webnovel

IV/ Sunshine after the rain

"I guess, nakapagdecide ka na. Pupunta ka naman sa debut ko diba?"

"Ah... eh..." napakamot ako sa batok ko. "Yeah. Pupunta ako."

"Good!" Masayang sabi ni Lianne nang sabihin ko yun.

"Pero not as your escort."

Nawala ang ngiti nya. "What? Akala ko kasama yun sa pinag isipan mo."

Umiling ako. "Sorry. Sana maintindihan mo."

"Bakit? Mabigat bang role yun Jiwoo? Isasayaw mo lang ako. I want you to be my last dance."

"I know. Pero kasi .. marami ka namang manliligaw na pwede mong gawing escort."

"I don't care about them. I want you."

"Look... Pupunta ako sa party mo para sayo kasi tinuturing na kitang kaibigan and you know how I hate parties. Pero bilang bisita mo lang talaga."

"Kung si Yejin ba ko papayag ka ba?" Natigil ako sa tanong nya.

"What?"

"Kung si Yejin ba ko papayag ka ba? Will you be my escort?"

"Wag mong-"

"So YES? Sad thing .. hindi ako siya."

"Lianne, wag mong isali si Yejin sa usapan. Labas siya dito."

"Hindi pa kita nakitang ganyan Jiwoo. Hindi pa kita nakitang ganyan kalapit sa isang babae. Ano bang meron sa batang yun-"

"Wag mong palakihin to'."

"Panong hindi? This is my birthday Jiwoo!"

"Pero-"

"Tsk." Bigla siyang nagwalk out.

"Lianne!" Sigaw ko.

-

Busy ako sa paggawa ng thesis habang si Kyun ay nakatingin sa akin.

"Grabe ka naman... hindi mo manlang pagbigyan si Lianne eh.. minsan lang yun." Hinaing nya.

"Ayoko nga."

"Hindi ka talaga mapilit nu?"

___________________________________________________________

Kasabay ng malakas na ulan ang tensyon na bumabalot sa pagitan nina Yejin at Lianne. Sa hindi ko malaman na dahilan ay bakit ganoon nalang ang galit nya sa kaibigan ko. Nang makita ko si Yejin na susugurin si Lianne ay hindi ko na siya inawat pa. Tumakbo ako sa College of Engineering para hanapin si Kang Ji Woo nang makasalubong ko si Lee Yong Hwa.

"Chris, okay ka lang?" Tanong ni Yong Hwa

"Kelangan kong makita si Jiwoo." Tumakbo na ako palayo.

___________________________________________________________

"Sumunod ka sa loob ha. Ipapacheck natin yan kay sir." Sabi ni Kyun

"Oo. Wait lang ilalabas ko lang yung laptop ko." Sagot ko.

Papasok na ako ng room nang biglang may sumigaw. "Jiwoo! Jiwoo!" Nilingon ko ito. Hingal na hingal siyang lumapit sa akin.

"Chris... bakit?"

"Kailangan mong pumunta ngayon sa building namin." Bakas sa mukha nya ang pag aalala. Hindi na ako nagtanong pa. Alam kong problema. Iniwan ko ang gamit ko sa hallway. Habang tumatakbo ay tinext ko si Kyun na may emergency. Narating namin ang building nila. Nagkakagulo ang mga estudyante. Sumilip ako sa tinitignan nila.

"Kawawa naman siya nu?" Bulong ng isang estudyante.

Tinignan kong maigi ang babaeng may pinupulot na mga libro sa labas. Nang makita kong si Yejin yun ay agad akong tumakbo at kumuha ng payong. Nilapitan ko siya. Pinayungan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang tinitignan ko siya. Sobrang bigat. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. "Tumayo ka na dyan." Sabi ko. Natigil siya sa pagpulot ng gamit nya. Dahan dahan siyang tumayo. Niyakap ko siya. "Don't worry nandito na ako." Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay nya sa bewang ko at nagsimula na siyang humikbi sa pag iyak. "I'm sorry." Bulong ko

___________________________________________________________

Pinagmamasdan ko sila mula sa malayo hawak ang payong na kinuha ko mula sa bag ko. Bakit ganun? Nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko si Jiwoo na tumatakbo papunta kay Yejin. Lungkot nang hagkan nya ito at lungkot na makitang niyakap siya pabalik nito. Hingal na hingal ako. Unti unti kong naibaba ang payong na hawak ko.

