webnovel

Chapter 4

Natapos ang volleyball game na ang naging champion ay ang team nila Lexi. Nagkamayan ang magkabilang team. Nilapitan ng grupo nila Jake ang team nila Lexi para batiin.

"Congrats Lexi, the best ka talaga!" Sabi ni Phil at nag-high five sila. "Congrats!" Sabi din ni Jake kay Lexi. "Salamat." Sabi naman ni Lexi. Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Lexi at nagkindatan.

"Dahil pinanood namin kayo, dapat manood din kayo ng game namin." Sabi ni Allen. "Kung si Lexi ang best player sa volleyball, si Jake naman ang pambato namin sa basketball." Sabi ni Dave. "Eh di bagay pala sila?" Tukso ni Rhian na sinigundahan naman ng lahat. Namula naman si Lexi dahil nakatingin sa kanya si Jake.

"Anong oras ba ang laro ninyo?" Tanong ni Tanya. "Mamaya pa naman after lunch." Sagot ni Ron. "Eh, kung kumain muna kaya tayo." Sabi ni Melanie. "Pwede din para hindi tayo masabay sa lunchtime. Tiyak na puno na yun mamaya." Sabi ni Heleina. "Tara." Halos sabay-sabay nilang sabi.

Dahil maaga pa nga, hindi pa puno ang canteen. Binaba nila ang mga bag nila para i-save ang mahabang lamesa at mga upuan. Dahil nauna ng lumakad ang iba, naiwan sila Tanya at Rhian. Nagkatinginan sila at nagtawanan dahil may naisip na kalokohan. Pagkatapos gawin ang naisip ay sumunod na sila sa grupo na kumukuha na ng pagkain.

Pagbalik nila sa pwesto ay nagtaka si Lexi. "Bakit?" Tanong ni Joana. Halos lahat sila ay nakaupo na maliban kay Lexi. "Yung bag ko?" Tanong ni Lexi. Umikot naman ang paningin ng grupo. "Ito ba?" Si Jake ang nagtanong dahil nakita niya itong nakababa sa upuan na katabi niya. "Bakit? Paanong?" Takang tanong ni Lexi pero ng makitang nakangiti sila Tanya at Rhian, alam na niya kung bakit. "Upo ka na dito Lex." Sabi ni Jake.

"Uuuyyy, Lex na lang ngayon kuya." Tukso ni Rhian. "Bakit? Masama b? Cute nga eh. Lex." Sabi ni Jake. Nagdidiwang naman ang puso ni Lexi pero hindi siya nagpahalata. Umupo siya sa tabi ni Jake at kumain.

Dahil tapos na din ang practice ng Mr. and Ms. Intramurals, nagpunta na din sa canteen ang mga participants. "Kath, di ba si Jake yun? Bakit magkatabi sila ni Lexi. Wala na ba kayo?" Tanong ni Erica na participant din ng pageant. "Hindi ah, kami pa din at never papatulan ni Jake yang Lexi na yan." Pagtataray ni Kathleen. "Bakit naman hindi? Maganda naman si Lexi, matalino, sporty pa." Sabi ni Erica. "Ayaw ni Jake sa mga chubby." Sabi ni Kathleen. "Ay." Maikling sagot ni Erica.

Pagkatapos makakuha ng pagkain ng grupo nila Kathleen ay naghanap na sila ng mauupuan at yun ay sa tapat mismo ng lamesa nila Jake.

"Baby!" Sabi ni Kathleen, kasabay noon ay ang pagbaling niya kay Jake at kunyaring na out of balance kaya ang laman ng tray niya ay tumapon lahat kay Lexi. "Oh, sorry." Sabi ni Kathleen. Tumayo at mga kaibigan ni Lexi at hinarap si Kathleen.

Si Kathleen ay kilalang bully ng school nila. Maganda, sexy, at mayaman. Alam nila na sinadya ni Kathleen ang ginawa nito kay Lexi at alam nila ang dahilan.

"Anong problema mo ha Kathleen!?" Galit na sabi ni Tanya. "Nag sorry naman ako. Di ko naman sinadya." Maarteng sabi nito. "Hindi sinadya? Eh kitang kita namin paano mo binuhos talaga ang tray kay Lexi!" Galit ding sabi ni Rhian. "Baby, di ko naman talaga sinadya." Sabi nito na yumakap agad kay Jake. Akala ng iba ay kakampihan ng binata si Lexi pero nagkamali sila.

"Pasensya na guys, may pagkaclumsy talaga itong girlfriend ko. Ako na humihingi ng paumanhin." Sabi ni Jake. Natulala ang lahat. "Kuya!" Sigaw ni Rhian.

Totoo naman talaga na clumsy si Kathleen. Lagi siyang may sugat o kaya naman ay may pasa dahil nabubunggo sa mesa o upuan. Minsan nabibitawan niya ang mga bagay na hawak na niya. Pero ngayon, hindi clumsiness ang nangyari. Kaya tuwang tuwa si Kathleen dahil siya ang kinampihan ng boyfriend.

"Lexi, sorry talaga ha?" Muling sabi ni Kathleen. "Pasensya na talaga Lex." Sabi ni Jake. Imbis na matuwa si Lexi sa nadinig ay nagpanting ang tainga niya.

"Akala ko simula na pero akala lang pala..." sabi ni Lexi sa sarili. Tumayo siya at kitang-kita ang tumapon kanin, ulam, at juice sa katawan niya. Pinigil ni Kathleen ang matawa sa itsura ni Lexi dahil mabubuko ang acting niya.

