webnovel

CHAPTER 12

EZEKIEL'S POV

 

Hindi ko talaga alam kung anong eksaktong nangyari kagabi, nagising nalang ako ng may kasamang babae. Dali dali akong umuwi ng bahay. Wala sa unit ko si Chin kaya pumunta ako sa unit nya pero parang may iba. Wala sya dito. Ewan ko. Kaya dumeretso na ako sa hospital.

" where's Chin?" tanong ko kay Kate.

" hindi pa po nadating sir." Sabi nya kaya bumaba ako para puntahan si Laurence.

" bro, nakita mo ba si Chin?" tanong ko sa kanya kumunot naman ang noo nya.

" no. What happen?" tanong nya.

" call me pag nakita mo sya." Saka ako tumakbo palabas, pinuntahan ko lahat ng pwede nyang puntahan, nang hindi ko sya makita ay bumalik ako sa condo at sa unit nya ako tumuloy para mahintay sya.

 

CHIN'S POV

 

Isang linggo na akong hindi nalabas ng bahay. Ang kwento ni Laurence ay hinahanap parin daw ako ni Ezekiel hanggang ngayon, kaso ang lalim pa nung sakit hindi ko sya kayang harapin, wala ring nakakaalam na nandito ako sa bahay ni Laurence kahit kay Clint ay hindi ko naikwento. Kakagising ko lang at deretso agad ako sa lababo.

" best three days ka ng ganyan. Hindi kaya buntis ka?"  nagulat naman ako sa sinabi nya.

" hindi ko alam." Maikling sagot ko.

" sige mamaya pag uwi ko bibilhan kita ng prenancy test." Natulala naman ako. Kung buntis nga ako ay pano ang magiging baby ko. May pera naman ako dahil inipon ko yung mga allowance na binibigay sakin ni Ezekiel. Lum

ipas ang maghapon na nakahiga lang ako, dumating si Ezekiel nag order nalang daw sya ng pagkain at saka ibinigay sa akin ang pregnancy test na binili nya pumasok ako ng banyo at ginamit yon.

" best." Saka ko inabot sa kanya ang pregnancy test.

" your pregnant." Seryosong sabi nya.

" natatakot ako." Naiiyak na sabi ko kaya nilapitan nya ako at niyakap.

" I will never leave you. Sasamahan kita." Lalo namang bumagsak ang mga luha ko.

" kumain na tayo at magpahinga ka na. Tatawagan ko yung ob kong friend para makapagpa check up ka sasamahan kita."

" pano kung makita ako ni Ezekiel?" tanong ko.

" don't worry. Sa ibang hospital naman kita dadalhin." Tumango naman ako. Pumasok qko sa kwarto at nahiga. Ano kayang gagawin ko, hindi ko alam kung anong pwede kong gawin. Ayoko ng broken family ayokong lumaki ang anak ko na walang tatay pero pano ko gagawin yon? Lagi nalang akong nasasaktan? Sa kaiisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil nararamdaman kong nasusuka ako, tumakbo agad ako sa banyo at doon sumuka.

" Chin. Are you okay?" nag aalalang tanong ni Laurence

" sorry kung pumasok na ako." Sabj nya.

" it's okay. Okay lang ako nasusuka lang talaga ako." Pagkasabi ko ay sumuka na naman ako. Hinaplos naman nya ang likod ko at inabutan ako ng tuwalya. Saka nya ako inalalayan papunta ng kama ko

" call me if you need anything okay?" tumango ako at tumaglid lumabas naman sya ng kwarto.

 

 K I N A B U K A S A N

 

Pagbaba ko ay nakaluto na si Laurence

" good morning. Kain na tayo." Sabi nya, ngumiti naman ako at umupo na sa kainan.

" mamayang hapon pa ang schedule ng operations ko kaya sasamahan kita ngayon sa ob." Sabi nya tumango naman ako. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa kwarto para maligo at magbihis dahil kailangan ko daw magpa check up.

 

SARAH'S POV

 

Tumawag si Ezekiel kay Kzier para itanong kung nandito si Chin. Kaya agad kong tinawagan si Chin pero hindi sya nasagot kaya nag aalala na ako.

 

To: Chinna

Chin nasan ka sabihin mo sakin please mapagkakatiwalaan mo ako, wag mo lang akong pag aalalahanin ng ganito.

 

Sent!

