My Demon [Ch. 44]
Seriously, hindi talaga ako nakatulog sa pag-iisip. Hindi talaga ma-digest ng utak ko ang nakita ko kagabi. Feeling ko nga panaginip lang yun e. Kaya kinaumagahan, matapos kong gawin ang daily routine ko sa bahay every morning, nagpunta ako sa apartment.
Nakakailang katok na ko pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Naghihilik pa siguro yun.
Pinihit ko yung knob. Hindi naka-lock. Si Demon talaga!
Pumasok ako sa loob ng apartment. Alam ko masama ang ginawa ko pero wala naman akong gagawing masama. Isang malaking puzzle ang pag-rent niya dito sa apartment ang, at hindi ako matatahimik hangga't di ko nalalaman ang dahilan niya. And besides, siya naman si Demon e. Hindi yun magagalit─ este sanay na ko kung awayin man niya ako.
Hindi naman maliit itong apartment. Actually mas malawak pa nga ito kaysa sa bahay namin. Pero sa side ni Demon, sure ako na naliliitan siya dito. Sa laki ba naman ng bahay nila eh.
Fusia pink ang color ng buong apartment. Dalawang kikay naman kasi ang former na nagrerent dito noon kaya ganito ka-girly ang architecture ng apartment. Mai-imagine niyo ba na si Demon ang nakatira sa ganitong klaseng apartment?
Nagtungo ako sa kwarto. Naka-ajar ang pinto kaya medyo nakikita ko si Demon na mahimbing na natutulog sa kama. Tinulak ko ang pinto para makita ang kabuuan ng kwarto. Hindi ko mapigilang matawa. Ang dami kasing bulaklak ang naka-paint sa wall tapos meron pa sa ceiling. Hindi na siguro naalis ng dating nagre-rent dito.
Kung hindi lang Cars yung comforter, bed sheet at maging ng unan niya, mapagkakamalan talaga siyang bakla.
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siyang natutulog. Nakatagilid siya at nakayakap sa unan na Cars din ang design.
"Ang bait bait mo ngayon ah," sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.
Akala mo kung sinong inosente kapag tulog. Hmp!
I watched him sleeping peacefully hanggang sa maalala ko ang tunay na pakay ko sa pagpunta dito.
"Demon, gising." Tinapik ko ang balikat niya.
No reaction. Ang himbing pa rin ng tulog niya. Tanghali na, buh!
"Demon, gising!" Nilakasan ko na ang boses ko at niyugyog ko na siya ng malakas.
Tinabig niya ang kamay ko at nagtalukbong ng comforter. Ayaw mo talagang magising, huh! Kung kanina isang kamay lang ang pinangyuyugyog ko sa kanya, ngayon dalawa na. Lalo ko pang nilakasan at binilisan.
Tinaboy niya uli ang kamay ko at bumangon.
"WHAT THE FUCK! ANO NA NAMAN BA─" Natigilan siya ng mapansin niya ko. Kumunot pa ang noo niya tapos kinusot-kusot ang mga mata niya as if naniniguro na ako nga talaga ang nakatayo sa gilid ng kama niya. "Ow, ikaw pala yan. Good morning!" he greeted. Biglang bago ng mood, eh?
"Anong good morning? Good afternoon na po," pananama ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Binuka ko ang bibig ko para sumagot nang magsalita siya ulit.
"Miss mo na ko agad? Tara, bigyan kita ng hug." He set the comforter aside at umalis ng kama. Inambahan niya ko na yayakapin kaya naman umatras ako.
"Feeling ka! May itatanong lang ako 'no!" medyo nauutal na sabi ko sa kanya.
Nag-chuckle siya (dahil siguro sa parang ewan na reaksyon ko), huminto sa paglapit sa'kin at umupo sa gilid ng kama paharap sa'kin.
"Teka, hindi ka ba magagalit sa'kin kasi pumasok ako dito ng walang paalam?"
"Why would I? Nung pumasok ka nga sa puso ko ng walang paalam hindi ako nagalit. Dito pa kaya? Eh apartment lang ito."
Parang nag-akyatan ang dugo ko sa aking mukha. Waaah! Ganito ba talaga siya kapag bagong gising?! Nakakaramdam ako ng panic na ewan. Idagdag mo pa ang itsura niya ngayon na bagong gising. Naka-white sando at PJs pa. Jeskelerd yung biceps oh! Plus his cool-messy hair. Bakit ba ganito kagwapo si Demon? Huhu. Malapit na kong maglaway. Dejk!
