webnovel

Second Part

RUAH

"Good morning, engineer!"

Marahan akong napalingon sa pumasok sa aking opisina. Halos manlaki ang aking mga mata ng makita si mama Kriselle. Nabitawan ko ang mga papel na hawak ko at mabilis na sinalubong siya.

"Mama!" naiiyak kong sigaw at niyakap siya ng mahigpit! Humalakhak siya kasabay ng paghaplos niya sa aking likod. Nag-unahang tumulo ang mga luha sa aking mata because of the joy I am feeling. She's here!

It means....

"Mama!" sigaw ng isang matinis na boses. Parang hinaplos ang puso ko ng may muling pumasok sa aking opisina. That voice!

"Oh, my God, Selah!" hagulgol ko at mabilis na niyakap at binuhat ang anak ko.

It's been five months simula ng pumasa ako sa board exam for Civil Engineering and it is because of God's grace. It's been two years nung huli kong makita ang anak ko. Isinama muna siya ni Mama sa Singapore dahil nandon ang anak ni Mama, si ate Gwyneth.

Yes, Selah is my daughter. Seven years ago ay pinalayas ako ni Papa sa bahay ng malaman niyang buntis ako. I missed, Papa. But, I need to respect his decisions.Papa is okay. Lagi akong binabalitaan nina Manang Fely about sa kanya. And they said na okay lang siya. Yun naman ang importante para sa akin. Ang maging okay si Papa.

In my case, noong umalis ako ng bahay ay may ipon ako, sapat para ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko ng Civil Engineering sa unang taon. Nag-aral ako ng mabuti even though may pangungutya ang iba kong kaklase dahil buntis ako habang naga-aaral and I became a single mom. Habang nasa first year pa lamang ako and my second month ng pagbubuntis ko ay sinubukan kong mag-apply ng trabaho. My credentials are good hindi naman sa pagmamalaki. Pero hindi naging madali. Sa bawat pinupuntahan kong opisina ay ayaw akong tanggapin dahil una, buntis ako and I'm still a minor dahil seventeen ako noon.

The moment na susuko na ako ay sinumbatan ko ang Diyos. Siya ang sinisi ko sa lahat. Ano bang kasalanan ko? Ano bang ginawa ko para ganituhin Niya ako? Naging masunurin naman akong anak. Hindi ako nananakit ng ibang tao.

And the moment na susuko na ako ay gumawa ang Diyos. I will never forget the day kung saan may isang kumpanya na tumanggap sa akin. The moment she saw me, she smiled. A genuine smile that made me cry that time. That's mama Kriselle.

"Oh, God! Bakit ka umiiyak?" kanyang tanong bago ako nilapitan mula sa kanyang mesa.

"Are you okay?" tanong niya dahilan para mabitawan ko ang mga resumes na dala ko. Napaupo ako at humagulgol. When was the last time na may nagtanong sa akin kung okay lang ba ako? Ako man, hindi ko matanong ang sarili ko. Dahil alam ko ang isasagot ko.

Masakit. Sobrang sakit. I'm not okay.

"Eat ka ng madami, okay?" nakangiti kong sabi kay Selah habang kumakain kami sa kitchen ni Mama Kriselle. Tumango lang ang anak ko dahil mukhang nasarapan sa kinakain.

"Kumusta ang trabaho mo, iha?" tanong sa akin ni Mama. Pinunasan ko ang gilid ng bibig ni Selah bago siya hinarap.

"Okay naman po, Ma. May mga bagong projects na inoffer po sa akin." maligaya kong kuwento. Tumangu-tango si Mama at maya-maya ay tinignan niya ako ng may halong pang-aasar. Tumaas ang kilay ko dahilan para ngumisi siya.

"He's really supportive, ano?" ngisi niya bago uminom ng tubig mula sa kanyang baso. Ngumiti ako ng marahan. "He always recommend you sa mga kakilala niya."

