Calibear's Note: I see Noah Centineo for a perfect fit for our Rhonin ♥️ sa mga hindi nakakakilala kay Noah, siya po ay nasa multimedia. You can click it na lang po 😘
Happy Reading!
---
Chapter 17
Belle
Namamawis na ang mga kamay ko at pakiramdam ko, anytime ay maluluha na ako. Inis kong ibinaba ang ballpen sa lamesa na siyang nag-produce ng ingay.
I can't understand any of these!
Kanina pa kami nagtutuos ng math problem na 'to pero hindi ko siya matalo-talo.
Wala talaga kaming future ng math.
Napatingin ako sa wall clock ng coffee shop bago napabuntong hininga. Panibagong lesson na itong inaaral ko at mag-iisang oras na akong nakikipagtitigan dito, wala pa din akong masagot ng maayos.
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng tulungan ako ni Rhonin sa pag-aaral at masasabi ko naman na nagi-improve ako sa ibang subjects. Nakagawa na din ako ng reviewer, na binabasa ko kapag free time o kaya naman tuwing pagkagising sa umaga.
Magkasama ngayon si Fio at Rhonin dahil may training sila ngayong araw. Dahil kay Barbie, pinagbawal na rin ni Coach Abueva ang pagdadala ng babae sa gym tuwing may activity ang basketball club.
Baka gusto ni Coach, siya ang i-cheer.
Napatawa naman ako sa naisip at sinara na lang ang math textbook ko. Ipinasok ko iyon sa loob ng bag ko bago tumingin sa paligid.
Napansin ko na dumadami na ang tao dito sa loob ng Tiana's coffee shop kaya naisipan ko na rin tumayo para umalis. Palabas na ako ng makasalubong ko ang hindi inaasahang tao.
"Belle."
He smiled a little bit when he sees me. Ngumiti lang naman ako ng matipid. It's been what? Two weeks? Since the last time we met.
Nang lalagpasan ko na sana siya ay hinawakan niya ang braso ko, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. I gasped. Hindi ako humarap sa kanya at hinintay lang ang sasabihin niya.
"You're avoiding me."
Doon na ako napatingin sa kanya. It's like a statement more than a question. Wala na akong balak sumagot pero kusa na lang bumuka ang mga bibig ko.
"I'm not avoiding you, Peter.
Ilang linggo ko ring hindi nakita iyong malalamig niyang mga mata na kung dati kapag tinitignan ko ay wala akong makitang kahit na anong emosyon. Pero ngayon, malungkot ang mga 'yon habang nakatingin sa akin.
"Can we talk?"
I gulped.
Magdadahilan ba ako? O papayag ako na kausapin siya? Kapag nagdahilan ako, parang sinampal ko na din sa mukha niya na iniiwasan ko nga siya. Kapag pumayag naman ako, baka mahirapan na naman akong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na makamove-on.
Ang hirap kasi sa tao, eh. Nagmo-move on nga, pero hindi naman maiwasan iyong mga tao na dapat iwasan.
Kaya hindi makamove-on, eh.
Napabuntong hininga na lang ako bago tumango. Siguro ito na ang huling beses na sasama ako sa kanya na kaming dalawa lang.
Hinila na niya ako papunta sa dulo ng coffee shop na madalas naming pwestuhan, kapag nagkikita kaming dalawa. Nakakatawa nga lang, dahil dito din ako umupo kanina habang nag-aaral mag-isa.
Pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo sa harapan ko. Nakatingin lang ako sa labas ng shop at nararamdaman ko na unti-unti akong kinakabahan.
"Why are you not looking at me?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya at napabuntong hininga. Kailangan ko na siyang diretsuhin.
"Ano ba ang paguusapan natin, Peter?"
"Why are you avoiding me? Last week, I've seen you in the main building with Rhonin." Napalaki ang mata ko sa narinig.
Shit! Alam niya na ako 'yon?
"I know, Rhonin. Kung nasan ka, nandoon din siya. Kaya I know na ikaw 'yon. Hinila ko na si Dee para hindi ka niya makita pa, I know that she will interrogate you if she finds out that it was you." Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya yung bigat ng mga tingin niya sa akin.
