webnovel

Ang mga text message sa phone (11)

編集者: LiberReverieGroup

Nagaalala si Qiao Anhao na baka naiinip na si Lu Jinnian kaka'antay sakanya

kaya pagkatapos niyang sagutin ang tanong ng dalaga ay agad na rin siyang

nagpaalam at nagmamadaling naglakad palabas. Pero noong malapit na siya sa

pintuan, hindi niya inaasahan na may bigla nanamang tatawag sakanya.

"Qiao Anhao."

Kilala niya ang boses na tumawag sakanya kaya bigla siyang napahinto sa

paglalakad. Bakit naman kaya siya tinatawag ni Lin Shiyi?

Pero noong mga oras na 'yun, di hamak na mas importante sakanya si Lu

Jinnian, na naghihintay sakanya sa labas, kaysa sa gustong sabihin ni Lin Shiyi

kaya imbes na harapin ito ay nagpatuloy lang siya paglalakad.

"Qiao Anhao!" Sa pagkakataong ito, lalo pang lumakas ang boses ni Lin Shiyi.

Mukhang wala talaga itong balak tumigil dahil pagkatapos nitong saumigaw ay

narinig nalang ni Qiao Anhao ang tunog ng takong nito na humahabol sakanya

at bago niya pa mabuksan ang pintuan, bigla nalang itong sumulpot sakanyang

harapan.

Halatang katatapos lang umiyak ni Lin Shiyi dahil sobrang namumugto pa ang

mga mata nito.

Hindi na natutuwa si Qiao Anhao sa panggugulo ni Lin Shiyi kaya naiirita niyang

sinabi, "Lin Shiyi, ano ba talagang gusto mo? Balewala ba sayo na sobrang

naeskandalo kana…"

"Qiao Anhao, wag ka ngang magpanggap na naawa ka saakin!" Pabalang na

sabat ni Lin Shiyi. Wala siyang balak na magpatinag kaya ngumisi siya at

pabulong na sinabi ang tunay niyang pakay. "Kalma. Hindi kita tinawag para

makipag'away. Gusto ko lang naman sabihin sayo na ang ang tagapagtanggol

mong si Lu Jinnian, sa tingin mo ba tapat talaga siya sayo?"

Biglang nanlisik ang mga mata ni Qiao Anhao at noong magsasalita na sana

siya, muli nanamang pabulong na nagpatuloy si Lin Shiyi. "Sasabihin ko sayo

ang totoo. Mga bandang alas dose kagabi, nakita ko lang naman si Lu Jinnian

na may hinatid na isang foreigner na babae sa Four Seasons Hotel. Alam mo

bang pumasok sila sa iisang kwarto at napaka tagal bago sila lumabas…

"Qiao Anhao, isang babae at isang lalaki sa loob ng iisang kwarto….sa

kalagitnaan ng gabi…ano kaya sa tingin mong nangyari sakanila sa loob ng

kwarto? Ang pinagtataka ko lang naman ay bakit ang babaeng 'yun ang kasama

ni Lu Jinnian kagabi at hindi ikaw?"

Nangaasar na tumawa si Lin Shiyi bago siya muling magpatuloy. "Qiao Anhao,

mayabang ka lang naman ngayon dahil nasa palad mo si Lu Jinnian, tama ba?

Kung wala siya sayo, ano bang laban mo? Pero, base sa nakikita ko, wala ka

naman talagang pinanghahawakan sa lalaking 'yun!"

Hindi pa nakuntento si Lin Shiyi, kaya habang nakatingin sa magandang kamay

ni Qiao Anhao, muli siyang nagsalita, "May sinabihan ka kanina na asawa mo

na si Lu Jinnian? Kinasal na kayo? Pagkatapos niyong magpakasal, hindi ka

manlang niya binilhan ng wedding ring?"

Nang marinig ni Qiao Anhao ang huling sinabi ni Lin Shiyi, bigla niyang itinago

ang kanyang kamay sa hawak niyang handbag. Hangga't maari, ayaw niyang

bumaba sa lebel nito kaya pinilit niyang maging kalmado at sinabi, "Tapos ka

na bang magsalita? Kasi kung oo, pwede bang tumabi ka na."

Hindi inaasahan ni Lin Shiyi na ganun ang magiging reaksyon ni Qiao Anhao

kaya halos isang segundo siyang natigilan bago siya muling magsalita, "Hindi

ka naniniwala sa mga sinabi ko?"

"Lin Shiyi, hindi ka ba natatawa sa sarili mong tanong?" Biglang tumawa si

Qiao Anhao ng malakas na para bang may narinig siyang sobrang

nakakatawang biro. Tinignan niya si Lin Shiyi taas baba at nagpatuloy, "Mula

ulo hanggang paa, ano bang parte ng katawan mo ang kapani-paniwala?"

次の章へ