(Monina's POV)
Umakyat nga nang magkasabay si Rhoa at Mike. Basang-basa ang pisngi ko.
Nilapitan ako ni Rhoa at niyakap ako nang mahigpit.
"Sinabi ko naman sayo na wag kang aamin. Ano ang mahirap doon?" na halatang nainis nga siya sa akin.
"Ayan tuloy… Tuloy na tulay na kailangan mo nang lumayas sa pamamahay na ito."
"Okey lang ako. Kailangan natin harapin ang katotohanan eh. Ayokong niloloko ang sarili ko." na siyang ikinayakap ko nga kay Rhoa din at isinubsub sa tiyan niya ang mukha ko.
Dami ko atang ininom na tubig para ganito ka-falls ang luha ko.
"Monina, wala tayong oras ngayon magdramahan. As soon as possible, kailangan mo nang umalis dito."
Grabe.
Kaya naman kumalas na ako.
Kumilos na si Rhoa para i-impake ang ilan kong gamit.
"Miss Monina Alvarez. Thank you for your time."
Ang sarap naman hampasin ni Mike.
"Thank you saan?" Hahaha. Iniinsulto ba ako nito?
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com