Carlhei Andrew POV
"Kuya, mag tatanghalian na." Tawag ng kapatid ko mula sa labas ng kwarto ko
Hinayaan ko lang itong kumatok at hindi ako nag abalang tumayo. Hindi ko nararamdaman ang gutom.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko dahil bigla iyong nag bukas. Tumambad si Neomi na may dalang tray na may lamang pagkain. Inilayo ko ang tingin doon.
Inilapag niya sa mesa ang tray ng pagkain ko at nag tungo sa tapat ng balcony. Hindi ko na ito napigilan na 'wag buksan ang kurtina dahil ayaw ko sa liwanag.
"Isang linggo ka nang walang ayos na kain. Palaging naka sara ang kwarto mo at hindi mo kami kinakausap. Namimiss ka na namin." Saad ng kapatid ko
Iyong boses niya ay tunog ng naawa. Kunot noo ko tuloy itong natignan.
"Iwan mo na ang tray at umalis ka na sa kwarto ko. Gusto kong mapag isa." Saad ko
Imbis na umalis ito ay naupo lang ito sa sofa na nasa tapat lang ng kama ko. She look at me, helplessly.
"Binalaan kita kuya. I heard the rumors from my school dahil kakilala ng tutor ko si Karen. They came from the same orphanage. My tutor saw her the other day na mag kasama sila ng other man niya. Hindi ka nakinig sa'kin." Aniya
"Pumunta ka ba dito para lang sumbatan ako?" Inis na tanong ko
Humalukipkip ito, "Hindi na parang oo. At least nadala ka 'di ba?" Pag tataray nito, "By the way, eat your lunch because Karl, Steven and Reinest are coming. Makiki-swimming daw sa swimming pool natin."
"You called them do you?" Tanong ko
"Alangan namang pabayaan kita dito. Hindi mo naman deserve iyong dahilan ng pagiging ganyan mo. Ipinapakita mo lang sa kaniya na may puwang parin siya sa buhay mo dahil mukha kang kawawa noong nawala siya." Saad nito
Bumuntong hininga ako dahil sa kawalan ng pag asa. Wala na naman akong magagawa dahil nga paparating na malamang ang mga iyon.
"Sabi ko hahayaan kita hahayaan kitang nag breakdown mag-isa eh. Sabi ko rin hindi kita kakauspain. Pero sobrang helpless mo na. Hindi kaya ng konsensya ko na titigan ka nalang dyan. Sana natuto ka na na hindi dapat palaging idealism ang pinapairal. It's okay to be an idealism but you must have a realism in your life. She changed, yes. Pero tignan mo, napunta lang ang binago mo sa iba." Saad niya
Matapos noon ay umalis siya sa kwarto ko. Tulala kong kinain ang pagkain kk dahil hindi ko alam kung ano ba ang hindi ko malunok. Iyong pagkain ba o iyong sinabi ng kapatid ko? Lahat kasi ay tama. Masyado akong naniwala na mag babago siya ng tuluyan. Masyado akong nag tiwala sa kaniya.
Nakakapagod na. Sobrang umasa ako at dito lang pala ako dadalhin ng mga expectation ko.
Matapos kong kumain ay nag ayos ako ng sarili ko. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Malaking eyebags dahil gabi gabi ako napapaisip. Halos mag balat balat ang labi ko dahil hindi ko na makuhang uminom ng tubig. Naubos na ang tubig sa katawan ko kakaiyak sa mga bagay na hindi ko na kontrolado.
Nag shave ako ng balbas dahil mukha akong taong gubat. Nadidismaya ako sa sarili ko dahil naging ganito ako.
Nang nakalabas sa kwarto ay doon ko lang binuksan ang cellphone kong isang linggo na ring hindi nabubuksan. Low battery rin ito. Napakadaming message ang nasa lockscreen at ang unang mensahe ay galing kay Steven.
Esteban:
Bro, bisita kami ha? Hindi nalinis swimming pool namin eh.
Sa sobrang babaw ng luha ko ay halos maiyak ako ulit. Ni-minsan ay hindi ako hinayaan ng mga kaibigan ko.
Matapos i-charge ang cellphone ko sa sala ay lumabas na ako patungo sa pool area. Nandoon ang kapatid ko at nakabihis rin ng rush guard para makiligo.
"Sino ka naman dyan? Akala ko magiging taong gubat ka na forever." Saad niya at tumawa pa
Ngumiwi ako dahil doon, "Isa pang asar at aakyat ako." Pag babanta ko
"Edi umakyat ka. Ang isip bata naman doon eh. Isipin mo, worth it ka tapos nag kukulong ka lang doon sa taas. Sana marealize mo na worth it ka. Iyong walang kwenta ay 'yung mga taong sinayang ka." Saad niya
Tumunog ang gate ng pool area at gaya ng inaasahan, dumating na nga ang mga kaibigan ko. Kahit hindi summer ay nakasuot ang mga ito ng mga polo na pang summer. May dala dala pang salbabida si Reinest.