"Say something, Belle. Alam ko na iniiwasan mo 'ko. My question is, bakit?"
Napabuntong hininga ako bago siya tinignan ng diretso sa mga mata niya.
"I am not avoiding you, I just want you to have time with Wendee. Hindi mo 'yon magagawa kapag magkakasama tayo, you're already courting her so I need to distance myself." Napapikit siya ng mariin at ang madalas niyang walang emosyong mukha ay para bang inis na inis na ngayon.
"You don't need to do that, you're still my bestfriend, Belle."
Aray ko, punyeta.
Kailangan ipamukha na hanggang bestfriend lang ako? Sarap ding hampasin nito ni Peter, eh.
"Hindi mo kasi 'ko maiintindihan, Pete." Hinding-hindi.
Balak niya pang kunin ang kamay ko pero iniiwas ko na iyon at nilagay sa ilalim ng lamesa.
"Ipaintindi mo sa akin, bestfriend mo 'ko, right? I want to know what you're going through."
Ilang segundo akong hindi nagsalita kaya bumalik na siya sa pagiging tahimik at malamig niya.
Hindi mo na kailangan malaman, Peter. Okay lang na masaktan ako. Tipid akong ngumiti dito bago nagsalita.
"I'm happy for you and Wendee, Pete. I'm glad that my two bestfriends are ending up together. Please take care of her."
And I will take care of my heart too.
Tumango ito at ngumiti, Ngiting minsan niya lang ipakita sa iba, Ngiting minsan ko lang makita sa mga labi niya.
"Thank you, Belle. I love Wendee more than anything in this world. I promise that I will take care of her and put her first before me." I can sense the happiness and the sincerity in his voice.
Ngumiti ako at tumango.
Pakiramdam ko nareject na ako kahit hindi pa naman ako nakaka-amin kay Peter.
Kapag talaga nagmahal ka, asahan mo nang masasaktan ka. Kapag umamin ka, marereject ka. Kapag hinintay mo, maiiwan ka at mauuna siya.
Kaya hindi ako naniniwala na kapag nagkagusto ka sa isang tao ay magiging inspired ka. Syempre, una mong iisipin kung magugustuhan ka rin ba ng tao na 'to o hindi. Kaya nga ginagawa natin lahat para maibalik yung nararamdaman natin, pero bandang huli masasaktan ka kapag binigay mo lahat.
Hindi ka nagtira para sa sarili mo, eh.
Nagpaalam na ako kay Peter pagkatapos ng pag-uusap namin. Nagpaiwan siya dahil bibilhan niya pa daw si Wendee ng pagkain.
Pumunta na lang ako sa terminal ng jeep malapit sa school para sumakay at nagpunta kung saan.
Gusto ko na lang muna mapag-isa.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang seaside, umupo ako sa malaking pader na namamagitan sa dagat at sa semento. Hindi lang ako ang nag-iisa rito dahil marami rin akong nakikitang tao sa paligid ko.
Karamihan sa kanila ay may mga kasamang kasintahan, kaibigan o pamilya. May nakikita pa akong nagtitinda ng mga pagkain sa gilid at ang ilang pambatang rides 'di kalayuan sa akin.
Napakaganda ng kalangitan kapag hapon, hindi mainit ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Tumingin ako sa malawak na karagatan bago itupi sa harapan ko ang tuhod ko at ipatong doon ang aking ulo. Malakas na hinahangin ang mahabang buhok ko pero hindi na 'ko nag-abalang itali pa 'yon.
Pinagmasdan ko ang mga barkong malayo sa akin, Ang iilan sa kanila ay mga panlayag at ang iilan ay mga barkong sinasakyan ng tao papunta sa ibang lugar.
"Buti pa kayo, kapag gusto niyong maglagay at magpunta kung saan nakakapunta kayo. Samantalang ako, hindi man lang makausad."
Sige, magpaka-bitter tayo dito.
Nilibang ko ang sarili ko sa panonood sa karagatan o sa himpapawid kung nasaan ang mga nagliliparang ibon at sa mga alon na humahampas sa mga malalaking bato na nasa ibaba ko lang.
