webnovel

Chapter Twelve

DREA'S POV:

Bigla akong nagising, umaga na pala, nakatulog pala ako kagabi kakahintay sa kanila. Pero wala parin si Caleb o si Derrick dito.

Bigla namang bumukas yung pinto at may nag iwan ng pagkain, agad ko naman yung kinuha. Nagugutom na ako.

*

*

RAFAEL'S POV:

"Okay ka na ba Rafael? Nasaan na si Sylus? Aalis na tayo." Sabi ni Xavier.

Nakasakay naman na si Zayne dun sa kotse.

"Saglit tatawagin ko lang." Sabi ko at pupuntahan pa sana si Sylus pero papunta na pala sya dito.

"Ayan na pala sya." Sabi ko.

Sumakay na nga ako sa kotse, maya maya pa nakalapit na si Sylus.

"Sakay na, mag ingat kayo." Sabi ni Greyson.

"Bumalik agad kayo." Sabi naman ni Noah.

Sumakay na nga si Sylus sa kotse sa tabi ko sa likod at pinaandar na nga ni Xavier yung kotse.

"Saan tayo? Sa kabilang city ba ulit? May police station ba dyn na malapit lang?" Pagtatanong ko kay Xavier.

"Meron, pero ako na bahala kung saan kayo kukuha, wag tayo sa kabilang city, masyadong madaming zombie dun." Sagot ni Xavier.

"Okay." Sabi ko.

*

*

GREYSON'S POV:

Nakaalis na nga sila Zayne, Xavier, Rafael at Sylus.

"Sigurado ka ba sa gagawin natin mamayang pag sugod dun sa subdivision?" Pagtatanong ni Noah.

"Oo, kasama naman natin yung Luke." Sagot ko.

Pero hindi ko rin talaga alam, hindi ko alam kung paano tatakbo o kung anong mangyayari mamayang gabi.

"Greyson!" Pagtawag ni Yvonne.

"Nakaalis na ba sila?" Pagtatanong ni Yvonne.

"Ah oo, kakaalis lang din, bakit?" Pagtatanong ko naman sa kanya.

"Ah wala, salamat." Sabi ni Yvonne at maglalakad na sana palayo pero agad ko syang tinawag.

"Teka, Yvonne." Pagtawag ko sa kanya.

"Bakit?" Pagtatanong ni Yvonne.

"Pwedeng tawagin mo yung iba? May pagpupulungan lang tayong lahat." Sabi ko.

"Ah sige sige, sandali lang." Sabi nya.

*

*

RAFAEL'S POV:

Agad itinigil ni Xavier yung sasakyan sa tapat ng police station, agad naman kaming bumaba ni Sylus ng sasakyan.

May ilang zombie din sa paligid.

"Bilisan nyo, babalikan agad namin kayo." Sabi ni Xavier at tumango naman ako.

"Ingat." Sabi naman ni Zayne.

"Kayo din." Sabi ko at umalis na nga sila.

"Tara na." Sabi ni Sylus.

Maingat at tahimik kaming pumasok ni Sylus sa may police station. Nauuna sya sakin.

"Tara na, walang zombie dito." Sabi ni Sylus.

Agad naman naming hinanap kung saan nakalagay yung mga baril, agad naman namin yung nakita. May bag na din ditong lalagyan namin ng mga baril at mga kahon ng mga bala.

Agad ko namang nilagay yung mga baril at mga nasa box na mga bala sa bag.

"I'm sorry..." Sabi ni Sylus.

"Sorry saan?" Pagtatanong ko.

"About kay Thomas, nakita kasi kita kagabi dun sa tabi ng libingan nya, kasi nung una diba hindi maayos yung pakikisama ko sa inyo, tapo-" Sabi ni Sylus pero bigla akong nagsalita.

"Okay lang, okay lang, mag sorry ka rin sa mga na sabi mo kay Calista, pati sa iba." Sabi ko.

"Ah oo, na sabi ko lang naman yun kasi hindi ko alam yung mga nangyayari, naguguluhan lang ako, at wala lang talaga akong tiwala sa mga tao, hindi agad ako nagtiwala basta basta." Sabi ni Sylus at napatango naman ako.

"Paano ka ba napasama sa kanila? Kay na Drea?" Pagtatanong ko.

