Chapter 2
Belle
"Wake up, Ladies!"
Naalimpungatan ako sa maingay na boses ng isang babae. Agad kong kinapa ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa na katabi lang ng higaan ko.
4:30 am.
Kahit na naantok pa ay tamad na tamad akong bumangon sa kama ko ng makitang palapit na sa akin si Silvia na may hawak na walis tambo.
"Akala ko makakaisa pa akobng hampas sayo Belle bago ka gumising, eh."
Bumaling naman siya sa itaas ng kama na kung saan matatagpuan si Dawn.
"Madaling araw, tumayo ka na dyan. May klase pa tayo." Gising ni Silvia kay Dawn.
Tumayo na ako at agad na naghanap ng kape. I can't leave this room without drinking a cup of coffee. I feel like this is my energy drink every day.
Umupo ako sa sofa habang tinitignan si Silvia kung paano ma-stress sa kakagising kay Dawn at Rosé. Sa aming lahat ay si Dawn ang pinakamahirap gisingin next to me.
This will be the first day of school for our second year in Asterin University, one of tye biggest and famous university in our town. Panibagong semester and panibagong pagsubok para sa aming apat.
Dito rin nag-aaral si Peter, taking up Computer Science. Madalas siya ang katulong ko sa mga projects ko before we graduated the Senior high school.
Actually. I'm not really good at academics.
That's why I always needed his help in everything. Wala naman siyang reklamo doon. He is always the top student in his department , plus he is the president of Gazette of Asterin. The official publication of this school.
But I know that this day with Peter will not last, he's going to court Dee. I should stand up on my own now and don't depend on any person anymore.
Tumayo ako sa sofa nang maubos ko ang coffee na iniinom ko. Nakita ko na tamad na tamad tumatayo si Rosé sa higaan niya samantalang si Dawn ay hindi natitinag sa boses ni Silvia at nagawa pang magtalukbong ng comforter.
"Isa, Dawn Sanchez. Kapag ikaw hindi pa tumayo dyan after I count to five. Sinasabi ko sayo, wala kang lunch sa akin mamaya---"
Natawa na lang ako ng biglang tumayo sa kama si Dawn at dire-diretsong nagtungo ng CR.
Kapag usapang pagkain ay hindi aayaw si Dawn. Madali siyang kausap if it's all about food.
Nilagay ko lang sa kitchen sink ang pinaginuman ko ng kape bago kinuha sa cabinet ang plantsadong uniform ko. It is a white long sleeves polo with linings of blue and red, matches with blue necktie. Also, a red pencil skirt. All courses have the same uniform. Ang pinagkakaiba lang namin is yung lanyard ng ID namin which defines our courses. I've been wearing a black lanyard.
Dahil sa dalawa ang CR namin ay nagtungo na ako doon at nagsimulang maligo. Kumakain pa naman si Rosé at busy pa sa pagluluto si Silvia ng lunch namin. Ganito ang magiging routine namin araw-araw dahil sa nagsimula na naman ang klase.
Halos lahat kami ay nakaayos na at si Rosé na lang ang hinihintay dahil nagme-make up pa ito. Nakaupo ako sa sofa nang marinig kong magring ang cellphone ko na nakalagay sa vanity table.
Tumayo ako at nilapitan iyon para tignan kung sino yung tumatawag.
Peter calling...
Agad ko naman iyong sinagot.
"Yes, Pete?"
"Belle, I'm sorry. Hindi kita mahahatid sa class mo. Nagkaroon ng emergency sa bahay that's why I decided to absent for today. I don't have much time to talk to you in person kaya naman sinabi ko na through phone."
"No, it's okay. Just be careful okay? You're driving?"
"Yeah, thank you. I need to hung up now."
"Okay, okay. Take care, Pete."
"You too."
Ibinaba ko na lang ang telepono nang marinig ko ang patay na linya. Napabuntong hininga naman ako.
Lagi akong hinahatid ni Peter kapag papasok mula pa noong mga bata kami. Ngayon na lang ulit ako hindi mahahatid. Childish isn't it? Sinanay niya ako, e.
Kailangan ko na nga sigurong sanayin ang sarili ko na wala siya.
"Let's go, Belle. Male-late na tayo." Napa-angat ang tingin ko sa sinabi ni Silvia. Kinuha ko na ang bag ko sa ibabaw ng lamesa at nagsimula ng lumabas patungo sa elevator.
Pagkalabas pa lang ng elevator ay halos sabay-sabay na nagsitinginan ang mga kababaihan sa amin.
Rosé is the Queen of Asterin because she was the winner of the schools' pageant last year while Silvia, is the face of our University. Kami ni Dawn ay simpleng estudyante lang.
