Blood XXV: Faintness of Heart
Savannah's Point of View
Bago ako lumayo sa natutulog na si Zoe ay siniguro ko munang hindi siya makakawala kung sakaling magising siya anytime. Kung anu-ano ang pinanggapos ko sa kanya dahil malilintikan talaga ako kung makakatakas pa siya.
Nilagyan ko nga rin siya ng anti-vampire seal sa dibdib niya para hindi niya magamit 'yung abilidad niya.
Nagpameywang ako't tumango. Okay na siguro 'yan.
Bumakas sa mukha ni Zedrick ang kanyang pag-aalala. "Sigurado ka bang ganyan ang magiging ayos n'ya hanggang sa magising? Baka mangawit si--"
Bigla akong lumingon sa kanya upang bigyan siya ng blanko pero nakamamatay na tingin. Napatikum naman ang bibig niya't humawak sa kanyang batok. "I see, you have already found your love interest."
Mabilis niyang iwinagayway ang dalawa niyang kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "No! You've got the wrong idea. Nag-aalala lang ako dahil katawang tao siya."
Nagbuga siya ng hininga. "Mangalay man siya o hindi. Hayaan mo siya, tatanggalin din naman natin 'yung nakagapos sa kanya kapag nagising na siya. Sa ngayon, magpapakuha na muna ako ng Doctor para tingnan 'yung kondisyon niya." Sambit ko't naglakad paalis ng kwarto. Sumunod naman sa akin si Zedrick.
Dito kami sa bahay ko dumiretsyo dahil hindi naman pwedeng sa condominium ni Zedrick dahil baka mamaya, magkaroon ng gulo lalo pa't maraming residence roon.
Ako lang naman ang nandito sa area, magkakalayo ang mga bahay bahay kaya maganda na ring dito ko dinala si Zoe.
Kinuha ko ang double handed gun ko't iniikot iyon sa daliri pagkatapos ay ipinasok sa lalagyan ko na suot-suot lang din ng hita ko. "Let's go." yaya ko kay Zedrick.
Tinuro naman niya ang bandang school skirt ko, may pasok pa rin kasi kami ngayon. "Sa'n tayo pupunta? Prison of Atlante?" Umiling ako bilang sa sagot sa kanyang katanungan.
"Palagi ko 'tong dala-dala, Zedrick. Saka for protection din ito, wala kasi tayong ideya kung kailan ulit 'yung susunod na pag-atake." Paliwanag ko saka naglakad.
"Wala ka bang kaibigan na nagtataas ng palda?" Napakagat-labi ako ako sa tanong niya. "O baka mamaya, ma-PH care ka niyan kapag humangin ng malaka-- A-aww!" Inilapit ko si Zedrick sa akin sa pamamagitan ng paghila ko sa tainga niya.
"Kung anu-ano iniisip mo. Hindi ko naman 'to itatago sa ilalim ng skirt kung alam kong makikita 'to ng iba. May transparent cloth ako kaya 'di rin nila makikita 'yung dalawa kong baril." Tugon ko na ikinahagikhik niya.
"O-Oo nga naman. Sabi ko nga." Nauutal niyang wika saka ko siya binitawan. Hinimas-himas naman niya ang tainga niya't napanguso. Lumabas na kami ng gate. Naglakad papunta sa K.C.A. dahil maaga-aga pa naman. Lumingon ako kay Zedrick na humihikab na rin ngayon. "Effort ba 'yan sa pag-aalaga mo kay Zoe?" Tanong ko nang nakasimangot.
"Savannah. Nagseselos ka 'no?" Biro niya sa akin na nagpabuga lang sa akin ng aking hininga.
"Sabi kong Sav na lang, 'di ba? And for your information, there's no reason for me to get jealous." Parang napapagod kong sabi. Humawak siya sa bibig niya't umaktong nag-iiiyak.
"Sayang. Gusto pa naman kita pero wala akong pag-asa sa 'yo." At tinakpan naman niya ang mata niya.
Inilayo ko naman ang tingin. "Umayos ka nga." Suway ko sa kanya at ibinaling ulit ang tingin. "So? What are you planning to do?" Tanong ko.
Ibinaba niy ang mga kamay niya at nilingon ako. "Tinutukoy mo ba si Vermione?" Tanong ko na tinanguan ko. Ipinasok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya't tumingala. "Nothing. Wala akong pwedeng gawin para sa kanya. If she thinks of me as her comrade. She'll trust me, no matter what."
"That's true but," I paused. "You still have to talk to her."
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya at ibinaba ang tingin habang nakalayo rin ang tingin. "No. Let her." Kumunot-noo ako. "Kung magiging sarado ang isip niya, she won't listen. Sa utak niya, isa lang din ako sa blood sucker tulad ng lalaking 'yun-- sa ama ko." Huminga ako ng malalim habang pinapakinggan lang ang sinasabi niya. "Hindi ko siya masisisi. She had a traumatic experience with vampires afterall. Kaya wala akong pwedeng gaw--"
Tumigil ako sa paglalakad. "Hahayaan mo lang na isipin 'yun sa 'yo ni Vermione?" Tanong ko na may malamig na tono kaya napahinto na rin siya. Humarap siya sa akin, samantalang dikit-kilay lang akong nakatingin sa kanya. "The person who's not being a real comrade here is you."
Nagsalubong na rin ang kilay ni Zedrick. Naguguluhan sa sinabi ko. "Paanong ako? Sinasabi ko lang 'yung kung ano ang tingin k--"
"If Vermione didn't think of you as her comrade. Ngayon pa lang, abo ka na, o kaya nakahiga ka ngayon sa kama mo. Pero 'di ba? Hindi niya ginawa?" I asked him.
"That's because Hades convinced her--"
"More reason to talk to her. Deep in her heart, she still have her reason not to hate you at all. Knowing that you're a vampire." Napaawang-bibig siya sa sinabi ko. Mukhang mayro'n siyang na-realize. "You're being coward of fixing the issue because of the way you are thinking. Because of that mindset of yours, you can't find a reason to do some thing." Litanya ko.
Natulala siya pero inayos din ang sarili. Mayamaya lang ay nagulat na lang din ako noong sapakin niya ang sarili niya. Hindi pa nakuntento dahil sinampal pa n'ya 'yong kaliwang pisngi niya. "Hoy! Baliw ka ba?! Ba't mo 'yon ginawa?!" I asked him with disbelief.
Humagikhik naman siya at inangat na ang tingin para bigyan ako ng matamis na ngiti. "I'm not a man if I let a girl suffer because of me." Wika niya na may ngiti sa kanyang labi. Medyo napaawang-bibig ako at napaiwas ng tingin. Geez…
Kinuha ni Zedrick ang kaliwa kong kamay kaya tumungo ako upang tingnan iyon. "Thank you, my lady." Pagpapa-salamat niya kasabay ang paghalik ng likurang palad ko. Sumabay ang malakas na pag-ihip ng hangin gayun din ang pagsayaw ng aking mga buhok sa ere.
Inangat niya ang ulo para magsalubong ang tingin naming pareho. Natatakpan na ng buhok ang mukha niya kaya walang kontrol ang kamay kong humawak sa pisngi niya para ihawi 'yong buhok na humaharang sa kabuuan ng kanyang mukha.
How long can you stay by my side, Zedrick?