"Nakita lang nila ako sa may gas station, tapos ayun nakisabay ako sa kanila hanggang kabilang city lang dapat kasi andun daw yung mga rescuer, hinahanap ko kasi yung lolo ko, pero ayun nga sa inyo kami napadpad sa school at ayun na nga, hindi ko na alam yung mga nangyari." Pagpapaliwanag ni Sylus.

"Sorry hindi agad namin nasabi sayo lahat pag kagising mo, pero walang mga rescuer ang andun sa kabilang city, puno na dun ng mga zombie. Nagsinungaling din sila Noah at Josephine na mga pulis sila na nag hihintay na lang sila ng tawag mula sa mga rescuer, tapos ayun dumating nga yun sila Lucius, pinagpapatay nila lahat nung mga tao dun sa school at kinuha sila Drea, Derrick at Caleb, si Caleb ay kapatid ni Calista kaya sobra sya kung mag alala." Pagpapaliwanag ko.

"Ah oo, nasabi nga sakin ni Vivian." Sabi ni Sylus.

"Mabait ka naman pala eh." Sabi ko at natawa, napatawa na lang din si Sylus.

Sinabit ko na nga sa balikat ko yung bag kung saan nakalagay yung mga baril at bala.

"Okay ka na ba dyan?" Pagtatanong ko.

"Oo, tara na." Sagot ni Sylus.

Lumabas na nga kami ng Police stacion.

May mga ilang zombie sa paligid.

"Rawrr!"

Agad ko namang binaril sa ulo yung zombie. May nakalagay naman na silencer sa baril ko kaya pinatay ko na.

"Mamayang gabi na tayo pupunta dun sa subdivision para iligtas sila diba?" Pagtatanong ni Sylus.

"Oo, sana maging okay lang lahat ang mga mangyayari mamaya." Sagot ko.

"Kita mo yung store na yun, pasok muna tayo dun." Sabi ni Sylus at tumango naman ako.

*

*

DREA'S POV:

Bigla namang bumukas yung pinto na ikinagulat ko, agad naman akong tumayo at nakita ko si Caleb.

"Pasok!" Boses ng lalaki sa labas at agad tinulak papasok si Caleb, agad ko namang sinalubong si Caleb at inalalayan.

Bugbog yung mukha nya at hindi sya makatayo ng ayos. Putok yung labi nya at yung mga mata nya, puro pasa sya sa mukha at puro dugo.

Magkaharap kami ngayon.

Agad nyang ipinatong yung baba nya sa balikat ko.

"Sinong gumawa nito sayo? Si Lucius ba?" Pagtatanong ko.

"H-h-hin-di." Nauutal na sagot ni Caleb.

Pati yung mga braso ni Caleb may mga pasa.

"Dito ka, umupo ka dito." Sabi ko at inalalayan syang umupo, naghanap naman ako ng mga panyo o tissue sa mga drawer, pero panyo lang yung nakita ko.

Agad akong pumwesto sa tabi ni Caleb, nakaupo kasi sya habang nakasandal sa pader.

Pinunasan ko yung dugo nya sa mukha, noo at sa leeg.

Hindi ko namang maiwasang maluha, naaawa ako kay Caleb.

"A-aa-ayos k-ka lang?" Nauutal na pagtatanong ni Caleb sakin, tumingin sya sakin pero agad akong umiwas ng tingin sa kanya at yumuko, hindi ko kayang tingnan na ganun yung itsura nya. Naiiyak ako.

"U-uminom ka muna ng tubig." Sabi ko at pinainom sya.

Nakaluhod ako sa tabi nya, habang sya ay nakaupo at nakasandal sa pader.

"U-u-uma-ma-lis.... n-na ta-ta-tayo... di-dito." Nauutal na sabi ni Caleb.

Sinubsob ko naman yung mukha ko sa dibdib nya at sinimulang umiyak.

"I-im sorry...." Sabi ko habang umiiyak.

Pinatong naman ni Caleb yung kanang kamay nya sa likod ko.

Anong gagawin namin? Papatayin nila kami dito.

Natatakot ako.

*

*

YVONNE'S POV:

"Nasaan si Vivian?" Pagtatanong ni Greyson.

"Hindi ko sya nakita kahit saan eh." Sagot ko.

"Kagabi hindi rin sya kumuha ng pagkain." Sabi ni Felix.

"Baka naman umalis sya kagabi?" Sabi naman ni Kevin.

"Hayaan nyo na sya." Sabi ni Calista kaya napatingin kami sa kanya.

