webnovel

Where Our Love Goes

Arabelle Hernandez is inlove with her childhood friend, Peter Theo Pan. Alam niyo yung feeling na ikaw naman 'yung laging nandyan para sa kanya, pero iba pa din ang pinili niya? That's what happened to Belle. Peter chose to court Wendee instead, Belle's girl friend. In Neverland, there are lost boys who are always hanging out with Peter, right? These lost boys are craving for love too. So what if this time, Belle got the chance to be chosen, not only by Peter but one of the lost boys too?

MsCalibear · Umum
Peringkat tidak cukup
27 Chs

Chapter 18: Missing him

Chapter 18

Belle

"I like you, Belle. Hindi ko na kayang itago at iwasan 'tong nararamdaman ko sayo. Sa tuwing iniiwasan ko? Mas lalo lang lumalala."

It's repeating inside my head since he said that to me two weeks ago. It's like a video recorder that has a glitch and always focused on what Rhonin said. Whenever I remembered what I said to him that day, I immediately regrets it all the time.

"Thank you."

Bwiset talaga na bibig 'to! Sa lahat ng sasabihin ay thank you pa!

Pagkatapos ko sabihin iyon ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa dorm at nagtago sa ilalim ng kumot ko. I almost didn't fall asleep that night because of what he said. Kinabukasan ng araw na 'yon ay hindi nakapasok si Rhonin dahil nagkasakit ito.

It's been two weeks since he confessed to me, at the same time, I'm avoiding him. I know that he noticed it everytime our eyes met. I always make excuses every time he tries to talk to me.

Nahihiya ako sa kanya dahil sa sinabi ko at hindi ko din alam ang sasabihin sa kanya kapag nagkausap kaming dalawa. Baka mailang lamang ako sa kanya at magkailangan kaming dalawa. I didn't expect what he said and it's the first time that it's happened to me.

"Belle! You're in the Rank 10! Rank 10!"

Napatingin ako kay Dawn na ngayon ay inaalog na ang buo kong katawan habang nakasigaw. Hindi ko namalayan na napatulala na lang ako at hindi napansin ang mga tao sa paligid ko. Doon ko lang narealize na nasa bulletin board pala kami ng IT department.

"Huh?" Nakangiting inirapan lang ako ni Dawn bago ako hilahin papunta sa mga estudyante at nakipagsiksikan patungong harap.

"Tignan mo! Nasa Rank 10 ka, I'm so proud of you, Belle!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at tumingin sa harap namin.

Tinignan ko ang unang papel kung saan nakalagay ang rankings ng IT Department. Kasama nga ako sa displayed rank 20 ng IT department at ang malala ay nasa rank 10 ako! Nagbunga lahat ng pagpupuyat at pakikipaglaban ko sa mga subjects, pakiramdam ko ang tali-talino ko. Hehe.

"Rank 10? Apo ng may-ari ng school tapos rank 10 lang?"

"She should be ashamed of herself."

"It looks like she didn't even try."

Nagkatinginan kami ni Dawn dahil sa narinig bago siya napairap. Hindi na bago sa akin ang ganyang treatment from these students, apo kasi ako ng Lolo, na siyang may-ari ng school. Every result of the examinations is posted here and this is the first time that I got listed as rank 10.

Last year, I didn't make it to the Rank 20 and got the last place. Nagulat ang lahat dahil malaki ang expectation nila sa akin pero hindi ko 'yon pinansin.

"Sino nagsabi 'non?!" Nagulat ang lahat sa ginawang pagsigaw ni Dawn na nakapagpatahimik sa lahat ng tao na malapit sa amin. Mukhang mapapa-away na naman 'tong babae na 'to. Masama itong nakatingin sa mga taong kaharap namin at kahit na anong oras ay pwede ng manapak.

