webnovel

Damn Making Love

編集者: LiberReverieGroup

CHAPTER 142: Damn Making Love

Iniisip nilang isa sa mga ex-boyfriend ni Ning Xi 'yung YS na 'yun. Pero sa narinig niya sa tawag, ibig sabihin ba, sila pa rin ni Ning Xi?

Kung hindi, bakit niya sasabihin na "namamangka sa dalawang ilog"?

May boyfriend si Ning Xi at 'di man lang niya nababanggit?

Sa posibilidad na 'yun, agad na nandilim ang mukha ni Lu Tingxiao.

Kaagad din siyang kumalma, dahil 'di rin naman imposibleng ginawa niya lang 'yun para bwisitin ang karibal niya.

"Lu Tingxiao, naipahid ko na 'yung gamot! Andiyan ba 'yung mga gamit ko?"

"Oo," bumalik na sa tamang diwa si Lu Tingxiao at dinala ang mga gamit niya.

Pagkatapos magbihis ni Ning Xi, pumasok ulit si Lu Tingxiao.

Mas komportable na si Ning Xi ngayong nakapagbihis na siya. 'Di na rin gaanong kakabi ang simoy ng hangin sa paligid, kaya inalis na niya ang blindfold.

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