"Ayun nga, mamayang gabi na kami aalis para iligtas sila at kayong mga maiiwan dito lang kayo at mag bantay, hintayin nyo kaming makarating, maghanda din kayo ng mga armas nyo, sigurado ako ngayon ay nakakuha na sila Rafael at Sylus ng mga armas, malaking grupo yung kakalabanin natin at may mga tao din doong planong patayin nila Lucius." Sabi ni Greyson.

"Tutulungan nyo pa ba yung mga tao na andun?" Pagtatanong ni Calista.

"Sorry, pero hindi na, sila Drea, Caleb at Derrick lang ang babawiin namin dun." Sagot ni Greyson.

"Andyan na sila." Sabi ni Allison kaya agad naman kaming nag labasan ng room.

Andyan na nga sila Sylus, Rafael, Zayne at Xavier at nagbabaan na sila ng sasakyan.

"Nakakuha ba kayo?" Pagtatanong ni Greyson.

"Oo, madami dami din to, may mga silencer din dito." Sagot ni Rafael.

"Mag ayos na tayo." Sabi ni Greyson.

*

*

DERRICK'S POV:

Hindi parin bumabalik si Lucius dito simula nung umalis sya kahapon.

Bigla namang may kumatok sa pinto na ikinagulat ko. Agad kong inilagay sa likod ko yung mga kamay ko habang hawak ko yung kutsilyo, para kunwaring nakatali parin yung mga kamay ko.

Binuksan na nya yung pinto at pumasok.

Si Lucius.

May dala syang pagkain at tubig.

"Kamusta yung tulog mo?" Pagtatanong ni Lucius habang pinapatong nya yung pagkain doon sa lamesa.

Tumingin na sakin si Lucius.

"Akin na yung kutsilyo." Sabi ni Lucius na ikinagulat ko.

"Akin na." Sabi ulit ni Lucius kaya wala akong nagawa kundi ilagay at ipatong yung kutsilyo sa ibabaw ng lamesa.

"Ibalik mo na ako kay na Drea." Sabi ko.

"Kumain ka na muna." Sabi ni Lucius.

"Busog ako." Sabi ko naman.

"Okay, pagkatapos mo na lang kumain saka kita dadalhin sa mga kasama mo, babalikan na lang kita." Sabi ni Lucius.

"Teka." Sabi ko.

Wala na nga akong nagawa kundi kumain.

"Babalikan kita." Sabi ni Lucius at biglang lumabas at sinarado yung pinto.

"Teka!" Sigaw ko pa pero hindi na nya ako pinansin.

Kainis.

*

*

SYLUS'S POV:

Hapon na at konting oras na lang ay aalis na kami mamaya.

Hinanap ko naman si Calista at nakita ko naman sya dun na nag aayos kaya nilapitan ko sya.

"Hi?" Sabi ko.

"Ano? Pagsasabihan mo na naman ako nang kung ano ano? Alam kong wala kang pake kaya umalis ka na." Sabi ni Calista.

"I'm sorry, pinuntahan kita dito para makipag ayos." Sabi ko.

"Magiging maayos lang ako pag andito na si Caleb." Sabi nya at umalis.

*

*

DERRICK'S POV:

Gabi na pero hindi parin bumabalik si Lucius dito para dalhin ako dun papunta kay na Drea at Caleb, napaka sinungaling talaga nya.

Kailangan kong makalabas dito.

*

*

YVONNE'S POV:

Gabi na nga at nag aayos na nga sila ngayon, paalis na sila para pumunta dun sa subdivision at iligtas sila Drea, Caleb at Derrick. Sana maging okay lang silang lahat.

"Naka ready na lahat?" Pagtatanong ni Greyson.

"Ready na ako." Sagot ni Xavier.

"Mag iingat kayo." Sabi ni Cessa kay na Felix, Kevin, Zayne at Allison.

"Tara na Sylus." Sabi ni Rafael.

"Mag iingat kayo." Sabi ko kay Rafael at niyakap sya, niyakap din nya ako.

Nagpaalam na nga ang lahat sa isa't isa at umalis na nga sila.

Ngayon kaming tatlo na lang ang andito sa labas, ako, si Josephine at Cessa. Si Calista ay sigurado akong nasa isa sa mga room, pero si Vivian kanina ko pa hindi nakikita.

"Josephine!" Sigaw ni Calista at tumatakbo papunta samin.

