webnovel

Wrong Time, Right Love

A college boy that always playing the feelings of every girl that he meet, wala yatang araw na hindi bago ang kasama nyang babae And there's a girl that hates to talk to the boy like bryle because of being playful, her ideal boy is like "maginoo" because lots of books that she read But not until one day everything changes.. The Playful boy turns into Maginoo? But, how? He doesn't even know how to respect a girl What if he needs a help from that girl? But, how? That girl hates her so much What would he do?

BlackSunshine · Sejarah
Peringkat tidak cukup
1 Chs

Prologue

SOMEONE'S POV

"Binibini!"sigaw ng lalaki sa likod

'Alam kong kaschoolmate ko sya pero ang weird nya!'

"Binibini! Maaari ka bang huminto muna sandali?"sigaw nya habang patuloy pa rin ang paghabol sakin

'See? Mas luma pa sya sa mga antique namin sa bahay kung magsalita!'

Hindi ko alam kung saan aabutin ang takbuhang ito pero handa akong gawin ang lahat para lang makalayo sa lalaking to!

"Binibini hindi ka ba napapagod?"tanong nya habang patuloy pa rin sa pagtakbo

"Tigilan mo na ako please!"nakakaramdam na rin kasi ako ng panglalambot ng aking mga tuhod dahil kanina pa ako takbo ng takbo

"BInibini pangako wala akong masamang intensiyon sayo!"sigaw nya nanaman

Lumingon ako sa kanya na dapat pala ay hindi kona ginawa dahil pagharap ko ay may puno! Huli na ang lahat bago ako makaiwas, tumama na ang noo ko sa puno

Agad namang lumapit ang lalaki sakin"Binibini ayos ka lamang ba?"tanong nya saka ako inalalayang makatayo

"Tse! Layuan mo nga ako!"sambit ko nang makatayo na, parang naalog yata anf utak ko!

"Binibini wala naman kasi akong masamang gagawin sayo, tila ikaw lamang ang nag-iisip ng ganon"sagot nya sakin at astang lalapit nanaman

"Pwede ba Bryle?! Tigilan mo na nga tong kalokohan mo!"sigaw ko sakanya

'Kilala ko sya dahil isa syang sikat na immature sa campus'

'I mean playboy...pwe!'

"Binibini ilang ulit ko bang sasabihin na Joselito ang aking pangalan"sambit nanaman nya! Kanina pa din sya ganyan ng ganyan!

"Ano ba to? Isa sa mga pranks mo? Okay nasan na yung camera?"naiinip na kasi ako at gusto ko nang umuwi

"Binibini ano ang iyong sinambit?"tanong nya pa na parang totoo na hindi nya alam

'Yeah right Chantal! Prank nga diba? Tss'

"Okay, I'm done! Tapos na akong makipaglaro sayo at oras na para umuwi ako"ubos na pasensyang sambit ko, astang lalakad na ako ngunit hinawakan nya ako sa braso

"Binibini ako'y nakikiusap sayo, ikaw ang unang tumulong sakin, kaya alam kong matutulungan mo pa ako sa pananatili ko dito sa panahon nyo"sambit nya sakin with matching puppy eyes pa!

"Sabog ka ba or may something kana?"takang tanong ko dahil hindi naman sya ganyan dati

"Binibini paumanhin ngunit ang iyong paraan ng pananalita ay hindi ko masyadong makuha"para syang....tanga, seryoso mukha syang tanga!

"Okay Bryle, kunwari nalang ay naniwala ako sa prank mo, tapusin na natin to"ubos na talaga ang pasensya ko sakanya!

"Binibini uulitin ko, Joselito ang aking ngalan"pagtatama nya sakin

"Okay Joselito or Whatever tigilan mo na ako"sambit ko para matapos na to!

"Binibini ang aking buong pangalan ay Joselito--"hindi na nya natapos dahil tinapat ko sa mukha nya ang kamay ko

"Walang nagtatanong"sambit ko at astang aalis na muli pero this hinawakan nya naman ang kamay ko

"Nais ko lamang ipahayag sayo binibini, hindi mo kailangang magtanong"sagot nya sakin habang hawak pa rin ang kamay ko

"Okay, gusto ko lang din na malaman mo na hindi ako intresado"binawi ko ang kamay ko at tumalikod

"Binibini, paki-usap"sambit nya kaya napalingon ako at nakita ko syang nakaluhod! Tumitingin naman yung ibang dumadaan samin at nagbubulungan

"Kawawa naman si kuya, siguro hiniwalayan ni girl"

"Hindi naman masyadong maganda yung babae sayang lang yung lalaki"

"Kuyaaa akin ka nalanggg"

Ilan lamang yan sa naririnig ko kaya lumapit na ako kay Bryle

'Bat ba ako napunta sa sitwasyong to?!'

"Bryle tumayo ka nga dyan!"sambit ko at hinahatak sya patayo

"Binibini uulitin ko hindi---"sumabat na ako sa sasabihin nya'

"Hindi Bryle ang pangalan mo kundi Joselito, Okay? So ngayon ay tumayo kana dyan"ngumiti ako dahil mas marami ang tumitingin samin ngayon

"Tama ngunit hindi masyado matalas ang iyong memorya dahil kanina ko pa sinasabi sayo na ang---"pinutol ko muli ang sasabihin nya

"Aishh! Pa-ulit-ulit ka! Tumayo kana dyan"hadali ko sakanya dahil may mga nanonood na

"Tutulungan mo na ba ako binibini?"nakangiti nyang tanong

"Mamaya natin pag-usapan yan, sa ngayon ay tumayo ka muna dyan at umalis na tayo dito"bulong ko sakanya kaya agad naman syang tumayo

"Halina binibini masyadong madaming madla ang nanonood sa atin"napapikit nalang ako

'Ngayon nya lang naisip yan?'