"Bro!" Tawag ni Karl
Nag mamadali nitong binitawan ang dala dala niyang bag at tumakbo sa akin. Nagulat ako ng akapin ako nito ng mahigpit. Hindi ako halos makahinga.
"Congrats bro! Laya ka na!" Sigaw ni Reinest
Nag mamadali rin nitong ibinaba ang bag at salbabida niyang dala. Tumakbo ito patungo sa akin at binigyan rin ako ng yakap na mahigpit. Isa isa ko silang tinanggal sa akin ng kunot ang noo.
"Ano ba?" Tanong ko
"Ito naman. Ang sungit mo. Namiss ka lang namin." Nakangusong sabi ni Reinest
Napangiwi ako dahil doon. Isang linggo lang naman iyon. Hindi pa sila nasanay sa akin.
"I'm glad na lumabas ka na ng kwarto mo, bro. Today your life begins again." Saad ni Steven
Hindi ko alam ang itutugon ko. Dagdagan pa ng pag kanta ni Reinest at Karl ng "Today My Life Begins" ni Bruno Mars. Napatitig nalang ako sa kanila dahil mukha silang baliw na ginagawang mikropono ang kamao nila.
"Ooh...
I've been workin' hard so, long
Seems like pain has been my only friend
My fragile heart's been done so wrong
I wondered if I'd ever heal again
Ohh just like all the seasons, never stay the same
All around me, I can feel a change."
Tawang tawa ang kapatid ko habang kinukuhaan ng video ang dalawa habang ako ay halos sampalin ng lyrics ng kanta.
"I will, break these chains that bind me
Happiness will find me
Leave the past behind me
Today my life begins
A whole new world is waiting
It's mine for the takin'
I know I can make it
Today my life begins."
Napangiwi ako ng dahil doon. Talagang nag effort ang dalawang ito para sumayaw at kumanta sa harap ko. Para lang iparinig at ipakita sa akin na hindi ako dapat mamuhay sa nakaraan.
Pero hindi parin iyon naging sapat dahil masyado paring masakit ang nangyari. Patuloy akong nilalamon ng mga nangyari sa nakaraan.
"Tigil niyo na nga 'yan. Hindi kayo bagay maging singer." Saad ko
Sabay naman tumigil ang dalawa at ngumiwi pa.
"Napakasungit mo, kuya. Pinapasaya ka lang naman." Saad ni Neomi
"You can't blame him, Neomi. He's hurt." Tugon ni Steven
"Ah, yes, he's hurt nga. Pero it's his choice kung patuloy siyang mag papakalugmok sa buhay. Kung hahayaan niyang hanggang d'yan nalang siya." Saad ni Neomi
Tumingin ako dito at tumaas ang kilay ko, "Ano bang alam mo? Napunta ka na ba sa kalagayan ko?" Tanong ko
Nag cross arms ito at tinaasan rin ako ng kilay, "Common sense nalang 'yun, Kuya. Sisirain mo ang buhay mo para lang sa babae? May lagnat ka ba?" Saad nito
Naningkit ang mata ko dahil unti unti na akong naiinis dito, "Sinira ko ba ang buhay ko?" Inis na tanong ko
Tumawa ito bago mag salita, "Hindi pa ba? Ah! Sisirain palang pala."
Inis ko itong tinignan dahil kumukulo na talaga ang dugo ko dito. Nakakainit ng ulo.
"Tama na nga 'yan," saad ni Steven at tinignan ako at pagkatapos ay si Neomi. "May proseso naman, Neomi. 'Wag mo munang husgahan ang kuya mo. Makakaahon rin 'yan. Intayin mo at marerealize niya rin ang halaga niya."
Sana totoo. Sana ngayon na agad. Sana ganoon lang kadali.
"Umaabot hanggang kusina ang pag tatalo niyong dalawa. Ang init na nga ng tanghali, mas mainit pa ang sagutan niyo." Saad ni Mama na may dalang meryenda
"Si Kuya kasi, Mama." Paninisi ng kapatid ko
Kung malapit lang ito sa akin ay nabatukan ko na ito. Sinamaan ko nalang ito ng tingin.
"Wow ang sarap n'yan Tita!" Saad ni Reinest at sumugod na sa pagkain
Matapos noon ay lumusong na ako sa pool. Dahil nga ayaw ko ng magulo ay si Steven lang iyong katabi ko sa pool. Nag lalaro kasi iyong tatlo.
"H'wag mong sarilihin ang problema mo, bro. Hindi ka naman istorbo eh. Elementary palang mag kakasama na tayong apat, ngayon ka pa nahiya." Pangangaral ni Steven
Napatingin ako sa baba dahil sa hiya. Paano ay nagiging ugali ko na ang 'wag silang tawagan o kausapin kung may problema ako.
"Nakakahiya, puro babae nalang ang pinoproblema ko. Baka nag sasawa na kayo." Saad ko
Nakita ko sa repleksyon ng tubig na umiling iling si Steven kaya naman napalingon ako dito.