"Josephineee! Yvonneee! Cessaaa!" Sigaw pa ni Calista kaya tumakbo na rin kami para salubungin sya.

"Bakit?!" Pagtatanong ni Josephine.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ni Cessa.

"Nakaalis na ba sila?" Pagtatanong ni Calista.

"Oo bakit?" Sabi ni cessa.

"Si Vivian." Sabi ni Calista.

*

*

DREA'S POV:

Hanggang ngayon wala pa rin si Derrick.

"Caleb?" Pagtawag ko kay Caleb.

"Hmm?" Caleb.

"Okay ka lang?" Pagtatanong ko.

"O-oo, n-nakailang tanong ka na nyan kanina sakin, ayos ka lang ba?" Sabi ni Caleb at pabalik nyang pagtatanong.

Hindi naman ako sumagot at umub-ob na lang ako sa mga tuhod ko.

"W-wag kang mag alala, okay lang ako." Sabi ni Caleb.

Sinungaling, okay ba sya sa lagay na yun? Kung ako nga natatakot na makita na bugbog sya si Calista pa kaya. Ano na lang magiging reaksyon ni Calista pag nakita nyang ganito yung nangyari kay Caleb.

Nagulat na lang kami ng biglang bumukas yung pinto.

Si Derrick.

*

*

RAFAEL'S POV:

"Si Xavier yung maiiwan dito mamaya, tapos si Luke yung magtuturo ng daan samin papasok." Sabi ni Greyson.

"Pero hindi natin alam kung saan natin sila hahanapin dun." Sabi naman ni Allison.

"Kaya hahanapin natin sila dun sa mga bawat bahay." Sabi ni Greyson.

"Sa likod walang masyadong mga taong nakatira." Sabi ni Luke.

"Natutulog naman na siguro lahat sila dun pagdating natin diba?" Pagtatanong ni Kevin.

"Hindi, may mga nagbabantay dun." Sagot ni Luke.

"Felix i-ready mo yang mga smoke bomb." Sabi ni Greyson.

"Ah, ito nga pala yung kinuha nyo kanina ni Noah nung umalis kayo." Sabi ni Felix.

"Oo, kaya wag mong basta basta gamitin yan, mag hintay ka ng signal ko kung gagamitin mo na, yung iba sa likod lang pumwesto." Sabi ni Greyson.

Basta ako hahanapin ko si Lucius at papatayin ko sya, pagbabayaran nya yung ginawa nya kay Thomas.

Hindi na ako makapag hintay na makarating dun.

*

*

LUCIUS'S POV:

"Boss Lucius?!" Biglang pasok yung isa sa mga tauhan ko dito sa kwarto.

"Hindi ka marunong kumatok?" Pagtatanong ko.

"Pasensya na boss pero yung mga tao sa labas ay nag uubuhan at sumusuka ng dugo." Sabi nya.

"Ha?" Pagtatanong ko.

Bigla naman kaming nakarinig ng putok ng baril.

**BAANNGG!**

Bigla namang may dumating pang isa sa mga tauhan ko.

"Boss, nagiging zombie yung mga tao sa labas, nagsusuka sila ng mga dugo at nagiging zombie sila."

"Patayin nyo silang lahat, sunugin nyo ang buong lugar na to." Sabi ko at agad naman silang nagtakbuhan palabas.

Mukhang hindi ko na sila kailangang patayin, kamatayan na mismo ang lumalapit sa kanila. Patayin ang mahihina at walang laban, kay sa pa mag hirap silang lahat sa mundong to.

*

*

DERRICK'S POV:

Maswerte ako dahil nakalabas ako dun at walang mga bantay, pero paglabas ko ng bahay ay nagkakagulo na yung mga tao dun at nagsusuka sila. Pero hindi ko na yun pinansin at pinuntahan ko na nga sila Drea. At ngayon nga ay andito na ako, si Caleb, bugbog yung mukha nya at katawan.

**BAANNGG!**

"P-putok yun ng baril." Sabi ni Caleb.

"Derrick." Si Drea.

"Anong nangyari kay Caleb?" Pagtatanong ko at lumapit sa kanila.

"Binugbog sya ng mga tauhan ni Lucius, kailangan na nating umalis dito, papatayin nila tayo." Sabi ni Drea at naiiyak.

"Nagkakagulo na sa labas, aalis na tayo dito." Sabi ko.

"Walang aalis." Boses ni Lucius na ikinagulat namin.