Hindi ko sila masisisi, Natural na magaganda ang mga kaibigan ko kaya siguro ganito na lang sila pagpyestahan pati ng mga babae.
Dire-diretso lang kaming naglakad palabas ng dormitory at hindi na pinansin pa ang mga estudyante na nadadaanan.
Nang makarating sa arch ay tumigil sila sa paglalakad na siya 'ring nagpatigil sa akin. Naglibot sila ng mata na para bang may hinahanap sila. Tumingin naman sa akin si Rosé.
"Where's Peter? We'll gonna be late."
"I forgot, He can't make it today. May emergency sa bahay nila kaya hindi niya tayo masasabayan ngayon."
Sabay sabay naman silang nagsitanguan at nagsimula na ulit maglakad papasok ng arch.
Pagpakapasok pa lang ay sa amin na ulit ang tingin ng mga estudyanteng nadadaanan namin. May nakikita akong ilang kalalakihan na nagtutulakan pa habang nakatingin sa pwesto namin na siya namang pinaikutan ko ng mata.
Mga lalake talaga, makakita lang ng maganda, naglalaway na.
Napatigil ang pagtingin ko sa paligid ng magsalita si Dawn mula sa harapan.
"Sino maghahatid sayo, Belle? Gusto mo ihatid na lang kita? Since magkalapit lang naman ang building ng Engineering department at IT department."
"Yes, Dawn. Ikaw na lang maghatid sa kanya." Sabat ni Silvia.
"Gusto mo ba talaga akong ihatid or may gusto ka lang makitang tao doon?" Asar ko kay Dawn na siya namang nakapagpapula ng tenga niya. Napatawa naman si Rosé at nangiti na lamang si Silvia.
"H-hindi, ah! G-gusto lang talaga kitang ihatid kasi wala si Peter! 'Y-yun lang yun!" Apela niya.
"Sabi mo, e." Sabay-sabay naming sabi.
Nauna sa amin humiwalay si Rosé dahil nasa unahan lang naman ang building ng DOA o ang Department of Arts. Sumunod kami ni Dawn dahil magkatabi lang ang building namin at ihahatid niya pa ako. Samantalang si Silvia ay maglalakad pa dahil malayo-layo pa ang building ng Culinary Department.
Pagpasok sa loob ay makikita mo na agad ang lobby ng IT department, Halos nakasalamin ang lahat ng estudyante dito. Ang iilan ay mukhang geeks pa.
May tatlong palapag ang IT building na kung saan ang ground floor ay ang lobby at ang faculty. Ang Second floor ay puro computer laboratories at ang panghuling floor ay ang mga lecture room.
Walang elevator dito kaya naman naghagdan kami ni Dawn. Nagkwe-kwentuhan kami kung ano ang pupwedeng hapunan mamaya nang mapahinto si Dawn sa tabi ko.
"Oh, bakit?" Sambit ko.
"Si Fio."
Napatingin naman ako sa tinitignan niyang direksyon at tanaw nga mula dito sa kinatatayuan namin ang nagtatawanang grupo ni Fio sa harap ng classroom ko.
Fiodore Torres. Ang isa sa mga taong kinaiinisan ko dito sa department namin.
Napakayabang at Playboy akala mo kung sinong gwapo.
Well, gwapo naman talaga.
More suprisingly? Siya ang taong nagugustuhan ng kaibigan ko na si Dawn.
Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sa lalake na 'yan, nakalunok 'ata ng kayabangan yan at halos din siguro ng magagandang babae sa Tourism Department ay naging girlfriend niya na! Ganoon siya kababaero. Plus malandi pa siya!
"Dawn? Hahatid mo pa ba ako?" Asar ko sa kanya.
"Yeah, tara na." Naiilang niyang sabi sabay yuko. Nauna pa siya sa akin maglakad.
Hanggang sa makarating sa tapat ng classroom ko ay nakayuko pa din siya. Napatingin naman sa amin ang mga kalalakihan na nakatambay sa harap ng classroom.
Hinarap ko si Dawn para hindi siya makita ni Fio pero nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Fio sa gilid namin.
"Hi, Dawn." Biglang sabi ni Fio. Bakas sa mukha nito ang ngisi.
Ngising manyak.
Lalo pa itong lumapit sa amin at naghiyawan naman ang mga alipores niya sa likod namin.
"H-Hi, F-Fiodore." Nabulol pa si gaga.
Daig pa ni Dawn ang lalake kumilos pero kapag si Fio na ang kaharap niya ay nagiging mahinhin siya.