Late ba ako?

O talagang .. si Jiwoo ang taong dapat na andun?

Napabuntong hininga ako.

___________________________________________________________

Dinala ako ni Jiwoo sa locker room. Naupo siya sa harap ko. Kinuha nya ang mga libro na hawak ko. "Hindi mo na to' magagamit." Tinitignan ko lang siya. Tumayo siya at binuksan ang locker nya. Kumuha siya ng towel at pinunas sa akin. "I'm sorry." Bulong nya.

"Bakit?"

"Alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari to...kung bakit nagalit si Lianne sayo. Sorry."

Ngumiti lang ako kahit na malungkot. "Okay lang."

Tinignan nya ako. "Ok na ba tayo ulit?"

Tumango ako. "Oo. Sorry kung nagalit ako sayo." Isang ngiti lang ang binigay nya sa akin.

"Yejin!" Nahinto kami nang marinig namin ang boses ni Chris. Kasama nya si Yong Hwa.

"Chris..."

"Friend! Ano ? Okay ka lang ba?" Nag aalalang tono nya.

"Oo chris. Ok lang." Nagkatinginan kami ni Yong Hwa.

"Nag aalala kami ni Yong Hwa sayo."

"Ah... pasensiya na kayo ha." Sabi ko

"Okay lang yun. Importante okay ka na."

"Yejin ... kailangan na natin umuwi." Sabi ni Jiwoo.

"Ihahatid ko na kayo." Sabi ni Yong Hwa

"Ha? H-hindi na."

"I insist."

Hinatid kami ni Yong Hwa pauwi. Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ni Mama na alalang alala.

"Anak, anong nangyari sayo?"

"Ok lang ako Ma. Kailangan ko lang po magpahinga."

"Sige. Naghanda na ako ng pampaligo mo... " napatingin siya kina Yong Hwa , Chris at Jiwoo.

"Ma, mga kaibigan ko po sina Yong Hwa at Chris."

Binati sila ni Mama. Lumapit naman sa akin si Jiwoo. "Maligo ka tapos magpahinga ka na."

Tumango ako.

___________________________________________________________

"Salamat sainyo." Sabi ni Tita Rian.

"Wala po yun Tita."

"Buti at naisip mo kong tawagan kanina."

"Opo. Pero .. wag po kayong mag alala. Ako na pong bahalang umayos ng problema sa school."

"Sige Iho."

Napatingin ako kina Chris at Yong Hwa. Pinaghanda naman kami ni Tita Rian ng hot choco. Nakaupo kaming tatlo sa dining area.

"Anong balak mo kay Lianne ... jiwoo?" Tanong ni Chris

"Hindi ko muna iniisip yun pero aasikasuhin ko din yun agad."

"Pwede ba kaming dumalaw ulit dito?" - Yong Hwa

"Oo naman. Pero sa ngayon... pagpahingain muna natin si Yejin."

Narinig namin ang yabag ni Tita Rian pababa ng hagdan.

"Tita, kamusta po si Yejin?"

"Ok naman siya. Nagpapahinga na."

"Ah.. sige po."

Napagdesisyunan na naming umuwi sa mga bahay namin. Pagpasok ko sa bahay na nandoon si Mama. Nakaupo siya sa sofa.

"Anong nangyari sa school?"

"Misunderstanding lang yun Ma."

"Jiwoo, nakarating na sa akin ang balita. Gusto kong malaman ang side mo."

Ipinaliwanag ko kay Mama ang lahat. Siya kasi ang tipo ng tao na hindi mapapakali hangga't hindi nya nalalaman ang totoo. Nang gabing yun ay nagkita kami ni Lianne sa park na malapit sa village namin. Nauna akong dumating kaya naman naupo muna ako. Maya maya ay dumating na rin siya. Naupo siya sa tabi ko pero medyo malayo siya sa akin.

"Wala ka bang sasabihin sakin?" Panimula ko

"Wala." Diretsong sagot nya. "Ginawa ko yun dahil dapat lang yun sa kanya."