Masarap pala na mapag-isa kahit paminsan-minsan. Peaceful. Yung hindi ko kasama yung mga kaibigan ko o kahit na sino. It doesn't mean that I don't want to be with them, pero minsan ay nao-overwhelmed din ako kapag magkakasama kami.
Pero kapag mag-isa naman ako, pakiramdam ko napakalungkot ko at wala akong ibang masandalan na kahit na sino. Siguro nga, kailangan ko na ring maging independent.
Nobody will stay by my side forever, and I have to accept that.
Nakarinig ako ng tunog na nagmumula sa bag ko kaya agad ko iyong binuksan at hinalungkat ang cellphone ko. Nang makita ang tumatawag ay sinagot ko iyon.
"Hello, Rhonin."
Nagtaka ako ng wala akong marinig na sagot mula sa kabilang linya bago tinignan iyon, nakaon-call pa rin naman siya.
"Rhonin?"
"Nasa school ka ba? Dinaanan kita sa shop pero wala ka naman doon."
Sasagot na sana ako ng marinig ang cellphone ko na lowbatt na. Kainis, ngayon pa nalowbatt. Tinago ko na lang muli 'yon sa bag ko at nagpatuloy sa pagmumuni-muni.
Maya-maya ay napansin ko na lang ang pagdilim ng kalangitan. Rinig ko ang maiingay na sigaw ng tao dahil nagsisimula ng pumatak ang mahihinang buhos ng ulan. Ang iba ay nagmamadaling tumatakbo para makahanap ng silungan at ang iba ay nagsimula ng buksan ang mga dala nilang payong.
Nanatili akong nakaupo at hindi na nagabala pa na sumilong. Titila rin naman ang ulan, bakit pa ako sisilong? Hanggang sa bumuhos na nga ang malakas na ulan at nagsimula ng mabasa ang buhok ko pababa sa suot kong damit. Hindi mababasa ang bag ko dahil waterproof naman ito, kampante akong hindi mababasa ang mga gamit ko.
Napapikit na lang ako at tumingala para damahin ang ulan na tumatama sa mukha ko. Tinatanggal 'non ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
I love rain, it makes me calm.
Unti-unti ay nawawala na ang patak ng ulan na tumutulo sa aking mukha pero naririnig ko pa din ang malakas na pagtama 'non sa paligid ko. Nagtaka ako at dahan-dahan na binuksan ang mga mata ko. Bumungad sa mukha ko ang nalukot na mukha ni Rhonin, may hawak itong itim na payong at nakasukob kami parehas doon. Humihingal ito at mukhang kakagaling lang sa pagtakbo.
"What are you doing, Belle?" Ngumiti lang ako dito at hindi na alintana ang masama niyang tingin sa akin.
Umurong ako ng pwesto para hindi niya ako mapayungan, pero makulit ito at pinayungan na naman ako. Sinamaan ko ito ng tingin at ganoon din siya sa akin. Umigting ang mga panga nito at para bang galit na galit sa ginagawa ko.
"Bakit ka ba nagpapaulan?! Baka magkasakit ka sa ginagawa mo!" Nagulat ako sa sigaw nito. Ramdam ko ang inis at galit sa pagkakasigaw niya.
"Bakit ka pumunta dito? Hindi ko naman sinabing pumunta ka rito." Mahina kong sabi bago iniiwas ang tingin sa kaniya.
"Narinig ko ang mga alon kanina at nagtanong ako kay Crimson kung saan may malapit na dagat dito, tinuro niya kaya pumunta ako dito para puntahan ka."
Nagulat ako ng tupiin niya ang hawak na payong at nagpabasa na rin sa ulan. Umupo ito sa tabi ko at napatingin na lang din sa malawak na dagat.
"Bakit nagpapaulan ka?!" Sigaw ko. Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
"Ganyan din ang tinanong ko sayo kanina, hindi mo naman ako sinagot kaya binabalik ko lang din." Bahagya itong tumingin sa akin bago ngumisi.
Pilosopo!
