webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Umum
Peringkat tidak cukup
27 Chs

Chapter 20: Afraid

Chapter 20

Belle

Tiningnan ko muna ang malaking gusali na nasa harapan ko ngayon bago pumasok sa loob. Kaagad akong binati ng guard na siyang binati ko rin pabalik.

Napatingin ako sa malaking wall clock sa lobby bago napailing. It's already 2pm, paniguradong absent na ako ngayon kaya itutuloy ko na lang rin.

Agad kong tinahak ang hagdan paakyat sa 3rd floor ng building kung saan matatagpuan ang condominium ni Peter. I walked up to his door and knocked on it.

"Peter?"

Nakailang katok at tawag na ako pero wala akong nakukuhang sagot mula sa loob. The door is locked too.

Napagpasyahan kong kunin ang susi ko sa loob ng bag at ipasok iyon sa doorknob. Marahan kong binuksan ang pinto ng kanyang condominium apartment bago isara 'yon.

We used to celebrate our birthdays here, instead of bars or other places.

Kaagad kong kinapa ang switch sa may gilid ng pader para lumiwanag. Pagkabukas ay bumungad na kaagad sa akin ang mga nagkalat na gamit sa sala. Kaagad akong napanganga sa mga nakita.

Ruined picture frames, shattered pieces of glass and other things are on the floor. It looks like someone broke in or it is forcely scattered by someone.

Namataan ko ang nakabukas na pinto 'di kalayuan sa akin. Dalawa ang kwarto rito at ito lang ang tanging nakabukas. Naisipan ko na lapitan at silipin kung sino man ang nandoon sa loob.

Kaagad kong itinulak ang pinto para mabuksan iyon, bumungad sa akin ang mabahong amoy ng alak at ang madilim na loob ng kwarto. Pero dahil sa ilaw na nanggagaling sa sala ay naaninag ko ang bulto ng isang tao na nakahandusay sa sahig malapit sa malaking kama. My eyes widen from what I saw. I rushed towards it and found out that it was Peter. Tinapik-tapik ko ang pisngi nito, but he has no respond.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi katulad sa sala na kalat-kalat ang gamit, nasa maayos itong pwesto. Ngayon ko lang napansin ang ilang bote ng alak na nagkalat sa sahig at ang ilan dito ay hindi pa nabubuksan.

Kailan pa siya natutong maglasing?

I turned my gaze to Peter when I heard him groaned. He slowly open his half-asleep eyes and meet mine.

"Hi, Belle." He uttered, grinning.

I shut my eyes close and heaved a sigh of relief. Akala ko patay na. Ano ang pumasok sa utak ng tao na 'to at nagawa niyang maglasing?

He drinks but he never get drunk, alam ko na alam niya ang limitasyon niya pagdating sa alak. At this time, I know he wants to be completely wasted.

"Peter, get up." I grumbled, patting his reddened cheeks.

Itinaas nito ang dalawang kamay niya para hawakan ang mukha ko. My body stiffened. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin ang mga lasing niyang mga mata. His eyes looks sad.

"What if, I let myself before? Did things go different now?" I frowned.

Ano bang sinasabi niya? Epekto ba ito ng alak? Ganito siguro kapag nalalasing ang tao, kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig nila. It's weird.

Tinanggal ko ang kamay nitong nasa magkabila kong pisngi bago siya dahan-dahan na inupo. Mabuti na lang at nakipagcooperate siya at natulungan ko siyang makatayo.

I heard him groaned when I throw his body on the bed. Nakasayad pa ang isa niyang paa sa dulo ng kama. Iiwan ko na sana siya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis.

"Huwag mo akong iwan, please?" He begged.

"Hindi naman kita iiwan, tumahimik ka diyan." Ani ko.

Marahan niyang binitawan ang kamay ko para ipatong ang kanyang braso sa ibabaw ng dalawa niyang mata. Narinig ko ang malalim niyang paghinga.

"I don't want this pain, I didn't ask for this." He whispered.

Napailing na lang ako sa narinig bago damputin ang ilang bote ng alak na nasa sahig. I will clean the place first before him. Makapaghihintay naman siguro ang lasing.

"Iinom-inom, hindi naman pala kaya." I muttered.