"What bought you here?" Tanong ni Fio.
Sige, landiin mo pa yung kaibigan ko!
"Ah... Ano... Hinatid ko lang si Belle, wala kasi si Peter. Ah... Ano, Belle. I need to go. Male-late ako sa klase ko." Tumango lang ako at umibis naman siya ng alis. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng demonyo sa tabi ko.
"She's cute." Sambit niya na siya namang nakapagpatingin sa akin sa kanya.
"What did you say?!"
"She's cute but she's too obvious, Halata namang may crush siya sa akin."
Ang yabang talaga!
Tumalikod na siya sa akin at bumalik sa mga kaibigan niyang nagtatawanan na naman. Ano ba ang nakakatawa
Yung pagmumukha niya?
Inis na lang akong pumasok ng classroom at humanap ng mauupuan ko. Pinili kong maupo sa gilid ng bintana sa may dulo para makita ko yung mga taong papasok sa classroom.
Since wala pang masyadong tao ay pinili ko na lang na ilabas ang Cellphone at earphone ko para makapagpatugtog.
Maya-maya ay isa-isa na rin ang pasok ng tao dito sa loob, iyong iba ay nagkekwentuhan na at iyong ibang lalake ay naghaharutan na sa harapan. Hanggang ngayon ay wala pa din umuupo sa tabi kong upuan pero binalewala ko na lang yun kasi hindi naman talaga madalas upuan ang pwestong likod ng mga pabidang estudyante.
Hanggang sa may pumasok na isang babaeng professor ay kanya-kanya namang upo ang mga kaklase ko. Sa isang iglap naging maayos ang mga upuan sa harapan ko.
Inilapag ni Miss ang mga gamit niya sa ibabaw ng lamesa at in-scan kami isa-isa bago pumwesto sa harapan ng lamesa.
She looks like in her mid-20's. Siguro kakagraduate niya pa lang at wala pang ma-applyan na trabaho kaya binalak muna na magturo for working experience.
Base sa pagkakaalala ko ay bago lang ang mukha niya sa akin, bago siguro siyang hire ng school. Per year ay naghi-hire ang school ng new teachers at pinapadala sa Industry ang ibang teachers to give way for others.
"You know the drill, students. Since ito ang first day for your second year ay kailangan niyo pa ring i-introduce ang mga sarili niyo. Walang kasawaang 'Introduce yourself' tayo ngayon."
Kanya-kanya namang angal ang mga kaklase ko. Pati ako ay napa-angal na din sa isip ko.
Ano ba kami? Mga highschool students?
"Who wants to go first? Ako or kayo? Choose." Humukipkip naman siya sa harapan namin sabay sandal sa lamesa.
"Kayo, Miss!"
"You first!"
Kanya-kanya namang sigaw ang mga kaklase ko at tinuturo na si Miss muna ang magpakilala.
"Ako? Sige ako ang masusunod. Kaya kayo muna. Starts with you."
Sabay-sabay naman na nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin nang ituro niya ako.
Shit.
Bakit hindi ko naalala na lagi pala inuuna ng mga bagong Professors ang mga tao na nasa likod?!
Nagawa ko pang ituro ang sarili ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Miss na parang sinasabi niyang 'Sino pa ba?' Nakapagmura ako sa isip ko ng ako nga talaga ang mauuna. Bakit kasi kailangan pa na mag-ganito e!
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang uniform ko na medyo nagusot. Namataan ko pa na nakangisi sa akin si Fio.
"Ahm... Ano..." Shet! Bakit bigla wala akong masabi?! Introduce your name first Arabelle!
Magsasalita na sana ako ng may marinig kaming katok mula sa labas ng pintuan.
OMG! Save by the knock! Oo, by the knock, dahil sa katok na yun naudlot ang pagpapakilala ko.
Sumenyas naman sa akin si Miss na saglit lang bago siya magtungo sa harap ng pintuan para buksan ito. Hindi niya ito tuluyang binuksan at nakabukas lang ito ng kaunti habang sinisilip ang tao sa labas.
Ilang sandali pa ay isinara ni Miss ang pintuan at bumalik sa harapan namin. Sinenyasan niya akong umupo muna at iyon naman ang ginawa ko.
"Since may bago tayong transferee ay siya muna ang magpapakilala. Then, you're next, Miss." Sabi niya habang nakatingin sa akin.
At dahil may bintana naman na maliit ang pintuan namin ay sumenyas lamang siya dito at bumukas na ito.
Pumasok ang isang lalakeng matangkad at masasabi mo pa lang sa lakad niya na isa siyang Adonis.
"Ang gwapo, girl!"