 

Itinext ko si Chin sana naman ay sagot sya after 15 minutes ay nagtext sya.

 

From: Chinna

Sarah, okay lang ako tatawag ako pag ready na akong makipag usap.

 

Yun lang ang message nya. Napapikit nalang ako alam kong kahit ano pang problema ay makakaya nya. Bigla namang may kumatok.

" nakontak mo na si Chin?" si Kzier.

" nagtext sya okay lang daw sya, tatawag daw sya sakin pag ready na syang makipag usap. Ano ba kasing nangyari?" tanong ko kay Kzier.

" may investors daw na gustong kumausap kay Ezekiel, pinuntahan daw nya and then hindi na nya alam ang nanyari nagising nalang daw syang may kasama syang babae at naka check in na sila." Nagulat naman ako sa sinabi nya.

" ibig sabihin nalaman ni Chinna kaya umalis sya?"

" posible. Walang idea si Ezekiel." Sagot ni Kzier. Nagluto naman ako ng pagkain namin kunyari ay binaliwala ko lang ang sinabi nya pero nag iisip ako kung nasaan si Chinna. Mabilis lumipas ang araw halos magta tatlong buwan ng wala kaming balita kay Chinna. Nag aalala na ako sa kanya dahil hindi na sya sumasagot kahit sa mga text ko nasa klase ako ng magtext si Kzier na pumunta ako sa office nya ngayon na sya at sya ng bahala sa prof ko kaya naman dali dali akong lumabas at nanakbong pumunta sa opisina nya hindi naman kasi sya magtetext ng ganun kung hindi importante.

" finally you're here." Bungad nya.

" bakit? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ko.

" tumawag sakin si Katrina. She found out na set up ang nangyari kay Ezekiel. Kagagawan yon ng parents ni Katrina at dad ni Ezekiel. We need to find Chinna as soon as possible." Tumango tango ako saka ako lumabas ng opisina nya at tinawagan si Chinna. Sinagot naman nya ang tawag ko.

" Chinna. Kailangan natin mag usap pwede ba tayong magkita?"

[ sige. May kailangan din akong sabihin sayo.]  Sagot nya.

" saan tayo pwedeng magkita?" tanong ko.

[ pupuntahan nalang kita sa dorm mo.]

" sige hihintayin kita." Saka ko binaba ang linya at pumasok ulit sa opisina ni Kzier.

" itetext kita pag dumating na si Chinna. Pupuntahan nya ako wala pa syang alam." Sabi ko kay Kzier

" okay sige. Sabihan mo agad ako." Saka ako lumabas ng opisina nya at umuwi nagluto agad ako ng paboritong adobo ni Chinna at carbonara. Gabi na ng may kumatok agad ko namang binuksan yon.

" sa wakas nagpakita ka na." sabi ko sabay yakap ko sa kanya.

" may kailangan akong sabihin sayo." Sabi nya.

" ako din." Umupo ka muna at nagluto ako ng paborito mo. Inamoy naman nya agad ang adobo pero pagka amoy nya ay agad syang tumakbo sa lababo at sumuka.

" anong problema? Mabaho pa ang adobo ko?" nilapitan ko yun at inamoy .

" hindi naman mabaho ah." Sabi ko saka ako natigilan.

" Chinna, buntis ka ba?" seryosong tanong ko at tumango naman sya.

" ilang buwan na?" tanong ko.

" tatlong buwan na." nakatungong sabi nya

" alam ba ni Ezekiel?" tanong ko.

" hindi na nya dapat malaman." Seryosong sabi nya saka sya tumingin sa lababo.

" kailangan nyang malaman!" sigaw ko.

" please Sarah. Ayoko na." umiiyak ng sabi nya may kumatok naman kaya binuksan ko.

" Chin, finally. Kamusta ka na?" si Kzier.

" boo, paki explain kay Chinna lahat kailangang maayos nila ang relasyon nila. Buntis si Chinna." Nagulat naman si Kzier.

" totoo ba? Your pregnant?" paninigurado ni Kzier tumango naman si Chinna.

" Katrina called me. She found out na set up ang nangyari kay Ezekiel sinet up sya ng parents ni Katrina at ng dad nya. May audio record daw sya ng pag uusap ng parents nya at ng dad ni Ezekiel. Hindi pa alam ni Ezekiel to hindi ko alam kung pano ko uumpisahang sabihin sa kanya." Sabi ni Kzier.

