"Vice captain Guo, dali, tapusin mo na sila!" Ngumisi ang confidant ni Si Ming Li.
"Hehe, huwag kang mag-alala. Mga walang kwenta naman ang mga ito, eh," mapangasar na sinabi ni Guo Di.
"Swish!"
Sumugod si Guo Di sa mapayat na lalaki habang nakatutok dito ang hawak niyang espada, para bang gusto niyang hiwain ang lalaking ito.
Gayunpaman, bago pa madampian ng espada ni Guo Di ang lalaking mapayat, mabilis itong nakaiwas at tumagilid ng napakabilis.
"Put*ng *na, sinwerte ka doon , huh!" Ngumisi si Guo Di. Nilabas niya ang lahat ng kakayanan niya ngunit hiniwa ng espada niya ang ere lamang.
Walang emosyon ang mapayat na lalaki at mukhang tinatamad pa nga ito.
Sa pagkakataon na iyon, inangat ng mapayat na lalaki ang kanyang kamay na nasa likod.
"Clang!"
Narinig sa buong paligid ang paghampas ng ginintuang kadena.
Maiging nakatayo ang lahat ng nandoon lalo na ang lalaking may mahabang buhok at ang lalaking balbas sarado. Lumiit ang kanilang mga mata at mukhang hindi sila makapaniwala sa nakita nila.
Hindi maiwasan ni Ye Wan Wan na magulat rin sa eksenang iyon.
Nasaksihan ng lahat kung paano ginamit ng lalaking mapayat ang dalawang daliri niya upang harangan ang espada ni Guo Di na dapat ay hihiwa sa kanya.
"Ha…" hindi makapaniwala si Guo Di habang tinitingnan niya ang mapayat na lalaki na walang pakialam. Akal niya na ito ay isang multo.
Dalawang daliri lamang ang ginamit ng lalaking ito upangharangan niya ang espada na hinampas na malakas ni Guo Di sa kanya?!
Ang dapat na mangyari ay mahihiwa ng espadang iyon ang daliri ng mapayat na lalaki!
"IMPOSIBLE!!" Umangal si Guo Di at nagwala pa siya, sinubukan niyang bawiin ang espada niya na nasa daliri ng mapayat na lalaki.
Ang daliri ng mapayat na lalaki ay parang malaking bundok. Ayaw niyang bitawan ang espada at kahit na ginawa na ni Guo Di ang lahat para makuha ito, nanatili pa rin na nakaipit sa pagitan ng daliri ng lalaki ang espada!
"Swish!"
Sa isang saglit, hindi malinaw sa lahat ang ginawa ng mapayat na lalaki, mukhang inikot niya ang kanyang kamay at hinablot niya ang espada. Hawak na ng mapayat na lalaki ang espada bago pa makalaban si Guo Di at sinaksak nita ito sa dalawang braso niya.
Pagkatapos nito, hindi man lang umikot ang paningin ng lalaking mapayat nang pumunta siya sa gilid ng batang lalaki.
"AH—" Kasabay ng nakakapangilabot na sigaw ang pagkaputol ng dalawang braso ni Guo Di.
Nabigla ang lahat dahil sa madugong eksena na nasa harapan nila.
"AHHHHH…" Gumulong gulong sa lapag si Guo Di.
Imposible! Imposible ito!
Kahit na malakas siyang madirigma, nahiwa ang dalawang braso niya gamit lamang ang tatlong galaw ng lalaking mapayat!
Gumulong gulong sa lapag si Guo Di at tiningnan niya ang mamamatay tao na lalaking mapayat. Biglang umangat ang takot na hindi niya naramdaman noon. "Ikaw… ikaw… sino ba talaga ikaw?!"
Ganoon din ang katanungan ni Si Yi Qian at Si Ming Li na nasa video call..
"Anong nangyayari dito?!" Nagulat si Si Ming Li.
Sino ang nakakatakot na kasabwat ng batang ito kung mayroon siyang tauhan na kayang pahirapan ang tulad ni Guo Di?
Posible pa na… mas malakas pa siya kay Mr. Eric...
Kinabahan ako dahil dito!
Pilit na pinakalma ni Si Yi Qian ang sarili niya. "Imposible. Dalawang pamilya lamang sa Imperial City ang may apelyidong Nie - ang isa ay nasa eastern city at nasa real estate business sila, habang ang isa naman ay…"
Tiningnan ni Tang Long si Si Ming Li at Si Yi Qian. Pinakita niya na tinitingnan niya sila na parang mga langgam nang sinabi niya, "Ang 'Nie' family ng batang ito ang kaisa-isang Nie clan na nasa isla ng Northern Europe."