webnovel

Chapter 49

Halos walang madidinig na ingay sa paligid. Nakakatakot ang nakabibinging katahimikan sa buong pier pero kalmado lang sila Carlo at Bianca. Alerto sa bawat kilos ng grupo nila Brix.

"Paano, babe, lumapit ka na dito nang maumpisahan na natin ang kasiyahan." Muling nagsalita si Brix. Sinenyasahan ni Brix si Brando para itayo si Phil. Tumingin si Lexi kay Carlo at nang tumango ito, nagsimula ng maglakad ang dalaga papunta sa kinatatayuan ni Brix. Naglakad na din si Brando na alalay si Phil. Pagdating sa gitna ay biglang binitawan ni Brando si Phil, dahilan para bumagsak ito sa lupa, at biglang tinutukan ng baril si Lexi. Halos lumabas ang puso ni Jake sa nakita. Naglakad pabalik sa pwesto ni Brix si Brando na hawak pa din ang baril na nakatutok sa ulo ni Lexi. Si Bianca naman ay tinulungan makatayo si Phil.

"Carlo boy, hindi mo yata napaghandaan mabuti ang gabing ito. Napakadali mo naman binigay sa akin ang babe ko. Pero hindi ako magpapasalamat kasi alam kong magkikita pa tayo." Nakangising sabi ni Brix. Isang ngisi din ang isinagot ni Carlo sa kanya. "Oo, magkikita pa tayo pero nasa kulungan ka na." Pagkasabi niyon ay nanlaki ang mata ni Brix ng bumagsak sa lupa ang katawan ni Brando at nakita niya ang tama nito sa ulo. Naglabasan na ang mga tauhan ni Carlo, kasama ang mga NBI agents, mula sa mga tinaguan nito sa paligid ng pier. Ang mga sniper ay isa-isa ng pinatamaan ang mga tauhan ni Brix na nagulat din sa nangyari. Nagkagulo ang mga tauhan ni Brix at nagkanya-kanya na ng takbo. Si Lexi na dapat ay lalayo na sa katawan ni Brando ay bigla nahila ni Brix.

"Saan ka pupunta, babe?" Sabi ni Brix na hila si Lexi at nagtago para makaiwas sa mga bala na tumatama kung saan-saan. "Bitiwan mo ko!" Sigaw ni Brix. "Hindi, babe. Aalis tayo dito at magpapakalayo pagkatapos ay magiging akin ka." Sabi ni Brix. "Sira na talaga ang ulo mo!" Sabi ni Lexi. "Matagal na at lalo akong nasiraan ng ulo dahil sa'yo." Sabi ni Brix na hinalikan ang leeg ng dalaga. Gustong masuka ni Lexi sa ginawa ng binata. Hindi siya pinakawalan ni Brix. Takbo, tago ang ginawa nilang dalawa. Hindi makagalaw si Lexi dahil sa baril na nakatutok sa kanya.

Biglang natigil ang putukan at muling tumahimik ang paligid. Kinabahan si Brix pero malapit na sila sa yate na sasakyan sana nila ni Brando palayo sa lugar. Napasigaw si Lexi ng bigla siyang buhatin ni Brix na parang sako. "Ibaba mo ko, hayop ka!" Sigaw ni Lexi na nagwawala pero dahil malaki ang katawan ni Brix ay parang wala lang ang kanyang mga suntok sa likod nito. Malapit na sila sa yate pero hindi na nakahakbang pa si Brix dahil isang bala ang pinakawalan ng sniper na tumama malapit sa paanan niya. Binaba niya si Lexi at muling itinutok sa ulo nito ang kanyang baril. Nakita ni Brix na halos napapaligiran na siya ng mga tauhan ni Carlo at ng mga NBI agents. Nakita ni Lexi ang Tita Yesha niya na katabi si Jake na nakatingin sa kanya, halos wala ng kulay ang mukha nito dahil sa kaba. Sila Carlo, Bianca, Fred, Teresa, kasama iba ay may mga hawak na baril na nakatutok sa kanila.

"Carlo boy, alam mong hindi mo ako pwedeng patayin. Mawawalan ng silbi ang lahat ng operations na ginawa ninyo kapag hindi mo ko binuhay." Nakangising sabi ni Brix. Alam ni Carlo na tama ang sinabi ni Brix. Binigyan siya ng go signal ng China na hulihin si Brix pero kailangan ay buhay ito para pagbayaran lahat ng krimen na ginawa nito. Napamura ng malutong si Carlo na ikinahalakhak ni Brix. "Kaya kung ako sa'yo, sabihan mo ang mga tauhan mo na ibaba ang mga baril at hayaan kaming makaalis ng babe ko." Sabi ni Brix pero ng hindi ngasalita si Carlo at idiniin ni Brix ang baril sa ulo ni Lexi dahilan para mapangiwi ang dalaga. "Men, put your guns down!" Galit na sabi ni Carlo at sumunod naman ang lahat. Pinigil ni Yesha si Jake ng subukan nito na sugurin si Brix. "Ilalagay mo sa peligro ang girlfriend mo." Sabi nito sa kanya. Walang nagawa si Jake kungdi magdasal ng taimtim na maging ligtas ang babaeng mahal niya.

Nang magawi ang paningin ni Lexi kay Bianca ay binigyan siya nito ng isang kindat. Tumango siya at ang sumunod ay ang paglipad ng isang maliit na military knife sa ere at deretsong tumama iyon sa kamay ni Brix dahilan para mabitawan niya ang baril. Pagkatapos ay ang pagtaas ng katawan ni Brix sa ere at ang malakas na pagbaksak nito sa semento.

Naging slow motion ang nangyari para sa lahat. Nakita nila kung paano binato ni Bianca ang military knife nito papunta sa pwesto nila Brix at Lexi kung saan bull's eye ang pagtama nito sa kamay ng binata. Nakita din nila kung paano kumilos si Lexi para maitumba si Brix sa matigas na semento. Patakbong lumapit si Bianca sa pwesto ni Lexi. Nakapatong ang tig-isang tuhod ng dalawang dalaga sa nakadapang si Brix. Hawak nila ang mga braso ng binata na pilit nilagyan ng posas kahit nagwawala ito. Pagkatapos ay nagsalita si Bianca.

"Mr. Brix Tuazon, Ikaw ay inaaresto sa salang pagnanakaw, pagbebenta ng illegal na droga, pagbebenta ng mga bata at babae, at pagpatay. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan. Nauunawaan mo ba ito?" Malakas na sabi ni Bianca pagkatapos ay nag-apir ang dalawang dalaga.

次の章へ