webnovel

CHAPTER 1

Ako si Chinna Reyes, Chin ang tawag nila sa akin. Ako ay first year college sa isang Learning Center na nag ooffer ng vocational courses. Hindi naman ganon kataas ang tuition dito. Nakakuha din ako ng scholar kaya kalahati lang ng tuition ang kailangan kong bayaran. Napili ko ang course na Business & Information Management. First day ng school freestyle pa. Wala pang uniform papunta na ako ng school suot ang aking polo na black and white checkered, jeans at simpleng sandals. Ang mga kaklase ko ay mga nakaporma pero balewala sakin yon dahil ang gusto ko ay mag aral. Nagpakilala na ang lahat at dahil nasa huli ako ay ako ang huling nagpakilala.

" Good morning. I'm Chinna Reyes. Pwede nyo akong tawaging Chin. 16 years old." Yun lang at umupo na ako. Nagpakilala naman ang aming professor.

" Good morning. I'm Mr. Daniel Cruz I'll be your Adviser for this sem. So wala tayong lecture today dahil naubos ang oras sa pagpapakilala. So see you tomorrow." Sabi nya at lumabas na sya. Tatlong subject lang ako ngayong araw puro pagpapakilala lang naman dahil first day ng klase. Natapos ang klase namin saktong lunch time. Nagkayayaan ang mga kaklase ko na kumain sa isang fast food chain, at dahil wala akong pera ay nagdahilan nalang ako.

" Tara Chin sabay sabay na tayong kumain." Yaya ng isa sa mga kaklase ko.

" Ah sige kailangan ko na kasing umuwi dahil may gagawin pa ako nasabi ko kasi sa bahay na 12:00nn ay tapos na ang klase ko." Paliwanag ko.

" Ah sige sa susunod nalang. Ingat." Sagot nya. Bumababa na ako at nag abang ng jeep. Nasa second floor kasi ang school namin at pagbaba mo ay kalsada na. Umuwi na ako sa bahay dahil pamasahe lang ang dala ko, pagdating ko ay gutom na gutom ako. Nagbihis lang ako at dumerecho sa kusina, syempre wala ng bago tambak ang hugasing pinggan pagtingin ko sa ulam ay dalawang pirasong inihaw na paa ng manok ang ulam ko. Okay na ito gutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ako ng maraming pinggan kanina pa yatang umaga to. Ganito ako araw-araw pag gising kailangan mag walis walis magligpit. Pagdating ay kailangan ko ring maglinis ng bahay sa hapon naman ay magsasaing at magpapa init ng tubig para ilagay sa thermos. Nakikitira lang kasi ako sa bahay ng tatay ko kasama ang mga anak nya at madastra ko. Anak kasi ako sa labas ng tatay ko. Kaya siguro nila ako pinahihirapan dahil anak lang ako sa labas. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay pumasok ako sa kwarto para matulog dahil maaga akong nagigising mamaya pag gising ko ay magliligpit na ako at magsasaing. Humiga na ako para matulog nakatulog din naman agad ako. Nang magising ako ay walang tao sa bahay kaya dali dali akong nagwalis at nagpunas ng sahig. Nagligpit narin ako ng kalat. Pagkatapos ay nagsaing na ako at nagpainit ng tubig. Nang matapos ako ay pumasok ako ng kwarto para magpahina dahil mamaya ay marami na naman akong hugasing pinggan. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na yung madrasta ko na laging nakasimangot. Magdidilim na kasi kaya umuwi na sya padating narin ang tatay ko. Nang makadating ang tatay ko ay nagtimpla na agad ako ng kape at binigyan sya ng basang tuwalya para ipunas sa katawan nya. Driver kasi ang tatay ko.

" Chin! Bumili ka nga don ng delata!" sigaw ng madrasta ko. Sumunod naman agad ako dahil masyadong mareklamo ang madrasta ko pagbalik ko ay naghain na agad ako ng pagkain, at sabay sabay kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na agad ako at naghugas ng pinagkainan, nang matapos ako ay pumasok na sa kwarto para magpahinga, nahiga na agad ako at natulog.

