Nagising ako mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang mga katok mula sa labas. Alam ko, si Mama iyon ngunit ang sarili kong katawan ay nanatiling walang kibo. Ano pa bang dahilan ko para bumalik sa lugar na iyon? Wala na. Kahit anong gawin kong pagsisisi, hindi ko na maitatama ang kasalanang nagawa ko sa kanya.
"Marco, anak please. Kapag hindi ka nagpakita sa kanila, people will assume na may kinalaman ka sa nangyari. Wala kang kasalanan anak, alam namin yun at nandito lang kami ng Papa mo para protektahan ka. So please, open this door and get up now." sabi ni Mama mula sa labas.
"What if I really did kill her Ma? Yan pa din ba ang sasabihin mo?" seryoso kong sagot dahilan para bigla silang matahimik sa labas. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang munting larawan na nakapatong sa side table na naroon. It was her, Prof. Maddison. Unti-unti na namang nabuo ang galit sa dibdib ko.
"I hate you...I hate you!" dala ng nararamdaman kong galit, hindi ako nagdalawang isip na punitin iyon.
"I hate you!!!!" sigaw ko habang pinagbabatuhan ko ang mga gamit na mahawakan ko. Isang malakas na paghampas mula sa labas ng pinto ang narinig ko at namalayan ko na lang na yakap-yakap na ako ni Mama.
"Ssshh.We'll fix this, I promise." umiiyak na sabi ni Mama.
The damage has already done. Someone has died. No one can fix it.
Sa loob ng halos dalawang taong pananatili ko sa Mellford University, naging komportable na ako sa araw-araw na pagpasok ko dito. Transferee ako sa nasabing eskwelahan. Lumaki ako sa U.S pero napilitan kaming umuwi ng Pinas dahil sa negosyong kailangang tutukan nina Mama at Papa. Hindi na ako nagreklamo nang malaman kong uuwi kami dito. Afterall, sanay naman ako na palipat-lipat kami ng lugar. My college life went well until I met Prof. Maddison. Siya ang dahilan kung bakit tila estranghero na ako ngayon sa Mellford University. Ang dating saya at excitement na nararamdaman ko sa tuwing papasok ako sa unibersidad na ito, ngayon ay napalitan na ng lungkot at pagkagalit.
"I heard, primary suspek siya sa pagkamatay ni Prof. Maddison."
"Gosh. Kung totoo yan, he musn't be here."
"A good looking man but with a heart of killer pala."
Tama nga ang hinala ko. The news are all over the campus now. But I don't care anymore. I need to pretend that everything is alright. I need to show them that I am not guilty of Prof. Maddison's death.
Pagpasok ko sa room, inasahan ko na ang mga mapanghusgang mata at bulungan. Halatang iwas at naiilang ang halos lahat ng kaklase ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko. Lumingon ako sa pwesto ni Travis ngunit blanko ang silya nito. Maybe, he's just late.
Labing-limang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa din ang gurong nakaassign sa oras na iyon. Si Travis ang bumungad sa pinto at diretso itong umupo sa silya niya. Hindi man lang niya ako sinulyapan o tinapik man lang sa balikat katulad ng palagi niyang ginagawa kapag nagkikita kami. Galit din kaya siya sa akin at pinaghihinalaan na ako nga ang pumatay kay Prof. Maddison?
"Excuse me, Mr. Monder. Can you please come to my office now?" biglang bungad ni Mr. Ronquillo, Guidance Councilor ng Mellford University. Sabay-sabay namang nagtinginan ang mga kalase ko sa akin maliban kay Travis na parang malayo ang iniisip. Dahil dun, hindi ko napigilang magkuyom ng kamao habang tahimik na nakasunod kay Mr. Ronquillo.
"Marco, I want you to trust me." sabi ni Mr. Ronquillo nang makapasok kami sa opisina niya. Isang sarkastikong ngiti naman ang itinugon ko sa sinabi niya.
"Trust you? For what? In telling the truth?"
"Yes. Because this is not something you can handle all alone. You need help." Napasuntok ako sa lamesa niya.