Shit.

*

*

YVONNE'S POV:

"Ang taas ng lagnat ni Vivian, nagsusuka sya ng dugo, kagaya ng nangyari kay na Sylus, Xavier at Allison, nanghihina rin sya, kailangan nya ng tubig at pagkain." Sabi ni Calista.

"Kami na yung kukuha ni Josephine ng tubig at mga pagkain." Sabi naman ni Cessa.

"Ako na kukuha ng gamot at sa clinic, kukuha na din ako ng damit nya." Sabi ko.

"Sige bilisan nyo, pupuntahan ko na sya." Sabi ni Calista.

*

*

CALISTA'S POV:

Agad ko ngang pinuntahan si Vivian, pero wala na sya dun.

Saan sya pumunta?

Bumalik na lang ako para puntahan sila Yvonne.

*

*

VIVIAN'S POV:

Lumabas na nga ako ng room para kumuha ng pagkain, ang sama ng pakiramdam ko at nahihilo ako, inuubo din ako.

Hindi pa kasi ako kumakain o uminom man lang ng tubig.

Naglalakad na nga ako sa hallway ng biglang akong masuka.

Nagsusuka ako ng dugo, nag simula na ding dumugo yung ilong ko na ikinatakot ko.

Napaupo naman ako at nagulat ako ng biglang dumating si Calista.

"Vivian?!" Pagtawag sakin ni Calista at lumapit sa akin.

"Anong nangyari? Kanina pa kita hinahanap, wait, babalik ako dito ka lang, tatawag ako ng tulong para madala ka sa clinic. Babalik agad ako." Sabi ni Calista at tumakbo na paalis.

Sinungaling.

Totoo yung sinabi ni Noah, magiging zombie ako, papatayin nila ako, kailangan kong makaalis bago pa sila dumating dito.

Hindi ako papayag na ako lang ang mamamatay.

Agad akong tumayo, pupunta ako sa kabilang building, bubuksan ko yung mga pinto dun at papakawalan yung mga zombie.

*

*

YVONNE'S POV:

Nakita kong tumatakbo papunta sakin si Calista.

"Yvonne?!" Pagtawag ni Calista.

"Bakit? Nasaan si Vivian?" Pagtatanong ko.

"Wala na sya dun, wait kukuha lang ako ng flashlight, hanapin natin sya." Sabi ni Calista at napatango na lang ako.

*

*

VIVIAN'S POV:

"Rawrr!"

"Grawrrr!"

"Rawrr!"

"Grawrrr"

"Urghh"

Yung mga zombie habang nakasilip sa bintana.

Nabuksan ko na nga yung unang pinto at agad naglabasan yung mga zombie dun.

"Urghh!" Yung isang zombie at agad akong kinagat sa braso. Napasigaw naman ako sa sakit.

Naglapitan na rin yung ibang zombie sa akin kaya natumba ako bago pa mabuksan yung isang pinto, bigla na lang nandilim ang paningin ko.

Hindi ko na alam, kinakagat na nila ako.

"Rawrrr!"

"Urghhj"

"Grawrrr"

Ang mga naririnig ko.

*

*

YVONNE'S POV:

Dumating na nga si Calista at may dala syang flashlight.

"Sa tingin ko andun si Vivian, may sumigaw dun." Sabi ko at itinuro yung building kung saan andun yung mga zombie na nakakulong sa mga room.

"Ha? Sigurado ka ba? Andun yung mga zombie." Sabi ni Calista.

"Oo, narinig ko syang sumigaw." Sabi ko.

Agad namang itinutok ni Calista yung flashlight dun.

Naglalabasan na yung mga zombie sa first floor.

"Tara na Yvonne, sigurado akong binuksan yun ni Vivian. Hanapin na natin sila Cessa at Josephine." Sabi nya at tumakbo.

Tumakbo na rin ako, kaya ko pa sa ngayon pero baka mamaya hingalin na ako.

*

*

DREA'S POV:

Puro putukan na ng baril ang naririnig namin sa labas.

"Aalis na kami dito, hindi mo ba alam nagkakagulo na sa labas? Sinungaling ka, nagawa mo pang ipabugbog si Caleb matapos akong sumama sayo." Sabi ni Derrick at galit na galit kay Lucius.

"Hindi ko sya pinabugbog." Sabi naman ni Lucius.

