webnovel

Chapter 2. “Mr. Cold and the Jerk”

Chapter 2. "Mr. Cold and the Jerk"

Laarni's POV

Natapos na ang morning subjects namin. At lunch break na. Kanina habang nasa klase kami. Hindi mawala ang kaba ko sa dibdib ko. Maya't-maya ko namang nililingon ang lalaking nakaupo sa kaliwa ko. Tuwing lilingonin ko naman ito. Nakatingin lang ito sa malayo sa labas ng bintana. At tuwing titingin ako sa harap, sa pisara. May ilang mga babae naman ang nakatingin sa akin at tsaka nila ako iismiran. Hindi ko na lang sila pinapansin. Mas mabuti na iyon para walang gulo.

Noong nag-bell naman na para sa lunch break. Tumayo na ang lalaking nakaupo sa kaliwang side ko habang ako nag-aayos ng mga gamit ko. Mabilis itong naglakad palabas ng room namin.

"Ang weird." Nasabi ko na lang sa sarili ko at tsaka inilagay sa loob ng bag ko ang mga gamit ko.

"Hi! Ako si Leicy. Leicy Betinez."

"Hello, Laarni Saldivar, Arni na lang for short"

"Hi Arni! So?" nagulat naman ako sa biglang pagkalabog nito sa desk ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Anong connection mo kay Abrylle? Tapos kanina niligtas ka pa ni Lexter. So? Ano ka nila?" nagtaka naman at nabigla ako sa tanong ni Leicy habang siya naman at parang imbestigador na nakatingin sa akin.

"W-wala?" iyon na lamang ang nasabi ko.

"Ano? Wala? Weh?" inilayo naman nito ang mukha niya sa akin at tumayo sa harap ko. "Imposible. Si Abrylle? At tsaka si Lexter? Hmmm" nag-crossarms naman ito at tila may kung anong iniisip habang hinihipos-hipos ang baba nito. "Nakapagtataka."

"Anong nakapagtataka?" tanong ko rito.

"Hmmm, sinong kasabay mo mag-lunch?"

Narito kami ngayon ni Leicy sa canteen. At hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa mga nakikita ko. Ang ganda ng canteen nila ay mali, cafeteria pala ang tawag nila dito. Parang nasa mamahaling restaurant ka.

"Come here Arni! Let sit here!" tawag sa akin ni Leicy.

"Yan, so? Sasabihin mo na ba sa akin?" tanong ulit ni Leicy.

"Ano bang sasabihin ko?" sagot ko rito habang inaayos ang pagkain sa tray ko.

"Yung connection mo sa dalawang 'yon."

"Huh? Di ko alam. Wala naman akong connection sa kanila."

"Wala?" tumango naman ako sa tanong nito at kumain na. "Imposible."

"Huh? Ano bang imposible 'don?" tanong ko kay Leicy.

"Hays, transferred student ka nga pala. And you don't have any idea."

"Huh? Ano ba 'yon?"

"Okay, mukhang di mo nga alam. Makinig ka. Dahil kailangan mong malaman ang kwentong ito." Para siyang ewan pero nakatutok ako sa mga sasabihin niya. Sandali? Interesado?

"Si John Abrylle De Mesa, ang may title na Mr. Cold, Prince Abrylle, at Master Abrylle. Siya ang anak ng may-ari ng school na ito. Siya rin ang nag-iisang taga-pagmana ng company nila maging ang school na ito. Pero nahalata mo naman, hindi mahilig makisalamuha si Abrylle sa mga tao. At 'yon ang pinagtataka ng lahat kanina." Pagpapaliwanag nito.

"Kanina?" tanong ko.

"Oo, kanina. Yung upuan mo."

"Ano namang meron sa upuan ko?" naguguluhan kong tanong rito. Kumain muna siya at uminum at tsaka nagsalita.

"Kay Abrylle ang upuan na iyon. At alam mo bang wala siyang pinapaupo sa upuan na iyon! Wala ring nakakalapit o nakakadikit sa upuan na iyon." Pagliwanag ni Leicy.

"Bakit naman?"

"Ewan ko. Walang nakakaalam."

"Huh? Ang gulo naman." Sagot ko dito at tsaka kumain ulit.

"Oo, sobrang gulo. Lalo na nung dumating ka."

"Huh? Bakit naman ako nadamay? Ang gusto ko lang mag-aral. Yun lang." kumain na lang ako ulit.

"Pero sandali. Eh bakit ka naman niligtas ni Lexter?"

"Huh? Niligtas? Hindi naman niya ako niligtas ah."

"Anong hindi. Hay nako. Kilala mo ba yung babaeng umepal sayo kanina?" tanong nito. Iniling iling ko naman ang ulo ko bilang sagot. "Hay nako siya si—"

"Ako si Courtney Aickman." Nabigla kami pareho ni Leicy ng magsalita sa gilid namin yung babae kanina. "Oh, ikaw naman Leicy, nag-abala ka pang ipakilala ako sa new classmate natin." Sarcastic na sabi ni Courtney. Halata naman kay Leicy ang kaba. "At tsaka sinong epal Leicy, ako ba?" sabi ni Courtney sabay buhos ng juice kay Leicy. Nagulat naman ako sa ginawa nito. Habang si Leicy ay napayuko na lang. "Mukhang nakakalimutan mo ang baba ng level mo sa school na 'to Leicy. At ikaw." Tingin sa akin. "Mukhang hindi magiging maganda ang lagay mo rito. Mas mabuti pang bumalik ka na sa bukid na pinanggalingan mo." Sabi nito at tsaka kami tinalikuran at naglakad na paalis.

