webnovel

Tatanggapin ko ang misyon na ito

編集者: LiberReverieGroup

Sila Si Ming Li, Si Yi Qian, ang matipunong lalaki at ang lahat ng mersenaryo na nasa eksena ay hindi makapaniwala na may susugod sa lugar na iyon.

Kahit si Ye Wan Wan ay nagulat na rin. Mas lalo siyang nagulat habang pinapakinggan niya ang pagbati ng dalawang lalaking nakaitim sa batang lalaki na "young master."

"Anong tinatayo-tayo niyo diyan? Kunin niyo sila!" Sumigaw si Si Ming Li.

Punyeta, paano sila nakapasok sa kulungan? Tinitigan niya ng maigi ang mga nanghimasok at napansin niya na dalawang tao lang pala sila!

Ginamit nila ang oportunidad na ito upang makahanap ng pagkakataon na hindi sila mapansin ng guwardiya! Kakaunti lamang ba ang mga guwardiya na ginagawa ang trabaho nila? Inaabuso nila ang trabahong ito!

Tiningnan ni Tang Long ang dalawang tao at bigla niyang nirespeto ang batang lalaki, agad niyang inutusan ang mga tauhan niya, "Mga miyembro ng Noise of Dragons mercenary group, makinig kayo - wala ni-isa sa inyo ang aatake."

Napahinto ang mga mersenaryo, na handa nang umatake, nang marinig nila ang utos ng kanilang kapitan.

"Mr. Tang, ano ang ibig sabihin nito?" Galit na sinabi ni Si Yi Qian.

Kaswal na sumagot si Tang Long, "Wala naman. Kailangan kong siguraduhin ang seguridad ang mga mersenaryo na hawak ko, gagawin namin ang lahat para tapusin ang misyon at hindi kami magsa-sakripisyo ng para sa wala lang mapupunta. At tsaka, malayo na ito sa aming misyon."

"Malayo na ito sa misyon niyo? Pwes, ito na ang bago niyang misyon. Patayin niyo ang mga taong ito at dodoblehin ko ang bayad ko sa inyo para sa misyon na ito!"

Lumaki ang mga mata ng mga mersenaryo dahil sa sinabi ni Si Yi Qian, pero hindi na sila umatake dahik ito ang utos sa kanila ni Tang Long.

Nagpatuloy si Si Yi Qian, "Triple!"

Pagkasabi nito ni Si Yi Qian, isa sa mga mersenaryo na mas maitim na kulay ang uniporme ay biglang humakbang paharap at sinabi. "Tatanggapin ko ang misyon na ito!"

Nagulat ang ibang mga mersenaryo. "Vice captain… kapitan, hindi tayo pwedeng umatake…"

Nainis si Tang Long. "Guo Di, hindi mo ito pwedeng tanggapin."

Ngumisi ang vice captain ng Noise of Dragons at tiningnan niya si Tang Long na nasa video call. "Kapitan Tang, hindi maikakaila na ikaw ang kapitan ng Noise of Dragongs, ngunit ako naman ang vice captain, may awtoridad ako na pumili ng sarili kong misyon. Wala kang kapangyarihan na mangialam dito."

Lumiit ang mga mata ni Tang Long. "Ikaw ang tatanggap ng parusa kapag tinanggap mo ang misyon na ito."

Mapanuklam na sinabi ni Gong Xu, "Parusa? Ano ang magiging parusa ko kapag pinatay ko ang isang bata at ang dalawa niyang alalay? Kapitan, sinisira mo ba ang kalayaan ko?"

Ngumiti si Tang Long at makikita ang elegante at kalmadong itsura nito. "Tama. Karapatan mo na tumanggap ng misyon. Gawin mo ang gusto mo."

Bilang kapitan, tungkulin niya na paalalahanan siya at ginawa niya nga ito.

Ngumisi si Guo Din at tumingin siya sa matipunong lalaki na tumalsik sa pader. Walang kwenta!

Sa isang gilid, tinitingnan ng masama ng batang lalaki ang lalaki na may itim na damit.

Naintindihan ito ng vice captain at tumango siya, nilagay ng lalaking mapayat ang mga kamay niya sa likod at dahan-dahan niyang nilapitan si Guo Di. "Gusto mo bang mamatay o gusto mo na ako ang papatay sayo?"

"Kilala mo ba kung sino ang kausap mo? Gusto mo yatang mamatay!" Biglang nagalit si Guo Di at naglabas siya ng isang mahaba at makinang na espada na nanggaling sa kanyang katawan.

Natawa si Si Ming Li at Si Yi Qian nang makita nila ang eksena na ito.

Mahusay na mandirigma ang vice captain ng Noise of Dragon at pangalawa lamang siya kay Tang Long

Mabilis ang pagtibok ng puso ni Ye Wan Wan. Mga magagaling na eksperto ang mga mersenaryo na ito. Mas nakakatakot ang abilidad ni Tang Bin at gayundin si vice captain Guo Di.

Naisip niya noon na napakahusay na niyang makipaglaban, ngunit habang kaharap niya ang mga tao na ito, napagtanto niya na maliit at mahina lamang siya...

次の章へ