari ngang patibong lang siya upang makasama pabalik sa 'tin sa K.C.A. ng hindi natin napapansin ang tunay nitong katauhan." Kahit wala kaming ideya kung paano. 

 Rinig kong bumuntong-hininga si Savannah kasabay ang pagbaling niya ng tingin. "Took you long enough." 

 Tumungo ako. "Kaso sandali, we're talking about normal vampire here. Paano siya napunta sa Prison of Atlante?" Taka kong sabi. 

 "Malalaman siguro natin 'yan kapag nakita na natin 'yung hinahanap natin." Sambit ni Vermione kaya napatango ako. Tahimik kaming tumatakbo nang madaanan na namin 'yung area kung saan under investigation ang nangyaring trahedya sa dalawang biktima. Pinagkukukuha ito ng litrato habang on-going pa rin ang live news ng mga newscaster. 

 Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa amoy nung dugo. Sandali pa naming sinilip iyon bago magpatuloy. Dumiretsyo kami sa kabilang eskenita para roon maghanap. 

 Hindi naman kasi siya makakalayo dahil masyadong crowded ang lugar, 'di siya makakaalis kaagad. Maliban na lang siguro kung gagamit siya ng isang abilidad na madaling magpatakas sa kanya rito. 

 Sa kalagitnaan ng pagtakbo ay nanlaki ang mata ko. Naramdaman ko ang presensiya ng isang bampira-- ito 'yung umatake kay Savannah sa rooftop. "Nandito siy--" Mabilis kaming napaatras sa biglaang pag-atake ng kung sino. 

 Pa-slide kaming lumanding. "Zoe?" Banggit ko sa pangalan mula sa madilim na parte ng lugar. Mayamaya pa'y nagpakita na siya, suot-suot ang malapad na ngisi at yakap yakap pa rin ang kanyang maniki. 

 "My, my. What do we have here? Masyado pa yatang maaga para sa curfew ko, ba't nandito kayo?" Pang-aasar niya. Napanganga ako, ano 'tong pakiramdam na 'to? Ba't halo-halo? Hindi ko maintindihan 'yung presensiya ni Zoe. Wala sa kanya 'yung dugong bampira pero naaamoy ko sa kanya 'yung dugo nung dalawang biktima. Is it even possible? Parang nililinlang kami nito. 

Humakbang ng isa si Savannah. "Shut up, kid. 'Di kami pumunta rito para makipagbiruan sa 'yo." Seryosong sambit nito saka inilabas ang double handed gun para iputok iyon kay Zoe. Naka-silencer ang baril niya kaya walang makakarinig. 

 Mabilis na nakailag si Zoe at nagtago kasabay ang pagdilim ng ulap dahilan upang mapaangat ang tingin ko.

 Hinawakan ko ang balikat ni Savannah pagkatapos. "Save the bullets. Dumidilim na at gawa nung nakuha niyang dugo sa tao, masyado siyang mabilis kaya mahihirapan ka." 

"You're right." Pagsang-ayon nito at tinago na nga ang baril para ilabas ang dalawang katana mula sa kanyang likod. Inilipat ko naman ang tingin kay Vermione na nakalabas na rin ang isang patalim. Hindi niya inilabas ang scythe niya mula sa Concealment Guitar. 

 Muli kong iniharap ang tingin habang pinapakiramdaman ang paligid. Naririnig namin ang halakhak ni Zoe kaya mas lumapit kaming tatlo sa isa't isa. Idinikit namin ang mga likod namin at humanda. Nagmamasid noong bigla siyang lumitaw mula sa ibabaw namin. Mabilis na pinang blocked ni Savannah ang dalawa niyang katana habang pareho naming inatake ni Vermione mula sa likod si Zoe.

Luminya ang ngisi sa labi nito nang lingunin kami na siya namang kasabay sa kanyang paglaho, kaya ang nangyari ay nadaganan namin si Savannah.

"S-Sorry..." Hinging paumanhin ni Vermione habang nakapatong naman ang mukha ko sa dibdib ni Savannah. Umalis ako ro'n at patay malisya na tumayo.

Ba't ba palagi na lang ako napupunta sa gano'ng posisyon?! Aatakihin talaga ako ng Savant Syndrome ko kung nagkataon. 

Tumikhim ako at pinosisyon ang hawak sa Jian. "Here she goes." Alertong wika ko't saka sila parehong tumayo. Daan-daang nag-iilaw na pulang paniki ang umatake sa 'min na malamang ay nagmumula sa kakayahan ni Zoe-- ang spirits. 