"Mama, naririnig ka po ni Selah." sabi ko at tumingin kay Selah na tahimik pa ring kumakain. Humalakhak si Mama.

"Kailan kayo huling nagkita ni Mikael?" tanong niya. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"Nung sunday po, Ma. Hindi naman kami madalas magkita. Busy siya sa mga projects niya." sabi ko.

"Ayaw mo naman kasing makipagkita, paano magpapakita? Umiiwas?" pang-aasar niya.

Mama Kriselle deserves to know everything about me. It's been four years since Kael told me about his feelings. Magdadalawang taon pa lamang ako sa church noon. Sa una nagulat ako. Kasi, pare-pareho naman ang trato niya sa aming mga youth sa church pero isang araw na lang, nasabi niya na may nararamdaman siya para sa akin. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi niya noon sa akin.

"I'm just confessing my feelings. I'm not asking you to love me back." He smiled then continued.

"Halos lahat ng lalaki, kapag may nagustuhan sila, 'yung iba naglalaro pa pero 'yung iba, gusto nila siya na talaga. Pinipilit si Lord na sana siya na lang. But, believe me I'm praying, too. Just like before Jesus was arrested sa mga Roman soldiers, do you remember? He prayed to God the Father na kung pwede, hindi na niya pagdaanan ang mga paghihirap na darating. Pero ano? Jesus still chose to be obedient to the Father. "Not my will, but your will be done." he said. Tumingin siya sa mga mata ko, under the moon and the stars, he said...

"I always pray na 'Lord, if it is not Ruah, give me someone just like her.'"

"You are so passionate in all you do." Mama said. "Kapag may gusto kang gawin, basta para kay Lord, handa mo akong suwayin. Naalala mo pa? May youth prayer kayo noon, tumakas ka para lang makapag-attend. Ayaw kitang payagan noon kasi hindi ko pa din naiintindihan ang lahat." natatawang kuwento ni Mama. "But, nothing or no one stops you." she said. Natawa ako dahil ako man ay naalala ko.

"And that night, nakilala ko si Kael noong hinatid ka nila ni Pastora. Sorry siya ng sorry sa akin kasi sinuway mo daw ako." kuwento pa ni Mama. Napailing ako.

"That was the night also when Pastora prayed for you and you accepted Jesus as your Lord and Savior. I'm so happy for you, Mama." sabi ko. Kuminang ang kanyang mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha. She deserves this. Siya ang ibinigay ni Lord sa akin para tulungang bumangon ulit.

"I was so hungry noon Mama. That day na pumunta ako sa opisina mo, maghapon na akong walang kain noon. I was so worried not for myself but for the baby I was carrying." I whispered, enough for Mama to hear. Nasa kabilang sofa lang kasi si Selah habang nanonood ng TV pagkatapos kumain kanina.

"You don't even know me but still, you accepted me. You hired me and welcomed me sa bahay mo. Hindi ba amazing si Lord, non Ma? He is always on time. May mga pagsubok man tayong pinagdadaanan, gaano man katindi, He will make a way for us to solve it. He will solve it. Thank you, Mama for everything." sabi ko. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata kaya mabilis kong hinawakan ang kamay niya.

"I know how it feels to be a single mother. Hindi madali, Ruah. But, God gave me the strength to endure all things. Noong iniwan kami ng asawa ko para sa ibang babae, nagalit ako kay Lord. Hindi ko makuhang magpatawad. Pero, nagawa ko ng dumating ka sa buhay namin ng Ate Gwyneth mo. Nagpapakatatag ka, kaya dapat kami din. Alam ko, simula noong maencounter mo si Jesus, you started praying for us also and truly, He answers. We're okay now. Everything will be all right, anak." sabi niya. Tumango ako at yumuko.

"I'm happy, Mama that you're okay now." sabi ko. Naramdaman ni Mama na mahigpit ang kapit ko sa mga kamay niya.