" I need to talk to Katrina call her." Sabi ni Chinna. Agad namang kinuha ni Kzier ang phone nya at tinawagan si Katrina. Pero hindi nya sinasagot at pinapatay nya.

" nagtext si Katrina kasama daw nya si Mr. Craige. Nakikipag cooperate sya para malaman nya ang plano. Kaya sinabihan kong pumunta dito at siguraduhing walang makakasunod sa kanya." Sabi ni Kzier. Kumain na kami, bandang 10:00pm ay tumawag si Katrina kay Kzier para sabihing nasa area na sya kaya sinundo sya ni Kzier.

" Chinna. Ayoko ng away im here para malaman nyo ang totoo." Agad na bungad ni Katrina, tumango naman si Chinna. Pinarinig ni Katrina ang audio kay Chinna, umiyak naman si Chinna agad na lumapit si Katrina

" im sorry Chin, akala ko ay okay na tinulungan na ako ni Ezekiel para maging ayos ang business namin pero hindi parin pala ayaw parin nilang itigil." Umiyak na sabi ni Katrina.

" kailangang malaman to ni Ezekiel. Lalo na ngayon na buntis si Chinna." Nagulat namn si Katrina na nilingon ako saka nya kinuha ang phone nya at inilagay sa tenga nya.

" im with Chinna. Puntahan mo kami dito sa place ni Sarah. Okay bye." Saka nya nilagay sa bag nya ang phone nya.

" Chin, let's fix this mess. Im so sorry." Sabi ni Katrina at umiyak na si Chinna.

" Chin, you need to rest gabi na. Gigisingin ka nalang namin pag dumating si Ezekiel." Sabi ni Kzier bigla namang tumunog ang phone ni Chinna at sinagot nya yon.

" okay lang ako. Nandito ako sa dorm ni Sarah kasama namin si Katrina, nalaman nyang sinet up si Ezekiel nung gabing nakita natin sya. Yes im okay don't worry about me take a rest. Okay bye." Saka nya ibinaba ang phone hindi na kami nagtanong at pinahiga na sya pero after two hours ay nagising sya kami ay hinihintay pa si Ezekiel.

" Sarah, gusto ko ng buko ice cream." Nagkatinginan naman kami. Kinuha naman ni Kzier ang phone nya.

" hello. Nasan ka na? Nagke crave si Chinna ng buko ice cream bilhan mo naman buko ice cream ha wag ibang flavor. Bye." Saka sya tumingin kay Chinna.

" malapit na si Ezekiel sya nalang ang bibili. You want something?" si Kzier.

" ako nalang kukuha." Saka sya dumeretso sa ref at kumuha ng strawberry chocolate at apat na itlog nakita ko syang kumuha ng kaserola at nilagyan ng tubig saka inilagay ang itlog. Umupo sya sa dining habang kumakain ng strawberry chocolate ng bigla syang nanakbo sa lababo kaya naman tumakbo din ako para alalayan sya.

" are you okay?" tanong ko saka ko sya inabutan ng tubig.

" naamoy ko yung adobo." Kinuha naman agad ni Kzier at inilagay sa tupperware at nilagay sa ref hinugasan narin nya yung pinaglagyan ng adobo, pinaupo ko si Chinna at ako na ang magbalat ng itlog habang nakaupo sya, may kumatok siguradong si Ezekiel yon pagbukas ni Kzier ng pinto ay kinuha agad nya ang ice cream at inabot kay Chinna.

" ice cream." Sabi ni Chinna. Palapit na si Ezekiel kay Chinna pero pinigilan ni Kzier at sinenyasan.

" ice cream at itlog?" tanong ko.

" ang sarap gusto mo?"  alok nya.

" ayoko. Sige ubusin mo." Saka ako lumapit kay Kzier at Ezekiel.

" what's happening?" nalilitong tanong ni Ezekiel.

" buntis si Chinna." Sabi ko.

" what?" sigaw ni Ezekiel. Bigla namang lumingon si Chinna. Sinenyasan ko naman syang magpatuloy lang sa pagkain at pinaupo si Ezekiel. Hinintay naming matapos si Chinna kumain. Habang kami ay tinitingnan lang sya.

" ang sarap!" sigaw nya.

" tapos ka na?"  tanong ko.

" oo." Saka sya tumayo.

" ako na magliligpit." Sabi ko. Saka sya tumayo, at tumakbo sa lababo ayun sumuka na naman. Lumapit na si Ezekiel at inalalayan si Chinna.