"Ako bakit?" Parehas kaming napatingin sa babaeng nagsalita sa harapan namin. Nakahalukipkip ito habang nakataas ang isang kilay at masama ang tingin sa akin. There are two girls standing beside her with a same look in their face. Hinawakan ko si Dawn sa kamay para iparating na 'wag na siyang makipag-away at naintindihan naman niya iyon dahil kumalma ang tensyonado niyang mga kamay.

"Paano ka nakapasok sa Rank 10? I'm sure you cheated on the exams because this is the first time you've been listed on the rank 20. Or maybe, you pulled some strings in order to put yourself on the list para hindi ka mapahiya. I pity you, girl." Nakikisimpatya ang mukha nito na halata naman ang pagkakaplastik.

Hindi ko dapat patunayan ang sarili ko sa mga taong narrow-minded katulad niya. Nakakaangat lang ang tao sa paligid niya gagawan na niya kwentong makakasira dito. Crab mentality is really famous nowadays.

I just glared at her while Dawn is holding me in my arm for us to get out of there, but this girl talks again.

"Why are you leaving? Does it mean that I'm saying the truth? You should be ashamed of yourself, Nakakahiya ang Lolo mo, may apo siyang bobo at cheater."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig mula sa kanya. I clenced my fist and turned at her. How dare she talked at me Grandfather like that? I'm always controlling my temper to prevent myself talk nonsense things that can hurt a persons feelings, but when you insult my family? Ibang usapan na 'yon.

"What did you say, bitch?"

I am seeing red. The smirked in her face fades when I rushed in front of her. Napaatras siya at nang hawakan ko siya sa kwelyo ng suot niyang blouse. Nakita ko kung paano ito lumunok at nag-iiwas ng tingin sa akin. Napaatras din ang dalawang kasama nito at parang takot na takot sakin.

"Pinagbigyan kita na siraan ako kanina kahit wala kang matibay na ebidensya sa mga sinasabi mo, tinawag mo akong bobo at cheater pero pinalampas ko 'yon, diba? Ayaw kong patulan yang maliit mong utak kasi ayaw ko bumaba sa level mo. Ang hindi ko lang maintindihan ay kailangan mo pang isama sa paninira mo ang Lolo ko?" Hinawakan nito ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya at pumapalag-palag.

"L-Let go of me!" Natatarantang sigaw nito na nagpangisi sa akin. Binitawan ko ang kwelyo nito at paupo itong bumagsak sa sahig. Nagdadrama pa itong umaray na para bang binalya ko siya.

"Sa susunod, bago ka manira ng tao siguraduhin mo na may ebidensya ka. Paganahin mo yang utak mo, meron ka naman siguro diba?" Tumalikod na ako dito at hinila na si Dawn na nasa gilid ko lang paalis sa lugar na 'yon.

"Akala ko hindi ka lalaban, eh." Natatawang sabi ni Dawn habang nakaakbay ang kaliwang braso nito sa balikat ko at may hawak na ice cream sa kabila.

Kumain muna ako sa ice cream ko bago nagsalita. "You know me, hindi ako pumapatol sa mga ganyan. Okay lang na ako ang kalabanin nila kasi wala sa akin 'yon. Pero kapag taong malapit na sakin ang dinadamay nila, I found myself fighting back."

Nagpatuloy na kami sa pagkain sa binili naming Ice cream at hindi na nagsalita pa. Papalabas na kami ng school at nagbabalak magpunta sa kung saan, wala kasi yung dalawang bruha. May kanya-kanya silang ginagawa dahil malapit na ang iba't-ibang competitions ng school. Wala kaming balak salihan ni Dawn dahil una, tinatamad kami at pangalawa ay tinatamad kami.

Mas gusto ko na lang matulog sa kama ko.

Dahil wala naman mga klase ngayon, Nagpunta na lang kami sa malapit na mall at nagliwaliw. Napadaan pa kami sa isang book store ni Dawn at nagikot-ikot lang doon. May nakita akong isang libro na may magandang book cover kaya binili ko na. Nagtaka nga si Dawn kung bakit ko daw binili iyon kasi sa totoo lang hindi ako mahilig magbasa ng mga novels. Sabi ko na lang na nagustuhan ko ang cover kaya napabili ako. Kumain kami bago bumalik sa school at magikot-ikot.

