webnovel

Chapter 43

My Demon [Ch. 43]

 

Keyr Demoneir's Point Of View

 

Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ng tatay kong wagas kung makangiti. I bet, nakarating na sa kanya ang pagsama ko sa Top 100 students na nakapasa sa exam. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganyan siya kasiya. Pero sana naman wag masyadong OA. Ang sagwa tingnan eh. Di niya gayahin si Mommy, ang ganda ng pagkakangiti.

"So, anong gusto ng napakabait kong anak?" Para siyang genie ngayon na kung ano ang hilingin ko, ibibigay niya. And this time, he wasn't sarcastic the way he said "napakabait kong anak".

How awesome it is to make my parents proud and see them very much happy because of my improvement slash achievement. Mas cool pa palang pasiyahin si Daddy kaysa asarin. Mas nagmumukha siyang ewan.

"Nothing, Dad. I just realized I must have thank you for chosing the right tutor for me who could teach me not only in academics but also in everything. And when I say everything, it means every piece of me. I hope you got my point, Dad. Thank you," I told. Tinapik ko ang braso ni Dad na hanggang ngayon ay tulala at parang dina-digest pa ang mga sinabi ko.

I murmured "I love you" to Mom and gave her a peck on her cheek, then leave them dumbfounded.

Pagpasok ko sa kwarto ko, para akong biglang natauhan. Okay, what was that? What the hell was came from my mouth? Darn! This was the hella effect of Soyu on me. Kung malaman lang ni Kuya ang mga sinabi ko kay Dad, for sure aasarin ako nun. Tch, the hell I care about him. Magsuntukan pa kami eh.

Speaking about that, namimiss ko na ang makipagbasag ulo. Since when was the last time na nakipag-street fight ako? I don't remember either. Hindi tulad noon na bago ko pa makilala si Soyu, hindi ako napapakali nang wala akong nakaka-sparing. But now look, almost a month na atang hindi na-e-exercise ang kamao ko but I didn't feel bored at all unlike before.

Hindi ko tuloy alam kung advantage o disadvantage ang pagdating ni Soyu. Hindi ko na kasi nagagawa ang passion ko eh─ ang makipagsuntukan.

Tumingin ako sa alarm clock na nasa bedside table, 10:38 PM na. (PekengKyoot's Note: Ang kasalukuyang oras habang tina-type ko ito :D) Aish! Bakit ba hindi ako makatulog? Umepal pa si otor dito sa POV ko. Kung hindi lang talaga siya maganda, uupakan ko yan eh. (PekengKyoot: Ahem *cough cough*)

 

Dumapa ako sa kama ko at pumikit. Matulog ka, matulog ka! sabi ko sa sarili ko.

"Aish! Bakit ba hindi ka makatulog na gwapo ka?!" Para na kong hibang dito: kinakausap ang sarili.

Tumihaya na uli ako at nagtaklob ng kumot pero NAKA NG FITAH NAMAN! Hindi talaga ako makatulog. Umupo ako sa kama at ginulo ang buhok ko sa inis. Tutal alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog, gagawan ko na ng solusyon.

Binaba ko ang paa ko sa floor at hinanap ang aking bedroom slippers. Nagsuot muna ako ng sando kasi gaya ng sabi ko, magagalit si Daddy kapag humarap ako ng walang damit sa kanya. Uulitin ko, bastos daw pero ang totoo ay naiinggit lang siya sa ganda ng katawan ko. Siguro pantasya ako ni Soyu.

Tss. Yung batang yun marunong magpantasya? Baka nga puro chocolate lang iniisip nun bago matulog.

Hindi na ko kumatok sa kwarto ng parents ko. Binuksan ko nalang ang pinto. Hindi rin naman kasi naka-lock. And besides, anak nila ako. Depende nalang kung gumagawa sila ng bago kong kapatid.

"Ikaw talagang bata ka! Hindi ka ba marunong kumatok? Mamaya may ginagawa kaming pag-ibig ng mommy mo dito─" Mom cut him off by saying "Hon".

"What is it, Keyr? Bakit hindi ka pa tulog? Maaga pa pasok mo bukas," Mom said.

"Matutulog din po ako after this."

