Matagal ko na siguro na pinagsisinungalingan ang sarili ko na magkakamalay pa ang aking ama. Sa isang Taon Ilang oras ko lamang siya kung makausap. At kunti lamang ang alaala kong pinanghahawakan. Biglang naging malinaw sa alaala -ala ko ang mga sinabi niya sa akin. Ang totoo niyan napakahirap nga...ako ng husto .Aaminin ko wala pa akong maihaharap na babaeng masasabi kong makakasama habang buhay. Ngunit alam ko darating ang takdang panahon na makikilala ko siya... at sana bigyan niyo ako ng senyales ni Mama. Maghihintay ako.
Napahawak ako sa palad ng aking ama.
" Hangang dito na lang siguro , Magkikita na kayo Dad ni Mama ... Salamat po sa lahat."
Lakas loob kong kinuha ang Folder na iniwan nila. Napapikit ako... at huminga ng malalim bago nagmulat muli. Saka lakas loob kong pinirmahan ang ducomento.
Bago ako tumalikod sa aking ama ... pinagmasdan ko siya... at isa lang ang ibinulong ko...
" Dad, magpahinga na kayo ng tahimik"
< Dr. Eriez >********************************************
Bumukas ang pinto at si Zhio ang iniluha.
Lahat ng mga mata ay sa kanya nakatingin at sa hawak niyang folder.
Lumapit siya sa akin.
" Gawin niyo na ang nais niyong gawin." mahina niyang sinabi.
Tinapik ko siya sa balikat na sinundan ni Atty. Wenziel.
Tumalikod siya sa amin ng abutin ko ang folder na agad niyang ikinalabas.
Nagkatitigan kami ni Atty.Wenziel...bago ko binuksan ang folder.
Napatango siya sa akin.
Nang buksan ko...
Ang malinis na pirma ni Zhio ang una kong napansin.
"Napakatapang ni Zhio upang gawin yan."
"Oo.. mahirap ito sa kanya..ngunit ito ang masmakakabuti... Gawin niyo na."
Utos ko sa doktor na naghihintay din ng desisyon.