webnovel

4. Who are you, Cold Man?

Nakatanaw ako sa kotse na papalayo saakin. Hinatid ako ni Eros dito sa bahay.

Naglakad na ako papunta sa pinto ng bahay ng biglang bumukas ang pinto. Bumulaga sakin ang nakapamewang na babae si Sofia

"Sino yon? baka totoo nga sinasabi ko?" sabi niya

"May sugar daddy ka talaga no" sabi niya kumunot naman noo ko nagulat ako ng may nag kunting tulak sakaniya

"Excuses my body" Sabi ni Shella

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kung sabi

" Sleep over!" sigaw niya

"Bahala nga kayo jan! wag kayong gagawa ng ingay ha!" sigaw ni Sofia at naglakad papuntang sofa dahil nanunuod siya

"Dumating na ba si Tita Hazel?" tanong ko

"HINDI!" Sigaw ni Sofia. Hindi ko nalang pinansin pero si Shella todo layat kay Sofia kaya hinila ko nalang siya papuntang basement

"Wag mo nalang pansinin yon" sabi ko nalang kay Shella kaya kumalma siya pagpasok ko ng kwarto ko sa basement tumingin ako kay Shella

"Bakit ang dami?" sabi ko ang daming chips soda dalawang pizza marami pa.

"Naglagay ng allowance ko si Daddy sa account ko hekhek" Sabi niya at gumulong gulong sa kama ko binaba ko nalang yung bag ko sa upuan at nagpaliy ng damit.

"Hoy! sino pala yung nag hatid sayo ha!" Sabi ni Shella bigla akong natigil at lumapit kay Shella

"May ikwekwento ako sayo!" Sabi ko

"Pero saglit magpapalit lang ako" sabi ko at tumayo

"Sino sino sino!!! may boyfriend kana shems may boyfriend na bestfriend ko" sabi ni Shella

"Gaga hindi " sabi ko tumabi na ako sakaniya pagkatapos kung magbihis

"Hindi ka maniniwala sa nalaman ko" sabi ko tapos naexcite siya

" Ano yon ano yon!" Sigaw niya kaya tinakpan ko ng unan yung bibig niya

"Wag kang maingay!" sabi ko tumayo ako at binuksan yung pinto ko tinignan ko kung nakikinig si Sofia pero wala siya tumakbo agad ako kay Shella

"Wag mo ikwekwentosa iba ah, Nakita ko kasi si Eros sa sementeryo" sabi ko kinilig kilig siya

"Bakit sa sementeryo?" tanong naman niya

"Baliw hindi birthday ni Mommy ngayon tapos pumunta ako don nakita ko sila Eros don" sabi ko

"Anong sila? bakit sila" tanong ni Shella

"May kapatid si Eros magandang bata" sabi ko nagulat naman si Shella

"Totoo? weh? pero totoo talaga waahhhh!!" sabi ni Shella tumango tango naman ako

" Pumunta ka lang sa sementeryo may nalaman kana kay Eros Waaaahhhhhh!!! ano pa ano pa!" sigaw niya tinakpan ko naman bibig niya

" Wag kang maingay sayo ko lang sasabihin to." sabi ko

"May narinig ako habang nasa loob kami ng kotse niya" sabi ko

"Siya yung nag hatid saakin" sabi ko kinilig kilig naman siya at sobrang uga niya saakin.

"Pero may narinig ako nong may katawag siya ang tawag sakaniya Mr. Petrakis?" sabi ko bigla naman siyang natigil

"Oh totoo? bakit Petrakis ano yung Petrakis" sabi niya nag shrugged naman ako at tumayo kinuha ko yung suklay at sinuklay ko yung buhok ko.

Buong magdamag kaming nagkwentohan ni Shella at search kami ng search tungkol sa Petrakis pero walang lumalabas na background ng Petrakis.

Kinabukasan maaga akong nagising para nagluto ng kakainin nila Tita Hazel at Sofia hindi ko muna ginising si Shella kasi maagad pa baka sila lang maabot ko don.

Pagkatapos kung magluto naligo na ako at ginising ko na si Shella para siya rin next na maligo

Nagsapatos na ako siya nagbibihis

"Dalian natin para makapag breakfast na tayo sa school" sabi ko tumango naman siya alam niya kasing di ako kumakain dito sa bahay kahit lunch man o dinner hindi nakikitira lang ako kasi ako dito.