 

K I N A B U K A S A N

Maaga akong nagising para maglinis ng bahay. Nang matapos ako ay kumain na ako ng almusal at naligo pagkatapos ko ay nagbihis na ako at naghanda para pumasok.

" Tay, papasok na po ako." Paalam ko dahil wala parin naman akong baon. Inabutan nya ako ng isang daang piso pero sumingit ang madrasta ko.

" Ang laki naman ng baon nyan kami nga dati pamasahe lang okay na!" sigaw nya at kinuha ang pera sakin at pinaltan ng tatlong bente. Sixty pesos ang baon ko ngayon. Ang pamasahe ko ay forty pesos kaya may bente pa ako pang meryenda. Sumakay na agad ako ng tricycle dahil male-late na ako. Pagdating ko sa school ay may kailangan kaming ipa zerox na mga papel para sa mga pag aaralan namin at sabi ng kaklase ko ay thirty five pesos ang nagastos nya. Ang pera ko ay bente pesos lang. Mawawalan ako ng pamasahe pauwi. Bahala na dahil wala akong gagamitin pag nagkataon.

" Chin. Nakapagpa zerox ka na?" tanong ng kaklase ko.

" Ah oo tapos na. Eto nga binabasa ko na." sagot ko. Ngumiti naman sya bilang sagot. Tulad kahapon ay hanggang 12:00nn lang ang klase ko. Kaya naman pauwi na ako ngayon. Namo-mroblema pa nga ako at limang piso nalang ang pera ko pano ako uuwi neto. Wala akong choice kung hindi maglakad. Nasa kabilang bayan pa ang bahay ng tatay ko sobrang init at wala manlang akong payong. Nag umpisa na akong maglakad sa ilalim ng sikat na sikat na araw. Nanunuyo na ang labi ko sa init at pagod napapagod na ako kaya tumigil na muna ako at nagpahinga ng ilang minuto. Nang maramdaman kong okay na ako ay naglakad ulit ako. 2:30pm na ng makarating ako sa bahay. Pagod,uhaw at gutom ang naramdaman ko. Pagdating ko sa bahay ay galit na galit ang madrasta ko.

" Hapon na! Hindi bat hanggang tanghali lang ang klase nyo? Bago palang ang pasukan nagbubulakbol ka na!" sigaw nya kaya imbes kumain ay pumasok na ako ng kwarto at nagpahinga hanggang sa nakatulog ako. Naalimpungatan ako dahil narinig ko ang sasakyan ng tatay ko. Agad ko namang narinig ang pagsusumbong ng madrasta ko.

" Hay naku Kiko! Yang anak mo hindi manlang naglinis ng bahay. Ako pa ang naghugas ng pinggan pagdating dumeretso agad sa kwarto hanggang ngayon ay hindi pa nalabas anong oras narin umuwi mag aalastres na ay ang klase nya ay hanggang alas dose lamang. Bago palang ang klase nagbubuklakbol na." sabi ng madrasta ko. Agad namang pumasok ang tatay ko sa kwarto para sermunan ako.

"Chin Chin! Bakit mag aalastres ka na daw umuwi?" tanong ng tatay ko.

" Eh kasi tay. Kulang kasi yung baon ko kanina may pina zerox saamin thirty five pesos 40 lang yung pera ko kaya naglakad ako pauwi. Pagdating ko ay pagod na pagod ako kaya nagpahinga muna ako hindi ko namalayang nakatulog pala ako." Nakatungong sabi ko. Natahimik naman ang madrasta ko ng marinig ang sinabi ko.

" Kumain ka na ba?" tanong ng tatay ko.

" Hindi pa po. Ang huling kain ko ay kaninang umaga bago ako pumasok." Sagot ko.

" Kumain ka na at magpahinga." Sabi ng tatay ko. Kaya lumabas ako para kumain at ang nakita kong ulam ay tuyo dahil wala pang lutong ulam. Pagkatapos ko ay pumasok na ulit ako sa kwarto para magpahinga.