 Sa mabilis at tuloy-tuloy nitong pag-atake, hindi na namin nagawang maiwasan ang sunod na paparating. Malakas na hangin ang tumambad sa amin na kung tatawagin niya ay wind cutter na galing din sa bat spirits niya. 

Nagkaro'n ng galos ang pisngi ni Savannah, binti ni Vermione at tagiliran ko.

Ngayon, mas naaamoy ko na ang dugo namin sa lugar na 'to.

Damn! 

 Tinakpan ko ang ilong ko at mabilis na lamang na sinugod si Zoe sa pinagtataguan niya. Naroon siya sa madilim na parte ng lugar na ito at kino-kontrol ang mga paniking paikot-ikot na lumilipad sa ere. 

"Zoe!" Tawag ko, laking gulat nito ang biglaan kong paglitaw sa kanyang harapan. Kumuha na ako ng pwersa mai-swing ang Jian Sword, handa siyang atakihin ngunit dumaan ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki sa gilid na gulat na gulat na nakatitig sa akin. "Hades?" Marahan kong banggi sa pangalan niya. Saan siya nanggaling?! 

 Sa biglaang pagka-distract ay malakas akong binigyan ng sapak sa mukha ni Zoe dahilan para tumalsik ako't mapadapa sa simento. "Sh*t..." binuhat ko ang katawan ko para makatayo. 

 Itinuon ang tingin kay Zoe na nakatingin lang din kay Hades ngayon, sa itsura pa lang niya at sa paraan ng kanyang pag ngiti ay malalaman na kaagad ang kanyang pinaplano. Kaya ang ginawa ko ay inunahan ko na siya, mabilis kong pinuntahan si Hades upang itulak siya. 

 Lumingon naman si Hades sa akin, handa na sanang saluhin 'yung biglaang paghaba't pagtalim ng kuko ni Zoe nang mabilis na sipain ni Savannah ang kamay niya't pumaikot sa ere upang bigyan ng isa pang mapwersang sipa sa sikmura si Zoe na nagpatalsik sa kanya sa pader. 

Salubong ang kilay ni Savannah na pumaharap sa akin. "Bobo!" Singhal niya't malakas akong binatukan. ARAY! 

 "You could die if you do that!" Galit na galit niyang wika. Humingi naman ako ng pasensiya pero hinila na lang niya ako bigla sa pamamagitan ng pagkuha n'ya ng damit ko't pinunasan ang dugong tumutulo sa kanyang pisngi para ipasok ang hinlalaki sa bunganga ko.

 

 Nanlaki ang mata ko saka nag activate ang aking vampire instinct. Inalis na n'ya ang daliri niya ro'n nang hindi tinatanggal ang tingin sa 'king mata. Inilapit ko ang aking bibig sa leeg niya para itusok roon ang mga matatalim kong pangil.

Nagulat si Vermione sa nakita niya kaya nanatili lang siya sa pwesto niya. Si Zoe naman ay unti-unti na ring tumatayo sa kanyang kinatatayuan. Ilang minuto rin, mabilis na siyang umatake.

 Tinanggal ko na ang pangil na nakabaon sa balat ni Savannah at malakas na binuhat si Zoe sa kanyang ulo nang makarating siya sa harapan ko. 

 Nagawa niyang i-rotate ang katawan niya't itatama sa akin ang malakas nitong sipa bagama't nakuha ko ang kanyang paa. Hinagis ko siya sa ere subalit nagawa ring maka-landing ng normal. 

 Napatitig siya sa akin na mukhang nagtataka kung ano ang nangyari. 

 

 Tumayo ako ng maayos at tumalim ang paraan ng pag tingin. "Come." hamon ko.

 Muli s'yang umatake pero sa pagkakataon na ito ay nasikmuraan ko siya ng hindi n'ya namamalayan. Napaatras siya't hawak ang sikmura, mayamaya pa'y lumuhod ito at napaubo. May kasama itong dugo ngunit nagawa pa ring matawa. "That girl's blood must be special." 

 PInanliitan ko siya ng mata. Lumapit ako sa kanya't tumigil sa kanyang harapan, wala na siyang lakas para makipaglaban pa sa akin kaya pumikit ako sandali. Iminulat kasama ang paggamit ko ng aking abilidad. "Sleep." Simpleng udyok ko. 

 Unti-unti naman itong napapapikit kasabay ang kanyang pagbagsak na kaagad ko rin namang nasalo. Naglabas ng hininga saka ibinaling ang tingin kay Hades na nakatulala lamang sa akin.

