Chapter 3. "First Day, Gone Bad"
Laarni's POV
First day ko pa lang nsa school ang dami nang nangyari. At gulong gulo ang isip ko sa mga nangyayari. Ang weird ng mga tao sa school na 'to. Hindi ito isang typical na school. Alam ko na mayayaman ang nag-aaral dito, mga elite ba. At napapanuod ko lang sa TV ang mga ganitong school. Pero iba ang sa TV at sa reyalidad.
Yung kanina. Yung lalaking 'yon. Bakit niya ako tinulungan? Marahan kong tinignan ito sa kaliwa ko. Dahan-dahan koi tong lilingunin. Nang pagtingin ko dito. Nahuli ako nitong tumingin sa kanya at nagbanggaan ang aming mga tingin. Agad kong iniwas ang tingin ko dito at iniharap sa pisara. Bigla akong kinabahan doon ah. Bakit siya nakatingin sa akin? Wait? Teka, sandali. Baka naman nagkakamali lang ako. Bakit naman siya titingin sa akin?
Nag-focus ako na makinig sa teacher namin sa harap. Pero kahit na nakikinig ang tainga ko. Lumilipad naman ang isipan ko. At ang nasa isipan ko, ay ang pagtulog na ginawa kanina ng lalaking katabi ko.
"Okay class, find your partner now."
"Huh?" nabigla ako sa sinabi ng teacher namin.
"Yes Miss Saldivar?"
"Um, nothing sir."
"Okay, do this seatwork with your partner. Pupunta lang ako sa faculty at pagbalik ko, dapat tapos na ang seatwork niyo. Understand?"
"Yes Sir."
Lumabas na ang teacher namin at ang mga kaklase ko ay kanya kanya na ang hanap ng partner. Habang ako, nagaalingan na kausapin ang isa sa kanila. Parang wala nga ni isa sa kanila ang interesado na maging partner ko eh. Tinignan ko si Leicy pero may partner na siya. Wala akong choice. Nilingon ko ang lalaking nasa kaliwa ko. Pero nang tignan ko ito, nakamasid na naman siya sa labas ng bintana.
Act right Arni, just him to be your partner, 'yon lang. For your seatwork's sake.
"Um…" parang nagbibilang ako ng oras habang nakaharap sa kanya. Ano ba kasing problema ng isang 'to at hindi man lang nagsasalita. Paghinga lang ba ang alam nito?
"Um…pwede ka bang maging partner?" nagulat ako sa ibang ingay. At pagtingin ko sa paligid ko. Lahat ng mga kaklase kong babae ay nakatingin ng masama sa akin. Habang ako, walang alam sa ginagawa nila.
"Oh my gosh! She's so kapal!"
"What the hell? Bakit niya kinakausap si Prince Abrylle?"
"That ambitious bitch! Ugh!"
"The nerve! I'll kill that slut!"
Kung nakakapatay ang mga tingin nila. Malamang sa malamang nasa funeral na ako. At double dead pa dahil sa mga harsh words nila. Ano bang masama na kausapin ang lalaking 'to? Nabaling naman ang tingin k okay Leicy at umakto ito na tila may masamang mangyayari.
Lahat naman kami ay nagulat sa biglang pagtunog ng urong ng upuan. Pagtingin namin si Courtney ito at tumayo. Pagtayo nito ay agad na tumingin sa akin. Tahimik at nakataas ang kilay habang pinapatay ako sa tingin. Naglakad ito papunta sa akin hanggang sa makarating sa desk ko.
Ano naman ang gagawin ng isang 'to?
"Hindi k aba tinuruan ng Nanay mo na—"
"Enough Courtney." Nagulat ang lahat at nabuo ang maraming komosyon sa loob ng roon namin ng pigilan ni Abrylle sa pagsasalita si Courtney na ngayon ay nasa harap ko.
"What? Anong 'enough'? This girl—"
"That girl is my partner." Mas lalong nabuo ang komosyon sa loob ng room namin. At nang pansyalan ko ng tingin ang mga kaklase kong nakapalibot sa amin ay ang sasama ng tingin sa akin at nakanguso naman ang iba na akala mo na-busted.