Pumasok na kami ni Shella at pumunta agad ng cafeteria para kumain

"Ang hirap pala talaga sitwasyon mo simula nong nawala dad mo" Sabi ni Shella habang kumakain

"Ganun talaga hayst. Btw ano may nalaman kana ba tungkol sa Petrakis" sabi ko at hininaan ko yung word na petrakis para walang makarinig umiling naman siya.

"Wala talaga eh. Ah oo nga pala Savina habang nag sesearch ako sa google may napindot akong web tapos lumabas artista Aubrey Hepburn natutulog kana non eh kahawig mo" sabi niya tapos pinakita niya sakin yung picture napa ah nalang ako sakaniya

"Oo nga no? pero mas kahawig niya si mama look" sabi ko bigla naman niyang kinuha yung phone ko

"Oo nga no!!! omg pero hawig mo din yung ilong kuhang kuha yung shape medyo lang sa kilay pero almost na magpabangs kapa eh" sabi niya

"Gaga ang ganda ganda niyan baka sa picture lang yan kami magkamukha baka nga magmukha lang akong katulong niya eh hahaha" sabi ko natawa naman kaming dalawa

"Pero seryoso hawig mo talaga siya slim ka lang ng kunti at mas maputi siya British siya eh." Sabi niya nagulat kami ng may sumulpot saamin

"ah British pala yung sugar daddy niya ah" sabi ni Sofia at umupo sa tabi ko hinawakan naman niya yung kamay ko

"Sister may british ka palang sugar daddy kaya pwede lahat ng sahod mo ilagay muna sa account mo wag mo nang hatiin kung hindi isusumbong kita kay Mommy!" sabi niya napatigil nalang si Shella dahil nagtitimpi na siya

"Wala na akong trabaho" pagsisinungaling ko.

"What? paano ko na bibilhin yung bagong model ng sapatos kung wala na akong makukuha sa account mo" sabi niya padabog niyang nilagay sa table yung card ko

"May trabaho ako kaso cashiers 150 dalawang araw iipangbibili ko lang ng pagkain ko" pagsisinungaling ko

"Whatever! bakit ka kasi natanggal sa trabaho mo siguro tatanga tanga ka kaya ka natanggal or umalis kana kasi may sugar daddy ka!" sabi niya tapos padabog na umalis. Bigla namang hinawakan ni Shella yung kamay ko na parang may sasabihin

"Savi savi! alam mo ba may boyfriend na yan si Sofia yung photographer dito yung sikat basta may event lagi siyang andun yung gwapo yung anak ni Mayor?" Sabi ni Shella

"Saan mo naman nakuha yan. Tsismis nanaman" sabi ko at sumubo ng pagkain.

"Oo nga tsismis pero nakita ko rin kahapon eh yung pumunta ako sa bahay niyo nakita kung may pumuntang lalaki may dala pang flowers tapos nakita ko yung photographer na anak ni mayor pero umalis din lang" sabi niya hindi ko nalang pinansin kasi hindi ko naman alam yung sinasabi niyang anak ni Mayor saka hindi na bago saakin kasi kung sino sino namang jinojowa ni Sofia basta sikat jojowain niya

"Kumain kana nga lang jan" Sabi ko

Pumasok na kami pero magkahiwalay parin kami bukas yon magclassmate na kami ulit.

Pagpasok ko ng room maingay ang lahat tapos tumabi na ako kay Eros na busy na nagbabasa hindi manlang niya napansin na dumating ako.

Nagsimula na ang klase at nagbigay yung prof namin ng isang activities na dalawang tao isang activity kaya tinapos namin yon ni Eros

"Sino na yung naka discover sa Electricity?" tanong ko kay Eros habang nakatingin siya sa activity sheets.

" Benjamin Franklin " Maikling sabi niya

"Ah kilan na di------"

"It's 1751 and Thomas Edison invented an incandescent light bulb that could be used for about 40 hours without burning out." Sabi niya tumingin pa siya sakin tumango nalang ako kasi sinagot na niya yung huling tanong na nasa actsheets

"Hehe thanks" nahiya pa ako pero okay lang.

bigla namang nagpadismiss yung prof namin niligpit na namin yung mga gamit ko nang kukunin ko na yung bag ko nagulat ako ng nagsalita si Eros

"Shall we have a lunch again ? my treat?" nakatingin niyang sabi sakin nagulat naman ako. Ako? niyayaya niya.