"Gumagamit na rin ng "PO" ang anak natin, sa wakas!" tuwang-tuwang sabi ni Dad. Whatever.

"Dad," tawag ko sa kanya. "Diba tinanong niyo ko kanina kung ano ang gusto ko?"

"Yeah, pero sinagot mo ko ng nothing," he reminded me.

"Nagbago na po isip ko. May gusto na ko."

"Sino?"

"Si Soyu─" Natigilan ako. Argh! Hinuhuli ba ko ng tatay ko? Dang it! Hindi ko napansin yun. Alam naman niya na bagay ang tinutukoy ko pero.... darn!

"Sabi na eh. Sinabi ko na," makahulugang mga salita ng aking tatay habang umiiling iling. Nakangiti pa siya habang si Mommy naman na katabi niya ay mukhang kinikilig.

"Dad, seryoso ako. Gusto kong tumira sa apartment," diretsong sabi ko sa kanila.

Nawala ang nakakalokong ngiti ni Daddy at nawala rin ang hagikgik na naririnig ko mula kay Mommy.

"Keyr, napag-usapan na natin yan, diba?" paalala ng nanay ko.

"Yes, mom. Pero kasi─" Hindi pa ko nakakapagsimulang magpaliwanag, nagsalita na si Daddy.

"Iba nalang ang hilingin mo, anak. Kahit ano, wag lang ang pagtira mo sa ibang bahay," ma-awtoridad na wika ni Dad. Sa ganitong seryoso siya, isa lang ang ibig sabihin nito. Rules niya ang masusunod. Period.

"Hindi naman sa pinagbabawalan. Ayaw lang namin na mawala ka sa poder namin, kayo ng mga kapatid mo. Habang hindi pa kayo mga nagsisipag-asawa, gusto namin na nasa tabi namin kayo."

Ano ba naman 'to. Pagtira lang sa apartment ang hinihiling ko napunta na sa pag-aasawa. Si Mommy talaga.

"Mom, Dad, you guys first listen up." I stared at them first. Pinag-aaralan kung may tututol dahil kung wala magpapaliwanag na ko. Wala namang nagsalita ni isa sa kanila kaya nagsimula na kong magpaliwanag.

Gusto ko mang ikwento sakanila yung nangyari kay Soyu, hindi ko pa rin ginawa dahil nangako ako sa kanya na wala akong ibang pagsasabihan nun (except kay Angelo na nasabihan ko na bago pa man ako makapag-promise sa kanya). And besides, maaring sabihin ng parents ko (lalo na si Mommy) ang tungkol doon sa Mama ni Soyu. Ayokong sirain ang pangako ko kay Soyu at ayokong mawala ang tiwala niya sa'kin kaya hindi ko nalang kinwento.

Sinabi ko nalang na walang kasama si Soyu for two weeks dahil lumuwas ng province ang mama niya na alam na pala nila kasi nagpaalam daw sakanila ito at humingi ng two weeks leave.

Si Soyu nalang ang mag-aasikaso sa sarili niya at para hindi siya mahirapan dahil sa tutorial namin, doon muna ako pansamantala sa apartment na katapat ng bahay nila.

"Mom, Dad, please payagan niyo na po ako," I plead na ngayon ko lang ginawa even to my parents.

Nagkatingin silang muli na para bang nagpapalitan ng conversation.

"Ayan ang epekto ni Soyu sa'yo," ani Dad. "Parang kahapon lang exclusive condo unit ang gusto mo, ngayon isang maliit na apartment nalang ang hinihiling mo."

"Sige na, payagan niyo na po ako. Please."

Once again, they exchange glances before bursting out their decision.

Soyunique's Point Of View

"Dito?! Dito mo ko ililibre, ha?!"

"Alam mo ang arte arte mo! Wag kang pumili kung gusto mo. Basta ako, kakain ako ng marami," sabi ko sa kanya habang pinandidilatan siya ng mata.

Dinala ko kasi siya dito sa street na may mga turo-turo stalls, at tinanong kung ano ang gusto niya. At dahil nga sa saksakan siya ng kaartehan, kaliwa't kanan na naman ang reklamo niya. Hindi daw malinis ang mga pagkain dito, masyado daw mausok ang lugar na ito and so on.

