webnovel

Chapter 5

Natapos na ang welcoming speech ni Jake. Pagkatapos ay ipinakilala na ang iba pang Board Of Directors at mga heads ng bawat department.

"Meron pong hinanda ang ating OIC na mumunting salo-salo para sa lahat. Kayo po ay inaanyayahan sa ating canteen. Muli po, welcome and thank you." Sabi ni Anthony. Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula ng maglabasan.

"Mamaya na tayo lumabas. Tingnan mo nagsisiksikan sila sa may pinto oh." Sabi ni Rhian na hinila pabalik sa upuan si Lexi. "Ikaw talaga, bakit hindi mo sinabi agad na ang kuya mo pala ang OIC?" Sabi ni Lexi na akmang kukurutin si Rhian. "Surprised!" Sabi ni Rhian na nakatawa at iniwasan ang kurot. Umikot ang mata ni Lexi.

"Kuya!" Tawag ni Rhian sa kapatid na kalalabas lang sa backstage kasama si Anthony. Nanigas naman si Lexi na gustong tumakbo pero hindi niya maigalaw ang paa. Lumapit naman ang dalawang binata sa kanila. "Andiyan na si Prince Charming mo." Tukso ni Rhian. Pinanlakihan naman ni Lexi ng mata si Rhian.

"Kuya! Meet your new executive secretary!" Sabi ni Rhian. Biglang tumingin si Lexie sa dalaga na kunot ang noo. Ngumiti naman si Rhian at hinarap siya sa dalawang binata.

"Lex, it is really you." Sabi ni Jake na halatang hindi pa din makapaniwala sa nakikita sa harap niya. "Hi." Maikling sabi ni Lexie. "Ehem ehem." Sabi ni Rhian. "Kuya, di ba sabi mo in need ka ng sexitary, I mean, secretary, so I hired one." Nakangiting sabi ni Rhian. "I hope your friend here will not mind." Patuloy ni Rhian. Ngumisi naman si Anthony. Napansin ni Lexi na parang may sarcasm na kasama ang mga salita ni Rhian pero saka na niya tatanungin ito.

"Yes, sure, I liked the idea." Nakangiting sabi ni Jake. "Pero Rhian, medtech ang inaplayan ko, di ba?" Sabi ni Lexi. "Nako, sorry ate pero complete attendance ang staff ang laboratory ng hospital ngayon eh pero don't worry, kapag nagkaroon ng bakante, sasabihin ko agad sa iyo. But for now, you're going to be with kuya 24/7." Sabi ni Rhian. "Ha?" Gulat na tanong ni Lexi. Natawa naman si Rhian sa reaction ng kaibigan.

"Tomorrow you will be starting as the Executive Secretary of the handsome OIC of Skylab. 8-5 ang time ng pasok mo Monday till Friday. You'll be free ng Saturday and Sunday unless my convention si kuya or you want to volunteer as my sidekick dito sa office. If you want, pwede ka din mag-reliever sa laboratory or even mag-duty pagkulang sila but I don't think papayag si kuya. He wants a full time housewife, I mean secretary." Sabi ni Rhian sabay kindat sa kaibigan.

Natatawa naman si Jake sa kalokohan ng kapatid. In need talaga siya ng secretary pero hindi niya inaasahan na mas higit pa sa secretary ang makikita ng kapatid niya.

Inoobserbahan naman ni Anthony ang kaibigan. Ngayon lang niya nakita si Jake na tumawa na abot hanggang mata. "This is interesting." Sabi niya sa sarili.

"Sorry to intrude but, hi, I'm Anthony dela Cruz, the OIC's shadow." Sabi ni Anthony na nag-offer ng handshake para kay Lexi. Tumaas naman ang kilay ni Rhian. "Hello, I'm Lexi del Rosario." Sabi ng dalaga at tatangapin na sana ang kamay ni Anthony pero mabilis na kinamayan siya ni Jake. Natawa si Anthony at Rhian.

"Welcome sa Skylab Hospital. Sana mag-enjoy ka sa pagstay mo dito." Sabi ni Jake

na hindi pa din binibitawan ang kamay ni Lexi. "Thank you." Namumulang sabi ni Lexi. "It means tinanggap mo na yung position! Yes!" Masayang sabi ni Rhian.