"Ah ano kasi eh oka----"

"It's okay if no" sabi niya tapos kinuha na niya yung libro niya

"Ah hindi i mean kasi pwede naman kaso kasama bestfriend ko" sabi ko tumango naman siya tapos nag lakad na papalabas sumunod nalang ako sakaniya. Ganun nanaman pinagtitinginan nanaman ako kasi kasama ko si Eros kaya nakayuko nanaman ako.

Kumakain kami nila Eros ,Shella, ako. Magkatabi kami ni Shella tapos kaharap namin si Eros. Tumingin ako kay Shella nakatitig lang siya kay Eros kaya siniko ko siya napatingin siya saakin

"Kumain kana kaya masyado kang OA tumingin sakaniya" Sabi ko kaya sumubo pero nakatitig parin kay Eros napahawak nalang ako sa noo ko

"Hi sis" Nagulat ako ng umupo si Sofia sa tabi ni Eros napatingin pa sakaniya si Eros

"Gusto ko sana makasabay yung sis ko kumain para makabonding lang alam niyo yon hehe pwede ba?" tanong niya pero nakatingin siya kay Eros.

Padabog na binaba ni Shella yung mga kutsara niya at uminom ng tubig walang nagsasalita sakanila kahit si Eros na para bang wala siyang katabi kaya ako nalang yung nagsalita

"Ah sige okay." sabi ko

"yieheeyy tara kain na tayo namiss din kitang makasama kumain dito ng lunch eh " sabi ni Sofia sakin

"Duh never pa nga kayo nagsabay kumain ng lunch eh" bulong ni Shella kaya siniko ko siya kaya napatigil siya

"Haha ito oh gusto mo ba to Chocolate cake alam ko favorite mo to Sis" sabi ni Sofia

"Eh dairy yan eh allergic siya jan " singit ni Shella siniko ko nanaman siya. Napatingin sakin si Eros pero kumain nalang uli.

"Bilhan ko nalang kayo ng tubig wait niyo nalang ako dito." sabi ko

"I'll go with you " sabi ni Eros nagulat ako ng tumayo rin si Sofia

"Samahan ko na kayo" sabi ni Sofia nagulat ako ng pilit na pinaupo uli ni Shella si Sofia

"Hindi na Sofia kaya na nilang dalawa yan saka di ka nila kailangan " Sabi ni Shella.

Naglakad na kami papuntang cashier. Ewan ko habang bumubili kami ng bottled water para akong nanghihina sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko kayang makipag eye contact sakaniya kasi nakatingin lang siya saakin bawat galaw ko nakatitig lang siya saakin. Nahihiya akong tumingin sakaniya huhu

"Tara na" tumingin ako saglit sakanya tapos nauna na akong maglakad pagkarating namin don ang lapad ng ngiti ni Sofia kay Eros pinatong niya na yung mga tubig at umupo narin sa tabi ni Sofia

"Btw Savina " sabi niya tapos tumingin ako notebook? colorpink? barbie?

"Galing ba to kay Emily?" sabi ko tumango namna siya

"Wow! paki sabi salamat ang cute naman hehe" sabi ko

"Bakit barbie haha siguro isip bata ka parin or yung nag bigay niyan isip bata hahaha" Tumatawa tawa pang sabi ni Sofia nagkatinginan naman kami ni Shella alam niyang sa kapatid na bata yan ni Eros. Tumigin si Eros kay Sofia

"It's from my sister and she's six year old. Do you have any problem with that?" deretsong sabi ni Eros napalunok naman si Sofia

"Ah eh haha malapit na yung class natin tara na Eros baka malate pa tayo hehe" Pag iiba ko ng usapan tumayo na ako kasi iba na yung tingin ni Eros kay Sofia

"Sige tara na Eros, Kita nalang tayo sa room bukas at Sofia maya sa bahay nalang hehe" Sabi ko tumayo na ako tumayo narin si Eros pero parang sinamaan niya muna ng tingin si Sofia bago tumayo naglakad na siya at sumunod nalang ako.

Nakakakaba hirap mag sama sama si Shella, Sofia, Eros.