"Hindi mo ko pag mamay ari Lianne." Tinignan ko siya. "Marami akong pinalampas na hindi magandang ginawa mo pero wag mong idadamay si Yejin."

"Tapatin mo nga ako... Gusto mo ba si Yejin?"

Tumayo ako. "Humingi ka ng sorry sa kanya bukas-"

"Sagutin mo ko."

"Kapag sinagot ko ba yan? Titigil ka ba?"

-

Kinabukasan maaga akong nagising para pumunta saglit kina Yejin. Sakto naman na palabas si Tita. Mukha siyang puyat. "Tita, okay lang po ba kayo?"

"Ha? Ah.. eh... Oo. Bakit pala nandito ka nang ganito kaaga Jiwoo?"

"Dadalawin ko po sana si Yejin eh."

"Ganun ba? May sakit kasi siya. Nilagnat siya kagabi kaya medyo puyat ako. Bibili sana ako ng gamot nya eh."

"Ako nalang po."

"Ha ? Naku hindi na. Ako nalang."

"Ako na po. Pumasok nalang po kayo sa loob. Pagdating ko po magpahinga po kayo."

"Pero kasi may pasok ka pa..."

"Ok lang ako tita."

Nagmadali akong pumunta sa Pharmacy para bumili ng gamot. Hindi naman nagtagal ay nakabalik din ako. Pinagpahinga ko si Tita at ako ang nagbantay kay Yejin. Mataas padin ang lagnat nya. Nababad kasi siya sa ulan kahapon kaya siguro tinamaan siya ng sakit.

___________________________________________________________

"YONG HWA!" Tawag ni Chris paglabas ko ng room. Agad ko siyang nilapitan.

"Bakit?"

"Dalawin natin si Yejin."

"Ha? Hindi ba siya pumasok ngayon?"

Malungkot ang mukha nya. "Hindi. May sakit siya eh."

"Ganun ba? Sige dalawin natin siya mamayang uwian."

Meron akong 2 hours vacant kaya naman nagdecide akong pumunta sa garden ng University para doon muna magpahinga. Pagdating ko doon ay nakita ko si Lianne na mag isa. Nakaupo siya sa ilalim ng puno.. Nilapitan ko siya at tinabihan.

"Nandito ka din ba para pagalitan ako?" Sabi nya

Nilagay ko ang bag ko sa likod ko at sumandal. "Hindi. Alam ko kasing may gumawa na nun." Tumaas ang isa nyang kilay. "Alam mo ... ok lang naman na magalit ka o mainis ka sa taong malapit doon sa taong gusto mo eh, kasi hindi naman yun napipigilan pero ang hindi okay dun... sinaktan mo siya."

"Sinaktan din naman nya ako ah."

"Kasi sinaktan mo siya."

Bumuntong hininga siya. "Tanggapin mo na yung katotohanan na mali ka."

"Alam mo ba kung gaano ko kagusto si Jiwoo?"

"Alam ko." Tinignan ko siya. "Pero hindi mo makukuha si Jiwoo sa paraan na mananakit ka pa ng iba para sa kanya." Hindi siya nakaimik. "Alam kong gusto mo siya. Alam ko na yun nung nakita ko kayo nung Welcome Party."

"Pinagsasabihan mo ba ako?"

"Oo. Siguro may mga lalaki na masaya kapag may taong handa silang ipaglaban ... pero iba si Jiwoo-"

"Iba siya kasi-" natigil siya. "Wala. Sige. I have to go." Tumayo siya. Kinuha nya ang bag nya at umalis.

___________________________________________________________

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Mabigat ang pakiramdam at medyo masakit ang katawan ko. Pinilit kong tumayo kaya lang parang mabigat yung kamay ko. Napalingon ako sa gilid ng kama. May lalaking nakayuko habang hawak nya ang kamay ko. "Sino to?" Bulong ko. Dahan dahan kong hinawi ang buhok nya. Jiwoo? Anong ginagawa nya dito? Nasaan si Mama? Pinilit kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya pero nagising siya.

"Yejin?" Napaigtad siya.

"Anong-" tatanungin ko sana siya kung anong ginagawa nya dito at nasaan si Mama pero hindi ko yun nagawa. Hinawakan nya ang pisngi ko.