"I want to sit beside him."
Narinig ko ang iilang bulungan sa harapan ko at ang pagkukumpulan ng ulo ng mga kaklase kong babae. Kapag talaga sa likod ako nakapwesto makikita ko kung sino yung mga nagkokopyahan at nagkwe-kwentuhan sa oras ng klase, e.
Hanggang sa makarating sa harapan ang Adonis-- este! Yung transferee ay nagiingay pa din yung mga kaklase ko na siyang nakapagpairita sa akin.
Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Ngayon lang? Ngayon lang?!
"Introduce yourself first, then you can sit down wherever you like." Sabi ni Miss sabay pwesto sa likod ni Adonis.
Wait.
He looks so familiar. Nakita ko na ba siya noon?
"Hi. I'm Rhonin Domingo. You can call me Rhon for short. Nice meeting you all."
Ngumiti siya at tumango kay Miss. Pumalakpak naman si Miss ng isang beses bago niya inilibot ang tingin sa classroom. Bago mag-landing ang paningin niya sa akin.
Nope, not exactly sa akin. Kung hindi sa upuan na nakapwesto sa tabi ko.
"You can sit down now, Mr. Domingo."
Tumango lang siya kay Miss bago inilibot ang paningin sa likod at napatingin naman siya sa upuan na katabi ko.
Naaalala ko na!
Siya iyong lalake sa may coffee shop! Iyong barista, Iyong lalake na nahuli akong pinagmamasdan siya!
Classmate ko siya? Wait? Transferee? So, bago lang siya dito? Obviously, Belle. Kaya nga transferee diba?
Nang makaupo siya sa tabi kong lamesa ay hindi ako mapakali.
Belle, you need to calm down kung ayaw mong makilala ka niya! Pinili ko na lang na yumuko dahil baka maalala niya ako.
"Miss, you can continue introducing yourself now." Narinig ko ang boses ni Miss na siyang nakapagpaangat ng ulo ko.
Nakita ko naman na nakatingin sa akin ang halos lahat ng kaklase ko. I know that he is also staring at me in my pheriperal vision that's why I decided to stand up.
"I-I'm Arabelle Hernandez, 19." Kita ko sa mukha ng mga kaklase ko na naghihintay pa sila ng sasabihin ko pero hindi na ako nagbalak na sundan pa iyon.
Tinignan ko lang si Miss na nagsasabi na 'Iyon lang ang sasabihin ko.' at sa tingin ko ay nakuha naman niya kaya naman nagsalita na siya.
"Okay, next." Umupo na lang ako sabay hawi ng mahaba kong buhok sa gilid para matakpan iyong mukha ko.
Nang matapos ang pagpapakilala ng mga kaklase ko ay nagpakilala na din si Miss. She is Ms. Fiona Lopez and she's actually 28 years old. Hindi halata sa mukha niya ang edad niya.
Our Math teacher for this semester.
Sa totoo lang ay ang galing magturo ni Ms. Fiona at nagawa niya talagang mapakinig ang mga kaklase ko. Nagsusulat ako ng notes sa notepad ko ng marinig namin ang school bell.
Binitawan ni Ms. Fiona ang marker na hawak sa lamesa at humarap sa amin.
"That's all for today, students. We will be having a recitation next meeting so get ready." Inayos niya lang ang gamit niya sabay labas ng classroom.
Matapos ang klase ay kanya-kanya namang alis at kwentuhan ang mga kaklase ko. Nilapitan naman si Rhonin ng mga kaklase kong babae pagkalabas ni Ms. Fiona.
Sinamantala ko iyon para makaalis agad sa classroom dahil kanina ko pa nararamdaman ang titig niya sa akin. Naaalala niya siguro ako. Juice ko naman kasi, Belle. Bakit nagawa mo pa siyang pagmasdan noon, kaya ayan nakilala ka tuloy.
Pagkalabas mula sa likod na pintuan ay inilabas ko ang cellphone ko at nagsimulang magtipa ng message sa Group chat namin nila Dawn habang naglalakad.
"I'm going straight to the Cafeteria. See you there." Dahan-dahan ko iyong sinasabi habang nagta-type.
Hindi ko pa napipindot ang send button ng may humawak sa braso ko. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko na nasa tapat na pala ako ng hagdan. Malapit na akong makaapak sa unang baitang at kung hindi pa ako napigilan ng taong humawak sa akin ay baka nalaglag na ako.
Shit, muntik na.
"You know it's not safe walking while texting, right?" Napalunok ako ng sarili kong laway nang marinig ang boses na iyon at the same time ay medyo nainis.