Nanginginig niyang inangat ang kamay para ituro kami. "Bakit kayo nandito?" Tanong niya at huminto ang tingin sa akin. "S-sino ka?!" 

 Tumungo ako. Alam ko. Alam kong natatakot siya. Kaya ngayon pa lang? 

 

 Alam ko na rin ang dapat na gawin. 

Lumingon ako kay Savannah at ibinigay na muna sa kanya si Zoe. Aasikasuhin namin siya pagkatapos nito. Naglakad ako papunta kay Hades ngunit napahinto nang bigla rin akong tutukan ng baril ni Vermione na mabilis niyang kinuha mula kay Savannah. 

 Nilingon ko si Vermione na ngayon ay iba ang itsura. Naninilim ang ilalim ng mata niya at medyo nanginginig na nakatingin sa akin. Lukot din ang mukha, gusto akong patayin. "Put it down." Seryoso kong pakiusap pero hindi siya sumunod at mas binigyan lamang ako ng matalim na tingin. 

She clenched her gun. "Why didn't you tell me?" She asked. Humarap ako sa kanya at itinaas ang dalawa kong kamay na para bang sumusuko sa police.

"Tingin mo, bakit?" Kalmadong tanong ko. Kapag nalaman niyang ako nga ang anak ni Bryan Olson, she'll kill me. 

 Naningkit ang tingin niya. "I've been looking for his son, Zedrick... For how many years, I've been looking for you." Paanas pero sapat lang upang marinig ko. 

"Vermione. Pag-usapan natin 't--" Pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagkasa niya ng baril na nagpatahimik sa akin, iba na ang itsura niya kumpara nung una ko siyang nakita. 

"Now that I've finally found you, can I at least..." Tumindig ang balahibo ko nang makagawa siya ng mukhang hindi mo aasahan na makita mula sa kanya, "Get my revenge?" Wala sa sarili nitong sabi at handa na rin akong tamaan ng bala sa noo nang humarang na si Hades.

"Vermione!"

Bumalik siya sa katinuan pagkarinig pa lang niya sa sigaw ni Hades. Ngunit hindi sinasadyang pihitin ito kaya lumabas pa rin ang bala't tumama sa kanang balikat ni Hades.

 "Ackk!" Sigaw ni Hades sa sakit at napaluhod.

"Hades!" Tawag ni Savannah at lalapit sana noong sumenyas lamang si Hades na huwag nang lumapit. Tumigil naman si Savannah gayun din ako. Inangat niya ang tingin at ngiting tiningnan si Vermione.

"No matter what happened to your past, this person has nothing to do with it." Panimula ni Hades. "Think thoroughly, if you do get your revenge, will you gain anything?"

Natahimik si Vermione sa binatong tanong ni Hades. "Sino ba ang may atraso sa 'yo? Si Zedrick ba?" Dagdag ni Hades na nanginginig na rin ang katawan. 

 Umabante ako ng isang hakbang. Nag-aalala sa sitwasyon ni Hades. 

 Nakita ko ang pagyukom ng kamao ni Vermione at walang nagawa kundi ang tumalikod at umalis sa lugar. Hindi na namin siya hinabol at hinayaan lang siya, kailangan niyang mag-isip. Wala rin akong pwedeng gawin kundi ang manahimik. 'Di ako ang makakatulong sa problema niya. 

 Tumayo si Hades at humarap sa akin. "Bud-- " Itinapat ko ang mga palad ko sa noo niya.

"I swear to heal you after this. But first, I'm sorry." Pagkasabi ko no'n ay binura ko na ang memorya niya sa araw na ito. Bumagsak siya sa simento samantalang nakatitig lamang ako sa kanya. Lumapit sa akin si Savannah, nakaakbay sa kanya ang walang malay na si Zoe. 

 "You didn't hesitate to do it." 

Hindi ako kumibo. "It is the best thing to do, he deserves a peaceful life. Ayoko siyang madamay sa magiging gulo na mangyayari sa kasalukuyan." Wika ko na may pag-aalala sa aking boses. 

 Pumikit siya sandali para pakiramdaman ang biglaang lakas ng hanging tumatama sa aming mga balat. Iniangat ko ang tingin sa madilim na kalangitan saka bumuntong-hininga. "Present..." Banggit niya upang iangat ko rin ang aking tingin.

 "What do you think will happen in the future?" I asked.

She shrugged. "Beats me." Sagot niya at ngiti akong nilingunan. "But the future depends on how we choose our path. Whether it is good or bad, we must protect it."

Napangiti na rin ako sa sinabi niya, "Yeah, even if we have to risk our lives and die." 

次の章へ