webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

Zetty Mondejar

Two different artists that bound to meet together.

Two different art forms that bound to collide with each other.

United with the same subject: to express theirselves.

People make art just to be understood by the people around them. I make art to finally see who is really meant for me.

Ang buhay ng tao ay parang isang pinta. Minsan maganda, minsan magulo, minsan masalimoot, minsan hindi mo maintindihan, minsan... parang wala lang. It consist of variety of colors that represents how they feel. Depends on the situation. Pero 'yong tao mismo ang pintor ng buhay niya. Siya ang may control kung anong magiging kalalabasan ng kaniyang ipininta. Kung ginagawa niya ba ito para maintindihan siya ng mga tao o para maintindihan niya ang kaniyang sarili.

Ano ba 'tong iniisip ko? Nakatingin lang naman ako sa pinakamalaking painting na nagawa ko sa buong buhay ko, kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Umayos ka nga, Zetty!

"Zetty? Excuse me for a while, someone wants to meet you."

Lumingon ako sa kaliwa ko, only to see the one I trusted the most with this exhibit. Ngumiti ako sa kaniya at sinundan siya sa kung saan nakapuwesto ang gustong kumilala sa akin. Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa ibang mga tao na nakatingin sa iba pang paintings na nagawa ko.

Maya't-mayang may gustong kumilala sa akin, knowing that I'm the star of the night. Marami na rin akong mga nakilala. Mga prospective and interested buyers ng iilang paintings that up for auction. Though hindi ko sila personally na kilala, para na ring nadagdagan ang list ng friends and acquaintances ko. People aren't that bad at all just like how I used to believe.

I am gracefully walking the floor, greeting everyone who greets me. I wore a peach bodycon dress with a d'Orsay pump. My now-shoulder-length hair bounce as I walk. Pina-curl ko ito kanina para babagay naman sa pa-cute kong look ngayon, feeling teenager, ganoon, kahit ilang taon na lang ay lalagpas na ang edad ko sa kalendaryo.

Huminto si Aki at ipinakilala sa akin ang isang eleganteng middle-aged woman.

"Mrs. Felicity Lizares, this is Ms. Zettiana Mondejar, the artist of this very succesful exhibit."

Malawak pa ang ngiti ko no'ng una pero nawala rin ito nang mamukhaan ko siya at marinig ang pangalan niya.

Damn it!

Matamis siyang ngumiti sa akin habang inaabot ang kamay niya. I stare at it for a second before I accept it. Kumakabog na ang puso ko. I know going home and organizing my first exhibit here in the Philippines is a bad idea. I should've seen the red flags coming.

"I'm so glad I finally meet the artist behind these amazing works. My son actually recommended your works to me. Actually, he's here. Sandali, nasaan na ba sila?"

Matinding paglunok ang nagawa ko nang banggitin niya ang tungkol sa anak niya. Kinakabahan akong napalingon kay Aki na alam kong walang ka idi-ideya sa nararamdaman kong kaba ngayon.

Marami siyang anak na lalaki, lalaki lahat ng anak niya, imposibleng siya ang dadalhin ni Mrs. Lizares tonight. No, it's not him.

"Relax, Zetty. Normal na tao lang sila. Hindi sila 'yong expert sa mga paintings. There's nothing to worry about. Actually, gusto nga'ng bilhin ni Mrs. Lizares ang painting na tinitingnan mo kanina." Lumapit sa akin si Aki at ibinulong iyon.

Halata ba talaga na tensiyonado ako ngayon? Sino ba naman kasi ang hindi mati-tense ngayon?

Bawat patak ng segundo, mas lalo akong kinakabahan. Agad ding bumalik si Mrs. Lizares sa harapan namin ni Aki pero hindi niya kasama 'yong anak na sinasabi niya. Ang sabi niya, baka naaliw sa ibang paintings kaya ipinahanap na lang niya sa body guards na kasama niya. Kuwento lang siya nang kuwento pero lumilipad na talaga ang kinakabahan kong utak at puso.

Hindi ba ako naaalala ni Mrs. Lizares?

"Oh, they're here!"

Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang hinihintay ni Mrs. Lizares. Tumingin siya at si Aki sa likuran ko. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang ibinigay ang atensiyon sa kung sino man itong nasa likuran ko.

Damn it!

"Zetty?" sabay na sabi nilang dalawa, gulat na gulat.

I smile weakly, trying to mask up the pain lalo na nang pagtingin ko sa ibaba, ang magkahawak nilang kamay ang una kong nakita.

They really are married and it disappoints me that after all these years, here I am, still trying to fix what they've broke in me.

~

Hi, another story unfolds! I hope you'll like Zetty, too!

_doravellacreators' thoughts