 

EZEKIEL'S POV

 

"Are you okay?" tanong ko kay Chin. Hindi naman sya sagot at naghilamos.

" nahihilo ako." Sabi nya kaya binuhat ko sya papunta sa kama ni Sarah at inihiga doon. Pumikit sya.

" sorry babe. I didn't know what exactly happen that night. All I know is I don't want to cheat you and I don't want to lose you." Sabi ko. Umupo naman sya at niyakap ako saka sya umiyak.

" sshh. Stop crying. Im sorry, hindi ko lang din alam kung saan ka hahanapin , kahit si Clint at Laurence ay hindi alam kung nasaan ka." Sabi ko.

" im staying with Laurence. Sya ang kasama ko nung nakita ko kayo. Kinausap ko sya na wag nyang sasabihin king nasaan ako. At isa yon sa pinagpapasalamat ko doon ko nakita na tunay na kaibigan ko si Laurence. Nasabi na sakin ni Katrina ang lahat. Sorry kung hindi muna ako nagtanong." Sabi nya.

" im thankful too, dahil nandyan si Laurence at hindi ka pinabayaan." Sabi ko. Pinahiga ko na sya at niyakap hanggang sa makatulog sya saka ako lumabas at ipinaliwanag sakin ni Katrina ang lahat.

 

K I N A B U K A S A N

 

Hinintay kong magising si Chin ayoko munang gumawa ng breakfast nya dahil baka hindi nya magustuhan.

" good morning." Bati ko.

" morning." Sagot nya lumapit naman ako at lumuhod sa harap nya.

" good morning baby, daddy's here. Do you hear me?" sabi ko habang hawak ang tyan ni Chin.

" anong gusto mong kainin?" tanong ko.

" hmmmm. Gusto kong ham at cheese." Sabi nya tumango naman ako at nagluto. Pumasok na si Sarah. Umalis narin si Ezekiel at Katrina. Pumunta ako sa kitchen at nagprepare ng almusal ng kumakain na kami saka ako nagsalita.

" can we go home? Pwede ka na bang umuwi?" tumango naman sya at kumain. Kinausap ko si Kzier na ipahatid ang kotse ni Chin sa condo.

" pwede bang dumaan muna tayo sa RCMC?"  tumango naman ako siguradong pupuntahan nya si Laurence. Nang makarating kami ng hospital ay hinatid ko sya sa office ni Laurence.

" may kukunin lang ako sa office. Hintayin mo nalang ako dito." Sabi ko tumango naman sya saka sya pumasok sa office ni Laurence.

" hi sir. Eto po kailangan ng pirma." Sabay abot ng mga documents. Pinirmahan ko naman yon saka ko kinuha yung documents na kailangan ko. Saka ako bumaba. Nang nasa tapat na ako ng office ni Laurence ay kumatok ako.

" come in." sabi nya.

" oh bro. Im sorry kailangan kong manahimik at baka layasan din ako nito hindi ko mababantayan nalaman pa naming buntis sya. Anong plano nyo?" si Laurence.

" iuuwi ko na si Chin. Thanks bro for taking care of her."

" of course she's my friend. Take care of her maselan ang pagbubuntis nya." Sabi nya

" I will bro thank youso much." Sabi ko at nagpaalam na si Chin bumeso sya kay Laurence bago umalis.

" may gusto kang kainin?" tanong ko kay Chin.

" tawagan mo si Laurence mag order ng palabok ideliver sa condo." Sabi nya.

" gusto mo tayo nalang bumili?"

" no. Gusto ko yung inoorderan ni Laurence." Sagot nya.

" okay okay." Kaya kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Laurence. Pagdating namin sa condo ay pumasok sya ng kwarto at nagbihis.

" bukas ay mamili tayo ng damit mo para hindi ka mahirapan sa pagsuot ng mga damit, hindi magtatagal ay lalaki na si baby." Sabi ko. Tumingin lang sya sakin at naupo sya sa couch.

" I miss you babe. Sorry kung wala ako sa tabi mo nung time na nalaman mong magkaka baby na tayo." Sabi ko saka ako lumuhod at kinausap si baby.

" sorry baby, babawi si daddy promise." Saka ko hinalikan ang tyan ni Chin at ang noo nya. Bigla namang may nag doorbell, wala naman akong inaasahang bisita kaya yung pagkain ni Chin yun sigurado. Pagbukas ko ng pinto ay si Laurence.