Pagkatapos maglinis sa loob ng kwarto ni Peter ay sa sala naman ako nagtungo. Kaagad akong nairita sa nakita na lilinisin. Do I really need to clean this awful mess he made?

"Kapag talaga nagising iyong demonyo na 'yon, magpapalibre ako lahat ng pagkain na gusto ko."

Napapunas na lang ako ng pawis pagkatapos kong malinis ang sala. Dumiretso ako ng kusina at naghanap ng pwedeng iluto para sa lasinggero ng taon.

May iilang ingredients sa loob ng fridge na pwede kong magamit. I hope this is enough to make a presentable soup. Inalala ko ang mga itinuro sa akin ni Silvia sa pagluluto at kaagad na ginawa iyon.

---

"Hoy, tayo. Kakain ka."

Naabutan ko na nasa ganoong posisyon pa rin siya simula ng iwan ko. Masyado ba siyang lasing para hindi man lang humiga ng maayos?

Napabuntong-hininga ako. Inilapag ko ang dalang tray na may lamang isang bowl ng soup, tubig at gamot sa gilid ng kama. Lumapit ako sa harap ni Peter at napameywang.

Paano ko ba bubuhatin ang mamang 'to?

Saglit akong nag-isip bago umakyat sa ibabaw ng kama. I will pull him and that's brilliant plan. Kaagad kong hinila ang dalawa niyang braso at halos maputulan ako ng hininga sa ginawa. Mabuti na lang at matiisin ako at nagawa ko siyang ihiga ng maayos sa kama.

"Peter, wake up. You need to eat." Naalimpungatan ang gwapo niyang mukha bago napatingin sa akin. Ngumisi muna siya bago dahan-dahang umupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Belle," He paused. "Anong ginagawa mo rito?"

I snorted. Ginambala ako ng demonyo na 'to tapos ngayon ay tatanungin ako kung anong ginagawa ko sa condo niya? Does he really want to get a punch?

"Are you kidding me? You're the one who called me that you needed my help and you're asking me what I am doing here?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya habang magkasalubong ang kilay ko at masama siyang tinitingnan.

Napailing na lamang ako. "You know, nevermind."

Napatayo ako sa inis na biglang naramdaman. Hindi pa ako nakakaalis sa kinatatayuan ko ay may humila na kaagad sa akin dahilan para mapatili ako at masubsob sa isang matigas na bagay.

Kaagad kong naamoy ang pinaghalong amoy ng alak at ang mabangong pabango ni Peter. Naramdaman ko kaagad ang paglibot ng kanyang maiinit na braso sa bewang ko.

"I'm just kidding, pikon ka naman agad." Mahina pa itong tumawa na siyang inirapan ko lang.

"Eh, gago ka pala. Alam mo ba ang ginawa kong paglilinis ng mga kalat mo? Tapos, mabubungaran ko 'yang nakakabaliw mong tanong? Leche." Tumawa na naman ito pero hindi na nagsalita.

It's weird. My heart didn't beat fast like the way it used to be when I'm near to Peter. Hindi ako nakaramdam ng kaba na madalas nangyayari kapag kausap ko siya. Parang normal na lang ang lahat.

Ibig sabihin ba nito ay wala na siyang epekto sa akin?

Ilang segundong yakapan ang lumipas bago ko pinalo ang braso niyang nakayakap pa rin sakin. Pero imbis na tanggalin ay hinigpitan niya pa iyon lalo.

"Alam mo ba'ng amoy alak ka? Tapos wagas pa kung makayakap ka. Let go of me." Pagpupumiglas ko.

"I know, gusto ko lang mahawa ka sa amoy ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya buong lakas akong kumalas dito. Lumayo ako rito bagi tumayo ng tuwid.

"Ganyan ka pala kapag nalalasing? Kumain ka na nga lang, oh." Inabot ko rito ang tray na agad din naman niyang kinuha para ipatong sa ibabaw ng kanyang hita.

Nakita ko ang ngiti na sumilay sa labi niya at ang nakapagtataka lang ay hindi na ako namamangha roon. Hindi katulad noon, na kapag nakikita ko ang once in a blue moon niyang ngiti ay sinusulit ko iyon. Para kasing ang bawat pagngiti niya ay may bayad. Hindi katulad ni Rhonin na laging nakangiti.

