webnovel

Chapter 1

Taong 1998 isang bata ang Sinilang sa bayan nang Sipocot Camarines Sur, Pinangalan siya nang kanyang magulang Na Mark Angelo Ojo. Siya ay isang mabait, magalang, masunurin na bata at higit sa lahat Ay isang makaDiyos, habang Siya'y lumalaki pa unti-unti nyang nakita at nararamdaman ang pait nang mundo, hindi siya nag padala sa pangit na mundong kanyang gina galawan mundong puno nang ibat ibang uri nang taong masasabing tsismosa, palaaway, manyakis, mga mag nanakaw at marami pang ibang tao na hindi gugustuhin nang mga ma titinong tao. Si Mark Angelo Ay nag simulang mag aaral sa elementarya nang Sipocot dito pa unti-unting namulat sakanya na ang kanyang mundong ginagalawan ay lubhang mapanganib. kaya muli Siya ay nag porsige sa kanyang pag aaral makamtan lamang ang kanyang pangarAp na makapagtapos. lumipas ang mga taon siya naging isang matalinot nakapag tapos nang elementarya, Subalit Sakanyang pag tatapos dala-dala ang mga gantimpalang natangap kapalit nito'y dilim at pait nang buhay ang kanyang nadatnan sa kanyang tahanan. nalaman niya na ang kanyang ama'y nangaliwa't sumamA sa ibang babae habang ang kanyang inay nakikita niyang umiiyak at may pasa sa kanang bahagi nang mukha. Si Mark Angelo ay pa unti-unting lumapit sa kanyang ina upang iabot ang mga parangal na kanyang natanggap subalit ang kanyang luha ay pa unti-unting bumubuhos at pumapatak sa sahig. wala na lamang siyang ibang magawa kundi yakapin ang kanyang ina na lumuluha't nag hihinagpis sa galit.

Bawat patak nang luha kirot sa puso nang mag ina ang nadarama, subalit kailangan nilang maging matatag upang mag patuloy sa buhay, Buhay na binago nang kanilang kapalaran, datapwat pag aaral lamang noon ang kailangan gawin ni Mark Angelo ngayon kilangan niya mag trabaho at mag ipon upang matustusan ang pang araw araw na pangangailangan nilang mag Ina at sa upang makapag patuloy sa pagaaral sa High School. Muli nag simula sa pag aaral Si Mark Angelo sa mataas na paaralan na nag ngangalang Sipocot National High School Subalit ibang iba na Si Mark Angelo Hindi na siya nag aaral nang maayos, walang pakiaalam sa mundong kanyang ginagalawan laging lumiliban o kaya nama'y umaalis sa klasi nang walang paalam upang sumama sa mga kaklase niyang mga kagaguhan at katarataduhan ang alam. kaya't Simula noon Si Mark angelo ay bumaba at humina sa klasi at ang dating mabait at masunuring batay nag bago na nga. natutong sumuway sa kanyang ina at na tuturing uminon nang alak. nga nga lahati na nang taon sa pag aaral si mark angelo, nang simula siyang laitin maliitin at laging na bu bully ng kanyang mga kamag aral. ngunit naging wala paring makialam siya sa kanyang na ririnig. Isang araw pag gising niya siya lumapit sa kanyang ina at laking gulat niya nang Itoy nakitang naka handusay na lamang sa sahig ng kanilang kusina at na susunog ang niluluti nitong prito. kaya dali dali siyang humingi nang tulong sa kanyang mga kalit bahay. Mabuti nalang at mabilis na tumulong si Aleng Alma at Rowena upang ang kanyang ina ay madala sa pinaka malapit na hospital. mabuti na lamang at walang naging gaanong nasakit ang kanyang ina. nahimatay ito dahil sa init nang panahon at pagod, isang araw lang ang itinagal nang kanyang ina sa hospital kaya sila'y umuwi agad. habang sila ay papauwi Si Mark Angelo Ay napaisip at natutulala. Kanyang kina kausap ang kanyang sarili "Ano bang nangyare sayo? Ano bang ginawa mo sa sarili mo?" tanong sa kanyang sarili ngunit hindi nya masagot .

Muli nang Silay nakarating sa kanilang bahay. Tinawag nang Ina Si Mark Angelo. "Anak parito!" sabi nang Ina. at lumapit Siya sa ina at nag tanong. "Ano po iyon Nay?"

"Kamusta naman ang pag aaral nang aking mabuting anak?" maluha luhang tanong Nang Ina. hindi maka sagot

ang dating mabait at masunong bata, habang naka titig sa mata nang kanyang Ina. unti-unting luma labas ang luha sa kanyang mata. At biglang niyakap ang kanyang Ina.