"May sinat ka pa." Nakatitig lang ako sa kanya saka lang nya napagtanto na hawak nya ang kamay ko agad nya akong binitawan. "Sorry." Sabay iwas ng tingin. Tumayo siya. "Kukuha lang ako ng pagkain mo para makakain ka muna bago uminom ng gamot."

"Ah... sige."

Pagbaba nya ay tila nag init ang mukha ko. Nilalagnat ata talaga ako. Hindi naman nagtagal ay bumalik din siya. Habang kumakain ako ay inaayos nya naman ang mga iinumin kong gamot.

"Nga pala ... nasaan si Mama?"

"Ah... si Tita Rian.. pinagpahinga ko muna siya. Mukha kasi siyang puyat kagabi kaya naman pinalitan ko muna siya."

"Ah..." Pumalumbaba siya sa harap ko at tinitigan nya ako habang kumakain. Napatingin ako sa kanya. Dahan dahan kong naibaba ung kutsara ko "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala lang. Hinihintay lang kitang matapos para makainom ka na ng gamot."

"Ah.. sige."

"Bakit ka nagbablush?" Hinawakan nya ang pisngi ko pero tinapik ko ito. "Ok ka lang?"

"Oo. Wag mo na kong hawakan."

Ngumiti siya ng nakakaasar. "Alam ko na bakit ka nagba blush..." Pinandilatan ko siya ng mata. "Kinikilig ka kasi concern ako sayo nu?"

🤨 "sapakin kaya kita."

"Joke lang." Umayos siya ng upo. "Kamusta naman ang pakiramdam mo?"

"Ok lang naman. Medyo mabigat lang yung ulo siguro dahil narin sa trangkaso. Nga pala ... umabsent ka dahil sakin?"

"Oo. "

"Anong paalam mo sa school?"

"Wala. Ako ng bahala dun. Basta magpahinga ka okay."

Hindi ko talaga maintindihan tong' tao na to. Kung bakit ayaw nya kay Lianne? Kung bakit sinasabi na medyo cold siya sa ibang tao. "Ganyan ka ba talaga?"

"Saan?"

"Sa lahat ng tao."

Para siyang nag isip bago sumagot. "Hindi. Di ko nga alam bakit concern ako sayo eh." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. "Basta ... importante concern ako sayo."

Bumaba na kami. Naupo muna ako sa dining area. "Maghuhugas lang ako ng pinggan ok." Paalam nya

"Wag na-"

"Ok lang. Maupo ka na dyan."

Tinignan ko siya hanggang sa makapunta siya sa kusina. Habang naghuhugas siya ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya. Napangisi ako.

Sana lang ganyan padin siya kahit malaman nya ang sikreto ko.

___________________________________________________________

"Pagdating natin dun... ikaw ang kumatok ha." Sabi ni Chris.

"Bakit hindi ikaw? Eh.. magbestfriend kayo." Sagot ko

"Ikaw na. Lalaki ka naman eh."

"So... pati dun may batayan sa pagiging lalaki at babae?"

Habang nagtatalo kami ni Chris ay sakto namang nakita namin sa labas ng bahay ang Mama ni Yejin.

"Good evening po." Bati namin

"Diba kayo si Chris at Yong Hwa? Tama ba?" Tanong nya sa amin.

"Opo. Tama po kayo." Sagot ni Chris

"Nandito po kami para dalawin si Yejin."

"Ah... sige. Pasok kayo. Nandun sila ni Jiwoo."

"Sila po ni Jiwoo?"

"Oo."

Nagkatinginan kami ni Chris. Hindi rin pala pumasok si Jiwoo. Ibig sabihin? Inalagaan nya si Yejin? Pumasok na kami sa bahay nila. Nadatnan namin si Jiwoo na nakahawak sa noo ni Yejin.

"Ano ba? Ok na ko. Papasok na ko bukas."

"Wag kang magulo dyan. May sinat ka pa nga oh." Hinila nya ang kamay ni Yejin at nilapat sa leeg nya. "Oh! Hindi nga tayo magkasing normal ng init eh. Masmainit ka pa. Ibig sabihin may sinat ka!"

