webnovel

Kayamanan, Parating na Kami! (1)

編集者: LiberReverieGroup

Sina Ye Sha at Ye Mei ay nakahinga ng maluwag. May pagkukunwaring galit at matigas na

ekspresyon sa kanilang mukha upang maipakita ang babala kay Ye Gu na mkipagtulungan at

huwag subakan ang anumang panlilinlang.

Si Ye Gu ay lalong nakaramdam ng panlulumo.

[ Bakit ang dalawang tampalasan na ito ay magalang sa dalagita?]

Sila ay masunurin at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Sinusubukan niyang tukuyin ang kaugnayan sa pagitan ng kaniyang Lord Jue at ang dalagita ay

nagbibigay lamang ng malaking tanong sa kaniyang isipan.

Ang mga kasama ay maaaring pumasok sa libingan ng Dark Emperor at nang bumukas ang

mga pintuan, bumungad sa kanila ang hindi mabilang na mga gabundok na ginto,pilak at mga

hiyas. Ang halaga ng kayamanan sa alinmang bulwagan ay kayang lampasan ang yaman ng

isang bansa at higit pa.

Patungo sa makikinang na yaman sa libingan ng Dark Emperor, hindi mapigilan ni Quiao Chu

na mamangha sa nadadaanan. Sinisilip lahat ng dako at sa bawat hakbang ay kinukuha,

hinahawakan at hinahaplos nya ito. Bago pa nila matagpuan ang tunay na mahalagang bagay ,

halos mawala na siya sa katinuan.

"Hindi kataka-taka na ang Dark Emperor ay minsang naghari sa buong Middle Realm. Sa

napakaraming kayamanan, hindi niya kayang ubusin ito habang buhay." Sinabi ni Quiao Chu,

at iniisip kung paano nagkaroon ng malaking pagkakaiba sa pagitan ng isang tao at iba pa.

Tumango si Fei Yan. Bago nila nakilala si Jun Wu Xie, ang uri ng kanilang pamumuhay ay mas

masahol pa sa isang pulubi, maliban kay Fan Zhuo na may mas mahusay na pamumuhay,

ngunit hindi ito maaaring matumbasan ang mga bundok ng ginto at pilak na kanilang

pinagtutuunan ng pansin. Hindi na tayo magkakaroon ng pagkakataong masaksihan ang uri ng

karangyaan kapag naghari ang Dark Emperor sa Middle Realm. Ngunit ang mga nakikita natin

dito na nakabaon sa libingan , ay sapat na upang masabi kung ano ang mga pag-aari noon ng

Dark Emperor, gayong kilala sa kasuklam suklam na katangian ng Twelve Palaces, hindi nila

papayagan ang sinumang humawak ng labis na kayamanan kung mayroon silang pagpipilian."

Malungkot na sinabi ni Fei Yan

Ang pagdanak ng dugo bilang paghihiganti ng Twelve Palaces ,ay naging dahilan upang ituring

na mortal nilang kaaway ang mga tao sa Twelve Palaces.

Sa kabaligtaran, ang Dark Emperor ay minsang nasupil ang Twelve Palaces, na kung saan ang

Twelve Palaces ay walang nagawa kundi sumuko, naging panginoon at taos puso nilang

sinamba. Marami na silang narinig tungkol sa Dark Regions, ngunit sa panahon na sila ay

ipinanganak , ang Dark regions ay humilwalay at hindi na nkipag-ugnayan sa ibang lupain. Ang

kanilang nalalaman tungkol sa Dark Emperor at sa Dark Regions ay mula sa mga kwento at

mga alamat na kanilang narinig.

Makapangyarihan, misteryoso, ang pag-ira na halos hindi malalampasan.

Kung saan ang bawat bata ay sumasamba. Ang katotohanan na hindi nila masasaksihan ang

kaluwalhatian ng Dark Emperor nang pinagkaisa at naghari sa Middle Realm, ito ang puntong

labis nilang pagsisisihan.

Minsan , hindi nila maiwasang mag-isip, kung ang Dark Regions ay nasa paligid pa rin nila. Ang

Twelve Palaces ay hindi magawang magalit sa kanilang mga Gawain.

Nang nasa Middle Realm pa ang Dark Emperor, mahigpit niyang ipinagbawal ang sinuman na

bumaba sa Lower Realm upang magsimula ng gulo. Ang kaniyang pag-iral ay tulad ng isang

pananggalang, na naghihiwalay sa Middle Realm mula sa Lower Realm, na naghihiwalay sa

ugnayan ng two realms, na nagpapatigil sa mga tao mula sa Middle Realm na gamitin ang

natatanging kakayahan na lumikha ng mapanganib na kaguluhan sa Lower Realm.

Hindi na mahala kung paani ito sinabi, si Qiao Chu at mga kasama ay may pusong nananalig sa

Dark Regions.

Kung nagkaroon sila ngibang pagpipilian, hindi nila nanaisin pumunta at abalahin ang

payapang pamamahinga ng Dark Emperor,ngunit sa kasamaang palad, ito lamang ang

pagpipiliian nila.

"Ang Dark Emperor ay napakamakapangyarihan noon,kaya paano siya….."isang tanong na

biglang pumasok sa isipan ni Quiao Chu".

Hindi niya lubos maisip kung sino sa Middle Realm ang nagpabagsak sa Dark Emperor.

"Walang nakakaalam. Sa lahat ng mga kwento, ang pagkamatay ng Dark Emperor ay

nananatiling isang katanungan. Walang sinuman sa Dark Regions ang nakapagsabi kung ang

ano ang dahilan." Sabi ni Fan Zhuo na umiiling.

Ang pagkamatay ng Dark Emperor, ay naging misteryong hindi nalutas sa Middle Realm.

次の章へ