webnovel

Young Billionaire's Possession

Lumaki si Elle sa isang bahay ampunan kung saan paglipas ng panahon ay siyang madalas niyang balikan. Sa lugar kung saan sya nagkaisip ay siyang lugar din kung saan nya makikilala ang lalaking mamahalin. Ngunit paano kung kailan hulog na hulog na sya tsaka naman magkakaroon ng hadlang sa relasyon nila?

Kore_Mikelle · perkotaan
Peringkat tidak cukup
39 Chs

CHAPTER 20

Elle's POV

It's been 3 months since Lola Flora's birthday. Medyo humupa na rin ang issues about the engagement and my relationship with Aiden. Noong una ay maraming hindi sumuporta sa amin dahil isang Top 3 Billionaire si Aiden then isa lang akong Executive Assistant sa Mirabelles.

May mga employees din dito na hindi maiwasang pagtinginan ako at pagbulungan. Kesyo nilandi ko daw ang business partner ng boss ko, yung iba ay sinasabing ginayuma ko ito. Ang iba naman ay natutuwa at kinikilig para sa amin pero hindi ko na lang sila pinapansin lahat, napagsabihan na rin naman sila ng mga head nila.

Nagkaroon din ng problema sa board members especially sa current project namin with KAL Corp. but naayos ko rin naman ito sa tulong ni Ms. Mirabelles. Wala rin naman nagawa ang board members pero marami sa kanila na natutuwa para sa amin dahil matagal na rin naman nila akong kilala sa industriya. They said I deserved to be loved and to be in love, but they hope that I will continue my hard work for Mirabelles and di ko naman talaga pababayaan ang responsibilities ko dito.

Malaki rin ang naging epekto ng pangyayari na yun sa Charles Inc. dahil nagdecide ang Lee Corp. at Austin Group na putulin muna ang ugnayan dito kaya naman ilang investors ang umalis din sa Charles Inc. dahil mas loyal ang mga ito sa Lee Corp. at Austin Group ang iba.

Ang Lee Corp. ay pinamumunuan pa rin ng Dad ni Aiden pero sya na namamahala sa halos lahat ng kumpanya nila, Dad lang din nya ang mas nagdedesisyon sa ibang bagay at Dad nya ang nagdecide na putulin ang ugnayan nila.

Ang Austin Group naman ay Grandpa ni Aiden ang namamahala at sinasabing kay Aiden din ito ipapamana once na nagretire na ang Grandpa nito.

Dahil dito ay hanggang ngayon nagkakagulo sa Charles Inc. dahil sa unti unting pagbaba ng stocks nito dagdag pa na nalaman din nilang naunang putulin ng Mirabelles ang connection nila with Charles hindi pa man pangyayaring iyon na mas nagtulak sa kanilang gawin ang mga desisyon nila.

Somehow, I felt guilty dahil wala naman kinalaman si Mr. Charles dito ay sya ang kumakaharap sa ginawang problema ng anak nya, oh wait fake daughter.

Speaking of Mr. Charles, until now, hindi ko pa rin alam ang connection nya kila Mama at Papa.

I went to our old house as what Mama and Papa told me in my dreams. The clue they were saying. I did not find any suspicious, but one thing caught my eyes was the old photobook inside the storage room.

There are pictures of Mama, Papa, Aiden's Mom and Dad, Mr. Lee and a woman which I guess the 1st wife of Mr. Charles. There photos showed how closed they were and how happy they were which I guessed they were close friends. But, in the end of the photobook 1 photo caught my attention, I saw Mikka's Mother looking at them in a distance but still, her face was clearly visible.

It's been a month ng makita ko ang photobook nay un, and until now naguguluhan ako, anong gustong sabihin nila Mama at Papa? And why I feel like connected to that woman? Nang titigan ko sya, I don't know pero parang naging abnormal ang puso ko, unti-unti itong bumibilis sa pagtibok. Pero… kung ano man itong nararamdaman ko, parang wala rin naman saysay kung mapatunayan ko dahil wala na ito, matagal na itong patay. And thinking of it, it gave me heartache.

Nabalik ako sa realidad ng biglang mag ring ang phone ko

Napatingin naman ako kung sino ang tumatawag and nakita ko ang pangalan ni Aiden kaya naman napangiti ako at sinagot ito

'hi, love' bati ko dito

'hi, ready ka na love?' tanong nito

'hmm? Saan?' taka kong tanong

'Sa pag-uwi haha' natatawang sabi nito at napa-pout naman ako kahit hindi nito nakikita ang itsura ko

'Kala ko naman kung ano' mahina kong sabi na halata na disappointed ako

'Wag na magtampo love ko, let's eat dinner outside' paglalambing nito

'Hmm, sounds good. But I need to go to my condo first' sabi ko dito

'Sure, love. Want me to fetch you there?'