"This is all your fault! If only this fucking school are more concern with the safety of students and personnel, this killing won't happened. Tapos ngayon, sinasabi mo na magtiwala ako sa'yo? Fuck you again and this school." Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at nagdesisyong lumabas na ng opisina.
Sa loob ng mahabang panahon, sinikap kong kalimutan ang madilim na parte ng nakaraan ko. Pero kung kinakailangang may dumanak na naman na dugo sa mga kamay ko, hindi ako magdadalawang isip na kumitil ng buhay.
----
"I need the hardest one."
Ilang sandali lang ay isinerved na sa akin ng bartender ang drinks na inorder ko. Sunod-sunod ko itong ininom na halos ikasamid ko.
"Tough night?" napapangiting tanong ni Ritch. Mayamaya ay umorder na din ito at sinabayan ako sa pag-inom.
"Sort of." matipid kong sagot.
"Let me take care of it Travis." bulong niya sa akin habang ang isang kamay niya ay dahan-dahang naglalakbay sa hita ko papunta sa zipper ng suot kong pantalon. Biglang nag-init ang pakiramdam ko lalo pa at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa pisngi ko.
"You're making me hard." Mahina kong sabi sa kaniya. Marami na akong nainom dahilan para mas magpumiglas ang nakatago kong alaga. Lalo naman niyang idiniin pa ang ginagawa niyang paghagod na lalong nagpatindi sa aking pagnanasa. Hindi na ako nakatiis kaya hinila ko na siya papunta sa parking lot.
"Get in." utos ko sa kanya. Nang sandaling makapasok na kami sa kotse, sinibasib ko agad siya ng halik. Matagal at punong-puno ng pagnanasa. Hindi na niya napigil ang impit na ungol dahil sa sensasyong dala ng aking pagroromansa sa kanyang labi at katawan. Dahil dito, lalo akong naging hayok na maipasok ang matigas kong bahagi na iyon sa kanyang sentro. Inihiga ko ang
front seat at mabilis ko siyang isinandal doon. Hindi ako nag-aalala na baka may makakita sa amin dahil nasa parteng dulo ako nagpark ng kotse. Isa pa, tinted naman ang buong sasakyan at siguradong wala namang pakialam ang mga tao dito kung gawin man namin ito sa loob ng kotse ko.
"Aaahh...Travis." ungol ni Ritch habang mabilis akong gumagalaw sa ibabaw niya.
"You feel me, huh? " sabi ko habang ang isang kamay ko ay mariing nakahawak sa leeg niya.
"Yes, baby. Fuck me hard." lalo ko pang binilisan ang pag-atake sa kanya kasabay ng mas mahigpit na paghawak sa leeg niya. Malapit ko nang marating ang rurok ng kasarapang ginagawa namin ni Ritch nang bigla akong mapasigaw.
"Oh, shit!" hindi ko sinasadyang maitulak si Ritch palayo sa akin. Bigla ko kasing nakita ang imahe ng isang taong pamilyar sa akin.
"What the hell, Travis?" inis na tanong ni Ritch.
"I'm sorry. I-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagmamadali nang bumaba ng kotse si Ritch.
"Damn!" galit kong sigaw habang hinahampas ko ang manibela.
"Of all people, bakit siya pa ang maaalala ko?" nawala na ako sa mood kaya ini-start ko na ang kotse at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Kinabukasan, pansin ko ang katahimikan sa Mellford University. Wala masyadong estudyanteng nakaharang sa hallway. Tanging mga bulaklak at poster ng pakikiramay kay Prof. Maddison ang nakikita ko. Sa isang parte, nakadikit doon ang larawan ng maganda niyang mukha. Tila nangungusap ang mga mata nito na para bang nakatingin mismo sa taong tumititig sa larawan niya. Bigla akong kinilabutan.
"Rest in peace, Prof. Maddison". sarkastiko kong sabi bago muling nagpatuloy sa paglalakad papunta sa room ko.
"Bro." bati ko kay Marco sabay tapik sa balikat niya.
"Are you okay?"tanong niya.
"Yeah. And you?" pansin ko na bigla siyang nagbago ng mood at mabilis na umiwas ng tingin.