"Bitawan mo-" natigil sila nang mapansin nila ang presensya namin. "Chris? Yong Hwa?" Bigla silang naglayo.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Jiwoo

"Dinadalaw lang namin si Yejin kasi absent siya kanina."

"Ah... ok. Dito lang kayo ha... may tatawagan lang ako." Paalam nya.

"Aba... mukang may gwapo kang nurse ngayon ah." Asar ni Chris.

"Tigilan mo ko." Sagot ni Yejin

Nilapag ko na sa lamesa ang mga binili naming prutas para sa kanya.

"Yung mama mo... bakit hindi pa siya bumabalik?" Tanong ko

"Ah... yun ba? Baka mamaya pa un... baka nandun siya kina Jiwoo."

"Ha? Kina Jiwoo? Bakit?"

"Close sila ng Mama nun."

___________________________________________________________

After 2 days ay makakapasok na rin ako sa school. Magaan ang bag ko dahil nga wala na akong libro. Habang nagbibihis ako ay nag iisip ako saan ako kukuha ng pambili ng libro. Ayoko kasi sabihin kay Mama na nabasa ang mga libro ko hindi naman yun maniniwala na nabasa ... napabuntong hininga ako. Lumabas na ako. Bakit ganun ? Parang wala si Jiwoo. Kumatok ako sa bahay nila at pinagbuksan naman ako ni Tita Minso.

"Hello po Tita, si Jiwoo po?"

"Umalis siya ng maaga. Pinapasabi nya na pumasok ka daw ng maaga at pumunta ka daw sa library."

"Sa library? Bakit daw po?"

Nagkibit balikat lang si Tita.

Nakarating ko ang school at tulad ng sinabi ni Tita Minso dumiretso daw ako sa library. Maaga pa. Konti palang ang tao sa paligid. Ano kayang pakulo ng taong yun? Sa library pa talaga ah... pwede naman sa field. Tsk. Sumilip ako sa library. Tahimik .. wala pang tao sa loob pero bukas ang pinto.

"Nasaan na siya?" Nililibot ko ang paningin ko sa paligid habang naglalakad papasok. "Kang Jiwoo! Saan ka na?"

"Ang ingay mo naman."

Napalingon ako sa likod ko. "Ano bang meron at pinapunta mo ako dito?" Inabot nya sa akin ang isang number 25 na card. "Ano to? May ipapaclaim ka?"

"Oo."

"Eh.. wala namang mag aassist sa akin dun? Maaga pa kaya."

"Edi ikaw kumuha."

"Tsk. Wala kang kamay?"

"Meron ..." naupo siya. "Gamitin mo muna yung sayo."

"Tsk. Pinapunta mo ako ng maaga para utusan?"

Tumango lang siya. Napa roll eyes ako. "Ibaba mo muna yang bag mo dito para di ka mahirapan." Sabi nya. Binaba ko ang bag ko at Nagpunta na ako dun. Hinanap ko ang NUMBER 25 sinilip ko ito ... pero walang laman 🤨. Agad akong bumalik dun.

"Wala namang laman yun eh!" Iritable kong sabi

"Wala ba? Okay."

"Tsk." Nakakainis tong' lalaki na to'. Tumayo na siya. "Oh... saan ka pupunta?"

"Sa field..."

"Anong gagawin mo dun?"

"Iinom ng hot choco."

"Pinagtitripan mo ba ako?"

"Hindi. Sige na kunin mo na yung bag mo lumabas na tayo."

"Fine." Kinuha ko ang bag ko at nagulat ako dahil may mabigat na bagay sa loob. "Teka! Bakit bumigat to?" Binuksan ko ito at laking gulat ko. Mga bagong libro. 😦😦😦 napatingin ako kay Jiwoo. Nakangiti siya sa akin. "Saan mo to kinuha? Akin to lahat?"

Tumango siya.

Lumaki lalo ang ngiti ko nang malaman kong may mga bagong libro na ako. Hindi na ko mamomoblema sa klase. Bigla ko siyang nayakap sa sobrang saya ko. "THANK YOU! THANK YOU!! Akala ko talaga wala na akong gagamitin na libro eh-" natigil ako ng mapansin kong sobra na ata ang yakap ko sa kanya. "Sorry."