"Sinungaling ka, aalis na kami dito." Sabi ni Derrick at agad nyang kinuha yung baril na nakalagay sa likod ng pantalon nya.

Agad nya yung tinutok kay Lucius.

"Teka." Sabi ni Lucius, inalalayan ko namang tumayo si Caleb.

"Tumabi ka dyan sa daraanan namin oh ipuputok ko tong baril sayo." Sabi pa ni Derrick.

*

*

RAFAEL'S POV:

Nakakarinig kami ng putukan ng baril.

"Malapit na ba tayo? Putok yun ng mga baril diba?" Pagtatanong ni Allison.

"Mukhang nagkakagulo dun." Sabi ni Noah.

"Itigil nyo na yung sasakyan, lalakarin na natin papunta dun, malapit na tayo." Sabi naman ni Luke.

"Mag iingat ka dito Xavier, mag si-signal ako gamit yung flare gun kung pupunta ka dun sa subdivision okay?" Sabi ni Greyson.

"Basta pag may nakita kang kulay pulang liwanag sa itaas pumunta ka na agad, mag bantay ka sa signal ko." Dugtong ni Greyson.

"Sige, mag ingat kayo." Sabi ni Xavier.

"Ingat Rafael." Sabi ni Xavier at tumango naman ako at bumaba na rin ng bus.

*

*

CESSA'S POV:

"Cessaaaa!"

"Josephineee!"

"Josephine may naririnig ka bang tumatawag?" Pagtatanong ko kay Josephine at bigla akong lumingon para tingnan sya.

"Aaaaaaaaaahhhh!!!" Sigaw ni Josephine na ikinagulat ko, kinagat sya nung zombie sa braso.

Agad ko namang kinuha yung kutsilyo na nasa may bewang ko. Agad akong lumapit sa kanila at sinaksak ko sa ulo yung zombie.

"Josephine! Josephine." Pagtawag ko at inalalayan syang tumayo.

Lumabas na nga kami ng room at nakita namin sila Yvonne at Calista, tumatakbo papalapit samin.

"Anong nangyayari?" Pagtatanong ko.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ni Calista.

"Jusko." Sambit ni Yvonne at napahawak sa bibig nya.

"Nakagat si Josephine." Sabi ko.

"Binuksan yata ni Vivian yung isang pinto dun sa first floor, naglalabasan na yung mga zombie dun, kailangan natin ng baril." Sabi ni Calista at pumasok sa isang room.

Kumuha sya ng mga baril at inabutan kami ni Yvonne.

"Patayin natin sila." Sabi ni Calista.

Pumwesto na nga kaming tatlo at nagtatakbuhan na yung mga zombie papalapit sa amin.

**BANG!**

"RAWRR!"

**BAANG!**

"GRAWRR!"

**BAANG!**

"URGHH!"

**BANG!**

"RAWRR!"

**BAANG!**

Puro putukan ng baril ang maririnig sa buong school.

Hindi ko pa matamaan sa ulo yung iba dahil wala akong practice sa paggamit ng baril. Pero ang galing ni Calista, si Yvonne naman ay ginagawa lahat ng makakaya nya.

Nagulat na lang kami ng tumulong na din sa pamamaril si Josephine.

"Josephine!" Si Calista.

"Ito na yung huling maitutulong ko sa inyo." Sabi ni Josephine.

Hanggang sa tuluyan na namin silang naubos.

"T-teka, may isa pa." Sabi ni Yvonne.

"Si Vivian." Sabi naman ni Calista.

Zombie na sya at tumatakbo sya papunta sa direksyon namin.

"RAWWRR!"

"Ako na papatay sa kanya." Sabi ko.

"Hindi, ako na." Sabi naman ni Josephine at itinutok yung baril kay Vivian.

**BANG!**

Bumagsak na nga yung katawan ni Vivian sa lupa kasama nung ibang mga zombie.

"Josephine..." Sabi ni Calista at umiiyak.

"Ako na papatay sa sarili ko, wala na akong choice, karma ko na rin siguro to dahil sa pagsisinungaling ko sa inyong lahat." Sabi ni Josephine, lalapit pa sana si Calista kay Josephine pero biglang nag salita si Josephine.

"Saglit, wag kang lalapit." Sabi ni Josephine, dumudugo na yung ilong nya.

"Wala kang kasalanan!" Sigaw pa ni Calista habang umiiyak.

Tinutok na ni Josephine yung baril sa ulo nya.

**BANG!**