"What? Are you out of your mind? Bakit ang isang 'to?" Courtney pointe me.
"Stop talking to me. I'm too busy to talk to you. Go back to your seat now." Direchong utos ng lalaki kay Courtney. Halata naman sa mukha ni Courtney ang pagkaasar. Tumingin ito sa akin.
"Ugh! This is not over yet! I will make your life as a living hell!" sigaw nito sa akin at tsaka mabilis na naglakad pabalik sa seat nito at kinuha ang bag tsaka lumabas ng classroom.
"Oh kayo? Balik na sa mga upuan niyo! Hahahaha." Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Lexter. Tinignan din ako nito. Lumapit ito sa akin. "Yung una kong sinabi, nilabag mo na. Pero ayos lang, dahil ise-save kita." Naguluhan ako sa sinabi nito. Nagulat na lamang ako ng bigla akong hawakan nito sa braso. "Hey, Mr. Cold, pero ang babaeng ito ay ang partner ko." Sabi nito kay Abrylle. Pero nanatiling kalmado at hindi siya pinansin ni Abrylle. "Okay, silence means yes! Tara na partner!" hinila ako nito paalis sa seat ko. Wala na akong nagawa sa ginawa nitong paghila sa akin. Nang paalis na ako sa seat ko, tinignan ko pa si Abrylle, pero nanatili lang itong nakamasid sa labas ng bintana.
"Have seat here," pinaupo ako ni Lexter sa upuan niya. Siya naman ay kumuha ng ibang upuan. "Oh? Okay ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo ah. Haha."
"Ah, okay lang. May iniisip lang."
"Ako ba yung iniisip mo?" inilapit naman niya ang mukha sa akin habang may nakakalokong ngiti.
"Miss my ass…" asar kong sagot dito. At tsaka niya inilayo ang mukha niya.
"'to naman, binibiro lang eh. Hahaha. So? Tara na, let so our seatwork."
Ginawa na namin yung seatwork namin. In all fairness, matalino pala tong si Lexter. Mukhang mali ang first impression ko sa isang 'to. Sa unang tingin kasi, mukha siyang bulakbol at tamad mag-aral. Naalala ko pa ang sinabi niya kanina na inaagaw ko daw ang title niya sa pagiging late. So lagi pala siyang late sa klase. Pero mukhang hindi naman siya masamang istudyante.
Nakatingin lang ako kay Lexter habang nagsusulat siya. Siya kasi ang bahala para sa revision ng seatwork namin. Kanina habang nagb-brainstorm kami ako na ang nagsulat. Habang siya rin naman ang maraming ideas na nabigay. Habang nakatingin ako kay Lexter. Bigla ko namang naipaling ang tingin ko sa upuan ko. At nabigla ako sa nakita ko. Nanglaki ang mata at tila bumagal ang oras ng makita kong nakatingin sa puwesto namin si Abrylle.
Pakiramdam ko. Pinagpapawisan ang palad ko at nanlalamig. Para akong matutunaw sa mga titig niya.
"Tsk. Sabi nang wag lalapit sa kanya eh." Nabalik ang isipan ko sa realidad ng magsalita si Lexter. "I know that he's really a good man. Pero like what I've said. Layuan mo siya kung gusto mong mabuhay pa sa school na 'to."
"Ano bang meron kay Abrylle at pinapalayo mo ako sa kanya?" tanong ko rito. Pero nanahimik lang si Lexter at iniwas ang tingin niya.
"Okay class, pass your works now." Dumating na pala ang teacher namin. Bumalik na ako sa seat ko.
Ipinasa na ng mga kaklase ko ang mga ginawa nila. Tumayo na rin ako para ipasa ang ginawa namin ni Lexter. Habang naglalakad ako. Masama pa rin ang tingin sa akin ng mga kaklase kong babae. At ang nakakainis pa, ¾ ng mga classmates ko ang babae. Kaunti lang ang lalaki.
"Ah! Aray ko~" dirediretso akong natumba sa sahig matapos akong mapatid. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa nangyari.