'Hmm okay' sagot ko

'Then I'll fetch you in an hour?'

'Yeah, I'm done in that time, just wait me in the parking"

'Okay love, see you later. I love you'

'See yah, I love you too' sabi ko at pinatay na ang call

Inayos ko naman na ang gamit ko at lumabas ng office ko, naabutan ko namang nag aayos na rin ng gamit si Candice

"Mauna na ako gurl" nakangiti kong sabi dito pagkalapit ko

"Hmm, magkikita lang kayo ni Papa Aiden eh" mapang asar na sabi nito

"Haha sino pa ba magiging dahilan, sa condo nya ang schedule namin ngayon. Ah ng apala, next week pahiram si Camille huh, namimiss ko na ang baby girl ko" naka pout kong sabi

"Bat kasi di pa kayo gumawa ng sarili nyo baby girl" nakangisi nitong sabi

"Soon gurl hahaha, malapit ko ng matapos ang dapat kong gawin" makabuluhan kong sagot dito na ikinaseryoso naman nya

"You mean, malapit mo na makita?" tanong nito na ikinatango ko naman

"Sana lang ay matapos na ang lahat at mapunta sa tama ang lahat. Basta mag-iingat ka Elle, mas lumalapit ka sa hinahanap mo, ramdam kong mas lumalapit din ang kapahamakan" nag aalalang sabi nito

"Don't worry, Candice. I'll be fine, for Mama and Papa." Nakangiti kong sabi

"Basta mag ingat ka pa rin. Sige na, shupi na baka maghintay pa ng matagal sayo ang love of your life haha" natatawang sabi nito

"Haha, pupunta pa akong condo ko. See you next week, si Camille huh?" sabi ko

"Oo, for sure matutuwa yun, byeee" sabi nito kaya nginitan ko sya tsaka umalis na

Pagdating ko sa parking lot ay kinuha ko ang phone ko muna at nagmessage kay Aiden na nandito na ako sa condo. Iniwan ko na muna ang bag ko sa loob ng kotse ko at hawak ang phone ko. Pagkasarado ko ng pinto ng kotse ay may humintong itim na van na harap ko pero hindi ko ito pinansin at naglakad sa likod nito.

Paderetso na sana ako sa elevator ng bumukas ang pinto ng van at may lumabas na dalawang naka mask na lalaki at malalaki ang katawan nito. Kinabahan naman ako dahil dito kaya ng tatawagan ko na sana si Aiden ay bigla naman nitong tinakpan ng panyo ang ilong at bibig ko. Nagpumiglas ako pero dahil sa epekto ng amoy ng panyo ay nahilo ako at unti unti akong nanghina. Nabitawan ko ang cellphone ko at tuluyan ng nilamon ang dilim ang paningin ko.

Kris Aiden's POV

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. Nakita ko namang may message si Elle

'I'm here at my condo. Ingat sa pagdrive. I love you :*' ~ My Love Elle

Napangiti naman ako dahil sa sweet nito

Nag ayos naman na ako ng gamit ko para masundo na agad si Elle sa condo nya

Bigla namang bumukas ang pinto ng office ko at niluwa nito si Spencer

"Nagmamadali ka ata? Magkikita kayo ng love mo? Haha" mapang asar na sabi nito

"Humanap ka na kasi ng girlfriend para hindi love life ang pinepeste mo, Spencer" nakasimangot kong sabi dito

"Chillax haha, di ko pa nakikita si the one sa dami mong pinapagawa haha" natatawang sabi nito

"Ahh so kasalanan ko?" nakakunot noo kong tanong

"Biro lang man haha. Sige na baka hinihintay ka na ng loves mo haha" sabi nito at lumabas na ng opisina ko, napailing naman ako dito

Lumabas na ako at nagpuntang parking lot

Pagkapasok ko ng kotse ko ay nagmessage ako kay Elle na papunta na ako at saka ako nagsimulang magdrive.

Pagdating ko sa parking lot ng condo nya ay tinignan ko ang phone ko pero wala itong reply. Baka busy pa ito sa pag aayos kaya nagmessage ako ulit at sinabing nandito na ako pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin itong reply sakin kaya naman tinawagan ko ito.