"Ahm, Jake, yung kamay ko." Sabi ni Lexi. "Oh, sorry." Sabi ni Jake na binitawan na ang kamay ng dalaga. Nangingiti naman si Rhian sa nakikita. "Good job, Rhian." Sabi niya sa sarili.

Nagpunta na sila sa canteen para sumabay sa pagkain ng iba. Dahil may matataas na position ang kasama ni Lexi, lahat ay nagtataka kung sino siya.

"Sino kaya yun?" Tanong ng isang ER nurse. "Baka girlfriend ni OIC o ni Sir Anthony." Sagot naman ng x-ray tech. "Ang ganda niya. Kahit kanino sa dalawa ay bagay siya." Sabi naman ng isang accounting staff. "Mas bagay si Sir Anthony at Ma'am Rhian. Ako ang bagay kay OIC." Sabi ng cashier. "Nananaginip ka na naman ng gising." Sabi ng ER nurse ang sila ay nagkatawanan.

"Kailan nga yung meeting with the doctors?" Tanong ni Jake kay Anthony. Nakaupo na sila sa isang table na nasa gitna ng canteen kaya halos lahat ay kita sila. "The day after tomorrow. Nasa out of town pa yung iba. Yung iba naman out of the country pa." sagot ni Anthony. "Rhian, sinabihan mo na ba sila Mommy about the meeting?" Tanong ni Jake. "Yep, sinabi ko na po, Boss." Sagot ni Rhian. "Lex, you should attend the meeting too para makilala mo sila." Sabi ni Jake. Tumango naman si Lexi.

"That Lex again. Is that your nickname? Pwede bang Lex na lang din ang tawag ko sa iyo?" Nakangiting tanong ni Anthony. "I'm sorry Mr. Dela Crur but that name is only exclusive for our OIC." Sagot ni Rhian. "Really and why?" Tanong ni Anthony na nakatingin kay Rhian ng may kasamang pang-aasar. "Because I'm the one who gave that name to her." Sabi ni Jake na nakatingin kay Lexie. Ngumiti si Anthony. "May nametag na agad. Lagyan mo na din kaya ng ID saying "I'm already taken." Tukso ni Anthony.

"Wow, sa tagal na natin magkasama, ngayon lang tayo magkakasundo. Bright idea, Anthony." Sabi ni Rhian na nakipag high five pa sa binata. Ramdam ni Lexi ang pamumula ng mukha niya kaya nakayuko lang siya at ginawang busy ang sarili sa pagkain. Hindi niya nakikita ang nakangiting si Jake na nakatingin sa kanya.

Isa-isa nang natapos ang mga staff ng hospital sa pagkain at bago lumabas ay dumadaan muna sa lamesa nila Jake para magapaalam. Napapansin ni Jake ang mga lalaking staff na bago umalis ay humahabol pa ng tingin kay Lexi at naiinis siya.

Sila apat ang huling lumabas ng canteen. Nagpasalamat si Jake sa mga canteen staff na halata namang kinilig dahil kinausap sila ng gwapong amo.

"Tara, ate!" Sabi ni Rhian. Kumunot ang noo ni Lexi. "Dahil magsisimula ka na bukas, iikot na kita sa hospital." Sabi ni Rhian. "Ah, ok." Sagot ni Lexi. "Kuya, pahiram muna ng secretary mo ha." Paalam ni Rhian at tumango naman si Jake.

"So, she was the old fling?" Tanong ni Anthony habang naglalakad sila pabalik sa office. "Yeah." Sagot ni Jake. "Old fling eh bakit kung makareact ka parang naging kayo?" Sabi ni Anthony. Kumunot ang noo ni Jake. "Pare! Huwag ako, iba na lang." sabi ni Anthony na nakatawa. "Ano na naman ang nakita mo? Ginamit mo na naman pagiging lawyer mo." Sabi ni Jake.

"The way you look at her. The way you treat her. Ako na kaibigan mo ni hindi mo pinalampas. Yung mga tingin mo sa mga male nurses kanina na kulang na lang dukutin mo mata nila. Sige nga, fling lang ba yun ha?" Sabi ni Anthony. "Ok, Attorney Anthony dela Cruz, I plead guilty." Nakatawang sagot ni Jake na nakataas pa ang kamay.

次の章へ