"May problema ka ba?" tanong niya. Ngumiti ako ng marahan at umiling. Umayos siya ng upo at tiningnan ako sa mga mata.

"Tell me. I'm willing to listen, anak." sabi ni Mama.

Jesus, kakayanin ko di ba? You promised me that You will never leave.

"The...night before my board exams, Ma..." tumango si Mama telling me to continue.

"Kael told me that he's still waiting." sabi ko. Ngumiti si Mama at kita ko ang saya sa mga mata niya.

"Mahal ka niya, anak." sabi ni Mama. Tumango ako muli kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"I know..." sabi ko. Kumunot ang noo ni Mama. "Ruah, anong problema?" nag-aalala niyang tanong.

"M-Ma, si Selah..." sabi ko at tumingin kay Selah na tahimik pa ring nanonood ng TV.

"Selah, baby? Pasok ka muna sa kuwarto mo? May pag-uusapan lang kami ng Mama mo." nakangiting sabi ni Mama kay Selah. Ngumiti naman si Selah at sinunod ang sinabi sa kanya.

"Ruah, tell me what's bothering you." Pinahid ni Mama ang mga bagong luha sa aking mata.

"Ma, I told Kael to stop." sabi ko. May gulat sa mga mata ni Mama. "Why?" tanong niya.

"Hindi niya alam ang tungkol kay Selah, Ma! He will be disappointed kapag nalaman niyang--"

"Ganon ba si Kael?" tanong niya na nakapagpatigil sa akin. Hindi ako nakapagsalita.

"Alam ko ring hindi ganoon si Kael. He loves you and I think he is willing to accept Selah sa buhay niya. Kung hindi siya tinanggap ng tunay niyang ama, alam kong si Kael ay tatanggapin siya. Mamahalin niya ang bata--"

"Hindi ganun kadali, Ma! Anong iisipin ng iba? Nagmahal siya ng babaeng may anak na? Kael deserves someone better, Ma! And the moment he told me that he was praying to God na sana maging katulad ako ng babaeng mapapangasawa niya, Ma hindi ko matanggap! Kasi hindi ako karapat-dapat kahit kanino!" sabi ko. Umiling si Mama.

"Huwag mong sabihin 'yan, anak.." umiiyak na sabi ni Mama. Umiling ako at tumayo. I understand her kasi hindi nya alam ang tunay na nangyari talaga.

"Aalis lang po ako saglit, Ma. Babalik po ako." sabi ko at tinalikuran si Mama. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya nilingon.

Jesus, I know this will be painful. Give me the strength, Lord. I need You.

It's a cold night because it's November. Yakap ang sarili ay lumingon ako sa entrance ng church kung saan papalabas si Kael. He usually go home kapag mga ganitong oras and I am so thankful kasi naabutan ko siya. Kunot ang noo siyang nakatitig sa akin habang tinatawid ang distansiya namin. Tatlong hakbang na lang ang lapit niya sa akin ng tumigil siya. Napatingin siya sa mga braso kong nakayakap sa aking sarili kaya mabilis kong ibinaba ang mga iyon at marahang ngumiti.

"H-Hi..." bungad ko. Tumango siya at ngumiti ng marahan.

"What are you doing here? Si Mama nasa bahay na--" mabilis akong umiling kaya natigilan siya.

"Ikaw ang pinunta ko." sabi ko. Napakurap siya ng ilang beses at tumikhim. "Sana tinawagan mo na lang ako para nagkita na lang tayo sa malapit sa inyo?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Huminga siya ng malalim. "Let's go." sabi niya na lang.

Nakaupo kami malapit lang sa church. May community park kasi. May iilang nakaupo pa din at nagkukuwentuhan. Maliwanag dahil sa mga malalaking ilaw. Walang nagsasalita sa amin ni Kael. Simula ng gabing iyon, kung saan sinira ko ang pag-asa niya ay buong puso niya pa ring tinanggap ang desisyon ko. Hindi siya nagtanong, hindi siya nagpilit. After the exam, hindi naman nagbago ang trato niya sa akin. Ako ang nagbago. Ako ang umiwas. Hindi man niya sabihin, alam kong nasaktan ko siya ng sobra.