"Ayos ka lang ba?" alam kong mali yung tanong ko, dahil obvious naman na hindi siya maayos. Tumayo ako sa silya at kinuha ang panyo ko at pinunasan ang mukha at buhok niya. Naririnig ko ang paghikbi niya. Habang pinupunasan ko siya. May bigla namang humawak sa braso ko. Nang tignan ko kung sino.

"Ikaw?" nagulat kong sabi dito.

"Sumama ka saken" bigla na lamang akong hinila nito palabas ng cafeteria.

"Saan mo ba ako dadalhin?! Hoy bitawan mo ako." Pagpupumiglas ko dito. Dinala niya ako sa garden at tsaka binitawan. Hindi ito simpleng garden. Butterfly garden pala ito.

"Laarni right?" tanong nito sa akin habang may nakakainis na ngiti sa labi.

"Oo, at ikaw si Lexter Monteverde." Naiinis kong sagot dito.

"Wow! Naks naman! Sikat pala talaga ako sa school na 'to? Hahaha. Iba na talaga pag pogi."

"Ano? Ang yabang mo din 'no? diyan ka na nga!" naglakad na ako palabas ng garden pero bigla ako nitong pinigilan at humarang sa daraanan ko. "Ano ba?"

"May tatlo lang akong sasabihin sayo."

"Ano?"

"Una, wag kang lalapit kay Abrylle. Pangalawa, wag kang sasama kay Courtney at pangatlo, sasama ka sa akin every lunch. Okay?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Tinignan ako nito ng direkta sa aking mga mata. At napansin kong dahan-dahan na nawala ang masayahin nitong mukha at napalitan ng seryosong mukha. Lumapit ito sa akin.

"Para sa kaligtasan mo…" matapos niyang sabihin 'yon. Nauna na siyang lumabas sa akin sa garden. Habang ako naiwang nagtataka sa mga sinabi nito. Ano bang nangyayari? Ano bang meron sa school na 'to?

Nag-ring na ang bell at bumalik na ulit ako sa room. Pero laking gulat ko ng pagbalik ko sa room ay nagkalat ang mga notebook at libro ko sa ibaba ng desk ko. Napatingin ako sa mga kaklase ko pero wala ni isa sa kanila ang tumitingin sa akin. Kung meron man, ay iismiran agad ako. Napatingin rin ako kay Leicy at nag-mouth talk ito sa akin at binanggit ang pangalan ni Courtney. Siya pala ang may gawa nito.

Inayos ko ang mga notebook at libro ko. Pero hindi koi to ipinasok sa bag ko. Naglakad ako papunta sa desk ni Courtney na patay-malisyang nag-lilinis kuno ng kuko niya. Pagdating ko sa harap ng desk nito. Ibinagsak ko sa desk niya ang notebook at librong inihulog niya sa lapag kanina.

"Nasa loob ng bag ko ang mga iyan kanina. Pero mayroong naghulog sa ibaba, ah! Ikaw nga pala ang naghulog niya. Alam mo, tinuruan ako ng Nanay ko na ibalik sa lugar ang mga kinuha o ginalaw kong gamit." Sabi ko dito.

Tinignan naman ako ng masama nito. "So? Paki-alam ko sa sinabi ng Nanay mo?" mataray nitong sabi.

"Ibalik mo yan sa bag ko." Sagot ko dito.

"Bakit ko gagawin 'yon?" tanong nito. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.

"Dahil ikaw ang naghulog nito. Alam mo kung sa tingin mo natatakot ako sayo at magagawa mo sa akin ang ginawa mo kay Leicy, pwes, nagkakamali ka."

"Pinagbabantaan mo ba ako?" tumayo ito at pinanlisikan ako ng mata.

"Hind iyon isang banta. Isa iyong paalala." Sagot ko dito at kinuha ang mga gamit ko sa desk niya at tsaka naglakad pabalik sa desk ko. Pero ng pagtaliko ko dito bigla niya akong itinulak. Akala ko at babagsak ako sa sahig pero may biglang umakay sa akin. Nang tignan ko kung sino ito.

"A-Abrylle?" nabiglang sabi ni Courtney. Hindi ko naman alam ang gagawin ko habang hawak ng lalaking ito ang braso ko.

"Ah eh…" umayos ako ng tayo at nagpasalamat. Pero hindi ako pinansin nito at naupo na lamang sa upuan niya.

"Ugh!!!" naiinis namang bumalik si Courtney sa upuan nito.

Hindi ko maipaliwanag. Noong mga oras na hinawakan ako nito. Bakit parang huminto ang oras. At nang titigan ko ang mukha nito. Para siyang anghel.

Palihim ko naman itong nilingon sa tabi ko. At nakita ko na naman itong nakamasid sa malayo sa labas ng bintana. Tama nga si Leicy. Siya nga amg Mr. Cold ng campus na ito. Pero bakit kaya malamig ang pakikitungo niya?

次の章へ