"What happened Miss Saldivar?" tanong ng Teacher namin at tsaka ako inalalayan na makatayo. Pero masakit ang ankle ko.
"Napatid po yata ako Sir."
Nang makatayo ako. Tinignan ko yung desk na dinaanan ko. Yung babaeng nakaupo doon. Nakangiti ng malapad habang nakataas ang kilay.
"Pinatid niya po ako Sir." Turo ko sa babaeng pumatid sa akin.
"What the hell are you taling about?" maang-maangan nito. "I'm not going to waste my time just to tripped you bitch." Dagdag pa nito.
"Enough! Go back to your seat Miss Saldivar."
Kahit na masakit. Pinilit kong maglakad mag-isa. Habang naglalakad ako. Naririnig ko pa ang bungisngis ng mga kaklase kong babae.
Ugh! Nakakainis.
Nakayuko lang ako habang naglalakad at nakaalalay ang isa kong kamay sa bewang ko. Mukha akong matandang may rayuma.
"Let me help you." nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko at inalalayan ako. Nang tignan ko ito. Si Abrylle. Nabuo na naman ang komosyon ng mga kaklase kong babae sa loob ng room na akala mo ay inagawan ng laruan.
"Ugh! Bakit siya hinawakan ni Prince Abrylle!"
"Ugh! That bitch! Nakakainis!"
"Nakakainggit naman"
Kanya kanya silang maktol. Wala na akong nagawa at pumayag na lamang na tulungan ni Abrylle. Nang makarating ako sa seat ko. Bumalik na rin siya sa upuan niya.
"Salamat." Sabi ko dito. Pero hindi na ako nito pinansin at ibinaling na lang ang tingin sa bintana. Bahagya akong napangiti sa ginawa nitong pagtulong sa akin.
----------------
"Class dismissed!" nagsitayuan na ang mga kaklase ko. Ang iba lumabas na ng room, ang iba naman nag-aayos pa ng sarili. Karamihan puro babae. Ako naman ay inaayos lang ang mga notebooks at books ko. Nabigla ako ng tumayo si Abrylle sa seat niya at naglakad palabas ng room. Napatingin na lang ako dito at pinagmasdan siyang lumabas ng room.
Tumayo na rin ako para umuwi. Naalala ko na kailangan ko pa palang tulungan si Mama na mag-ayos ng bahay. At tsaka aayusin ko rin ang kwarto ko ngayon. Gagawa pa ng homework. Marami pa akong gagawin.
Naglakad na ako palabas ng room. Pagpunta ko sa tapat ng elevator. Ang daming students, at ang iba sa kanila ay classmates ko pa. Ang sama ng mga tingin nila sa akin. Suguro hindi tama na mag-elevator ako. Tumalikod na para bumaba gamit ang hagdan pero pagtalikod ko. Bumungad naman sa akin ang nakangiting mukha ni Lexter.
"Oh? San ka pupunta Arni? Tara na! sabay na tayo sa elevator." Inakbayan ako nito at sinabay sa lakad niya. "Excuse me, dadaan ang pogi." Hinawi nito ang kumpulan ng ilang istudyante. "Okay, kami muna ang gagamit ng elevator okay? Walang sasabay sa aming dalawa, maliwanag?" sabi nito sa mga istudyanteng naghihintay sa elevator.
"Ano ka ba, sila ang naunang naghintay dito." Singhal ko sa kanya at pilit na inaalis ang pagkakaakbay niya sa akin.
"Hayaan mo sila. Remember? Yung pangatlo kong sinabi sayo?"
"Eat lunch with you? Bakit lunch ba ngayon?"
"Yun ba ang sinabi ko? Mali yun. Dapat lagi ka lang didikit sa akin."
"Bakit naman?" tinatanggal ko pa rin ang pagkakaakbay niya pero pilit pa rin niya akong inaakbayan.
"For your safety nga di ba?"
"Safety?"
Tumunog na ang elevator at bumukas ang pinto. Pumasok naman na kaming dalawa. Habang ang mga nasa labas na student ay ang sama ng mukha at dismayado sa ginawa nitong si Lexter.