Shit! Bakit siya ang naisip ko ngayon? Hindi naman dapat na ikumpara ko si Peter kay Rhonin. Leche, what I am thinking?

Nabatid niya siguro na pinapanood ko siya kaya kaagad na nabaling sa akin ang atensyon niya.

"Why? Is there something on my face?"

I looked away. "Wala, kumain ka na diyan."

Nagsimula na niyang kainin iyong ginawa kong sopas. Napatango-tango pa siya na parang nasasarapan sa kinakain.

"I didn't know that you are a great cook. This is good." He commented.

Napangisi ako. "May lason kasi 'yan, kaya masarap." Pagbibiro ko na mahina niya lang na tinawanan.

"Bakit ka ba kasi naglasing? Tapos hindi mo pala kaya." I snorted.

Dahil sa narinig ay umigting ang panga niya at nagdilim ang kanyang mukha. Para bang nawalan siya ng gana sa kinakain. Binaba niya ang hawak na kutsara bago uminom ng tubig at ilang beses pa lumunok.

"Wendee rejected me."

Nagulat ako sa sinabi niya bago napakunot ang noo ko. Did I hear it right? O nabibingi lang ako. Baka naman lasing pa rin 'to si Peter?

"Alam mo, gutom lang 'yan. Kumain ka na diyan para mawala na 'yang amats mo." I faked a laugh as a response.

"I'm sober, Belle." Seryoso niyang sabi habang nakababa ang ulo niya at nakatingin lang sa bowl.

I sighed. Ano ba ang nangyayari sa kanila? "Eat first, then we'll talk. Okay?" Marahan siyang tumango bago nagsimulang kumain ulit.

Napailing na lang ako sa nalaman bago lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko ang sofa at binagsak ang katawan doon. It feels like my body is drained physically and emotionally.

Kinuha ko ang bag ko na nasa ibabaw ng lamesa bago halungkatin iyon. Inilabas ko ang cellphone ko at nadismaya na 3% na lang ang battery percentage ko. Naabutan ko ang sampung messages na nasa home screen.

6 messages from Rhonin.

2 messages from Silvia

2 messages from Dawn.

Bago ko pa mabuksan ang mga messages ay bigla na lang nagblack screen ang cellphone ko. Napailing na lang ako bago iyon binalik sa bag, icha-charge ko na lang siguro pagka-uwi.

Tumayo ako at pumunta ng kusina para kumain, mag-a-alas-sais na rin ng gabi at hindi pa rin ako kumakain. Pagkakain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan at dumiretso sa kwarto ni Peter. Naabutan kong tulala ito at parang ang lalim ng iniisip niya.

Napailing na lang ako bago isara ang pinto sa likod ko. Lumapit ako sa kama at lumubog iyon ng sumampa 'ko roon. Tulala pa rin siya.

Lumapit ako sa tabi niya at pinitik ang kanyang ilong. Doon pa lang siya napatingin sa akin at hindi man lang nasaktan sa ginawa kong pagpitik sa ilong niya.

"H-How long have you been here?" Umayos siya ng pagkakaupo. Napataas ang kilay ko sa tanong niya

"Spill the tea, Pete." He smiled sadly at me and I know that it's not a genuine one.

He sighed before patting his side, sign that he wants me to sit beside him. Kaagad akong lumapit sa tabi niya at sumandal din sa headboard ng kama.

When we're still kids, we used to sleep together in one bed. Dreaming and talking about our dreams in life. Nahinto iyon ng highschool kaya naman parang nakakapanibago na kasama ko siya ulit sa iisang kama.

Bahagya akong umayos ng pagkakasandal nang ibinaba niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga sa aking tabi.

"Wendee doesn't want me in her life anymore." He murmured. Muntik ko nang hindi marinig iyong sinabi niya kung hindi lang siya malapit sa akin.

Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang magpatuloy.

"We came in her house to become legal for her parents but Tita Gwen, shouted at us. She doesn't want me for her daughter. Dee told me everything, Tita Gwen make her choose. It's either me or her suicidal mother." He paused for a deep breath.