" bro, ako na ang nagdala wala daw kasing available rider." Sabi nya.

" thanks bro. Pasok ka muna." Pumasok naman sya.

" bigla biglang nasakit ang paa at hita ni Chin lalo na sa hating gabi kaya maging alerto ka. Ganitong oras ay tulog sya bandang 8:00-8:30pm gigising sya para kumain, minsan naman around 2:00am naghahanap sya ng pagkain." Sabi nya.

" salamat bro. Salamat hindi mo pinabayaan si Chin."

" no worries. Alis na ako may operation ako." Saka nya ako tinapik sa balikat at lumabas na. Tiningnan ko si Chin nakatulog sya sa couch nilapitan ko sya at hinalikan sa noo.

" hmm. Nagugutom na ako." Nakapikit na sabi nya. Napangiti naman ako.

" nandito na yung pagkain mo. Kain na tayo." Nakangiting sabi ko saka ko sya inalalayanpapunta sa kusina.

" gusto ko ng white chocolate." Tumayo naman agad ako at kumuha sa ref buti nalang may mga stock dito.

" thanks."

" just tell me what you want okay?" tumango naman sya at kumain na, pero hindi pa sya nangangalahati ay tumakbo na sya sa sink at sumuka nilapitan ko naman sya at hinagod ang likod.

" are you okay?" tanong ko.

" nanlalambot ako." Binuhat ko na sya agad papunta sa kama at hiniga doon.

" take a rest call me pag gusto mo na ulit kumain." Tumango naman sya at inayos ko naman sa kusina. Lumipas ang mga araw walang ginawa si Chin kundi ang sumuka lahat ng business namin ay napabayaan ko na. At ngayon limang buwan ng buntis si Chin at hindi na sya hirap kaya nag decide kami na magtrabaho na ulit.

 

CHIN'S POV

 

Dalawang buwan din akong nasa bahay dahil lagi akong nahihilo at nasusuka kaya ngayon sy okay na ako sinabihan ko si Ezekiel na magta-trabaho na ulit ako. Papunta na kami ng hospital ngayon nag dress ako at flat slippers at face mask. Pahdating namin sa hospital ay wala sa office nya si Laurence nasa operating room daw at halos two days ng straight duty,

" hi. Ms. Chin ang sexy mo namang buntis." Si Kate. Ngumiti ako at dumeretso sa office. Ang daming dapat pirmahan. Hindi pa ako nakakapangalahati ay nakaramdam na ako ng gutom. Kaya pinindot ko ang telephone sa tabi ko at tumawag ako sa cafeteria para magdala ng ppagkain dito.

 

Knock.. knock..

 

" come in." sabi ko.

" Ms. Chin, nagfo-follow up po yung mga investors. Ano pong sasabihin ko?" si Kate.

" mag set ka ng meeting." Simpleng sagot ko saka sya lumabas. Maya maya ay si Clint naman ang kumatok.

" madam! Nagre-request ng meeting ang mga head doctors." Sabi nya

" okay. Papuntahin mo na sila ng meeting room." Sagot ko saka sya lumabas. Ilang buwan akong nalawa kaya siguradong tambak ang trabaho ko hindi naman din kasi natutukan ni Ezekiel ang mga business namin dahil nag aalala sya sa akin. Nang lumabas ako ng office ay sumunod si Kate dala ang laptop ko.

" good morning Ms. Chin." Isa isang bati ng mga head doctors meron kaming pitong head doctors. Ngumiti naman ako sa kanila.

" long time no see. Kamusta kayo?" sabi ko.

" wala namang bago. Haha." Si Doc Renz

" kamusta naman ang buntis?" si Laurence.

" eto okay naman na. Nung naramdaman kong okay na ako ay bumalik agad ako dahil alam kong kailangan nyo ng meeting." Biro ko nagtawanan naman ang lahat.

" anyway. Bawal ma stress ang buntis kaya konting problema lang ibibigay namin sayo. We are requesting for additional operating room. Minsan kasi ay sabay sabay ang patient."  Si doc Edward.

" No problem. Any suggestion?" tanong ko.

" We are planning to request na yung charity ward sa may ER ang gawing operating room." Si Laurence.