Naka ilang ring ay hindi pa rin ito sumasagot kaya naman tinawagan ko ulit sya tsaka lumabas ng kotse para puntahan na rin sya sa condo nya. Paglabas ko naman ay parang may narinig akong ringtone di kalayuan at familiar sakin ang tunog nito kaya naman lumapit ako kung saan nanggagaling iyon.

Paglapit ko ay nakita ko ang isang cellphone sa lapag at ng kunin ko ito ay nakita ko ang pangalan ko. Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba. Tinignan ko ang kotse sa malapit at nakita ko ang kotse ni Elle.

Dali dali ko naman tinawagan si Spencer

'Contact Mr. Alonzo now! Tell him to find Elle ASAP!' sigaw ko dito pagkasagot nito

'What happened?' nag-aalalang tanong nito

'Someone kidnapped Elle, I found her phone in the parking lot. I'll go and check the surveillance camera!' sabi ko at binabaan na sya

Tumakbo naman ako sa Security Room kung nasaan ang mga monitor ng CCTV

Nang makilala nila ay pinapasok naman nila ako at chineck ang CCTV sa parking lot. Ilang minuto lang ay nakita naming dumating na si Elle at nagpark. Ilang segundo lang ay nakita naming may pumasok na itim na van at huminto ito sa tapat mismo ng kotse ni Elle. Nakita naman naming naglalakad na papuntang elevator si Elle ng biglang lumabas ang dalawang naka mask na lalaki at tinakpan ang panyo ang ilong ni Elle hanggang sa nawalan na ito ng malay.

Napahampas naman ako sa lamesa ng makumpirma kong nakidnapped nga si Elle

Tinawagan ko si ulit si Spencer at sinagot naman nya ito agad

'I was right, Elle was kidnapped!'

'Chill man, we will find her okay?'

'How can I calm if someone kidnapped Elle?! Tell Mr. Alonzo to find Elle as soon as possible! Search everywhere!' galit na sabi ko dito

Pano ako kakalma kung yung taong mahal ko ay kinidnapped?!

'Okay, okay. Just go home first, we will do everything to find Elle. I'll update you when we found leads' sabi nito kaya pinatay ko na ang call

Umuwi na muna ako sa condo ko pero hindi ko pwedeng iasa lang sa dalawa ang paghahanap kaya pagdating ko sa office ng condo ko ay tinawagan ko ang isa ko pang private investigator

Pagkatapos ko itong kausapin ay napasandal naman ako at napahawak sa ulo ko

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam saan ako maguumpisa para hanapin si Elle.

Hindi kaya? No! Hindi pwedeng magkatotoo ang hinala ko

Tinawagan ko ulit si Spencer para tanungin ang update sa taong yun

'Man, sorry pero wala pa kaming update about Elle's location' bungad nito sakin agad, mas lalo namang bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi nya

'It's about that man, do you have update about him? Do you remember the threats he gave? This incident made me think of that threat, do you think this is the one he's talking about getting what's important to me?' bakla mang isipin pero sobrang kinakabahan kung tama nga ang hinala ko

Dahil hindi namin alam ano pang kayang gawin ng taong yun, all we know is that he got the power, he can kill anyone he wants. Hindi ko kakayanin kung mawawala sakin si Elle.

Hindi ko alam kung makakatulog pa baa ko ng maayos kung iniisip ko pa lang kung anong nangyayari na kay Elle, kung anong ginagawa nila kay Elle.

Lord, please. Gabayan nyo po si Elle, please help us to find her. I can't lose her.

This is all my fault, nang dahil sa akin napahamak si Elle. Kung hindi ko sana minadali ang lahat na ipakilala sya, hindi sana malalaman ng kalaban ko ang kahinaan ko.

Elle, I'm sorry. I'm sorry if dinala kita sa kapahamakan, please stay safe, wait for me. I'll come and find you.

Kakaisip kay Elle ay hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa office chair ko at nagising lang ako ng marinig kong tumunog ang phone ko kaya naman dali dali ko itong sinagot

'Any leads?' tanong ko

'We found the black van, but they abandoned it and used another car. They're playing with us Kris. Every lead we find, it's always dead end.'

'B*llsh*t!' sigaw ko at hinampas ang table ko

'The police are cooperating with us now. We will find her' sabi nito at pinatay na ang tawag

Napatingin naman ako sa oras, ala una na ng madaling araw

Tumayo naman ako at pumasok sa banyo para maligo at mawala kahit mahimasmasan kahit papaano