webnovel

Wrong Bride

[R-18+] Mature Content Kiona Ty Story.

ydren_ylgu · perkotaan
Peringkat tidak cukup
21 Chs

Kabanata 5

"LET me finish." Diin ni Kiona. "I have reasons. One is, I'm very young, marriage is out of the plan. But I can't say no to my parents. Itatakwil nila ako, and I'll be frank, hindi ako sanay maging mahirap. I need the money that I'll get when they're gone."

"Para sa ikabubuti nating dalawa, I want you to agree with my plan. Magpapakasal tayo, but I will have all the freedom I need. Ikaw rin. Be assured that no wife will be storming your offices unannounced. I understand your biological needs. Second, hindi tayo magkakaanak. I can't afford to get pregnant. Third, we will file an annulment on the ground of Psychological incapacity."

"At sino naman ang palalabasin mong baliw sa ating dalawa?" Laking sisi ni Cassius kung bakit naitanong pa niya iyon. Alam na alam naman niya ang kasagutan.

"You. Gusto mo bang isa-isahin ko ang rason kung bakit?"

"Huwag na. Wala bang ibang ground para i-annul ang kasal natin? Like, pinilit mo ako, I was drugged."

"Forget it. As soon as we married, we'll work that out. I have a lawyer. He'll know what to do. Now, I need your word. Payag ka ba sa usapan nating ito?"

Maganda ang naisip ni Kiona. Payag buong pagkatao ni Cassius doon. Ang hindi niya matanggap ay naunahan siya ni Kiona. Kunwa'y nag-isip muna siya, naglakad-lakad sa loob ng opisina.

"Nagmamadali ako Cassius. Babalik na kami ng Tacloban."

"Deal." At kinamayan niya ang babaing nagkamali siya ng paghusga. Of all women, akala niya ay expert na siya sa pagkilatis ng babae. Sinira iyon ni Kiona.

Ang akala niya ay si Kiona ang tipong mahina, mahinhin at susunod sa lahat ng sinumang nakatataas dito, mali pala. Si Kiona na yata ang pinakamatigas ang ulo sa lahat ng nakilala niya.

Ngayon, kapag tinitingnan niya si Kiona, kitang-kita niya ang katigasan ng ulo nito, her will is strong as a man. Kung hindi sa maamong mukha, sa balingkinitang katawan at malambot na kutis, madaling isipin na lalaki ito.

Mabuti't naging babae. Ani Cassius sa sarili. Pagka't nai-imagine niya kung anong klaseng lalaki ito kung saka-sakali. Mas matindi pa siguro sa isang komunistang diktador.

Ang gusto ni Kiona ay hindi mababali at mapapasakanya!

———

ANNULMENT. Psychological incapacity. Nahihirapan si Cassius na tanggapin iyon. Kaya ba niyang sikmurain iyon? Kailangang makumbinsi nila ang judge na wala ngang kakayahang magdala ng pamilya si Cassius dahil may paperclip ito sa ulo.

Kakausapin niya ang abogado niya. Si Kiona ang palalabasin niyang nababaliw. At papayag si Kiona sa gusto niya. Hindi siya makikipaghiwalay kung hindi si Kiona ang tatayong baliw.

Tumunog ang telepono. "Yes?"

"Si Kiona ito. May nakalimutan akong sabihin sa iyo. I'm keeping our marriage secret. Walang dapat makaalam. Sa trabaho ko, dalaga ako. Tandaan mo iyan."

"Ano bang trabaho mo?"

"I'll sign a contract with Goddess Portfolios, isang modelling agency."

"I know." Alam ni Cassius ang ahensyang iyon pagkat nagkaroon siya ng girlfriend na modelo din ng nasabing ahensiya.

Alam din niyang mataas ang kredibilidad ng ahensiya at hindi pipitsuging mga babae ang kinukuha nilang modelo.

Maganda na si Verna, isa sa mga ex's niya, ngunit hindi pa rin ito pumasa sa lahat ng screening, gayunpaman, tinanggap ng ibang agency ito, at modelo pa rin hanggang ngayon.

Kung pipirma na nang kontrata si Kiona, she must really be good. "I accept. Hushbands are off the limelight."

"Wives are off the offices."

Tumawa ng malakas si Cassius. Perfect combination sila ni Kiona. After all, pareho silang strong-willed and with distorted sense of humor. Nagbaba ng telepono si Kiona.

"Maybe we can be good friends, after our marriage." Ani pa ni Cassius bago tuluyang ibinaba ang telepono, kahit na dinig ni Kiona.

Lumabas ang babae mula sa banyo. Wala na sa mood si Cassius. Hinagkan ito ng babae sa pisngi.

"Call me tonight." Bilin niya sa babae. Isa sa mga flavor of the months niya. Hapon ang asawa nito at nasa Japan. Nakilala niya nang bumili ng kotse sa kanya.

Sinamahan niya upang i-test drive ang sasakyan. Natural nag-flirt ang babae, at natural na mainit ang dugo ni Cassius. Na test drive nila ang isat-isa. Sa negosyo niya, minsan hindi lang puhunan ang nasasambot niya.

——

ISANG linggo bago ikasal ang dalawa, pumirma ng kontrata si Kiona sa Goddess Portfolios.

"Congratulations, Ms. Ty. Or do I have to congratulate myself?" Si Dolly ang baklang director ng nasabing agency.

"I will train you personally. Puwede pa kitang ihabol sa Super Model Search. I don't think na mahihirapan ako, natural ang pagka-graceful mo. Sige nga, lumakad ka, iha. Follow that line."

Itinuro nito ang linya sa sahig kung saan sumusunod ang mga nagte-training na mga models. Tahimik na sumunod si Kiona sa bakla. Nang marating ang dulo ng guhit ay nag-pose ito bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Magaling! I like your style, Kiona. You're not just walking, you're teasing the audience...but with class. Perfect that style of yours, iyan ang magiging edge mo sa mga kalaban. By the way, I want you to start training as soon as possible."

"Give me a week to prepare. I'm still looking for a place to stay, alam mo namang sa Tacloban ako nakatira." Pagsisinungaling ng dalaga.

Sa isang linggo na ang kasal nila ni Cassius, ngunit wala na siyang dapat pang problemahin, napag-usapan na nila ni Cassius ang lahat ng kondisyones niya.

Siyempre, may mga kondisyon din si Cassius, at wala namang problema sa kanya iyon, basta't hindi pakikialaman nito ang pagmomodelo niya.

"You can stay in my unit, habang wala ka pang matitigilan." Volunteer ng bakla.

"No, thanks. I'm staying with my Mom's friends."

"Ganoon ba? O, sige, I'll give you a week to prepare. Pero pagkatapos no'n puro work na ang gagawin natin. I want you to win the title, you deserve it."

"Thank you. Huwag kang mag-alala, I'll do my best. Hindi kita idi-disappoint."

"Iyan ang gusto kong marinig. At huwag mong kalilimutan ang nakasaad sa kontrata, hindi ka pwedeng mag-asawa hangga't nasa poder kita. Alam mo kasi, once na makilala ka na which I'm very sure, eh, hindi malabong mangyari, dumagsa ang mga suitors mo. Males from all walks of life, hindi lang Pilipino. At mas marami kang magiging tagahanga na taga-ibang bansa. Mag-iingat ka. If you have to fall in love, fine. Just don't get tied up and if you have to have sex, don't get pregnant." Prangkang paalala ng bakla.