webnovel

Ang Angkan ng Spirit Soul (4)

編集者: LiberReverieGroup

Sa wakas si Jun Wu Xie ay bumalik na sa kaniyang katawan at hindi na kinailangan tingnan ang

lahat sa loob ng libingan ng Dark Emperor sa pamamagitan ng mga mata ng pusang itim.

Hinagod ng kamay ni Jun Wu Yao ang ulo ni Jun Wu Xie na ang kaniyang mga mata ay puno ng

kasiyahan at tiningnan mabuti si Jun Wu Xi upang matiyak na maayos ang kaniyang

pakiramdam.

Nasanay na sina Ye Sha at Yemei na makita ang pag-aalaga at pagaasikaso ni Jun Wu Yao,

,ngunit para kay Ye Gu….

Siya ay talagang…

Hindi makapagsalita.

[Impiyerno!]

[Anong nangyari sa kanilang Lord Jue! ?]

Nagsimula nang maghinala si Ye Gu kung nawala na ang kaniyang alaala sa kaniyang Lord Jue.

Bakit ang naaalala niyang Lord Jue ay naiiba sa nakikita ngayon ng kaniyang mga mata?

At sa mukha ng kaniyang Lord Jue, kailan nagsimulang magpakita ng isang napakabanayad na

ngiti?

" Masasanay ka rin" ang malakas na boses ni Ye Mei ay biglang naging mahinang bulong sa

mga tainga ni Ye Gu.

"Kapag ikaw ay nasanay, ito ay iyong hahanapin at sa halip gugustuhin mong makita." Si Ye

Sha ay sumang-ayon at tumango.

Tumingin si Ye Gu sa kanilang dalawa na may mukhang kakila-kilabot , nakatitig sa kaniyang

naging malapit na kasamahan, lubos na nakakakilabot na parang ang dalawang lalaki ay ang

eksaktong larawan ng mga taksil sa paghihimagsik.

[Matagal na ba siyang nahiwalay sa mundo o hindi pa rin ito nagigising pagkatapos ng lahat?]

Si Jun Wu Xi ay saglit na nakipagusap kay Jun Wu Yao at siya ay tumingin kay Ye Gu. Tumayo

siya sa harapan ni Ye Gu at tumitig na nanghihina at maputla ang mukha.

Lahat ng sinabi ni Ron Ruo at Fan Zhuo, narinig niya bawat salita . Batay sa " dalagita"na nakita

niya noon at ang bata na nakita niya sa kanyang harapan, naisip niya na sina Rong Ruo at Fan

Zhuo ay maaaring nahulaan ang mga bagay tungkol sa batang ito. Ang taong nauna sa kaniya

ay lahi ng Spirit Soul at natagpuan ni Jun Wu Xie ang natatanging kakayahan ng kanilang lahi at

lubos na nakakamangha.

Mula sa isang tiyak na pananaw, Si Jun Wu Xie at ang pusang itim ay dalawang katauhan sa

isang katawan ngunit hindi tulad sa lahi ng Spirit Soul, hindi mawawala ang soul kapag sila ay

tumanda.

Ang atensyon na ibinibigay ni Jun Wu Xie kay Ye Gu ay nagdulot kay Ye Sha at Ye Mei ng labis

na pagkabalisa.

Patungkol sa Young Miss, ang dalawa ay nakakuha ng mahusay na pangunawa sa kaniya. Alam

nila na si Jun Wu Xie ay ang taong laging gustong patayin o pinapapatakas at batay sa

kasalukuyang sitwasyon na nakikita nila sa kaniya, si Ye Gu ay isang tagapagbantay sa libingan

ng Dark Emperor, isang kalaban na nakaharang sa kanilang daanan.

Sila ay nag-aalala kung si Jun Wu Xie ay magpapasya na paalisin si Ye Gu.

"Young Miss, kami ay hindi pa pamilyar dito sa libingan ng Dark Emperor. Nararapat ba nating

panatilihin ang taong ito upang makakuha tayo ng ilang impormasyon mula sa kaniya?"

Maingat na tanong ni Ye Mei.

Si Jun Wu Xie ay hindi kumibo hanggang may isang gintong larawan ang biglang nahulog sa

pagitan niya at ni Ye Gu.

Ang sabre tooth tiger na nagbagong anyo mula sa maliit na Hell Rodent ay nakatayo na

parang isang tagapagsanggalang ni Ye Gu upang bantayan siya, na tila natatakot na maaring

may manakit kaniyang Master.

Ang dalagita ay nagbagong anyo bilang Ye Gu at ang Hell Rodent ay nagbagong anyo bilang

isang mabangis na sabre toothed tiger . Ang mga mata ng sabre toothed tiger ay alerto at

nagbabantay , at hindi katulad ng mga mangmang na Hell Rodent.

Binabantayan nito ang kaniyang Master.

"Wala akong sinabi na kahit ano tungkol sa pagpatay sa kaniya." Sinabi ni Jun Wu Xie at

tumingala, nakatingin ng diretso kay Ye Sha at Ye Mei.

Si Ye Sha at Ye Mei ay bigla na lamang nabigla.

Si Jun Wu Xie ay walang balak na patayin si Ye Gu. Bilang tagapagbantay sa libingan ng Dark

Emperor, resposibilidad ni Ye Gu na pigilan ang mga nagtatangkang pumasok at hindi rin

nman siya masamang tao. At nang si Jun Wu Xie ay nasa anyo ng pusang itim, kahit na ang

dalagita o si Ye Gu mismo , wala sila parehong ginawang masama sa kaniya.

Bukod dito, si Ye Gu ay napatahimik na nina Ye Sha at Ye mei. Ito ay dahil sa dalagita na

nakulong dito nang matagal o dahil sa walang muwang at mapang-akit na little Hell Rodent,si

Jun Wu Xie ay hindi nkaramdam ng labis na poot laban kay Ye Gu.

"Ingatan mo siya" iyan ang ibinatong mga salita ni Jun wu xie sa kanila at siya ay umalis. Ayaw

niyang saktan ang ibang soul na nanahan sa loob ng katawan ni Ye Gu.

Ang dalagita na may kaunting kalokohan ay hindi makapagsalita ng malinaw.

次の章へ