"Torres." Sabi ko sabay harap sa kanya. Binitawan naman niya yung braso ko at sabay na nagpamulsa.
"You're welcome, Herns." Ngisi niya. Bakas sa boses niya ang sarcasm na siyang nagpairap sa akin. Nilagpasan niya ako at nauna na sa akin bumaba ng hagdan.
Bigla naman akong nakonsensya sa ikinilos ko. Kung hindi dahil sa kanya ay baka nalaglag na ako.
"Thank you." Halos hindi ko na madinig ang boses ko sa hina ng sinabi ko pero natiyak ko naman na narinig niya iyon. Napahinto pa siya sa pagbaba niya ng ilang segundo bago kumaway sa akin habang nakatalikod.
Nagpatuloy lang siya sa pagbaba hanggang sa hindi ko na siya natanaw. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari.
"Rhonin, sabay ka na sa amin kumain ha?"
Napalaki ang mata ko ng marinig ang malalanding boses 'di kalayuan sa akin kaya naman nagmadali na din akong bumaba para hindi niya ako makita.
Pagkalabas ng building ay nakita ko pa na nakasandal sa may gilid si Fio na may kaharap na magandang babae. Nagtatawanan silang dalawa.
Babaero talaga.
Nakita niya ako pero inirapan ko lang siya. Dumiretso na lang ako ng lakad papunta sa Cafeteria.
Dahil lunch time ngayon ay marami-rami na rin ang taong nandito. Hinanap ko sila baka sakaling nauna sila sa akin pero kahit na saan ako tumingin ay wala sila kaya naman naisipan ko na lang na humanap ng mauupuan para sa aming apat.
May nakita naman ako na nakapwesto malapit sa exit ng Cafeteria kaya naman doon na ako pumwesto.
Nilabas ko ang phone ko para tignan kung may mensahe akong natanggap mula sa kanila. I turned on the data and click the messenger icon.
Halos mapanganga ako ng hindi pala nai-send yung chat ko sa group chat namin. Naalala ko na naudlot pala ito i-send kanina dahil napigilan ako ni Fio sa pagbaba ng hagdan.
Dali-dali ko itong sinend at sunod-sunod naman ang mensahe na lumabas mula sa kanilang tatlo.
Dawn: Girls, I can't go with you sa lunch rn. Nag-extend yung Professor namin. Bawi ako later sa dinner natin.
Sil: Me too, mahuhuli ako. Pero kakain naman ako ng lunch. If you can't wait us, Belle. Pwede ka na mauna.
Dawn: Grabe naman sa mauna.
Sil: Sa pagkain kasi, madaling araw.
Dawn: STOP.CALLING.ME.THAT
Rosé: I'm on my way. Re-touch lang ako, Belle honey.
Dawn: Nvm, Roro.
Rosé: What? Palibhasa tomboy ka, madaling araw.
Dawn: I SAID STOP CALLING ME THAT. I'M NOT EVEN A MORNING PERSON.
Nailing na lang ako sa mga pinaguusapan nila. Nag-seen na lang ako pero nakaonline pa din naman. Siguro, hihintayin ko na lang si Rosé dito.
Nilabas ko ang lunch box ko na color green at itinabi dito ang tumbler ko na color green din.
These are both gifts from Peter. Nasabi ko na ba na mahilig siya sa green? Kaya pati ako dinadamay niya sa mga gamit na nabibigay niya sa akin. Minsan nga binabalik ko na lang iyon sa kanya.
Hindi ko naman maibigay sa girls dahil ang weird daw ng kulay na green. Somehow, nahiligan ko na din ang green dahil kay Peter. It's one of my favorite color too.
Hinahalungkat ko ang bag ko dahil hinahanap ko ang spoon and fork ko ng may umupo sa harapan ko. Siguro si Rosé na ito.
"Wait Ro, Nakalimutan ko 'ata iyong spoon and fork ko sa dorm--"
"Nice meeting you here, Ms.Iced coffee." Napatigil ako sa paghalungkat sa bag ko nang may sumingit sa akin sa pagsasalita.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa taong nagsalita sa harapan ko. Muntik ko ng maibuka yung bibig ko dahil sa gulat.
Bakit nasundan niya ako dito?!
Ngumiti siya sa akin, halos mawala na sa paningin ko yung mata niya kasi literal na eye smile yung ginawa niya. Ngiting nakapagpatibok sa puso ko. Napabuntong hininga ako sa naramdaman ko. Ano 'to? Shit.
"Ahm... Hello."
"Are you alone? Pwede ako sumabay sayo sa lunch?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman napatango na lang ako.
Rosé, pakibilisan.