K I N A B U K A S A N

Maaga akong gumising para maglinis ng bahay at magsaing. Pagkatapos ko ay naligo na ako at kumain saka ako nagbihis.

" Aalis na po ako." Sabi ko at nag abot naman ang madrasta ko ng baon ko. Pagkakuha ko ay nag antay na ako ng tricycle. Nagpa ulit ulit lang ang trabaho ko. Pagka lipas ng isang linggo pagpasok ko ay may tatlong pirasong bulaklak at chocolate sa ibabaw ng lamesa ko. Tinanong ko ang mga kaklase ay walang nakakita kung sino ang nagbigay non. Ngayon ay hanggang alas dose parin ang klase ko at tulad ng mga nakaraang araw ay pare pareho lang ang ginagawa ko maglilinis ng bahay papasok pagdating ay maglilinis na naman. Ngayon ay may aralin ako kaya maaga akong pumasok ng kwarto. Pumasok naman ang madrasta ko.

" Ano na Chin! Tambak ang hugasin magkukulong ka nalang jan?"

" pasensya na po tita bukas ko nalang po aayusin kailangan ko talagang matapos to ngayong gabi." Sagot ko may mga anak naman syang pwedeng utusan. Tss. Inirapan lang nya ako at pabagsak na isinara ang pintuan. May reporting kasi ako bukas at medyo hirap ako sa subject na yon kaya kailangan kong tutukan. Kinabukasan ay maaga akong gumising para magligpit sa kusina. At dahil maaga akong natapos ay naisipan ko na din pumasok ng maaga para makita ko kung sino ang nagpapadala sakin ng kung ano ano. Dali dali akong pumasok sa room na katapat ng room namin ng may makita akong lalaking naka black jacket at naka hood dahan dahan akong lumabas at pumasok sa roonm namin.

" Ikaw?!" gulat nya akong nilingon. Hindi naman sya nakasagot at kumamot nalang ng noo.

" ahm. Maaga pa naman gusto mo kainin na natin ng sabay yan?" may dala kasi syang pagkain galing sa MCDO.

" Tara." Sabi nya at sumunod naman ako sa kanya nagpunta kami ng MCDO at umorder narin sya.

" Bakit hindi ka nagpapakita at lagi ka lang naglalagay ng kung ano ano sa lamesa ko?" tanong ko.

" Nahihiya kasi ako." Sagot nya. Habang kumakain kami nagsalita sya.

" Are you free later?Can we go to the mall?" tanong nya.

" Ah. Pwede bang bukas nalang? Magpapa alam pa kasi ako na late na ko makaka uwi maingay kasi yung stepmother ko."

" Okay lang". Nginitian ko sya at nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos naming kumain ay kinuha nya ang bag ko at dinala nya yon pabalik ng school. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin pagpasok ko ng room ay ang daming tanong ng mga kaklase ko.

" Chin? Sya ang nagbibigay sayo ng kung ano ano?" tanong ni Claire.

" Oo. Pumasok ako ng maaga kanina para makita ko kung sino sya. Tapos sabay kami nag almusal." Sabi ko.

" Talaga?" gulat na tanong nya.

" Oo." Sagot ko.

" Alam mo bang halis lahat ng babae ay may gusto jan kay Ezekiel?"

" Hindi ko naman sya kilala at ngayon ko lang din sya napansin." Sagot ko. Biglang pumasok ang adviser namin.

" Class we have over all meeting. All of student go to the meeting room now!" agad naman kaming tumayo para pumunta sa meeting room. Pagdating doon ay marami ng estudyante at wala ng maupuan ng biglang lumapit si Ezekiel at pinaupo ako sa tabi nya.

" Okay students. Our new Student Council President is Ms. Chinna Reyes of BIM department." Gulat naman akong napatingin sa Dean ng school. At inaya nya ako sa unahan para magsalita.

" Ah. Good morning co students. Im Chinna Reyes of BIM department. Kung may tanong o suggestion kayo pwede nyo akong lapitan. I hope lahat ay maki cooperate kung kinakailangan. Thank you." Yun lang ang nasabi ko dahil talagang nagulat ako. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko at nagderecho ang botohan ng ibang officer. Vice president naman si Ezekiel.