"Ja ne!" sabi nito sa mga nasa labas ng elevator at tila inaasar pa ang mga ito sabay saran g pinto ng elevator.
Binitawan na ako nit sa pagkakaakbay niya sa akin.
"Ugh! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Mas lalo lang nila akong pagbubuntunan niyan dahil sa ginawa mo!" sigaw ko dito sabay ayos ng uniporme ko dahil nagulo sa pagakbay na ginawa nito.
Nagpamulsa naman ito at tsaka ako tinignan. "Ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa nagagalit diyan" natatawa nitong sabi sa akin.
"Tulong? Tulong ba 'yon? Eh mas pinalala mo lang ang sitwasyon eh"
"At sa tingin mo sa pagdikit mo kay Abrylle, iiwasan ka nila?" naging seryoso ang tono ng boses nito. Nang tignan ko ang mukha nito. Seryoso itong nakatingin sa akin. Nakakatakot ang mukha nito kapag seryoso. Nawala ang masayahing mukha nito at ang nangingislap na mga mata.
"Alam mo mas gwapo ka kapag seryoso ka. Hahaha." Pagbibiro ko dito. Bakit parang bagal naman ng elevator na makababa hanggang ground floor.
"Ganon?"
Nagulat ako ng bigla akong i-corner nito at isinandal sa wall ng elevator. Ang dalawang braso nito ay nasa gilid ng ulo ko sa taas ng balikat ko. Nanglaki ang mata ko sa ginawa nito. Mukhang hindi siya natuwa sa biro ko. Compliment na nga 'yon eh.
Natahimik lang ako habang nasa ganoon kaming posisyon. Hindi ko makuhang tumingin sa mga mata niya kaya naman iwas ang mukha ko at nakatagilid.
"Mas gwapo pala ako kapag seryoso ah? Sige, sa tingin mo mas gwapo ako kapag mas malapitan?" tila nang-aakit ang tono ng boses nito na parang bad boy sa isang Koren drama.
"Ah—eh, binibiro lang naman kita." Nauutal kong sagot dito.
"Biro?" mas nilapit pa nito ang mukha niya sa akin.
My goodness, hahalikan niya ba ako? Hala, ang virgin lips ko. >.< Wag po…
Ipinikit ko na lamang ang mata ko at pilit na inilalayo ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang hangin na nagmumula sa paghinga nito. Pati na rin ang bibig nitong papalapit sa akin.
*Ting*
Biglang tumunog ang elevator at bumukas. Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang kanan kamay ko bigla ako nitong hinalikan pagbukas nge elevator. Nanglaki na lamang ang mga mata ko sa ginawa niya. Gamit ang kaliwa kong kamay. Pinalo ko siya sa likod para tigilan ako. Pero hinawakan niya lang din ako. Wala na akong palag sa ginagawa niya. Mula sa labas ng elevator, naririnig ko ang komosyon ng mga students at kung ano ano ang sinasabi. Para akong maiiyak sa ginagawa niya.
"Let here go." Nagulat naman ako ng biglang may lalaking nagsalita at biglang humawak sa braso ko at hinila ako palayo kay Lexter.
Laking gulat ko ng, si Abrylle ang dumating at hinila ako mula kay Lexter.
"Sorry, Arni." Ang sabi ni Lexter. Pero hindi ko na siya tinignan at hinala na ako palayo ni Abrylle. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
This is so bad. Ang epic naman ng first day ko sa school. Ang daming nangyari. Asar!
Pag dating sa labas ng building 4. Binitawan na ako nito at naglakad pauna sa akin.
"Sandali!" habol ko dito. Huminto ito at nilingon ako.
"Wag mo na akong susundan. Umuwi ka na." sabi nito sa akin. Mas nakakatakot pala siya kapag nag-uutos. Ang malalamig niyang tingin at ang boses niya. Parang kusa akong napahinto sa paglalakad.
Naglakad na siya palayo sa akin. Nang makalayo siya. Sumigaw na lamang ako.
"Salamat!"