" okay approved. Since hindi naman nagagamit ang charity ward. Ipapa alis ko na yung mga gamit don para maayos na agad." Sagot ko

" the best ka talaga Ms. Chin,lahat may sagot agad." Si doc Renz

" hanggat kayang gawan ng paraan go lang. Para smooth ang lahat." Sagot ko nagtawanan naman ang lahat.

" lets have a snack. Sagot ko." Si Laurence. Nagrequest naman ang lahat.

" how about the sexy preggy?" sabi ni Laurence.

" hmm. I want sometihing matcha flavor." Sabi ko. Tumango naman sya at umorder na sya. Habang naghihintay kami ay nagkwentuhan at biruan lang kami. Si Kate naman ay pintawag ko na ng magtatrabaho sa charity ward. Nang dumating ang pagkain ay nagkainan na kami, inorderan ako ni Laurence ng milk tea matcha at cake na matcha flavor. Enjoy na enjoy naman ako sa pagkain ng biglang nag announce na need ng head doctors para sa operation kaya lumabas na ang dalawa sa kanila. Hindi naman ako iniwan ni Laurence hanggang matapos akong kumain at hinatid nya ako sa office.

" busog na busog ako.", sabi ko pagpasok ng office.

" call me if you need anything. Wala pa naman si Ezekiel." sabi nya.

" okay. Sige na bumalik ka na at baka kailanganin ka don." Sabi ko bumeso naman sya saka lumabas pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko. Usapan namin ni Ezekiel ay bawal akong mag overtime hanggang 5:00 pm lang ako. Nakita ko namang 4:30 pm na kaya nag ayos na ako. 4:55 pm ay dumating si Ezekiel.

" how is your day babe?" tanong nya.

" okay naman. Binusog ako maghapon ni Laurence." Natawa naman sya.

" good to know." Sabi nya saka ako inalalayan tumayo at kinuha ang mga gamit ko.

" kamusta ang CCM?" tanong ko.

" still stressful. Ah babe, I want your opinion regarding sa learning Center. I want to sell it hindi ko na kayang patakbuhin eh. Im very busy." Sabi nya

" edi mawawalan ng trabaho yung staff don bakit hindi nalang si Dean ang mag manage doon. Atleast may kita ka padin." Suggest ko.

" okay. I aggre." Sagot nya.

" babe. I think kailangan ko ng maghire ng driver. Para incase na busy ka. Hindi kasi ako pwedeng magdrive dahil bigla bigla akong nahihilo." Sabi ko.

" sige tatawagan ko si tatay John. Family driver namin sya. Nasa bahay lang naman sya kaya sya nalang ang tatawagan ko." Sabi nya tumango naman ako. Saka kami umuwi.

" babe. Gusto ko ng tocino at chicken skinless." Lambing ko.

" fine. Pero wala tayong stock bibili muna ako." Sabi nya.

" sama ako." Sabi ko.

" okay mag grocery narin tayo." Sabi nya kaya kinuha ko ang sling bag ko. Five months na ang tyan ko ay hindi pa halata na buntis ako parang busog lang, nagpunta kami sa supermarket puro biscuit, chocolates at kung ano ano lang naman ang binili namin saka kami pumunta sa meat section para bumili ng karneng baboy at manok saka tocino at skinless. Saka kami pumunta sa counter. Si Ezekiel na ang nagbayad saka kami umuwi.

" ako na mag aayos babe, ikaw naman ang magluto." Sabi ko.

" sige gusto mo ng egg?" tanong nya.

" sige." Saka ko inilabas ang mga pinamili at inilay sa lagayan ng matapos ako ay lumapit ako kay Ezekiel at yumakap sa likod nya.

" baka maipit si baby." Nag aalalang sabi nya.

" hindi. Gusto ko lang ng ganitong pwesto." Sabi ko  ngumiti naman sya at nagpatuloy sa pagluluto ng matapos ay kumain na kami. Saby din kaming naglinis at naghugas ng pinggan kahit ayaw nya ay tinulungan ko parin sya.

" babe. Mamimili ako ng damit bukas. Maiksi kasi yung mga dress ko. Ang kailangan ko ay maternity dress saka bibili din ako ng flat shoes." Sabi ko.

" okay. Bakit pala inililipat yung mga gamit sa charity ward?" tanong nya.

" ah. Nagrequest kasi ng additional operating room angmga head doctors hindi naman nagagamit yon at malapit din sa ER kaya ayun ang napili nilang gawing operating room." Paliwanag ko tumango naman sya at hinalikan ako sa noo.

