webnovel

Chapter 48

Naunang nagising si Lexi at naramdaman niya ang sakit ng buong katawan dahil sa nangyari sa kanila ni Jake kagabi pero wala siyang pinagsisisihan. Mahal niya si Jake noon pa man at alam niya na tama ang naging desisyon niya na ipagkaloob sa binata ang kanyang buong pagkatao. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap sa kanya ng katabi. "Morning!" Sabi ni Jake pagkatapos ay binigyan siya ng halik sa labi. "I love you." Bulong nito sa kanyang tenga. "I love you too." Sabi niya at muling isiniksik ang ulo sa leeg ng binata.

"Jake!" Nanlaki ang mga mata ni Lexi ng maramdaman ang naglilikot na kamay ng binata. Ngumisi ito at bigla pumaibabaw sa kanya. "Round two?" Sabi nito bago siya hinalikan muli sa kanyang labi.

"Tao po? Pwede po bang mang-istorbo?" Naitulak ni Lexi si Jake dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Oi, ano'ng nangyayari d'yan? Saka bakit naka-lock ang pinto? Oi, Lexi, sinuko mo na ba ang Bataan? Ninang ako ha?" Ang ingay ni Bianca ang madidinig sa buong bahay. "Ano bang kailangan mo?" Inis na tanong ni Jake habang hinihilot ang tuhod na tumama sa matigas na semento. Lumapit naman sa kanya si Lexi pero biglang namula ng makita na nakatingin sa kanyang katawan si Jake. Dahil sa pagkabigla at pag-aalala sa binata, nakalimutan niya na wala pala silang suot na damit. Naihampas ni Lexi ang unan kay Jake para matawa ito ng malakas.

"Pwede ba mamaya na kayo maglampungang dalawa? Pinapatawag na kayo ni Carlo." Sabi ni Bianca. Mula sa sinabi ni Bianca ay bumalik na naman sa pagiging tensyonado ang dalawa. Matapos maligo at magbihis ay lumabas na ang dalawa na magkahawak ang kamay.

"Tita Yesha?" Gulat na sabi ni Lexi. Si Yesha ang NBI na kilala ng kanyang ama. "Kamusta ka na?" Tanong nito sabay yakap sa dalaga. "Hindi po ko magsasabi ng totoo kung ang isasagot ko sa inyo ay okay lang po." Sabi ni Lexi. "Naiintindihan ko, matatapos din ang lahat ng ito." Sabi ni Yesha at tumango si Lexi. Bigla dumako ang paningin ni Yesha sa binatang nakahawak sa kamay ni Lexi. "Siya na ba?" Nakangiting tanong ni Yesha. "Tita, si Jake po. Boyfriend ko." Pagpapakilala ni Lexi sa binata. "Nabanggit na siya ng tatay mo sa akin. Ninang ako ha?" Sabi ni Yesha na ang kausap ay si Jake. "Makakaasa po kayo." Sagot ni Jake.

"So, Carlo, ano'ng plano?" Tanong ni Yesha sa binata. Tumingin si Carlo kay Lexi pagkatapos ay kay Jake. Humigpit ang hawak ni Jake sa kamay ni Lexi. "Gagawin ko ang lahat para mabawi si Phil." Sabi ni Lexi. "Nakikiusap ako sa inyo, siguraduhin ninyo ang kaligtasan niya." Sabi ni Jake. Mula doon ay pinaliwanag na ni Carlo ang mga gagawin ng bawat isa.

"Magkita tayo ulit mamaya." Sabi ni Yesha bago tuluyang umalis sa safehouse.

Naging tahimik ang buong maghapon nila. Halos walang kibuan sila Jake at Lexi. Nagkasya lang sila sa hawak sa kamay, yakap, at mga paminsan-minsang halik na puno ng pagmamahal. Sila Carlo at Bianca, kasama sila Fred at Teresa ay naging busy sa pagtawag at pagsagot ng mga telepono.

At ang oras na ayaw nilang dumating..

"Isuot mo 'to." Sabi ni Bianca na kinakunot ng noo ni Lexi. "Tracker 'yan in case na maitakas ka niya mula sa amin." Sabi ni Bianca. "Marunong ka bang gumamit nito?" Tanong ni Bianca na may hawak na maliit na baril sa kamay pero umiling si Lexi. "Eh ito?" Muling tanong ni Bianca na ang hawak naman ay maliit na military knife pero muling umiling si Lexi. "Pero ito kayang kong gamitin." Sabi ni Lexi na itinaas ang kamay na nakakuyom. Natawa si Bianca. "Okay, pwede na 'yan. Kami ang bahala sa'yo, okay?" Sabi ni Bianca at tumango si Lexi. Sabay-sabay silang sumakay sa kani-kanilang sasakyan papuntang Batangas Pier.

Sa loob ng anim na oras na biyahe ay hindi naghiwalay sila Jake at Lexi. Niyakap nila ang isa't isa na akala mo walang bukas na dadating. Naghiwalay lang sila ng sabihin ni Carlo na dumating na sila sa kanilang destinasyon. Hindi pinayagan ni Carlo na bumaba si Jake mula sa sasakyan. Kahit ayaw ni Jake ay kailangan niyang gawin para hindi malagay sa peligro si Lexi at Phil. Bago bumaba si Lexi ay hinalikan muna niya si Jake, niyakap naman siya ng mahigpit ng binata. Isang tapik mula kay Bianca ang nagpahiwalay sa kanila. Bumaba na sila Lexi, Bianca, at Carlo mula sa sasakyan. Naiwan kasama ni Jake sila Teresa at Fred.

"Babe!" Tawag ni Brix ng makitang palapit na ang tatlo. Nanlumo si Lexi ng makita ang itsura ni Phil. Puno ito ng pasa sa mukha pati sa mga braso at binti at kahit hindi niya kita ang katawan nito ay tiyak niya na puno din ng pasa ang buong katawan ng kaibigan. Nakuyom ni Lexi ang kamay at tiningnan ng masama si Brix. "Huwag ka ng magalit sa akin, babe. Mamaya ang magsasaya tayo." Sabi ni Brix. Kinilabutan si Lexi sa nadinig. Tahimik lang si Carlo at Bianca, nakikiramdam sa buong paligid. Si Jake naman ay tila gustong tumigil ng puso niya sa pagtibok dahil sa kaba at takot na nararamdaman.

次の章へ