"May practice sila Rhonin ngayon, ah! Tara punta tayo!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya kaya hindi ako nakasunod sa kanya sa paglalakad. Napansin niya iyon kaya binalikan niya ako sa pwesto ko.

"Tara na, Belle. Magchi-cheer tayo doon, cheer natin si coach." Natatawa niya pang sabi bago ako hilahin gamit ang pagkakaakbay niya. Tumigil ako sa paglalakad at inalis ang pagkakaakbay niya.

"Sa iba na lang tayo magpunta, baka busy sila. Kay ano.. Kay Silvia na lang tayo manood." I smiled awkwardly. Panigurado ako sobrang peke ng ginawa kong pagngiti sa harap ni Dawn. Napataas ito ng kilay.

"Anong kay Silvia? Banned na tayo sa kitchen, remember? Kung hindi mo kinain yung cake na ginawa nila dati para sa project ay hindi sana tayo maba-banned doon." She snorted.

"Aba! Ako pa! You're the one insisted that I should eat the cake, syempre kinain ko. Gaga 'to."

"Ako ba? Nakalimutan ko na." Inirapan ko lang ito at nauna nang naglakad. Balakko na lang pumunta sa mga gazebos para doon tumambay, kahit saan basta 'wag lang sa gym dahil panigurado nandoon siya. Naramdaman ko lang naman na sumunod siya sa akin at inakbayan na naman ako.

"Bakit ayaw mo sa gym? Narinig ko kanina, nandiyan daw ang Ecoast Jaguars ng Ecoast University, eh." Napatingin tuloy ako kay Dawn. "You mean, Zawn is there?" She smirked and devilish smile appeared on my lips.

Zawn is Dawn's little brother. Kabilang ito sa Basketball group ng Ecost, mas bata lang ito ng isang taon sa amin. Hindi ito nag-aral sa Asterin dahil daw nandito kaming mga kaibigan ng ate niya. Paano ba naman, lagi naman siya inaasar kapag magkakasama kami. Asar talo pa naman yung isa na 'yon.

Nang akma na akong hihilahin ni Dawn ay pinigilan ko ito. Lukot na ang mukha nito at alam ko na kanina pa ito naiinis sa akin.

"Mamaya na lang tayo magpunta or we can meet Zawn na lang?" Nag-iwas ako ng tingin ng taasan ako nito ng kilay. Hinarap ako nito bago ako tignan ng mapanuri.

"Ikaw, Belle. May tinatago ka ba sakin?" Yung paraan ng pagkakasabi niya ay parang 'sasabihin mo lagot ka sa akin'. Napalunok ako bago umiling.

"W-wala! Tara na nga, kung ano-ano naiisip mo." Hinila ko na ito baka may masabi na naman at mapaamin na talaga ako.

Ayaw ko muna sabihin kay Dawn.

"Teka lang, Dawn. Dito na lang kasi tayo sa itaas ng bleachers." Naghihilahan kami ni Dawn dito sa may baba ng bleachers at halos manakit na ang wrist ko sa kakahila niya sakin. Pinipilit niya na sa pwesto na lang daw kami ng Ecoast umupo pero hindi ako pumapayag.

"Ililibre kita ng Iced coffee mamaya kaya tara na." Hinila pa ako nito.

Wala na akong nagawa ng hilahin niya ako sa gilid ng court para makadaan papunta sa left side ng court kung nasaan ang basketball team ng Ecoast. Sa right side naman ng court ay nakapwesto ang Asterin. Nanatili lang akong nakayuko para hindi ako mapansin.

"Bunso!" Sigaw ni Dawn bago sabay hila sa akin patakbo sa bleachers ng Ecoast.