" Pano ako naging president ng wala pang botohan?" tanong ko kay Ezekiel nagkibit balikat lang sya. Natapos ang botohan 11:00am na kaya naman wala narin kaming klase.

U" Lunch muna tayo. May oras ka pa." si Ezekiel.

" Sige maaga pa naman." Sumunod ako sa kanya may motor pala sya kaya naman yun ang ginamit namin. Yung jacket nya ay ipinagamit nya sakin para daw walang makakita sakin na taga saamin baka daw mapagalitan ako. Nang makarating kami sa restaurant ay umorder sya.

" I think we need to use my car when we go out. Para safe ka." Sabi nya. Napangiti naman ako

" Parang ang dami mong alam sakin ah." Sabi ko sa kanya.

" Maybe." Nakangiting sabi nya. Umorder sya ng mga seafoods at grilled pork. May mga desserts din. Pagkatapos naming kumain ay hinatid nya ako sa kanto namin malayo pa kasi yon sa bahay namin sasakay pa ako ng tricycle. Ayaw nya akong ihatid malapit samin baka daw mapagalitan ako.

" Thank you. Ingat." Sabi ko.

" Can I have your number?" tanong nya.

" Wala akong cellphone e." sagot ko.

" Okay. I'll wait for you here tomorrow. Don't be late." Sabay tawa nya.

" Okay." Sagot ko saka ako naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Nang makarating ako sa bahay ay saktong nakain sila.

" Kain na' sabi ng madrasta ko. Naka simangot na naman.

" Kumain na po ako. Nagpakain po kasi sa school kanina dahil nagbotohan. Pagkatapos ay nagpakain  ang staff ng school." Sabi ko. Dumerecho na ako sa kwarto para mag bihis hinintay ko silang matapos para makahugas ako ng pinggan. Naglinis naman ako ng kwarto ko habang nakain pa sila naisipan kong maglaba muna ng mga damit ko. At dahil walang extension ang washing machine0 ay naghand wash ako. Ganyan naman sila pag maglalaba ako tinatago ang extension. Nang matapos ako ay hapon na kaya nagsalang na ako ng sinaing at nagpainit ng tubig . Hindi rin nagtagal ay dumating narin si tatay at kumain na kami pagkatapos ng gawain ko ay kinausap ko si tatay.

" Tatay. Late na po ako makaka uwi bukas. May gagawin po kasi kami sa school bukas 1:00pm to 5:00 pm tapos naman non ay may group project kami sa bahay ng kaklase ko dahil malapit sa school ang bahay nila. Kung sakali pong gabihin kami ay pwede nyo po ba akong sunduin? Magiging busy rin po ako tatay kasi may mga obligasyon narin po ako sa school ako po kasi ang napili ng Dean na maging presidente ng school kaya hanggat maari kung may estudyante pa ay kinakailangan naandon din po ako." Paliwanag ko kay tatay.

 

" baka alibi mo lang yan!" si tita ang stepmother ko.

" gusto nyo po bang pumunta sa school bukas? Hihintayin ko po kayo ng 9:00am sa school para break ko at masamahan kita sa opisina para mapatunayang totoo ang sinasabi ko." Sabi ko sa kanya.

" Dapat lang. At baka alibi mo lang yan!" sabi nya.

" Sige kung ganon eh okay lang. Para masanay ka na sa mga gawain at pag nagtrabaho ka ay hindi ka na mahirapan." sabi ni tatay. Tumago naman ako at pumasok na ng kwarto. Para matulog.

 

K I N A B U K A S A N

Maaga akong nagising para gawin ang trabaho ko. Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.

" Tay! Tita papasok na po ako." Sabi ko.

" Hindi ka muna kumain?" sabi ni tatay.

" Sa school nalang tay. Nagmamadali po ako e." sagit ko.

" Pinipili mo pang kumain sa school dito ay libre na gusto mo pa ay gagastos ka." Si tita.

