Brench School High isang prestihiyosong paaralan kung saan magkahiwalay ang mga babae at lalaki. Tanging pader lamang ang pagitan nito. Isang sikat na olympic swimmer na nagangalang Trevor Shakespear ang pinagkakaguluhan ng mga babae, lagi siyang sinisilip ng mga ito sa swimming pool kabilang bakod kung saan ito nag eensayo sa paglangoy. Ngunit isang kababalaghan ang naganap. May isang studyante na kinakatakutan sa section 1, at ito ay naghahanap ng hustisya.
PROLOGUE
Isang gabi, may dalawang binata ang nag-uusap habang lumalangoy sa swimming pool ng kanilang eskuwelahan.
"Alam mo ba may spiritu ng babae ang nag-oober-da-bakod dito tuwing Biyernes ng gabi!" Kuwento ni Calix.
"Talaga? Saan?" Curious na wika naman ni Basti.
"Doon sa bakod na yon!" Wika ni Calix at kaniyang tinuturo ang madilim na bakod sa dako paroon. Napatingin si Basti sa madilim na bakod.
"Ikaw naman Calix nananakot ka naman, Biyernes ng gabi ngayon!"
"Darating na sya!" Bulalas ni Calix.
Maya-maya ay may narinig silang kumakaluskos, at may sumampang maduming kamay sa bakod.
…..
Brench High, ito ay isang sikat na eskwelahan kung saan magkahiwalay ang mga babae at mga lalaki, pader lamang ang pagitan nito.
Isang araw, sa campus ng girls school, nagkalat ang mga mag-aaral at masaya silang nagtatawanan at nagkukuwentuhan, sa gitna nito ay biglang natahimik ang lahat nang nakita nilang dumadaan ang isang studyante na kinakatakutan ng lahat, ang pangalan nito ay Rihana. Mabagal itong naglalakad at nakayuko ang kanyang ulo kung kaya't natatakpan ang kanyang mukha ng kanyang mahahabang buhok. Suot ang school uniform na kulay puti na long sleeve at palda na kulay pula at school shoes na may puting medyas hanggang baba ng tuhod. Lahat ay naglayuan nang sya ay nakita.
May isang baguhang studyante na nagangalang Myles ang nagtanong sa kasama nito. "Sino sya? So creepy!" nagtatakang tanong ni Myles sa kaniyang kasama na nagtatago sa kanyang likuran.
"S-Sya si Rihana,"
"Bakit parang natatakot kayong lahat sa kaniya?"
"May kababalaghan daw na nangyayari sa section nila," bulong nito kay Miles habang panay ang tago nito sa kaniyang likuran.
"Nakakatakot naman yan, anong year na niya at anong section sya?"
"Senoir High! Section 1!" Wika naman nito,
"Oh my! I'm new student in section 1!"
"M-mag-iingat ka!" Paalalang sabi nito.
"Huwag mo naman ako takutin!" Wika ni Myles, at hinarap niya ang kasama.
Ngunit tumakbo na ito ng papalayo. Wala ng nagawa si Miles kundi puntahan ang kaniyang klase.