"Ok lang."

Nagtungo kami sa Field. Naupo at pinagmasdan ang paligid.

"Ok ka na ba?" Tanong nya

Tumango ako. "Oo naman. Salamat sayo."

Ngumiti lang siya. "Kakausapin mo ba si Lianne?"

Hindi agad akong nakasagot sa tanong nya. "Hindi ko pa alam kung kaya ko na siya kausapin." Tinignan ko siya. "Sa totoo lang... hindi ko nga malaman anong nagustuhan sayo nun. Kung bakit baliw siya sayo..."

"Bulag ka nga." Bulong nya. Kahit dinig ko naman.

"Bulag saan?"

Umayos siya ng upo at nagpacute. "Hindi ba ako attractive para sayo?"

Sa una ay plain lang ang mukha ko. Hinahanap kung nasaan yung salitang attractive sa kanya. Tapos nagsalubong ang kilay ko sabay sagot ng "Hindi. Kaya ko nga tinatanong diba?"

"Hahahaha! Pilya ka ha."

"Heh!" Sigaw ko.

"Pero to be honest ... naniniwala na talaga akong mahal ka nya. To the point na inaway nya pa talaga ako para sayo. Wait lang... ayaw mo ba sakanya?"

"Hindi naman sa ayaw. It's just that ... hindi lang nya gusto yung pagtrato ko sa kanya noon."

"Panong pagtrato?"

"Bilang kaibigan o normal schoolmate."

"Gusto ka nya... manhid ka ba?" Pagpapaintindi ko.

Nilapit nya ang mukha nya sa akin. "I know. Pero kapag inentertain ko yun masasaktan siya." Napaisip ako. Tama naman siya. Si Jiwoo kasi ang tipo ng lalaki na parang dedma lang sa ibang tao. Papansinin nya lang kung sinong gusto nya. Hindi ko lang maintindihan talaga paano kami naging close nito? Nasa malalim akong pag iisip nang mapagtanto kong nakatingin siya sa akin.

"Bakit?"

"Anong iniisip mo?"

"Wala."

"Ows?"

"Wala nga."

"Nag iisip ka ba kung bakit iba ako pagdating sayo?"

Nagulat ako pero syempre.. hindi pinahalata yun. Kunwari hindi ako na-amaze saka nasurprise na bakit alam nya? Mind reader ba siya?

"Bakit nga ba?"

"Masarap ka kasing asarin." Saka siya tumawa ng malakas. Hinampas ko siya. Tumayo na ako.

"Siraulo." Naglakad na ako palayo.

"Hoy! Utang mo yang libro sa akin ah." Huminto ako. Lumingon sa kanya. "Magkano ba to?"

"Mag iisip muna ako kung paano mo ako babayaran. Kumindat siya.

___________________________________________________________

"Ano Jiwoo? Nakita mo ba yung mga libro na iniwan ko sa locker mo?" Tanong ni Kyun

"Oo. Salamat dun ah."

"Tsk. Aabsent absent ka tapos- by the way, bakit ka nga pala umabsent?"

"Secret."

"Sus." Naupo na kami sa mga table namin. "Ay! Oo nga pala ... baka interesado ka dito." Nilabas nya ang dalawang ticket. "Baka gusto mong pumunta sa amusement park."

"Amusement park?"

"Oo. Yung nililigawan ko kasi ayaw nya dito. Pambata lang daw to' tsk."

"Hindi ako interesado dyan." Sagot ko.

"Sige ibibigay ko nalang sa iba." Tinago na nya sa bag nya ang tickets.

Natapos ang klase namin ng 10:30 AM. Nagpaalam si Kyun sa akin na tatambay daw siya sa cafeteria. Ako naman ay hinanap si Yejin. Nakita ko siya sa may hallway na nakasalampak sa sahig.

"Anong ginagawa mo dyan? Wala bang upuan?"

"Meron." Napabuntong hininga siya.

Tumabi ako sa kanya. "Anong meron bakit ganyan yang mukha mo?"

"Wala lang. Pakiramdam ko kasi ang bigat ng linggo ko."

"2 days pa bago maglinggo." Sinamaan nya ako ng tingin. "Pero di nga? Anong problema ?"