" Wag po kayong mag alala at libre po ang pagkain ko sa school." Sagot ko saka ako lumabas at nag antay ng tricycle. Minsan ay napipikon na ako sa madrasta ko. Pero wala naman akong choice dahil malayo ang bahay ng nanay ko. Nang makarating ako sa kanto ay nandon na si Ezekiel.

" Kanina ka pa?" tanong ko.

" Hindi naman mga 5minutes palang." Sagot nya.

" Pupunta ang step mother ko mamayang 9:00am sa school dahil sinabi kong kailangan kong nasa school hanggat may student." Malungkot na sabi ko.

" Ganon ba? Sige ako ng bahala kakausapin ko si Dean. Akong bahala." Sabay ngiti nya. Ngayon ay tinted na kotse ang dala nya dahil nga lalabas kami mamaya. Kumain muna kami saka kami bumalik ng school. Bago kami bumaba ay may inabot sya saking paper bag.

" Take this!"

" Ano to?" cellphone?

" You need that. Naka save na jan ang number ko. Iwan mo na dito sa kotse yang lalagyan."

" Hindi ko matatanggap to." Sabi ko.

" how can I reach you kung wala kang cellphone?" saka sya bumaba ng kotse at pinagbuksan ako. Sabay kaming pumasok ng school 8:55am ay nakita ko na step mother ko. Kausap si Ezekiel.

" Can I help you?" tanong nya kay tita.

" Saan ang room ni Chinna Reyes?"

" there. You can wait here. May klase pa sya pero 5 minutes nalang. You may seat here ma'am." Rinig kong sabi nya kaya naman hindi na ako lumabas. Natapos ang klase ko kaya lumabas na ako.

" Grabe pala estudyante dito inglisero." Tiningnan ko lang sya. At dumerecho sa office ng school.

" Good morning Dean. My guardian is here to confirm my responsibilities here in our school." Sabi ko.

" Good morning. Hmm. Ms. Reyes is our new Student President. She has a lot responsibilities here. And because of that we consider that she has a full scholarship here." Paliwanag ni Dean.

" Really? I didn't know that." Sagot ko.

" I will discuss you sana later but since your guardian is here I will discuss it now. And aside for that Chinna will have monthly allowance from our school. Meaning to say wala na kayong gagastusin kahit piso  sa kanya. We will also provide condo unit for her dahil hindi namin hahayaang bumiyahe pa sya ng gabi. We can look now the unit if you want." Si Dean.

" Ganon ba ka busy ang pagiging presidente?" tanong ni tita.

" Yes." Biglang pumasoksi Ezekiel.

" Excuse me. Ms. Chin I need your approval. Can you check this I really need your approval asap. Can you go to our office." Tumango si Dean kaya naiwan si tita doon.

" Ano yon?" tanong ko.

" tara?"

" Saan?"

" sa unit mo." Sagot nya.

" Hindi ko magets. Bakit ang daming benefits?" hindi sya sumagot at inaya ako pababa at sumakay sa kotse.  Pumasok kami sa isang building. This is may unit. And this is yours. Magkatabi kami ng unit. Pumasok kami sa unit ko daw may dalawang kwarto sa taas at salamin ang hagdan nito. Maganda din ang kusina at salas may mga gamit narin at may laman na ang ref at may grocery narin. May mamahaling gamit.

" Tara sa unit ko. Maya maya ay pupunta sila Dean dito."  Kaya pumasok kami sa unit nya. Same lang kami ng unit ni Ezekiel.

" Hindi ko parin naiintindihan." Sabi ko.

" Ipapaliwanag ko sayo pag sinagot mo na ko." Nakangiting sabi nya. At dahil gusto ko talagang malaman ay napasigaw ako.

" oo na sinasagit na kita." Niyakap naman nya ako at hinalikan sa noo.