Si Angelo nga gustong-gustong pumunta dito, samantalang siya... hay! May mas aarte pa ba kay Demon? Mas maarte pa siya sa babae.

Iniwan ko na siya at nagpunta sa may tusok-tusok. May pritong isaw, ulo at leeg ng manok. Yung iba hindi ko na alam ang tawag pero masarap ang mga iyon.

Matapos kong magbayad, tumalikod na ko sa tindero. And as I did, kamuntik na kong mabunggo kay Demon at kamuntik ko na ring madumihan ang damit niya. Sinundan niya pala ako.

"Tara na nga. Ako nalang ang manlilibre." Hinawakan niya ko sa wrist at hinila.

Nanlaban ako kaya huminto siya at nilingon ako. "May deal tayo, diba?" paalala ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Basta lang siya nakatingin sa'kin at sa isaw na hawak ko.

"Masarap 'to, Demon. Try mo." Tinapat ko sa bibig niya yung fried isaw na nasa stick.

He just stared at it with disgust.

"Sige na," pamimilit ko at lalong inilapit sa bibig niya yung isaw.

After hesitations, sa wakas ay kumagat na rin siya. Napangiti ako habang pinapanood siyang ngumuya-nguya. Hindi ko masabi kung nasasarapan ba siya o ano kasi seryoso lang ang mukha niya.

Matapos niyang lumunok. Hinawakan niya ko sa wrist at muling inilapit sa bibig niya ang isaw at inubos niya yun.

"Masarap, diba?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot kasi ngumunguya pa siya kaya ang ginawa niya, tumango nalang siya. Pina-try ko rin sa kanya ang mga street foods na paborito. At first hesitant siyang kainin, pero kapag natitikman na niya, makikita mo sa mukha niya na nasasarapan siya at nag-eenjoy.

Dito ko siya dinala kasi para maranasan niya ang mga bagay na hindi pa niya na-e-experience. At para na rin mabawas-bawasan ang kaartehan niya sa katawan. Haha!

Magdidilim na ng naisipan naming umuwi. Pinagpilitan pa niya na ihatid ako hanggang sa bahay namin mismo. Okay, fine! Nakapunta na naman siya doon kaya hindi na nakipagtalo pa. At isa pa, as if naman na mananalo ako sa kanya.

"Sige na, pumasok ka na sainyo," utos niya. Nakasakay pa rin siya sa motor niya pero wala nang suot na helmet.

"Mamaya na pag alis mo. Sige na, alis na," utos ko rin sa kanya. Hindi naman sa pinagtatabuyan siya.

"Pumasok ka na nga sabi!"

"Umalis ka na nga muna sabi!"

Tinitigan niya ko ng masama kaya wala na kong nagawa kundi ang sundin siya. "Sige na nga. Ingat sila sa'yo," sabi ko sa kanya. Tumalikod na ko at naglakad papunta sa bahay namin.

Pagbukas ko ng pinto, humarap ako sa kanya at nag-wave ng kamay sabay sabing, "Bye, Demon!"

Ngumisi lang siya at pinaandar na uli ang motor niya. Akala ko aalis na siya. Ayun pala pinaikot lang niya at pinarada sa tapat ng apartment namin which is kaharap ng bahay namin.

Bumaba siya sa motor at laking gulat ko nung binuksan niya ang pinto ng apartment gamit ang susi at pumasok doon.

"Demon, anong ginagawa mo dyan?" tanong ko na may katamtamang lakas upang marinig niya.

Humarap siya sa direksyon ko na may ngising naglalaro sa labi niya. Nag-wave siya ng kamay gaya ng ginawa ko kanina sabay sabing, "Good night!"

Sinara na niya ang pinto. Ako naman ay naiwang nakatulala. Bakit siya pumasok doon? Mansyon na ang bahay nila pero ayun siya at---- si Demon na mayabang, mahilig makipagbasag-ulo, hot tempered, at higit sa lahat, nuknukan ng kaartehan MATUTULOG SA MALIIT NA APARTMENT NA IYON? To think na hindi pa ito exclusive subdivision or village.

CAN ANYBODY EXPLAIN TO ME WHAT WAS HAPPENING?!

 

次の章へ