"Ang korni mo!" asar ko sa kanya.
Korni pero kinilig ka, sabi ng aking konsensya.
"Ang liit mo," balik asar niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos umiling-iling. Bakit kaya pagdating sa larangan ng pang-iinsulto, siya ang the best sa lahat ng the best?
"Ikaw ha! Bakit mo ni-rent itong apartment? May masamang plano ka 'no?"
"Masamang plano?" ulit niya na sinundan ng malakas na tawa.
Sheet of paper! Kung hindi lang maganda ang tawa niya, hahambalusin ko talaga siya, sweaaaar!
"Eh bakit nga?"
"Bakit ko sasabihin sa'yo?" balik tanong niya matapos tumawa.
"Demon, naman ih!" Nagpapapadyak na ko na parang bata. Oh well, bata nga pala ang tingin niya sa'kin. Ng karamihan.
"Oo na. Sasabihin na."
Naghintay ako ng susunod niyang sasabihin.
"Bakit ko nga ba ni-rent 'tong baduy na apartment na 'to?" he whispered as if asking himself. Nakatingin pa siya sa floor at nakahawak sa baba niya <- Itsura ng taong malalim na nag-iisip.
"Ah!" Nabuhayan ako nang sa wakas ay magsalita na ulit siya. Ayan na! Malalaman ko na. Makakatulog na ako mamayang gabi. "Good morning kiss muna," aniya at tinapik ang pisngi niya gamit ang pointing finger niya.
"Kasi naman eh! Bahala ka na nga dyan!"
Nagmartsa ako palabas ng kwarto niya. Tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Nakakainis na kasi siya eh! Ang hilig niyang magpakilig. Alam ko namang trip niya lang yun, pero di ko mapigilang isipin na totoo. Ayokong mag-assume pero di ko maiwasan. Nakakainis!
Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng apartment, hinila niya ko para pigilan. Katulad ng naiisip ko na gagawin niya.
"Napaka-matampuhin mo talaga!" sabi niya at pinitik ang noo ko.
Sa'yo lang naman ako matampuhin eh.
"Naka-pout ka na naman," he noticed.
"Bakit nga kase?"
"Bakit ba gusto mong malaman?"
"Sa gusto ko e. Sabihin mo na kasi."
"Nag-breakfast ka na ba?"
"Demon!"
Nag-face palm siya. Bakit parang nahihirapan siyang sabihin sa'kin ang dahilan?
Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago binalik sa'kin ang tingin at sa wakas ay sumagot na ng maayos. "I wanted to be independent."
I raised an eyebrow at him not satisfied on his answer.
"Gusto kong maging independent so I pleased my parents to let me rent an apartment even for two weeks," he explained.
"Bakit sa ganitong klaseng apartment pa? As far as I know, condo unit ang madalas mong hilingin sa parents mo," I pointed out.
"Sa mga movies ganito ang kadalasang ginagawa ng mayayamang magulang sa anak nila, hindi ba? Pinaparanas nila sa kanilang mga anak ang hirap para matuto silang tumayo sa buhay."
In fairness, ang ganda ng sagot niya. Si Demon ba talaga siya? Hmm?
"Bakit ganun?"
"Anong bakit ganun?" Halatang naguguluhan siya sa tanong ko. Maski ako e. Di ko alam kung bakit ko nasabi yun. Haha!
"Bakit ba big deal sa'yo?"
"Ewan nga e," tugon ko. "Nakakapanibago kasi. Parang hindi ikaw yan." Tumingin ako sa buong apartment, siya din.
Hindi ko talaga ma-explain kung anong tawag sa mga pagbabagong nakikita/napapansin ko kay Demon.
"Two weeks lang naman. I can endure this retard place," he murmured, looking around.
Kitams? Ang gulo niya, diba? He really is a chaos!
May kumatok kaya umalis ako sa tapat ng pinto at pumwesto sa gilid ni Demon. Siya na mismo ang nagbukas nun.
"Good Afternoon, Sir Keyr," sabay na bati ni Benjie (family chef nila) at ni Sam (one of their maids).
Nagkatinginan kami ni Demon. Tinaasan ko siya ng isang kilay at pumaywang.
"You wanted to be independent pala, huh?" Gusto niyang maging independent, e anong ginagawa ng chef at maid dito? Kalurkey!
Hindi siya nakasagot. Ang tanging nagawa niya lang ay magkamot ng batok.