webnovel

Ang mga text message sa phone (12)

編集者: LiberReverieGroup

Pagkatapos magsalita ni Qiao Anhao, nilampasan niya si Lin Shiyi at binuksan

ang piuntuan ng make up room.

Biglang namutla si Lin Shiyi sa mga narinig niya, pero hindi siya magpapatalo

kaya dahan-dahan niyang inangat ang kanyang baba at tumalikod para tignan

si Qiao Anhao, na atat na atat ng umalis. Hindi siya papayag na magpatalo

kaya walang preno siyang nagsalita, "Oh,tama. Qiao Anhao, nakalimutan ko

palang sabihin sayo… Nasa Room 1002 sila sa Four Seasons, sa presidential

suite."

Medyo nanginig ang kamay ni Qiao Anhao na nakahawak sa pintuan, pero

pinilit niyang magmukhang kalmado sa harap ni Lin Shiyi. Sa pagkakataong ito,

hindi na siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad na para bang wala

siyang narinig.

-

Pagkaalis nila sa set, saktong oras na rin ng gabihan kaya noong may

nadaanan silang Cantonese Restaurant habang nasa byahe pauwing Mian Xiu

Garden, nagdesisyon si Lu Jinnian na kumain muna sila.

Kabisado na ni Lu Jinnian ang mga gustong kainin ni Qiao Anhao kaya siya

nalang ang nag'order ng mga pagkain na hindi mahirap tunawin.

Mabilis na naiserve ang mga inorder nila pero bago sila mag'umpisa, naglabas

muna si Lu Jinnian ng wet towel para kay Qiao Anhao. Kapansin-pansin na

walang tigil niyang nilalagyan ng pagkain ang plato nito, pero ni minsan ay hindi

manlang siya sumubo. Mula umpisa, wala siyang ibang ginawa kundi alalayan

ang kanyang asawa.

Noong ibaba ni Qiao Anhao ang chopsticks nito, dali-dali niya itong binigyan ng

napkin. Noong napansin niyang paubos na ang tsaa nito, dali-dali niya itong

sinalinan. Noong nakita niyang may sinilip ito sa isang plato, dali-dali siyang

kumuha mula sa platong 'yun at ibinigay dito. Dahil may mga inorder siyang

isda at hipon, walang tigil siya sa paghihimay at pagbababalat para hindi ito

mahirapan.

Simula noong ikasal sina Qiao Anhao at Lu Jinnian, tatlong beses silang sabay

na kumakain sa araw-araw. Inaalalayan na rin naman talaga ni Lu Jinnian ang

asawa niya sa pag'upo, binibigyan ng napkin at sinasalinan ng tsaa, pero iba

talaga ang naging pagaasikaso nito ngayong gabi.

Habang kumakain ng hipon na binalatan ni Lu Jinnian, hindi na napigilan ni

Qiao Anhao na iangat ang kanyang ulo para tignan ito. Alam niyang may

kakaiba sa asawa niya kaya pinagmasdan niya lang ito habang abala ito sa

pagsasalin ng tsaa sakanyang baso. Kung titignan, wala namang bagong sa

itsura Lu Jinnian pero dahil matagal niya na itong kilala, sigurado siyang

masaya ito dahil simula noong umalis sila sa set, kapansin-pansin na hindi

nakunot ang noo nito.

Pero noong nasa set sila, malinaw na binigyan niya ito ng problema…

Habang inaalala ni Qiao Anhao kung paano nagyabang si Zhao Meng kanina,

bigla nalang nag'init ang maliit niyang mukha dahil hanggang ngayon ay

nahihiya pa rin siya sa ginawa ng kanyang kaibigan.

Kung hindi sana naging pabigla-bigla si Zhao Meng, hindi niya na sana

kakailanganing papuntahin si Lu Jinnian. Higit sa lahat, hindi niya rin naman

inakala na pagkatapos niyang magsumbong ay talagang paninindigan ni Lu

Jinnian ang mga binitawang salita ni Zhao Meng.

Lalo na noong talagang pinatigil nito ang production ng 'Love at First Sight' sa

loob ng walong buwan! Isa pa, para makapaginvest ng malaking halaga,

siguradong hindi basta-basta ang boyfriend ni Lin Shiyi… Hindi pa man din

kilala ni Lu Jinnian kung sino ang investor ay walang pagdadalawang isip nitong

pinahinto ang production dahil lang sa sumbong niya….Aminado naman siya na

masyado siyang naging isip bata at padalos-dalos….Hindi kaya magkaroon ng

malaking problema si Lu Jinnian ng dahil sakanya?

Nahihiya talaga si Qiao Anhao kay Lu Jinnian kaya hindi niya ito kayang tignan

ng matagal. Pagkayuko niya, nakita niya na may dalawang nakabalat na hipon

at isang nakahimay na isda nanaman sakanyang bowl.

Hindi niya alam kung bakit pero sobrang nakokonsensya talaga siya dahil sa

mga nangyari. Sumubo lang siya sandali ng isang hipon at muli niya nanamang

tinignan si Lu Jinnain, pero sa pagkakataong ito ay naglakas loob na siyang

magtanong, "Kanina sa set… pinasakit ko ba ang ulo mo?"

Kumpara kay Qiao Anhao, milya-milya ang pagiging kalmado ni Lu Jinnian, na

para bang walang nangyari kanina. "Paano mo naman napasakit ang ulo ko?"

Habang nagtatanong, muli nanamang nilagyan ni Lu Jinnian ng nabalatang

hipon ang bowl ni Qiao Anhao.

次の章へ