"I told her that we can be in a secret relationship if she's thinking about the approval of her mother, but she didn't think for it. Tinulak niya ako palayo, Belle. I want to fight for her, with her, but she didn't let me. I understand her mother, but I can't accept the fact that she didn't fight for us."

Naramdaman ko na ang mahinang pagyugyog ng balikat niya kaya hinayaan ko lang ito. Hinawakan ko na lamang ang kamay niya. I don't know what to say. Natatakot ako na kapag nagsalita ako ay may masabi akong hindi maganda na pwedeng magpalala ng sitwasyon niya. I'll just be here to be his crying shoulder.

Sometimes, silence can be a great advice for those who need someone to listen to them. Or you can just simply be with them when they need someone to lean on.

Hindi mo kailangang magsalita para mapagaan ang loob nila, kasi kahit na anong mangyari hindi mo sila maiintindihan kung wala ka sa posisyon nila.

Nasa ganoong posisyon kaming dalawa nang dalawin ako ng antok. Hindi ko alam kung anong oras na ako nagising.

Namulat ako na nakahiga na sa kama. Napatingin ako sa katabi ko at napakaamo ng mukha nito habang mahimbing ang pagkakatulog. Nakatagilid ito paharap sa akin habang nakaunan ako sa kaliwang braso niya at nakayakap ang isa niya pa na kamay sa bewang ko.

Nakapagpalit na ito ng damit at hindi na amoy alak, nanunuot na sa ilong ko ang mabangong amoy nito.

Binalak kong igalaw ang braso ko para maabot ang braso ni Peter. Pagkahawak ko pa lamang sa braso niya ay narinig ko na kaagad ang namamaos niyang boses.

"You're awake?" He mumbled.

Napatingin ako sa kanya at namutawi sa labi ko ang ngiti. Ang gwapo talaga nito ni Peter tuwing bagong gising. Nakapikit ang kanang mata nito at nakatingin sa akin ang isa. Mukhang naalimpungatan siya.

"What time is it?" I asked. Imbis na sagutin ako ay mas hinigpitan niya lang ang yakap sa akin at mas pinalapit ang katawan namin sa isa't-isa.

"Let's sleep more, please? It's still 2am." Aniya.

"But I need to go in our dorm, baka nagaalala na sila Dawn sa akin." Mahinang sabi ko.

"I already called them, don't worry."

Napahikab pa ako bago ipikit ulit ang mga mata ko para matulog. Hindi naman ako nabigo at kaagad na nakabalik sa mahimbing na pagtulog.

Nagising na lang ako kinaumagahan na nasisilaw sa sinag ng araw. Napamulat ako at napatingin sa tabi ko pero wala na akong naabutan doon. Marahan akong bumangon at kaagad na nagkusot ng mata.

Mabuti na lang, sabado ngayon at wala akong klase. Kung hindi, baka hindi na naman ako makapasok dahil sa late na ako.

Tumayo na ako sa kama para iligpit iyon. Kumuha ako ng damit ni Peter sa cabinet at nagpalit bago naghilamos, may extra na sipilyo rito at iyon rin ang ginamit ko. Pagkalabas  ng kwarto ay nanuot kaagad sa ilong ko ang mabangong amoy ng hotdog na nanggagaling sa kusina.

Nagmartsa ako papunta roon para maabutan ang nakatalikod na lalake sa akin. Nakasuot ito ng puting T-shirt at nakaboxers lang habang may nakasabit na headphones sa tainga nito.

Sumandal ako sa hamba ng pintuan at pinanood lang siya. Mahina akong napapatawa dahil sumasayaw siya, nagawa pang kumembot. Ilang minuto siyang sumasayaw nang matapos sa pagluluto, pagkaharap niya sa akin ay bumakas na sa mukha niya ang gulat.

Napangisi na lang ako bago nagmartsa patungo sa lamesa at umupo sa harapan niya. Siya naman ay inaayos ang mga plato sa harapan ko at nilalagyan ng kanin ang plato ko.

"Tama, pagsilbihan mo ko." Nakangisi kong sabi na tinawanan niya lang.

Tahimik kaming kumain at walang nagsasalita hanggang sa matapos kami sa pagkain

"Thank you for last night."