"Ang dami ko kasing hahabulin na lecture eh. Wala kasi ako sa sarili nitong mga nakaraang araw kaya ayun... hindi ko alam kung paano ko aaralin yun lahat. AH!... gusto kong mag unwine para mabawasan yung stress ko. " Napayuko siya.

"Tuturuan kita sa linggo." Sagot ko.

"Ha?"

"Pero bago yun... bayaran mo muna ako."

"Ano namang ibabayad ko sayo?"

"May ticket ako sa amusement park. Baka-"

"Gusto ko." Mabilis nyang sagot. "Pupunta ba tayo dun?"

Natawa ako. Wala manlang siyang pagdadalawang isip. "O-oo. Hahaha!"

"Yehey!"

Matapos ang pag uusap namin na yun ay agad akong tumakbo sa cafeteria. Baka inoffer na ni Kyun yun sa iba. Tsk! Agad ko naman siyang nakita. Tama nga ako inooffer nya na sa iba yung ticket.

"Baka lang naman interesado-" nagulat siya nang kunin ko sa kamay nya ang hawak nyang ticket. "Jiwoo?"

"Ako..." hingal hingal ako. "In... interesado .. ako."

"Bakit? Akala ko ba ayaw mo? Saka bakit hinihingal ka."

"Malamang tumakbo ako dito para kunin to' sayo."

Nagcross arms siya. "Wow... change of hearts?"

"Change of mind." Sagot ko.

Bumaling siya sa kausap nya. "Kalimutan mo na yung sinabi ko." Tumayo siya. Inakbayan nya ako." Anong meron bakit biglang nagkaruon ka ng CHANGE OF MIND?"

"Wala lang. Naisip ko lang na parang... masaya dun."

"Really?" Tinignan nya ako ng nakakaloko. "Naisip mo lang ba talaga yun o-" kumalas ako sa pagkakaakbay nya. "Ayusin mo na yung mga chapters ng thesis natin okay?" Tumakbo na ako palayo sa kanya.

___________________________________________________________

"Lianne, sa linggo na ang debut mo. Hindi ka pa nakakapili ng gown mo." Sabi ni Mama.

"Ayoko ng mag debut , Ma."

"Ano? Hindi pwedeng ayaw mo... naka set up na lahat!"

"Ayoko na nga eh. Tsk." Tumayo ako at nagwalk out.

Lumabas muna ako para magpahangin at makapag isip isip kahit papano. Nakakainis na buhay to' tsk. Nilalakad ko ang kalsada papunta sa kung saan man ako dalhin ng paa ko nang may humintong kotse sa gilid. Bumusina siya pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Lianne!" Bumusina siya. "Lianne!!"

Lumingon ako. "ANO- Marcus?"

Kumaway siya mula sa loob ng kotse. "Saan ka pupunta?"

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam? Hmmm... gusto mo bang sumama sa akin?"

"Saan naman?"

"Kakain lang naman ako .. baka kelangan mo ng kausap? Kelangan ko din kasi ng kasama." Ngumiti siya.

"Hindi ako kumakain sa fastfood." Sagot ko

"Edi samahan mo lang ako."

He is Marcus Yang. Isa sa mga manliligaw ko. Hindi lang halata sa kung paano nya ako kausapin. Kagaya ni Jiwoo... mayaman at matalino pero hindi ko alam... for me.. Jiwoo is the perfect one. Wala ng tatalo sa kanya.

Nakapalumbaba ako sa lamesa habang yung kasama ko panay ang lantak ng fries.

"Alam mo... mamalasin ako dyan sa ginagawa mo."

Tinignan ko sya. "Bakit naman?"

"Malas daw ang nakaganyan."

"ikaw lang yung mamalasin..."

Sumandal siya. "Girlfriend ba ni Kang Jiwoo yun?"

"No." Sagot ko na hindi lumilingon sakanya.

"Niyakap nya... tapos ... hindi girlfriend?"

"I said no." Tinaliman ko siya ng tingin.

"Bakit hindi nalang ako ang kunin mong escort mo?" Nagbago ang expression ng mukha ko. "Gwapo naman ako. Maganda ka. Isa pa ... manliligaw mo ko. Why don't you get a man who will treat you the way you want to?"