Aamba akong tatayo ng hawakan niya ang kamay ko para pabalikin ako sa pwesto namin. Balak ko pang kunin ang kamay ko ng magsalita siya.
"Stay with me, Belle."
Nagulat ako at bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "What?"
"Stay with me for a while, please."
Hindi na ako nagsalita at hindi na rin kumilos. Binitawan naman niya ang kamay ko na hawak niya at parehas lang kaming nanuod sa dagat na ngayon ay naaambunan ng malakas na ulan. Basang-basa na kami parehas at walang nais na tumayo.
"Are you okay, Belle?" Narinig ko ang tanong niya pero pinili ko na lang ang hindi magsalita.
"Alam mo, pwede kang magsabi sa akin, makikinig ako at hindi manghuhusga." Dagdag niya pa.
Nagtatalo ang puso at isip ko kung magsasalita ako o hindi. Dapat hindi na ako dumedepende sa ibang tao pagdating sa problema ko pero hindi talaga nila ako hinahayaan. Paano ako matututong maging malakas kung nandiyan lang sila lagi at handang damayan ako?
"Tungkol ba 'to kay Peter?"
Imbis na sagutin siya ay iba ang lumabas sa bibig ko.
"Bakit kayo ganon? Hindi natin pwedeng makuha 'yung mga bagay na gusto natin kahit na ginagawa naman natin ang lahat para doon. Bakit hindi na lang ibigay sa atin 'yon na walang ginagawang hirap?" Bahagyang namaos ang boses ko.
"Isa lang naman ibig sabihin 'non," He chuckled. "Hindi para sayo ang bagay na 'yon, nakalaan siya para sa iba. Kahit anong gawin mong hirap, kung hindi naman para sayo ang isang bagay, walang mangyayari." Ani niya.
Nagsimula ng manlabo ang paningin ko kaya agad akong pumikit-pikit. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa mga sinasabi niya.
"Kung nakalaan sa kanya ang isang bagay na 'yon, ibig sabihin, may nakalaan din para sayo. Ang kailangan mo lang gawin ay ang maghintay ng tamang oras at pagkakataon. Maging handa ka, para sa oras na dumating na ang bagay na para sayo? Handa ka sa mga pwede mangyari." Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kanang kamay ko na nasa gilid ko lang.
Unti-unti nang humihina ang malakas na ulan kasabay ng pagtigil ng nagbabadyang luha na gustong lumabas mula sa mga mata ko.
Tuluyan ng naglaho ang nanlalabo kong paningin at para bang ginising ako ng mga sinabi niya sa akin. Ngumiti siya bago pisilin ang kamay ko na hawak niya. Matipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya.
"Salamat, Rhonin."
Umiling siya at ngumiti na hanggang tenga kasama ang mga mata niya. "Okay ka na? Marami pa akong words of wisdom na baon."
Napatawa na lang ako sa sinabi niya at binitawan na niya din ang kamay ko. Napansin ko na hindi na umuulan sa paligid. Nagsibalikan na ang mga tao sa kani-kanilang pwesto at nagsimula na din lumabas ang papalubog na araw mula sa harapan namin.
"I'm okay na, salamat kasi pumunta ka rito." Bahagya naman itong humarap sa akin.
"Muntik na ako maligaw kanina pero nagtanong-tanong na lang ako. Nang umulan na sisilong na sana ako diyan kaso nakilala kita, sinong hindi makakapansin sayo? Ikaw na lang ang nagiisa dito." Napatawa ako sa narinig. Pakiramdam ko tuloy ang loner ko kanina.
Nagdaan sa pagitan namin ang katahimikan pero maya-maya humarap siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya, nagtaka ako kasi tinitignan niya lang ako at hindi nagsasalita.
"Bakit?" Natatawa kong tanong.
Ibinuka niya ang bibig niya pero maya-maya ay isinara din niya. May gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi, umiling pa siya bago ako ngitian.
Tumayo na ito kaya sinundan ko lang siya ng tingin habang nakakunot ang noo, hindi pa din nawawala yung ngiti niya.
"Tara na? Baka magkasakit na tayo kapag nagtagal pa ang basang damit natin." Napatingin naman ako sa damit ko na basa. Tumango na lang ako at kinuha na ang bag ko bago kami maglakad sa sakayan ng jeep.