Napatingin ako sa kanya. Matipid siyang nakangiti sa akin at hindi katulad kahapon, wala na ang kalungkutan sa mga mata niya. Minsan ko lang iyon makita kaya inaalala ko kaagad. Madalas kasi na walang emosyon ang mukha niya kaya nakakabisado ko kaagad ang iilang emosyon na napapakita niya.

"Okay ka na ba? I will stay here pa, if you want." Nakangiting sabi ko pero umiling lamang siya sa akin.

"Kailangan mo ng umuwi sa dorm mo, Silvia called me a while ago, she wants me to bring you later. She's worried you know? She can't call your cellphone, she said." He mentioned while sipping on his coffee.

"Na-low battery ako kahapon, akala ko kasi makakauwi ako kaagad kaya hindi na ako nag-abala na i-charge." Dahilan ko. Napailing na lang siya sa sinabi ko bago tumayo at nagligpit ng pinagkainan namin.

Tumayo na rin ako at nagpunta na ng kwarto para maligo at magbihis. I put some powder on my face and pat a little bit of liptint on my cheeks and lips. Lumabas na ako pagkatapos.

Naabutan ko na prenteng nakaupo sa sala si Peter, nakabihis na ito ng isang V-neck shirt at khaki shorts. Nakatulala ito sa malaking T.V na nasa harapan niya. I sighed. Hindi pa nga siya okay. I know he needs someone, pero hindi niya 'yon sasabihin.

He's not really a showy person.

Lumapit ako sa harap nito at tinapik ang pisngi niya. "You okay?"

Napatingin naman siya sa akin bago umiling at malalim na napabuntong-hininga.

"Not really, but I can get through this. Don't worry, I'll be okay." He smiled but it didn't reached his eyes.

Matipid na lang akong napangiti bago nauna nang maglakad palabas ng condo. Silence filled the air until we get to his car. Nakakabinging katahimikan.

Hanggang sa byahe ay tahimik kaming dalawa at hindi na ako nagsalita pa. Pagkarating sa loob ng Asterin ay hininto niya ang kotse sa parking lot. Sa huling pagkakataon ay hinarap ko siya.

"You sure you'll be okay? You know, I can help." He show a little smile on his face as he runs his fingers through his hair.

Umiling siya sa akin at pinatong ang kamay sa ibabaw ng ulo ko para guluhin iyon.

Kung dati rati ay naiinis ako sa tuwing gagawin niya iyon, ngayon ay hindi na.

"I'll be okay, Belle. I'm Peter Pan, right? I can fight and defeat Captain Hook." He exclaimed. Napangiti ako sa sinabi niya habang napapailing.

"But, I'm Tinkerbell. You can't fight him without my pixie dust, right?" Nangaasar kong sabi na inirapan niya lang.

"I can do this, my Tinkerbell. Now go, spread your wings and fly away." Winasiwas pa nito ang kamay niya sa mukha ko na para 'bang pinapaalis ako. Napasimangot ako sa ginawa niya.

Bumaba siya ng kotse at binuksan ang katabi kong pintuan para pababain ako. Wow, gentlemen. Napairap ako ng maglahad siya ng kamay para hawakan ko sa pagbaba. Wala naman akong alinlangan na kinuha iyon.

"Pagkarating mo sa condo mo, kumain ka, ha? 'Wag ka papalipas ng gutom." Paalala ko. Sinaludahan niya ako bago kami nagpaalaman sa isa't-isa.

Nakatanaw ako sa papalayo niyang sasakyan hanggang sa mawala iyon sa paningin ko.

I hope he he'll be okay. I know Peter, kahit na nahihirapan na siya hindi niya sasabihin iyon. Maybe, I can talk to Dee later.

"So, kasama mo siya buong gabi?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang malalim at baritonong boses sa likod ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Humarap ako rito at nakita ang walang kaemosyon-emosyon na mukha ni Rhonin. I didn't get used to his poker-faced, sanay ako na lagi siyang nakangiti sa akin. I used to his bubbly face, not this mad one.

Hindi ko alam pero, bigla na lamang akong inatake ng kaba sa dibdib ko. Parang may nagawa akong isang kasalanan sa kanya na hindi ko alam kung ano. Natakot ako bigla na baka magalit si Rhonin sa akin dahil nakita niya akong bumaba sa kotse ni Peter.

Why am I afraid of him suddenly?

---