"I'm good." tipid niyang sagot. Mayamaya ay pumasok si Mrs. Donovan, ang dekana ng aming kolehiyo. Kasunod nito ang dalawang armadong lalaki na sa palagay ko ay mga pulis.
"These are SPO Dave Matti and SPO Gareth Romualdez of PNP They are going to ask some of the students regarding on Prof. Madisson's death. Remember, this is for your own good. If you heard your name, please stand up."
"Who is Marco Monder?" baritonong tanong ni Police Inspector Dave Matti. Agad namang tumayo si Marco at agad na lumabas ng room. Tahimik ang lahat at kapwa mga nakikiramdam sa kasunod na sasabihin ng pulis.
"Travis Dobson?" para namang tumigil saglit ang paghinga ko nang marinig ko ang pangalan ko. Bigla akong napatayo.
"Why my name is on the list, Sir?" takang tanong ko.
"Just come with us now." seryosong sagot niya.
"Fuck." mahinang bulong ko. This couldn't be. Padabog kong kinuha ang bag ko at inis na lumakad paunahan. Napansin ko naman na may ilang kaklase ako na sinusundan ako ng tingin na lalong nagpa-inis sa akin.
"Anong tinitingin-tingin nyo ha?" sita ko sa kanila at akmang susugudin sa kinauupuan nila pero nahawakan agad ako ng isang kasama niya sa balikat.
"Don't dare to make another trouble,kid." mahina niyang sabi sa akin. Napakuyom na lang ako ng kamao at mabigat ang loob na lumabas ng room.
Isang puting police vehicle ang nakita kong nakaabang sa labas ng Mellford University. Napatigil ako sa paglalakad at galit na hinarap ang dalawang opisyal.
"Teka, akala ko ba magtatanong lang kayo bakit kailangan sumama pa ako sa inyo."
Bigla akong hinawakan sa kwelyo ni SPO Matti at gigil na nagsalita sa akin. "Just do what I have said."
Nabigla naman ako sa inasta ng pulis. Hindi na ako umimik at palaban na inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa kwelyo ko. Pagpasok ko sa sasakyan, nakita ko doon ang dalawa pang pamilyar na mukha bukod kay Marco. Si Sunny Nogaran at Ritch Moja.
Dinala kaming apat sa interrogation room. Nakakakaba ang katahimikan. Walang sinuman ang gustong magsalita. Napatingin ako sa direksyon ni Sunny. Halatang tensyonado habang patingin-tingin sa paligid. How come this weirdo is connected to Prof. Maddison's death?
"I need to call my parents! I didn't kill Prof.Maddison!" histerikal na sabi ni Ritch. Umiiyak na ito habang nagpapabalik-balik sa paglalakad. Habang si Marco, tahimik lang ito na tila naglalakbay ang isip.
Makalipas ang ilang minuto, magkasunod na pumasok si SPO Matti at SPO Romualdez.
"Let me leave! Wala akong kasalanan dito!" galit na sabi ni Ritch. Tumawa lang ang dalawang pulis.
"Lahat ng kriminal, yan ang sinasabi." lumakad si SPO Matti palapit kay Ritch habang marahang hinahampas ang batutang hawak nito sa sarili niyang kamay.
"Kung gusto niyong makaalis agad dito, mas mabuting makipagtulungan na lang kayo sa amin at magsabi ng totoo." seryosong pahayag ng pulis. Bigla nitong inihampas ng malakas ang batutang hawak niya sa lamesa na siyang nagpagulat sa amin.
"Nagkakaintindihan ba tayo?!" malakas na sabi ng pulis. Nagkatinginan na lang kaming apat.
"Gusto ko ding malaman nyo na hawak din namin si Ms.Kate Almocera. Hindi pa siya nagigising hanggang ngayon dahil sa mga tinamo niyang saksak. Pero huwag kayong malungkot dahil sooner or later, makakasama niyo din siya." nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ni Kate.
"Paanong nangyaring napasama dito si Kate? Anong nangyari sa kanya?" nag-aalala kong tanong.