He love the Lord more than anything and anyone. He's a good man. He's a visionary. Maraming pangarap. He inspires me and I'm in love with him. So in love that one time in my own prayer night, I asked God, "Lord, sana siya." Before he confessed, I already have feelings for him, but I was afraid. I am afraid.

"Kumusta ang trabaho?" tanong niya. Humigpit ang hawak ko sa kape na binili niya.

"Okay lang. Maraming salamat for recommending me." sabi ko. Nagtatrabaho ako sa Architectural Firm ni Mama Kriselle as Project Engineer pero may mga tumatawag at nag-ooffer ng projects na sinasabi daw ni Engr. Mikael Sartiga ay magaling daw ako kahit fresh graduate. Napapailing na lang ako. He's very supportive. Sa akin at sa mga kachurch namin.

Tumango lang si Kael. Umihip ang malamig na hangin.

"It's nothing. Some of my senior engineers want you full time sa trabaho ko pero I explained to them na kailangan ka din ni Tita Kriselle sa firm niya." Ngumiti ako. Wala ulit nagsalita sa amin at pinagmasdan na lamang ang iilang tao sa malayo na nagku-kuwentuhan.

"Bakit...mo pala ako pinuntahan?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya at kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at muling tumingin sa malayo.

"I would like to...personally say sorry." simula ko. Hinarap niya ako ng maayos. Napatingin ako sa kanya and kita kong hindi siya komportable.

"I told you, Ruah, it's okay." sabi niya. Umiling ako.

"Hindi lang kasi kita gustong masaktan pa kaya habang maaga, I want you to stop." sabi ko. Ngumisi siya at napailing.

"Why would I get hurt? Do you have plans of hurting me kung sakaling pumayag si Lord na maging tayo?" tanong niya ng diretso dahilan para matahimik ako. Titig na titig siya sa mga mata ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Ruah--"

"If God is perfect in every way, 'yung tao na hinanda niya para sa'yo is perfect din. Karapat-dapat para sa'yo." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Engr. Ruah Alvaro. I am not asking God for a literally perfect woman."

"Yes, pero si Lord willing niyang ibigay ang--"

"Para kay Lord, if you're broken, you're perfect." he said. Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha.

Lord, I am broken. Am I still perfect for You?

"God uses brokenness for us to get closer to Him. If we're broken, God is willing to make us whole again. To start all over again." paliwanag niya.

Natahimik kami ng iilang sandali, he let me process all the things he just said.

"I will not ask you to tell me what you are going through, kasi ramdam ko meron. You are going through something. Please, don't worry about me. Okay lang ako." nakangiting aniya. Hindi ako sumagot.

"You can do it. God will get you through it. Just trust Him." sabi niya. Tumingin ako sa mga mata niya.

"What if I can't?" tanong ko. Paano kung hindi ko kayang magtiwala talaga? Hindi ko kayang magpatawad? Hindi ko kayang magsimula ulit? Na hanggang ngayon ay nagdududa pa rin ako? Kael gave me a genuine smile before he answered.

"That's when grace comes in."

Grace. Grace is something that you don't deserve but still, God is willing to give.

"Kael paano--"

"RUAH!"

Pareho kaming napalingon ni Kael sa likuran namin at nanlaki ang aking mga mata ng makita si Manang Fely na bumaba ng sasakyan. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at sinalubong si Manang ng yakap! It's been seven years! Tanging sa text at tawag ko lang siya nakakausap para kumustahin si Papa.

"Manang!" sabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at tinapik sa aking likuran.

"Iha, ang Papa mo!" biglang sabi ni Manang na nakapagpakaba sa akin ng sobra-sobra.