Pagkaangat ko ng ulo ay nakita kong masamang nakatingin sa amin si Zawn habang may hawak na tumbler sa kanyang kaliwang kamay. Napatingin naman sa amin ang nagwa-gwapuhan na kalalakihan sa pwesto ni Zawn nang marinig ang sigaw ni Dawn.

"Hey, Dawn-girl!" Sigaw ng isang nakamaroon na shirt at may blonde na buhok.

"Gumaganda ka Dawn, pwede ka na ba ligawan?" Nagsitawanan sila sa tanong ng isang lalakeng may brown na buhok at may mga asul na mga mata.

"Gusto mo matamaan sakin, Acosta?" Tumaas naman ang dalawang kamay noong tao na tinawag niyang Acosta. Ito naman ang napatingin sa gawi ko.

"Who's that with you? Pakilala mo naman kami, Dawn." Ngumisi pa sa akin iyong Acosta ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay.

"This is Belle, and Belle, these is my dogs." Napahalakhak naman si Dawn sa huling sinabi niya pero walang nagsalita sa mga kalalakihan at masamang tingin lang ang ibinato nila sa kanya.

"Walang hiya ka, Dawn."

"Hindi na kita ililibre ng ice cream."

Mukhang kilala ni Dawn ang mga ka-team ni Zawn kaya kaclose na niya ito kaagad. Nagpaalam ito sa akin at nagpunta na sa gitna ng mga kalalakihan. Napapangiti na lang ako ng marinig ang nakakatawa nilang kwentuhan at halakhakan.

One of the boys talaga.

Napatingin sa akin si Zawn na nasa gilid bago nagpunta sa harapan ko. May hawak ito na towel sa kanyang kamay habang nakapameywang.

Napangiti ako ng mapansin ang ilang pagbabago ng mukha nito. Mas naging matured ang mukha ni Zawn. His rounded face before has this chiseled-jaw line now and his coffee-colored eyes that can make any girl folded on their knees because of its intensity giving you.

"What are you doing here? You're not allowed here, manang." Turan nito sa akin.

Napangisi ako dito bago ako umabante para i-trap ang binti niya sa kanang binti ko, bumagsak ang isang tuhod niya sa sahig at mahinang napadaing. Narinig ko naman ang pag'ohh' at tawanan sa paligid na siyang nanuot sa tenga ko.

"Wala ka pala, man. Bagsak!" Sigaw ng isa sa mga lalake.

Nagbalak itong hilahin ang binti ko na malapit sa kanya pero mabilis akong nakaatras at napangisi na lang nang bumagsak ang mga braso niya sa sahig dahil hindi niya inaasahan ang sunod kong ginawa.

"You can't fight ate Belle, Zawn." Ngisi ko dito.

Mabilis itong tumayo sa harap ko, nakangisi lang ako dito habang masama siyang nakatingin sa akin. Dahil sa nakatayo ito sa harap ko ay napansin ko ang biglaang pagtangkad nito, dati ay hanggang mata niya pa ako pero ngayon ay nasa ibaba na lang ako ng panga niya.

Bakit ang bilis tumangkad ng mga lalake?

I didn't expect what he did next, Inipit niya ako sa braso niya at pinaaamoy sa akin ang kili-kili niya. Pilit akong kumakalas pero dahil sa lalake siya at mas malakas siya ay pagpalag lang ang nagagawa ko.

"Shit! Zawn, ang baho!" I yelled.

Actually, hindi siya mabaho kahit pawisan. Sinabi ko lang 'yon para mainis siya at 'yon nga ang naging reaksyon niya. Nakawala ako dito at natawa na lang ako ng parehas kaming nagpose na para bang magkakarate.

"Belle."

Napahinto ako at napalingon sa kanang gawi ko ng may narinig akong pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. He's sweating big time, but it looks good on him.

Siya lang ata 'yung gwapo pa rin kahit na pinagpapawisan.