"Hindi kami nag sasawa. Kung ikaw nga ay hindi nag sawa kakahanap ng sagot sa mga pinoproblema naming mga math equation, 'yang problema mo pa kaya ay pag sawaan namin? Tulungan lang, bro. Ayaw ka naming makita na nag kakaganyan. Somehow, nakukuha ko rin ang galit ni Neomi. He wants the best for his brother. Para na rin naman tayong mag kakapatid dito kaya naman, we also wants the best for you." Paliwanag ni Steven
Bahagya akong napangiti dahil doon. Tinapik rin ni Steven ang balikat ko at ngumiti.
"Naniniwala akong kaya mo 'yan, bro. Kalmahan mo lang at matatapos mo rin ang proseso." Saad nito, "Pero mag pahinga ka muna sa babae ha? Masyadong masakit itong huli."
Muli ay tumango ako bilang tugon. Tugma ang mga sinabi nito sa mga naiisip ko. Talagang wala na yata akong balak mag girlfriend. Not that I'm a woman hater or something. Talagang pagod na talaga ako. Sawang sawa na akong makatagpo ng mga maling tao. Aalis at mag iiwan lang ng sakit.
"Hindi na. Ayaw ko na talaga." Saad ko
Bigla ay malakas na nag bukas ang gate ng pool area. Akala ko si Mama iyon pero wala na ito sa pool area. Tumambad doon si Karen na nag mamadaling lumapit sa pwesto namin. Hinahabol pa ito ng isa sa mga katulong namin ngunit hindi niya ito mahabol.
Umahon ako sa pool upang makausap ito.
"Who said that you can come here?" Tanong ko
Iniangat nito ang dala niyang cake. Binuksan niya pa iyon at tumambad sa akin ang nakasulat na…
Happy 2nd Monthsary, Carlhei. Sorry.
Kumunot ang noo ko dahil doon. Pinipigilan kong magalit kaya malalim na buntong hininga ang iginanti ko dito.
"Ayusin naman natin 'to oh. Sobrang nag sisisi ako sa ginawa ko." Saad niya
"Palpak ba 'yung pinalit mo sa akin kaya bumabalik ka? Takot ka ba na baka mawalan kayong dalawa ng trabaho?" Bahagya akong tumawa, "Hindi kami ganoong tao ng pamilya ko. Hindi kami gumaganti. Pero kung iniisip mong mapapabalik mo ako sa'yo, hindi na mangyayari iyon."
Mabilis na nag luha ang mata nito. Nilakasan ko ang loob ko at tumitig parin dito.
"M-mahal ko kayong dalawa." Sagot nito
"Octopus ka ba at hindi lang isa ang puso mo?" Hindi makapaniwalamg sabi ko, "Kung nag mamahal ka ng dalawang tao ng sabay, piliin mo nalang 'yung pangalawa. Dahil kung mahal mo nga talaga ako, hindi ka na mag kakaroon ng pangalawa."
"Sige na, Carlhei. Kahit isang chance nalang." Nag mamakawang sabi nito
Hinahawak nito ang kamay ko ngunit tinanggal ko rin agad.
"Itigil mo na. Sawa na akong mag bigay ng chance. Napapagod na ako. Umalis ka na at pakiusap, 'wag ka nang babalik dito." Saad ko
"Ang bilis mo namang napagod? Akala ko pa naman pag tatyagaan mo ako." Saad nito
At doon nawala na ako sa sarili ko. Iyon na ang oras na makakapag salita ako ng masama dahil hindi sa lahat ng panahon ay makakapag timpi ako.
"Kasalanan ko pa ngayon? Sinagad mo ang pasensya ko tapos ngayon kasalanan ko na hindi ako nag bigay ng chance? Ako na naman ang may kasalanan?!" Halos maisigaw ko iyon sa kaniya
Umangat ang balikat niya sa gulat dahil sa gulat. Mas tumindi ang pag iyak nito at mas lalo pang humikbi.
"Sorry." Iyon nalang ang nasabi niya
"Tamang tapal nalang ng 'sorry' ano? Ganyan kayo. Porque alam niyong malambot ang puso ko, aabusin niyo. Kung sa tingin mo matatanggap ko 'yan, nag kakamali ka na. Salamat sa'yo dahil natauhan na rin ako. Binago mo ako sa paraang pinaka-ayaw ko. Pinatigas mo lalo ang puso ko. Ngayon umalis ka na sa harapan ko, Karen. Ayaw ko nang makita ka." Saad ko
Lumapit sa amin si Steven at nag balot ng tuwalya niya.
"Halika na, Karen. Ikukuha kita ng taxi." Saad ni Steven
Iginaya niya ito papalabas ng pool area pero hindi ko sila nilingon. Nangako na ako sa sarili ko na mas titigasan ko ang puso ko nang sa gayon ay wala nang makapasok dito.
"You did a great job. That's the first step and you actually finished it. I commend you for being firm." Saad ni Neomi