" I can do what ever I want. I will give you what ever I want. I know your story. At gusto kong hindi ka na mahirapan. Binigyan kita ng unit para hindi ka na pahirapan ng stepmom mo. You can call your mom now. Para mapuntahan ka. And one thing walang nakaka alam nito kundi si Dean. I am the owner of Craige International Learning Center. Ikaw lang ang pinagsabihan ko dahil ayokong malaman ng iba." Biglang tumunog ang phone nya nasa unit ko na daw sila Dean. Kaya pumunta na kami doon.m bigla namang nagsalita si Ezekiel.

" Her mom is also on the way here. She approved all of this." Sabi ni Ezekiel pagpasok ng unit ko.

" Sasabihin ko rin sa tatay nya ito kung papayagan sya." Si tita.

" They parents approved it already." Sabi ni Ezekiel.

" we provide this for her dahil may mga times na may biglaang meeting at gagabihin sya. Hindi lahat ng oras ay may oras ang lahat para maihatid sya." Natulala naman si tita hindi nagtagal ay dumating ang nanay ko.

" Nay!" bati ko.

" Approve ko na lahat to. Para makapag aral din ng mabuti ang anak ko at walang hahati sa oras. May nakapag sabi din kasi sa akin na busy sa gawaing bahay ang anak ko. Starting today dito na sya mag stay. Mr. Craige, thanks for this opportunity. Can I talk you in private after this conversation?" si nanay.

" Of course ma'am!"

" We need to end our meeting. Ms. Chin you need to have a meeting with your officer." Si Dean

" Yes Dean."

" Thank you for your time. Mrs. Santos." Sabi nya kay tita. Tumango lang ito at sumabay na kay Dean.

" Nay pano mo nalaman?" tanong ko.

" Tumawag sakin si Mr. Craige sya pala ang may ari ng school.  Bata pa." sabi ni nanay.

" Ah nay. Si Ezekiel po. Boyfriend ko na po sya. Ginawa nya po ito para hindi na po ako mahirapan kela tatay." Paliwanag ko.

" Hi maam." Singit ni Ezekiel hinatid kasi nya sila Dean.

" Thank you Mr. Craige."

" Ezekiel nalang po. Don't be formal. And besides. Chin and I are officially in a relationship now. I hope na ipagkatiwala nyo sakin ang anak nyo?" si Ezekiel.

" eto palang ay malaking effort na. Ingatan mo ang anak ko tawagan mo ako kung kinakailangan ha." Sabi nya kay Ezekiel. At nag aya si Ezekiel kumain kasama si nanay. Pagkatapos ay hinatid namin si nanay sa bahay nya dahil may sasakyan naman si Ezekiel. Mamaya naman ay kukunin ko ang gamit ko kela tatay pagtapos ng group project namin o kaya naman ay bukas na. Pero biglang tumawag si tatay na sya na ang magdadala ng gamit ko para makita nya ang titirhan ko. Nang makarating kami ay hindi na kami bumaba pa dahil may group project ako ng 5:00pm 3:30pm na. Kaya bumalik din agad kami.

" Anong tawagan natin?" si Ezekiel.

" first boyfriend kita kaya ikaw na mag isip wala akong idea jan"

" babe. Yeah babe." Sagot nya habang nakangiti. Nakatulog naman ako sa biyahe kaya ng nasa school na kami ay ginising ako ni Ezekiel.

" babe. Were here." Sabay halik sa labi ko. Lakas ng loob palibhasa tinted ang kotse nya. Bumaba naman sya at pinagbuksan ako ng pinto. At dinala ang gamit ko saka kami pumasok ng school. Napag usapan naming sa meeting room nalang gumawa ng project. 7:00pm na ng matapos kami kaya tinawagan ko si Ezekiel magluluto daw kasi sya ng dinner.

" babe? Tapos na kami."

[ im already here.]

Binaba ko na ang phone at nagpaalam sa mga kaklase ko hindi nila alam ang efforts ni Ezekiel tinago namin yon. Sa unit nya kami dumeretso. Nagluto sya ng beef steak at sinigang na baboy.

" ang sarap ha." Sabi ko. Kumain lang kami at pagkatapos ay tinulungan ko syang maglinis ng pinagkainan.