"It's been how many years na nga? From kinder up to now? Jake, crush kita eversince I laid my eyes on you! Pero hindi mo ko napapansin!" Sabi ni Lexi. Nagulat ang mga kaibigan niya pati kaibigan ni Jake at pati mismo ang binata.

"But right now, I decided to stop this stupid feelings of mine towards you. You're girlfriend literally threw everything to me and I don't know why but still, siya ang kinampihan mo." Patuloy ni Lexi. "Lex, I'm sorry." Sabi ni Jake. "Don't call me that!" Sabi ni Lexi na ikinagulat ni Jake. "Thank you sa maikling oras ng pagpapasaya at pagpapakilig mo sa akin." Sabi ni Lexi.

"Ha? Anong sinasabi mo? Kala mo ba papatulan ka ni Jake? Look at yourself Lexi. Sexy ang mga gusto ni Jake at hindi siya magkakagusto sa isang chubby na katulad mo!" Sabi ni Kathleen. "Tama na Kath." Sabi ni Jake. "Bakit Jake? Don't tell me may gusto ka talaga sa babaeng iyan. Nagulat si Jake sa tanong na iyon ni Kathleen. "Of course not!" Mabilis na sagot ni Jake dahil hindi pa naman talaga siya sigurado sa feelings niya. Oo, humahanga siya sa talino at galing ni Lexi pero not to the point na may gusto siya sa dalaga.

"See? So don't think na dahil umamin ka sa feelings mo kay Jake eh he will feel the same way for you." Sabi ni Kathleen. "Sumusobra ka na ha!?" Galit na sabi ni Tanya at akma ng susugurin si Kathleen pero pinigilan siya ni Lexi. "Tama na, please, tara na..." sabi ni Lexi. Ramdam ni Tanya, Rhian, at ng iba ang sakit na naramdaman ni ng kaibigan kaya inakay na nila ito palayo.

"Let's go eat, baby." Sabi ni Kathleen. "Nawalan na ko ng gana." Sabi ni Jake. "Fine! Kung ayaw mo eh di wag." Galit na sabi ni Kathleen. Naglakad na palayo si Jake. Sinundan naman siya ng mga kaibigan.

"Pare, kahit kaibigan ka namin, hindi ka namin kakampihan sa oras na ito. Pare, sinadya ni Kathleen yung ginawa niya kay Lexi." Sabi ni Phil. "Nakatalikod ka kasi kaya hindi mo nakita." Sabi naman ni Allen. Napahilamos naman si Jake sa mukha niya. "Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin?" Tanong ni Jake. "Pare, hindi mo na kami binigyan ng pagkakataon. Kinampihan mo na agad si Kathleen." Sabi ni Ron. Bumuntong hininga si Jake.

Deretso ng CR ang grupo nila Lexi. Kumuha ng damit pampalit si Tanya. "Sarap niya talagang tirisin!" Sabi ni Rhian. "Sarap lamutakin ng mukha!" Sabi ni Melanie. "Sabihin mo lang Lexi, ako mismo magngungudngod sa babaeng yun sa lupa." Sabi naman ni Heleina. "Kayo talaga, hindi sa lupa, dapat sa putik!" Sabi ni Joana.

"Ano, abangan na natin sa gate?" Sabi ni Tanya na hawak na ang damit niya. "At kailan pa kayo naging mga sadista?" Sabi ni Lexi na pinilit magbiro. "Ngayon lang!" Sabay-sabay nilang sabi. Natawa si Lexi. "Thank you, guys." Sabi ni Lexi na nagmonstra ng group hug. "Bihis ka muna." Sabi ni Tanya at nagtawanan sila.

Pagkatapos ng nangyari ay hindi na muling nagkausap sila Jake at Lexi. Laging umiiwas ang dalaga sa tuwing gagawa ng paraan ang mga kaibigan nila para magkausap sila.

Nabalitaan din ni Lexi na nagbreak na sila Jake at Kathleen. Ginawang active ni Lexi ang buhay niya para madivert ang isip niya sa ibang bagay. Nag gym din siya at naghealthy diet. Napansin ng mga kaibigan niya ang pagbabago kay Lexi at natuwa sila.

"Wow, lalo kang gumaganda ngayon ay sumesexy ha? Anong bang sekreto mo? Tanong ni Tanya. "Heartbroken!" Nakangiting sagot ni Lexi na ikinatahimik naman ng mga kaibigan niya.

Naging close din sila ni Phil dahil naging magkagrupo sila sa isang project. Lagi silang magkasama. Akala nga ng iba ay sila na pero laging isinasagoy ng dalawa ay magkaibigan lang sila.

Hindi din maipaliwanag ni Jake ang nararamdaman sa tuwing makikita si Phil at Lexi na magkasama. Nakikita niya ang mga ngiti ni Lexi pagkasama si Phil pero malamig pa sa yelo ang pakikitungo ng dalaga sa kanya. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon ng dalaga para makapagpaliwanag ay gagawin niya ang lahat para maitama ang na nagawang mali.

"Ate, mamimiss kita." Umiiyak na sabi ni Rhian. "Ako din pero magkikita pa naman tayo di ba?" Umiiyak ding sabi ni Lexi. Tumango si Rhian. Iyon ang huling pag-uusap nila dalawa bago lumipat ng school ang magkapatid at pagkalipas lang ng ilan buwan ay nabalitaan na lang niya na pumunta na ang mga ito sa States.

Iniyakan niya iyon. Kahit hindi niya pinapansin ang binata ay hindi nabawasan ang paghanga dito. Nagpapayat siya dahil umaasang magkakagusto din ang binata sa kanya. Hinihintay niya lamang na ito ang gumawa ng paraan para magkaayos sila pero hanggang sa huli ay wala itong ginawa.

次の章へ