Si Papa...

"He's okay now. Mabuti na lamang ay naperform kaagad ang first aid sa kanya." the doctor declared habang nandito kami sa hallway ng ospital. Inatake sa puso si Papa sabi nila. Hindi sinabi ni manang sa akin ang talagang nangyari dahil pagdating namin sa ospital ay kaagad kaming sinalubong ng doctor. Matapos kaming kausapin ng doctor ay mabilis akong hinarap ni Manang Fely, hindi pinansin si Kael na nasa likuran ko.

"Nasaan ang anak mo, iha?" tanong ni Manang na ikinagulat ko. Mabilis kong nilingon si Kael sa likuran ko at kita ko ang gulat sa mga mata niya. "M...Manang--"

"Tinatawagan ko ang cellphone mo kanina, walang sumasagot." patuloy niya.

"S..Sorry po. Naiwan ko sa bahay ni Mama Kriselle." sabi ko habang nakatingin pa rin kay Kael na ngayon ay nakayuko na na parang malalim ang iniisip.

Sa ganitong sitwasyon niya malalaman, Lord?

Tahimik kaming naglalakad palabas ng ospital. Ihahatid ko siya sa sasakyan niya dahil lumalalim na rin ang gabi. Hindi pa nagigising si Papa. Hindi nagsasalita si Kael hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.

"I'm sorry, Kael--"

"I want us to talk." sabi niya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Tumango ako.

This will be painful, Lord. Please.

Sumandal ako sa kanyang sasakyan habang siya ay nanatiling nakatayo sa aking harapan.

"What's with the question awhile ago?" simula niya. He's not mad. I know he's just confused because there's still gentleness in his voice. Ang tanong ni Manang kanina...

"Are you married?" marahang tanong ni Kael sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot.

"Ruah, are you married--"

"Hindi." matapang kong sagot. Hinarap ko na siya ng buong puso. Umawang ang kanyang bibig.

"I...I was seventeen nung pinaalis ako ni Papa sa amin dahil...dahil buntis ako." sabi ko. Hindi siya nagsalita. Ngumiti ako kahit nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

"He asked me to leave. So, I did kasi sobra kong mahal ang mga magulang ko, Kael. Inampon nila 'ko, pinakain at binihisan. Minahal. My biological parents died sa isang sunog when I was five years old. Trabahante sila ni Papa sa factory nila ng asukal sa Ilocos. Kinupkop nila ako matapos ang lahat at pumunta kami dito sa Manila." sabi ko habang nilalaro ang mga daliri ko. Hindi pa rin siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Pumunta ako dito sa Manila para mag-aral gamit ang kaunting naipon ko, nagtrabaho." sabi ko habang humihikbi.

"You worked while you're pregnant?" gulat niyang tanong.

"Si Mama Kriselle ang tumulong sa'kin. She hired me and took care of me. She's my angel, Kael. Ginamit siya ni Lord para maging dahilan para magpatuloy ako. Kahit sukung-suko na 'ko!" hagulgol ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. He wiped my tears away kahit ayaw tumigil sa pagtulo.

"I'm sorry..." sabi niya. Umiling ako.

"What about the father of your child?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya at halos hindi ako makapagsalita.

"Alam mo ba kung nasan siya ngayon?"

"Huwag po! Huwag!" sigaw ko ng buong puso kahit na alam kong walang makakarinig sa akin. Iniwan ako nina Madeline sa gitna ng daan na malayo sa school. Lugar na madilim at wala gaanong sasakyang dumadaan.

"Pare ang kinis! Tiba-tiba tayo dito!" tawa ng lalaki habang sinisimulang hubarin ang damit ko!

Napapikit ako ng mariin ng maalala ang bangungot na 'yon sa buhay ko. There were two men at pinagpasa...

"Ruah!" tawag sa akin ni Kael ng mapaupo na ako dahil sa nararamdamang panghihina.

TO BE CONTINUED...