" Uuwi na ako." Paalam ko.

" Call me if you need anything." Sabi nya niyakap nya ko at hinalikan saka ako hinatid sa unit ko kahit magkatabi lang kami ng unit. Ngayon ko lang nakita na kompleto gamit pala dito may uniform bagong sapatos, bag, jewelry at kung ano ano pa. Napag usapan naming mag uniform ni Ezekiel bukas. Long sleeve white with coat ang uniform namin skirt sa babae at slacks sa lalaki. Pagkatapos kong makita ang walkin closet ay pumasok na ako ng kwarto at nahiga hanggang ngayon ay niniisip ko parin panong sa isang pikit lang ay nabago ang buhay ko. Sa isang babaeng hirap sa buhay ay ngayon parang prinsesa. Parang super hero si Ezekiel sa buhay ko sya ang gumawa ng paraan para mabago ang buhay ko. Sa ngayon ay maninibago ako sa magiging daily responsibilities ko. Hindi ko narin kailangang gumising ng maaga para magli is at magluto ang kailangan ko nalang ay gumising at mag ayos ng sarili. Sa kakaisip ko ay nakatulog na pala ako ng biglang may nag doorbell kaya nagising ako at tiningnan kung sino yon. Si tatay kasama ang asawa nya.

" Tay. Gabi na po. Sana ay bukas nalang ninyo dinala abg gamit ko pagod kayo eh." Sabi ko bigla namang sumungit ang stepmother ko.

" Titingnan lang namin at baka may kasama ka palang lalaku dito." Saka sya dere-derecho sa kasingit singitan ng unit ko. Tinext ko naman si Ezekiel na nanditi ang tatay ko.

" Ang laki nito Chin. Ano ba yon libre?" tanong ni tatay.

" Opo tay. Para lang po akong nagtatrabaho, libre bahay, may allowance at hindi rin po ako nagastos ng pagkain dahil libre din po." Sabi ko

" Nakakatuwa naman. Mag iingat ka dito ha. Saka mag aral mabuti." Sabi ni tatay.

" Ah tatay may gusto po pala akong ipakilala sayo kilala na po sya ni nanay." Sabi ko at tinawagan ko si Ezekiel para pumunta dito nag doorbell naman sya kahit alam nya ang passcode ko.

" Bat di ka pa pumasok?" tanong ko.

" Ayokong isipin nilang wala kang privacy." Sabi nya saka ako nginitian.

" Ah tatay. Si Ezekiel po pala boyfriend ko. Sya din po ang may ari ng school na pinapasukan ko." Paliwanag ko. Napatungin lang si tatay kaya nagpakilala si Ezekiel.

" Deib Ezekiel Craige po Mr. Santos." Sabay lahad naman ng kamay ni Ezekiel at tinanggap yun ni tatay at nakipag kamay. Sabay labas ni tita sa walkin closet ko at may bitbit na bag, relo at jewelry set.

" Chinna sa akin na to ha. Mr. Craige!" gulat na sabi nya ng makita si Ezekiel.

" Excuse me. Mrs. Santos. But I buy that for Chin. And that jewelry set is the most expensive jewelry na binili ko para sa kanya kaya I wont allowed you to get it. Pasensya na " sabi ni Ezekiel bumaling naman si tatay sa asawa nya

" Ano ba naman yan Rose. Pumunta tayo dito para dalhin abg gamit ng anak ko at hindi para maghakot ng gamit nya nakakahiya ka." Sabi ni tatay. Hinawakan ko naman sya para iparating na ayos lang tinanguhan din sya ni Ezekiel.

" Uuwi kami." Sabi ni tatay at sumenyas na babalik sya. Lumabas na ang nag asawa kaya kinausap ko si Ezekiel.

" Sorry babe." Sabi ko

" For what?" tanobg nya

" sa inasal ni tita " sabi ko.

" don't be sorry. Lets sleep." Sabi nya saka ako niyakap at hinalikan sa noo at hinatid sa kwarto ko pagkahiga ko saka sya lumabas at bumalik sa unit nya.