Shit! What did I just think?! Napaayos ako ng pagkakatayo at naramdaman ko ang katahimikan na namayani sa paligid kaya nagsalita na ako.

"B-Bakit?" Napalunok ako bago ako tumingin sa kanya ng diretso. Pero, shit! Naiwas ko kaagad iyon dahil hindi ko kayang pantayan iyong mga tingin niya sa akin.

Humakbang ito paabante sa pwesto ko habang blanko ang mukha niya. Bahagya naman akong napaatras dahil hindi ako sanay sa ganitong mukha ni Rhonin kapag nakatingin sa akin. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin ng may biglang humarang sa harapan ko para takpan ako.

Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Dawn palayo sa dalawa. Magkatapat si Rhonin at si Zawn na kapwa may masamang tingin sa isa't-isa. They are glaring at each other like they want to punch each others face.

"What do you want from her, Domingo?" Napakunot ang noo ko ng tawagin ni Zawn sa apelyido si Rhonin.

"Kanina pa mainit ang dugo ng dalawa na 'yan sa isa't-isa habang nagpa-practice game." Lalapit na sana ako sa kanila ng bigla na lang magsalita mula sa likod ko ang isang lalakeng nakasalamin at seryosong nakatingin sa dalawang lalake.

Si Dawn na ang nagtanong. "Bakit?"

Iniayos muna nito ang salamin bago sumagot. "Asterin did a Technical foul on us. At first, we didn't mind it and keep playing, but they're doing it on purpose until the first half. Zawn noticed it and he confronted the captain of the other team, nakialam 'tong si Domingo kaya nagkasagutan kanina."

"Ang sama mo makatingin, ah!"

Pare-parehas kaming napatingin sa harap ng marinig ang sinabi ni Zawn. Tinulak pa nito ang dibdib ni Rhonin  pero blanko lang ang mga mata nitong nakatingin kay Zawn. Ang iba na malapit kay Zawn ay pumapagitna na sa dalawang lalake.

I know Zawn, Mainitin ang ulo nito at madali itong makahanap ng away anytime na nasa isang lugar 'to. I need to do something before it gets worse.

Napansin ko na nakatingin na sila Fio sa pwesto namin kaya napalapit na kami ni Dawn sa dalawang lalake. Kahit gusto kong pakalmahin si Zawn ay alam kong mas kailangan kong ilayo rito si Rhonin. Wala naman itong ginagawa pero naiinis si Zawn.

Hinawakan ko sa braso si Rhonin at bumaba ang tingin nito sa akin. Ngumiti lang ito ng matipid bago hawakan ang mga kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Mahinang bulong nito pero klarong-klaro iyon sa pandinig ko.

"Tara na, bunso. Ako ang sasapak sayo kapag hindi ka pa tumigil." Nadako ang tingin ko sa magkapatid na ngayon ay naghihilahan na palayo samin kasama ang ilang kalalakihan kanina. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalayo na sila sa amin.

Naramdaman ko ang pagtititig sakin ni Rhonin pero tinignan ko lang ang kamay nitong nakahawak sa mga kamay ko. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil hindi kakayanin ng sistema ko na makita ang mga mata niya.

Nagsimula na naman kumalabog ang dibdib ko sa kaba na ilang linggo ko rin hindi naramdaman.

Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit ng mga katawan namin sa isa't-isa at para bang nararamdaman na namin ang paghinga ng bawat isa. Nagbalak pa akong umatras ngunit hindi iyon hinayaan ni Rhonin at hinawakan ng isang kamay niya ang tagiliran ko at hindi ako hinayaang makalayo sa kanya. Para akong napaso sa ginawa niyang paghawak sa tagiliran ko.

Napasinghap ako ng iangat niya ang ulo ko gamit ang isang daliri lamang. Nang maiangat ang tingin ko sa kanya ay hudyat iyon para ngumiti ito. Ngiting matagal kong hindi nakikita mula sa kanya nitong nagdaaang linggo.

I admit, I missed his heart melting smiles.

---