CHAPTER 141: If My Inner Beast Comes Out
Pagkalapag ng gamot, kakatok na sana si Lu Tingxiao sa pinto ng CR para tanungin kung tapos na si Ning Xi nang biglang may humila ng pinto mula sa loob.
Nakatapis si Ning Xi ng isang malaking tuwalya at palukso-luksong parang tipaklong habang palabas ng CR.
"Dahan-dahan!" nag-aalala si Lu Tingxiao na 'di makita ni Ning Xi ang dinadaanan at mahulog ito kaya lumapit kaagad siya para tumulong.
Bumuntong hininga si Ning Xi at nagsalita nang may pinapahiwatig, "Hindi ako ang dapat mag-ingat, ikaw 'yun, Lu Tingxiao!"
"Saan naman ako dapat mag-ingat?"'di naintindihan ni Lu Tingxiao ang sinabi ni Ning Xi.
Tinignan lang siya ni Ning Xi na para bang dapat alam niya ang pinaparating nito.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください