webnovel

Chapter Fourteen

DREA'S POV:

Tahimik lang kaming lahat habang nasa byahe pabalik sa school.

"Wala na sila Greyson dun kagabi, iniwanan ba nila tayo?" Pagtatanong ni Rafael.

"Kasama nyo sila Greyson?" Pagtatanong ni Derrick.

"Oo, sila Kevin, Felix, Allison, Noah, Luke, Xavier, pero wala na sila dun kagabi." Sagot ni Rafael.

Nasaan na kaya sila.

"Paano si Caleb? Anong gagawin natin? Anong sasabihin natin kay Calista?" Pagtatanong ni Rafael.

"Sasabihin natin yung nangyari." Sagot ko at natahimik naman sila.

I'm sorry Caleb...

*

*

FELIX'S POV:

Dito ulit kami dadaan nila Allison sa may likod, kung saan kami dumaan kanina. Pero napakarami ng zombie ang andun at nasusunog na rin yung mga bahay.

"Allison wag na tayong pumasok dun sa loob." Sabi ni Kevin.

"Ha? Paano sila? Sigurado akong andun pa sila." Sabi naman ni Allison.

"Baka nakasakay sila dun sa van, kasama nila Lucius, sigurado akong nakaalis na sila dito." Sabi ni Kevin.

"Dito na lang muna tayo sa likod ng mga puno mag stay at mag pahinga." Sabi ko naman.

Tumango naman sila Kevin at Allison.

"Mamayang umaga na lang ulit natin i-check yung loob ng subdivision, kung hindi man sila nakaalis, baka andyan sila sa loob, pero nasusunog na yung mga bahay kaya hindi rin ako sigurado." Sabi ko.

"Naiintindihan kita, kaya maghintay na lang muna tayo sa ngayon." Sabi ni Allison.

Paano kung pumunta sila Lucius sa school? Haysstt.

*

*

CESSA'S POV:

Kinaumagahan.

Kitang kita na yung mga bangkay ng mga patay na zombie, nilagay lang namin yung katawan ni Josephine sa gilid at tinabunan sya ng kumot.

"Sa tingin mo, pabalik na kaya sila?" Pagtatanong ni Yvonne.

"Siguro." Sagot ko.

"Sana okay lang silang lahat." Sabi ni Yvonne at nginitian ko naman sya.

"Si Calista anong ginagawa?" Pagtatanong ko.

"Andun sa loob, baka kumakain sya." Sagot ni Yvonne.

Maya maya pa nakita namin yung school bus na papasok ng gate ng school.

"Andyan na sila!" Sigaw ni Yvonne.

Agad namang lumabas si Calista ng room. Dali dali kaming tumakbo papunta sa may school bus. Agad namang itinigil ni Xavier yung bus sa tabi.

Napatigil naman ako sa pagtakbo nung makitang apat lang silang bumaba ng school bus.

Si Greyson, Noah, Luke at Xavier.

"N-nasaan si Caleb?" Pagtatanong ni Calista.

"Hindi namin alam." Sagot ni Luke.

"H-ha? Paanong hindi nyo alam?" Pagtatanong ni Calista.

"Nasaan si Caleb?!" Pagtatanong ulit ni Calista.

"Hindi sa hindi namin alam, pero andun pa sila, iniwan namin sila, wag kayong mag alala babalikan namin sila." Sagot naman ni Greyson.

"Iniwan?" Pagtatanong ni Calista.

"Nasaan sila Rafael? Allison? Magkakasama ba sila?" Pagtatanong naman ni Yvonne.

"Sila Drea, okay lang ba sila? Anong nangyari dun? Kay na Lucius? Pagtatanong ko.

"Wag kayong mag alala babalikan namin sila." Sagot ni Greyson.

"Wala akong pakialam kung anong gagawin nyo! Gusto kong malaman kung ano nang nangyari dun! Bakit kayo bumalik dito?! Para saan? Iniwanan nyo sila dun? Bakit?!" Sigaw na pagtatanong ni Calista.

"Ako na mag papaliwanag, pero kumalma ka muna okay? Sasabihin ko lahat." Sabi ni Luke at tumango naman si Calista.

"Pagkadating namin dun, nagkakagulo na silang lahat, yung mga tao na andun nagiging zombie na, sinubukan namin silang hanapin pero dumadami na yung mga zombie na andun, hindi din namin namalayang humiwalay si Zayne, Sylus at Rafael samin." Pagpapaliwanag ni Luke.

"Nasusunog na yung mga bahay dun at ang dami ng zombie kaya wala na kaming nagawa kundi umalis dun, kaya hindi namin alam kung nasaan sila ngayon, kaya babalik kami dun." Dugtong pa ni Luke.

"Sigurado akong hinanap ni Rafael si Lucius kagabi kaya humiwalay sya." Sabi ni Xavier.

"Eh sila Felix, Kevin at Allison nasaan?" Pagtatanong ni Yvonne.

"Kasama pa namin silang umalis kagabi pero, nag away away sila, kaya bumaba sila Allison, Kevin at Felix para bumalik dun." Sagot ni Luke.

"Nag away?" Pagtatanong ni Yvonne.

"Anong dahilan?" Pagtatanong ni Calista.

"Gusto ni Allison na bumalik dun kasi alam nyang andun pa yung iba pero-" Sagot ni Luke pero biglang nag salita si Greyson.

"Kasalanan ko yun, gusto lang malaman ni Allison kung bakit kailan pa naming bumalik dito, kaya sila bumaba para balikan yung iba pero nagpatuloy kaming bumalik dito." Sabi ni Greyson.

"Ha? Para saan? Tama lang yung ginawa nila Allison, andun pa yung iba, kailangan nila yung tulong nyo tapos babalik kayo dito ng hindi nyo sila kasama? Hinayaan nyo lang silang bumaba?" Sabi ni Calista.

"Pero ang dami ng zombie na andun." Sabi ni Greyson.

"Yun na nga eh, ang dami na ngang zombie dun tapos kayo pang mga lalaki yung umalis dun, si Lucius nakita nyo ba dun?" Pagtatanong ni Calista.

"Hindi, I'm sorry." Sagot ni Greyson.

"Sorry? Haysstt." Sabi ni Calista.

"Anong nangyari? Mga zombie ba yun? Nasaan sila Josephine at Vivian?" Pagtatanong ni Noah.

"Patay na sila." Sagot ko.

"Ha? Anong nangyari?" Pagtatanong ni Noah.

"Binuksan ni Vivian yung pinto sa kabilang building para makalabas yung mga zombie, nagsusuka na sya ng dugo nun at tutulungan dapat namin sya, pero nawala sya dun tapos nakita na lang namin yung mga zombie na naglalabasan dun sa pinto sa kabilang building, nakagat naman si Josephine kaya binaril nya na lang yung sarili nya kaya wala na rin kaming nagawa." Pagpapaliwanag ni Yvonne.

"Nasaan si Josephine?" Pagtatanong ni Noah.

"Andito sya, sumunod ka sakin." Sabi ni Yvonne.

*

*

YVONNE'S POV:

Tinuro ko nga kung nasaan yung katawan ni Josephine.

"May sinabi ba sya bago mamatay?" Pagtatanong ni Noah habang nakatingin kay Josephine.

"Sinabi nyang wala na syang choice at sinabi nya rin na karma nya na daw yun dahil sa ginawa nyang pagsisinungaling." Sagot ko.

Nakita ko namang kumuyom yung kamay ni Noah.

Maya maya pa nakarinig kami ng andar ng sasakyan, isang van, pumasok yun sa gate ng school.

Tinigil na nila yung van sa tabi at tinutukan naman nila Greyson, Xavier, Noah at Luke yung van.

Si Lucius?

Nagulat na lang kami ng biglang bumaba dun si Zayne sa driver's seat, sumunod naman na lumabas ng van ay si Sylus, sunod si Rafael kaya ibinaba na nila Greyson yung mga baril nila.

Sila lang tatlo?

"Anong nangyari?" Pagtatanong ni Xavier.

"Si Drea nasaan?" Pagtatanong ni Cessa.

"S-si Caleb?" Pagtatanong naman ni

Calista.

Kita naman sa mukha ni Rafael na malungkot sya, si Zayne at Sylus ay tahimik lang at nakatingin samin.

Ano kayang nangyari.

Maya maya pa may bumaba pang isang babae at laking gulat namin nung si Drea yun.

"Drea!" Sigaw ni Cessa at tumakbo papunta kay Drea at nagyakapan sila.

*

*

DREA'S POV:

Andito na nga kami sa school at nakababa na sila Zayne, Rafael at Sylus, kita ko naman mula dito sa loob sila Cessa.

Bumaba na rin ako.

"Drea!" Tuwang tuwa na sigaw ni Cessa at tumakbo papalapit sakin at agad akong niyakap, niyakap ko naman sya pabalik.

"Nasaan sila Caleb at Derrick?" Pagtatanong ni Cessa.

"N-nasa loob." Sagot ko.

Maya maya pa nilabas na ni Derrick si Caleb.

Gulat na gulat naman sila nung makita nila si Caleb.

"Caleb!" Sigaw pa ni Calista, tumakbo sya habang umiiyak papalapit kay na Derrick na hawak si Caleb na wala ng buhay.

"I-im sorry." Sabi ni Derrick.

Niyakap naman ni Calista si Caleb at dahan dahang inihiga sa mga braso nya, tuluyan nang napaupo si Calista sa lupa habang nakahiga ang katawan ni Caleb sa lupa at ang ulo nya ay nakapatong sa braso ni Calista.

Tahimik lang ang lahat habang si Calista ay umiiyak habang yakap yakap ang walang buhay na katawan ni Caleb.

"Caleb!" Sigaw pa ni Calista habang umiiyak.

*

*

FELIX'S POV:

Nakatulog nga kami dito nila Kevin at Allison sa may puno, buti na lang nagising ako dahil sa sinag ng araw.

"Allison, Kevin." Sabi ko at ginigising sila.

"Tara na." Sabi ko at bumangon na nga sila Kevin at Allison.

Sumilip muna ako sa may subdivision at napakaraming zombie ang andun.

"Umalis na tayo dito." Sabi ko.

"Ha? Bakit?" Pagtatanong ni Allison.

"Ang daming zombie sa plaigid, bumalik na lang tayo sa school." Sagot ko.

"Pero paano sila?" Pagtatanong ni Allison.

"Baka, nasa school na rin sila." Sagot ko at tumango na lang si Allison.

Naglakad na nga kami sa gilid ng kalsada para bumalik sa school.

"Kamusta kaya sila? Ano na kayang nangyari?" Pagtatanong Kevin habang naglalakad kami.

"Wag kang mag alala okay lang sila." Sabi ko.

"Sigurado ka ba?" Pagtatanong ni Allison.

"Oo?" Ako.

"Sagot ba yan o tanong?" Pagtatanong ni Allison.

"Hindi ko rin alam, basta ang sakin lang ligtas ako pag kasama ko kayong lahat, kaya alam kong okay lang sila, wag kang mag alala." Sabi ko at tumango naman si Allison.

"Sa tingin mo matatapos ang lahat ng to kuya?" Pagtatanong ni Kevin sakin.

"Hindi natin alam, pero sa ngayon kailangan lang nating maging ligtas, dahil puro kamatayan ang nasa paligid natin." Sagot ko.

"Wag kayo munang mag isip ng kung ano ano, babalik tayo dun." Sabi ko.

Habang naglalakad kami ay nakarinig kami ng paparating na sasakyan.

Police car.

"Takbo!" Sigaw ni Allison.

"Teka!" Sigaw ng isa sa mga nasa sasakyan kaya napatigil kami nila Allison.

Tumigil na rin sa tapat namin yung sasakyan.

Mga police sila, dalawang police.

Agad silang bumaba ng sasakyan at tinutukan kami ng baril.

Agad din naming tinutukan nila Allison at Kevin ng baril yung dalawang police.

"Teka teka." Sabi nung police.

"Andito kami para tumulong, nakita namin kagabi yung putok ng flare gun." Sabi nung isang police.

"May kagat ba kayo? Ayos lang kayo?" Pagtatanong naman nung isang police.

"A-ayos lang kami." Sagot ni Allison.

Hindi na nila kami tinutukan ng baril kaya dahan dahan ko ding ibinaba yung baril ko, ganun din sila Kevin at Allison.

"Ako si Felix." Pagpapakilala ko.

"Kevin." Pagpapakilala naman ni Kevin.

"Ako si Allison, tulungan nyo kami, hindi lang kaming tatlo, marami pa kaming kasama nasa school sila." Sabi ni Allison.

Agad namang lumapit yung isang police samin at chineck yung mga braso namin kung may kagat kami ng zombie.

"Anong nangyari?" Pagtatanong nung police.

"Mahabang storya, kailangan mong makausap yung leader namin." Sagot ni Allison.

"Saang school sila andun?" Pagtatanong nung police.

"Ituturo namin." Sabi ko.

"Sumakay na kayo." Sabi nung police at sumakay na nga kami sa sasakyan nila.

*

*

DREA'S POV:

"Nasaan sila Felix at Kevin?" Pagtatanong ni Zayne kay Yvonne.

"Wala pa sila dito." Sagot ni Yvonne.

"Nasaan sila? Sinong kasama nilang dalawa?" Pagtatanong ni Zayne.

"Si Allison, nag kaaway sila kagabi ni Greyson habang pabalik sila dito, nagplano sila Felix, Kevin at Allison na balikan kayo dun para tulungan." Pagpapaliwanag ni Yvonne.

"Pero ang daming zombie na andun." Sabi ni Rafael.

"Baka andun pa sila, pwede natin silang puntahan." Sabi ni Luke.

"Hindi, nasaan si Greyson?" Pagtatanong ni Zayne.

"Andun." Turo ni Xavier dun, agad namang naglakad si Zayne papunta dun kay Greyson kaya sumunod kami.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ni Zayne.

"Bakit hinayaan mong umalis yung tatlo?" Pagtatanong ulit ni Zayne.

"Babalikan nila kayo dun para tulungan, ayaw nilang bumalik dito kaya bumaba sila ng sasakyan para tulungan kayo." Sagot ni Greyson.

"Umalis kami djn dahil napakarami ng zombie sa paligid at tsaka hindi naman namin alam kung nasaan kayo, kaya umalis na lang kami dun." Sabi ni Noah.

"Hinanap namin sila Drea kung nasaan sila, pero pag labas namin dun wala na kayo." Sabi ni Zayne.

"Kung andun lang sana kayo, edi sana natulungan nyo kami." Sabi naman ni Derrick.

"I'm sorry, hindi ko na alam ang gagawin kagabi at nag kasagutan pa kami ni Allison." Sabi ni Greyson.

"Nasaan si Lucius?" Pagtatanong ni Noah.

"Patay na sya." Sagot ni Rafael.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Pagtatanong ni Yvonne.

"Wala na sila Vivian at Josephine, hindi rin tayo safe dito." Dugtong pa ni Yvonne.

Nakwento nga pala nila Cessa at Yvonne yung nangyari kagabi kay na Vivian at Josephine.

"Kailangan nating hanapin sila Felix, tapos habang hinahanap namin sila, subukan nyong kausapin si Calista." Sabi ni Rafael.

"Sasamahan ko na kayo." Sabi ni Sylus.

"Sasama din kami." Sabi ni Noah.

"Wag na." Sabi naman ni Zayne.

Bigla namang may sasakyang pang pulis ang pumasok sa loob ng gate ng school na ikinagulat namin.

Agad nilang tinutukan ng baril yun.

Tumigil na yung sasakyan at bumaba yung dalawang police dun.

"Mga police kami, ibaba nyo yang mga baril nyo, andito kami para tulungan kayo." Sabi nung isang police.

"Kasama namin yung tatlo nyong kasama, si Allison , Kevin at Felix." Sabi nung isang police, kaya agad naman nilang binaba yung mga baril nila.

Bumaba na nga sila Felix , Kevin at Allison dun sa sasakyan.

"Kuya!" Sigaw ni Felix at kumakaway pa.

Agad tumakbo papunta sila Felix at Kevin kay Zayne at nagyakapan sila.

"Ayos lang kayong dalawa?" Pagtatanong ni Zayne.

"Oo, ikaw? Si Caleb?" Pagtatanong ni Kevin pero walang sumagot samin at nakita nila si Calista dun.

Nawala naman yung mga ngiti sa mga labi nila Felix at Kevin.

Lumapit din sakin si Allison at niyakap ako.

"Ililigtas nila tayo." Sabi ni Allison.

-

-

-

Kinausap ng mga pulis si Calista at inilibing nila yung katawan ni Caleb at Josephine, habang nililibing nila sila Caleb ay may paparating ng mga sundalo at sasakyan para kuhain kami dito at dalhin sa camp nila para tulungan.

Nasa airport na kami ngayon, ang daming army camp na mga tent ang nasa labas pero sa loob ng airport ang daming camping tent, ang dami ring tao ang andito. Yung iba nakaupo sa mga upuan, may mga bata at matatanda.

Nagbubulungan sila at pinagtitinginan kami.

"A-ang daming tao." Mahinang sabi ni Kevin.

Tinignan muna nila yung temperature namin at chineck yung mga braso namin kung may kagat ng zombie, kinuha din nila yung mga baril namin bago kami pumasok dito sa loob.

Sinusundan namin itong isang babaeng sundalo.

Ewan ko kung saan nya kami dadalhin pero sumunod lang kami sa kanya.

Maya maya pa nakapwesto na kami dito sa may dulo, pinaupo nya kaming lahat kaya nag si upo naman kami.

Walang mga tao ang nakapwesto dito, pero nakatingin pa rin yung ibang mga tao samin na nakaupo dun, nag kekwentuhan yung iba sa kanila at yung iba ay kumakain.

"Maghintay muna kayo dito." Sabi nung nung babaeng sundalo.

"Ang daming tao, baka andito yung mga hinahanap nyo." Sabi ni Yvonne.

"Mag hintay muna tayo, ang dami ko ring gustong itanong." Sabi ko.

Maya maya pa may dumating na isang sundalo, sya siguro ay nasa mataas na posisyon, kasama nya yung babaeng sundalo kanina at may kasama silang bagong lalaki. May mga kasama rin silang nurse.

"May sugat yung iba sa kanila, pakilinisan at gamutin nyo." Sabi nung sundalo at lumapit naman yung dalawang nurse samin.

"Let me introduce myself first.... I'm general Owen Flores, you can call me sir/general Owen or sir/general Flores. Andito kami para tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong namin, katulong ko dito ang matatapang na mga sundalo at mga kapulisan para tulungan ang mga tao, hanggang ngayon ay naghahanap pa rin kami ng mga natitirang buhay na andun sa labas. Dito sa airport na to ay ligtas kayo, hindi kayo pwedeng lumabas, madaming mga sundalo at mga pulis ang andun sa labas para mag bantay, naghahanap din kami ng mga makakain ng mga tao sa pang araw araw, pagkain, damit, tubig at iba pa. Kailangan ko kayong kausapin lahat at kung may tanong kayo sakin sabihin nyo lang." Sabi nya.

"Namatay yung kapatid ko, pero wala kayong ginawa, hinintay nyo pang mamatay yung kapatid ko bago nyo kami tulungan, madaming tao ang namatay dun at nangangailangan ng tulong nyo." Sabi ni Calista kaya napatingin kami sa kanya.

"I'm sorry for your loss, ginagawa namin lahat ng makakaya namin para iligtas ang mga tao na nangangailangan ng tulong namin." Sabi ni sir Owen.

"Hindi nyo naiintindihan dahil wala naman kayo dun." Sabi ni Calista habang naiiyak.

"Alam kong mahirap ang kalagayan nating lahat ngayon at mahirap kalaban ang mga halimaw na andun sa syudad at kung saan man-" Hindi na natuloy ni sir Owen yung sasabihin nya ng biglang nagsalita si Calista.

"Hindi zombie yung pumatay sa kanya, kundi tao, isang tao. Diba Rafael? Nakita mo naman kung paano nya pinatay si Caleb, nakita nyo naman diba, nakita nyo naman!" Sigaw ni Calista kaya nag tinginan yung mga taong andun.

"Nakita nyo naman kung paano nila pinagbabaril at patayin yung mga taong walang kalaban laban dun sa school!" Sigaw ni Calista.

"Kumalma ka po." Sabi nung isang nurse.

"Calista, tama na." Sabi ni Noah at hinawakan si Calista.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ni Calista.

"Hindi lang mga zombie ang kalaban natin dito, kalaban din natin ang mga tao!" Sigaw pa ni Calista at nilapitan sya nung babaeng sundalo at ginamitan sya ng taser, nawalan naman ng malay si Calista.