"Si Jiwoo-"

"You think he is the perfect one... right? Look... birthday mo yun. Dapat itrato kang prinsesa. Bakit mo pipilitin ang isang tao na ayaw sayo?" Bumuntong hininga siya. "Wag mong hingin ang halaga mo Lianne."

That night... somehow.. may narealize ako. He was right. Pero bakit ganun? Kung sino pa yung gusto natin? Yun pa yung hindi natin makuha?

___________________________________________________________

WEEKEND

"Yejin? Ready ka na?" Tanong ni Jiwoo.

Tumango ako. "Oo ready na."

Sinuot nya sa akin ang sumbrerong hawak nya. Pagkasuot nya ay tinignan nya ako na may ngiti sa kanyang mukha. "Blue sa akin and pink sayo." Turo nya sa sumbrerong suot namin.

2 hours ang byahe patungong amusement park. Pagdating namin doon ay napa wow kami sa ganda nito. Ang daming tao. Maaliwalas ang paligid. Maraming mga batang naglalaro. Lumilipad ang mga bubbles sa paligid.

"Magsaya na tayo ngayon kasi bukas... mag aaral naman tayo."

Nag agree naman ako sa kanya. Sinakyan namin lahat ng rides kahit yung mga extreme ay pinatos din namin. Sobrang saya ngayon araw. Pansamantala kong nakalimutan lahat ng stress na naranasan ko ngayong week.. Lahat ng problema sa school. Lahat ng mga negatibong bagay ay iniwan ko muna. Salamat kay Jiwoo... palagi siyang nandyan para sa akin. Alam ko hindi pa ganoon kahaba ang pagkakaibigan namin pero siya ang gumagabay sa akin sa lahat.

Nakaupo ako isang tabi habang hinihintay siyang bumalik. Pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Maya maya ay humarang sa paningin ko ang isang malaking ice cream. Inangat ko ang tingin ko. Nakatayo siya habang kumakain din ng ice cream.

"Thank you. " sabi ko matapos kong abutin ang alok nya. Naupo siya sa tabi ko. "Thank you sa lahat."

"Wala yun. Basta para sayo."

"Sana lagi kang ganyan."

"Mabait naman ako ah."

"Minsan oo. Minsan hindi. .. pero mas madalas na Oo." At nagtawanan kaming dalawa.

Inabot kami ng gabi ng Amusement park. Gusto kasi namin panuorin ang fireworks display nila.

"Matagal pa ba yun?" Tanong ko

"Hindi. Ilang minuto nalang 11 pm na."

"Ah." Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko mula sa likod at tinutok nya pataas ang paningin ko.

"Doon magandang manuod ng fireworks." Tinukoy nya ang ferris wheel.

"Dyan tayo manunuod?"

"Oo."

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako papunta doon. Sumakay kaming dalawa. Nakatitig lang kami sa buong lugar habang umaangat kami.

___________________________________________________________

"Ang ganda naman dito pag gabi." Kitang kita ko ang saya sa mga mata nya. Kumikinang kahit gabi. Atleast ... sa pagkakataon na to' alam ko ng pawing pawi na lahat ng lungkot nya. Tumingon ako sa wrist watch ko. 11 na. Nagsimula na ang fireworks display. Hindi ko na ito pinanuod. Hindi ko alam pero... si Yejin ang pinanuod ko nang gabing yun. That was the most beautiful thing I saw that night.

Nasa byahe kaming dalawa. Nagsusulat siya sa bintana habang ako naman ay nakapikit lang. Iniisip nya sigurong tulog ako pero hindi... pinagpakinggan ko lang sya.

"Tatandaan ko talaga tong petsa na to' kung kailan tayo nag amusement park." Sabi nya.

Nanatili lang akong nakapikit. Inabot ng matagal ang byahe namin pauwi. Maya maya ay naramdaman ko ng nakasandal siya sa balikat ko. Medyo mabigat na ang ulo nya. Siguro tulog na siya. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Napatingin ako sa bintana. Nakasulat doon ang petsa ngayon. Napangiti ako. Saka ako napahawak sa dibdib ko. Bakit ganun? Ang bilis ng tibok ng puso ko...