"Ask your friend.Mukhang alam niya ang sagot sa tanong mo." at pagkasabi nun ay lumabas na ang dalawang pulis sa interrogation room.
"Why didn't you tell me?!" galit kong tanong kay Marco habang hatak-hatak ko ang kwelyo niya.
"Sorry." matipid niyang sagot habang diretsong nakatingin sa akin.
"Sorry? Hindi mo man lang sinabi na masama pala ang lagay ni Kate. You should have told me Marco!" napasuntok na lang ako sa pader dahil sa galit. Ang buong akala ko, okay lang siya at kailangan lang magpahinga. Hindi ko alam na kritikal pala ang lagay niya ngayon. Kaya pala palaging Mama niya ang sumasagot kapag tumatawag ako sa kaniya.
Mayamaya ay muling nagbukas ang pinto. Bumungad doon ang mga magulang ni Marco.
"Marco, anak." sabi ng Mama niya habang yakap-yakap ito. Kasunod na dumating ay ang mga magulang naman ni Ritch.
"Oh god! Honey, why you even here?" nag-aalalang tanong ng mama nito. Umiiyak namang yumakap na lang si Ritch sa magulang niya.
"Let's go now." yaya naman ng ama ni Ritch. Natira kaming dalawa ni Sunny sa loob ng interrogation room. Alam kong wala namang susundo sa akin kaya kinuha ko na ang bag ko at akma na sanang aalis ng mapansin kong wala pa ding kibo si Sunny sa kinauupuan niya.
"Are you going to stay here?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Dahan-dahan naman itong tumayo at doon ko nakita kung bakit ayaw pa niyang umalis sa pwesto niya.
"You pissed yourself?" natatawa kong tanong habang nakatingin sa basa niyang pantalon. Dala siguro ng takot at kaba kanina dun sa dalawang pulis kaya di niya napigil maihi.
"Weirdo." napailing na lang ako at lumabas na ng room.
---
"Ano na naman ba ito,Sunny? Palagi na lang kaming napapatawag ng Mommy mo sa school. Bobo ka na nga tapos ngayon ano? Kriminal ka na ding bata ka? Puro problema na lang ba ang dadalhin mo sa pamamahay na ito, ha?! Hindi ka gumaya sa mga kapatid mo, may silbi! " galit na sigaw sa akin ni Papa.
"Huminahon ka George. Anak ko yang pinagsasabihan mo." pigil ni Mama kay Papa.
"Ayusin mo yang gulo ng anak mo. Ayaw kong masira ang pangalan ko dahil lang sa bastardong yan." madiing sabi ni Papa. Naiwan kami ni Mama sa sala at nilapitan niya ako. Nanatili akong nakayuko at pigil ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Hindi sa lungkot kundi sa galit sa mga taong nakapaligid sa akin.
"Umakyat ka na sa kwarto mo at ayusin mo ang sarili mo. May mga bisitang dadating mamaya ang Papa mo." sabi ni Mama sa akin at pagkatapos ay umalis na din ito. Hindi man lang niya ako tinanong kung okay lang ba ako sa halip ay pinili niyang sumunod sa demonyong George na yun. Kung hindi lang sana namatay si Papa, hindi sana maiisipan ni Mama na mag-asawa ulit ng iba. Eh di sana, hindi ako parang basahang pinandidirihan sa bahay na ito.
Umakyat ako sa kwarto ko at maingat na isinara iyon. Bigla akong nakaramdam ng galit habang pinagmamasdan ko ang mga litratong nakadikit sa gitnang parte ng kwarto.
"Magbabayad kayong lahat sa akin." mahina kong sabi habang isa-isa kong tinititigan ang mga larawan na naroon. Napatigil ako sa isang pamilyar na imahe at kinuha ko iyon.
"You deserve more than this." hindi ko na napigilan ang mga luhang nagpapaunahang umagos sa pisngi ko. Agad ko naman iyong pinunasan gamit ang palad ko at pagkatapos ay nilukot ko ang munting litratong hawak ko. Simula ngayon, hindi ko na hahayaang may mang-api pa sa akin. Not even you, Prof. Maddison.