Pagkarating sa sakayan ay pinagtitinginan kami ng mga tao, nagtataka siguro kung bakit basa ang mga damit namin. Karamihan ng mga napapatingin at tumitigil sa paglalakad ay mga kababaihan, napapatingin sila kay Rhonin na abala sa pagtingin sa paligid at para bang naninibago.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tao sa paligid at nagabang na lang ng jeep. Pinili ko ang jeep na walang sakay at sa harap kami sumakay para hindi makaabala sa mga pasahero na nasa loob. Binigyan pa kami ni manong ng basahan para hindi namin mabasa ang upuan niya.
Habang nasa byahe ay bigla na lang nagsalita si manong sa tabi ko.
"Ang gwapo naman niyang kasintahan mo, hija." Mukhang narinig din niya iyon kaya nagkatinginan kami ni Rhonin bago nagiwas ng tingin sa isa't-isa. Agad kong sinagot si manong.
"Naku, Manong. Kaibigan ko lang po 'to." Humalakhak lang naman si manong.
Issue 'tong si manong.
"Sigurado akong bagay kayo kapag naging kayo, maganda at gwapo." Napangiti na lang ako at hindi na sinagot si manong.
Pagabi na nang makababa kami ng jeep. Dumiretso na kami ni Rhonin sa loob ng university dahil ihahatid na lang daw niya ako. Sabi ko magpalit na muna siya ng damit niya at baka magkasakit siya pero nakipagtalo lang siya sa akin na ihahatid ako.
At dahil sa matigas ang ulo niya ay panay ang bahing niya ngayon sa tabi ko. Panay rin ang singhot niya at napapakamot sa ilong niya.
Magkakasakit pa 'ata siya dahil nagpaulan siya kanina.
Nang makarating sa harap ng dorm ko ay hinarap ko siya. Nakayakap na siya sa sarili niya at sumisinghot-singhot pa. Napabuntong hininga na lang ako, pinagaalala ako ng lalake na 'to.
"Pagkauwi mo, magpahinga ka na. Pwede naman siguro na huwag ka muna magshift ngayon, hindi ba? Mukhang magkakasakit ka, eh. Uminom ka ng gamot para hindi na magtuloy-tuloy 'yan." Tumango lang siya sa akin at bumahing na naman.
Napangiti naman ako sa naisip kong gawin.
Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para dampian siya ng halik sa pisngi niya. Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi na siya nakapag-react pa. Pagkatapos ko ay tumingin ako sa mga mata niya na ngayon ay may nanlalaki ng mga mata habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanya.
"Bye, Rhonin." Paalam ko dito at tumalikod na habang may ngiti sa labi.
Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko ang paghila niya sa kamay ko kaya napaharap ako dito. Namumula ang mukha niya pati na din ang tenga niya.
Magkakasakit nga talaga siya.
Napakunot ang noo ko ng buksan na naman niya ang bibig niya pero isasara din naman. Hindi niya ba talaga masabi iyong gusto niyang sabihin? May pumipigil ba sa kanya?
"What is it, Rhonin?" Napailing lang naman ito at binitawan ang kamay ko.
Tumalikod ito sa akin kaya akala ko ay aalis na siya pero bigla na lang siyang humarap ulit sa akin at tinitigan ako ng diretso sa mga mata. Panay din ang lunok niya dahil nakikita ko ang pag-galaw ng adams apple niya.
"Magagalit ka ba sa akin kapag sabihin ko 'to sayo?" Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi niya. Ano? Magagalit ako?
"Ano ba 'yon, Rhonin? I promised, hindi ako magagalit." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang mangako.
Napailing siya at para bang pinipigilan niya ang sarili niya sa mga sasabihin. Lalapit na sana ako sa kanya ng marinig ang sinabi niya na siyang nagpahinto sa akin at sa buong sistema ko.
"I like you, Belle. Hindi ko na kayang itago at iwasan 'tong nararamdaman ko sayo. Sa tuwing iniiwasan ko? Mas lalo lang lumalala."
---