" let's sleep." tumango naman ako. At yumakap sa kanya.

 

K I N A B U K A S A N

 

 

EZEKIEL'S POV

 

 

Tinawagan ko ang assistant ko na cancel meeting ako ngayon. Tinawagan ko sya nalang maaga para hindi malaman ni Chin na may meetings ako ngayon. Ayaw kasi nun ng nagmo-move ng appointments, check up nya kasi ngayon at inaya nya akong mamili ng mga damit nya.

" babe!" sigaw ni Chin nanakbo naman ako papuntang kwarto.

" what happen?" nag aalalang tanong ko.

" hindi ako makagalaw ang sakit ng balakang ko!" sigaw nya. Dali dali ko naman syang binuhat at kinuha ko ang susi ng kotse saka kami bumaba at dinala ko sa hospital si  hin.

" what happen doc?" tanong ko.

" it's okay. Don't worry, normal lang yung naramdaman nya, she will be okay." Nakangiting sabi ng obgyne. Ipinaliwag naman nya kay Chin ang mga pwesto na pwede nyang gawin sa pagtulog. Nang msging okay si Chin ay umuwi din kami nskapag early check up narin si Chin.

" nakapagpa check up ako ng walang ligo at walang toothbrush." Natatawang sabi nya. Sa isang araw kay magpapa ultrasound na sya. Umuwi na kami para makaligo.

" babe? What's your plan?" tanong ko.

" bibili muna ako ng kailangan ko saka ako pupunta ng office." Sabi nya kaya naman nagpunta muna kami ng mall para mamili ng gamit nya. Bumili lang sya ng maternity dress at underware dahil lumalaki na nga sya. She's five months pregnant now.

" Are you done?" tanong ko.

" may meeting ka ba? Hatid mo muna ako sa hospital may gagawin ako e." sagot nya.

" Okay. You want something bago tayo umalis?" tanong ko.

" No. Im full." Kaya naman dumeretso na kami sa parking at pumunta ng hospital.

" call me pag uuwi ka na. Okay?" sabi ko ng maihatid ko sya sa office.

" okay. Ingat ka." Sabi nya niyakap ko sya at hinalikan saka ako umalis. Wala naman akong meeting pero kailangan kong pumunta sa bahay na pinapagawa ko. Actually nung malaman kong Chin is pregnant, nagpagawa na ako ng bahay namin, yon ang una kong plano at pagtapos non ay saka kami magpapakasal I want to have a own house before we get married. At hindi alam ni Chin kaya pasalamat akong busy sya sa hospital dahil nakakakilos ako. Malapit narin matapos yung bahay finishing nalang at pintura tapos na. Two storey ang pinagawa ko na may limang kwarto at isang master bedroom, may maids room din at malaking backyard para maging play ground ng anak namin. Sa isang araw ay mag-a-out of town ako dahil may business akong dapat asikasuhin alam naman na yun ni Chin kaya si Kate ay sa condo muna mag stay habang wala ako para may kasama si Chin. Nang masettle ko ang kailangan sa bahay ay bumalik na ako ng hospital, nakita ko namang tulog si Chin sa couch, so I decided na bilhan si Chin ng bed may vacant room naman dito sa office nya. Mamayang gabi ko nalang ipapadeliver para wala na sya dito. Chineck ko naman ang laptop nya para makita kung may emergency emails sya so far wala naman.

" babe? You're here." Si Chin.

" yes. You want something?" tanong ko.

" gusto kong burger fries at ice cream." Sabi nya.

" anong flavor ng ice cream mo?"

" macha." Sabi nya kaya umorder agad ako. Hanggang ngayon ay parang panaginip lang sa akin ang lahat. Si Chin naman ay hindi parin nagbabago sa pagiging matipid at mabait, sadyang marunong lang syang makipagsabayan laya hindi halatang simple lang talaga sya. Depende sa kaharap nya pero pag kami lang ay sya talaga ang Chin na minahal ko. Hinahabol kong matapos ang bahay namin bago kami mag anniversary next week kaya nagpa alam ako kay Chin na aalis para matutukan at matapos ko yon tutulungan din ako ni Sarah at Kzier kaya siguradong matatapos yun sa inaasahang araw. Mabilis lumipas ang oras at pauwi na kami ni Chin nagyaya muna syang kumain sa resto dahil gusto daw nya ang matcha cake doon.