webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Wrong Timing

Makalipas ang ilang buwan, nagbalik na rin naman sa normal ang takbo ng buhay namin. Lalo na sa amin ni Tonton. Balik sa pagiging close. Balik sa dati. Kinalimutan ang mga dapat kalimutan.

When days, weeks, and months went on, I slowly felt that little thump in my heart everytime I see him. I always feel the shaking of my hands whenever he touches me, even with this slightly touch of our skin. I always long for his presence. I always want to be with him. I know this is something crazy or unbelievable, but, yeah, I think I already hundred percent fell with Newton Isaac L. Lizares.

But the thing is… hindi ko pa nasasabi sa kaniya. I ought to say it to him in the near future. In-enjoy ko pa ang company ng isa't-isa. Mabigat na desisyon 'tong gagawin ko kasi I already said to myself na hindi na ako magko-commit. Nakaka-trauma ang ginawa rati ni Therese. Kini-question ko ang sarili ko kung kamahal-mahal ba ako, o kung magmamahal man ako ulit, anong kasiguraduhan ko na hindi gagawin sa akin 'yong ginawa ni Therese. Anong kasiguraduhan ko na hindi na ako maloloko ulit.

Masakit ang maloko. Masakit ang maiwan. Maraming factors ang naging dahilan kaya nahihirapan akong magtiwala ngayon sa mga tao. Dati kasi, ang tingin ko sa mga tao, hindi kayang magmahal, hindi puwedeng mahalin, hanggang kaibigan lang. Marami akong issues sa buhay kaya I can't sort out my feelings well.

Ngayon, handa na ako. Handang-handa na akong mag-commit kasama siya. Handang-handa na akong sabihin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman na ilang buwan kong itinago sa sarili ko at ilang taon kong naramdaman sa sarili ko.

Nasa Bacolod ako ngayon. School days. Pero kailangan ko na kasi talagang sabihin sa kaniya. Alam kong ang dami ko pang oras sa mundo pero kailangang-kailangan ko nang sabihin sa kaniya. Hindi ko na kasi kaya. Para na akong sasabog sa sariling nararamdaman. Para akong sasabog sa sariling kaligayahan. It has been officially a year since he gave me this promise ring na hanggang ngayon ay suot-suot ko pa rin at maya't-mayang nagbibigay sa akin ng confidence sa araw-araw. It became the living reminder that Tonton likes me, that Tonton did his confession to me, that Tonton will do anything for me.

I texted Tonton kanina na hang-out naman kami. Dinner, ganoon. Isang linggo rin kasi kaming hindi nagkita dahil busy ako sa last year ko sa college. Siya kasi papetiks-petiks lang kasi tapos ng mag-aral sa college, graduation na lang ang hihintayin sa susunod na taon. Kahit gustong-gusto niya akong makita no'ng nakaraan, hindi ko hinayaan kasi nga busy ako at ayokong ma-distract. Ngayon, hindi na ako busy kaya nag-aya akong mag-dinner. And I ought to tell him during dinner time para marami kaming time. Gusto ko 'yong biglaan, 'yong sasabihin niya talagang gulat ako, ah? 'Yong iisipin niya talaga na normal lang ang araw na ito pero aamin na pala ako, na sasabihin ko na pala sa kaniya 'yong matagal na niyang gustong marinig mula sa akin. Gusto ko rin kasing marinig 'yon mula sa kaniya. Matagal ko na kasi siyang pinipigilan kaya hindi niya masabi-sabi.

Para akong timang ngayon sa apartment na tinutuluyan ko. Nakatingin ako sa maliit na salamin sa kuwarto ko at hinalungkat na ang lahat ng damit na mayroon ako. Pati 'yong mga bago kong bili, nasukat ko na't lahat pero hindi ko pa rin talaga alam kung bagay ba sa akin 'yon, hindi ko nga alam kung anong susuotin, e. Hindi naman kasi ako marunong nitong mga fashion sense na ito. Dati kasi, okay na ako kung makasuot ako ng t-shirt at pants or shorts. Samahan mo na lang ng sneakers, okay na. Ang hirap pala kapag ganito.

Wala namang pumupuna sa paraan ng pananamit ko rati. Masiyado nga silang sanay na medyo boyish pa rin ang panggawi ko. Hindi naman kasi talaga 'yong panlalaki lahat ang suot kong damit o 'yong kilos ko mismo. 'Yong loose shirts lang at mga overrun shirts. Dito ako comfortable, e, anong magagawa ko?

Nakasuot ako ngayon ng puff-sleeve dress na kulay pastel blue. Okay naman siya, bagay naman sa akin, pero gusto ko rin 'yong isang floral green wrap-dress. Tapos may isa pang dress na ewan kung anong nakain ko't binili ko ang bodycon dress na ito na sobrang revealing at fitted talaga sa lahat. Ang cute kasi ng color, e, pastel blue! It's so inviting kaya nabili ko. Ewan ko na lang talaga. Nakaka-confuse tuloy. Gusto ko silang suotin na tatlo kasi bagong bili ko 'to.

I was left with no other choice but to call for a back up. Pag-check ko ng cell phone ko, kusa na lang akong napangiti nang mabasang nag-confirm si Tonton sa lakad namin mamaya. Nag-reply lang naman siya ng okay pero 'tang ina talaga kapag inlove, e, parang nagiging timang na napapangiti na lang ng wala sa oras.

Kahit ebarg na 'yong tuwa ko ngayon, hindi ko na lang ni-reply-an ang text niya. Magkikita naman kami mamaya.

Inatupag ko na lang muna ang pakikipag-video call kay Ada. Paniguradong matutulungan ako no'n. Kung hindi naman, puwede ring si Tonette ang tawagan ko. Magaling din 'yon sa mga fashion-fashion.

Luckily, Ada's online. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na i-video call siya agad. Minsan pa naman ay bigla-bigla lang itong nawawala sa online world.

"Oh, why?" agad na tanong niya nang sagutin niya ang tawag.

"Busy ka?"

"'Di naman. Bakit?"

"Saan ka ba ngayon?"

"Nandito ako sa manokan ni Tito Jov." Ipinakita niya pa sa akin, through back camera, ang view na nakikita niya ngayon sa harapan niya. Fair enough, nandoon nga siya sa game farm ng Tito Jov nila. Nakikita ko ang iba't-ibang klaseng manok panabong ng Tito Jov niya, e.

"Sino kasama mo? Sarap ng buhay natin, ah?"

"May sabong kasi mamayang hapon. Wala namang magawa sa hacienda kaya tambay muna kami ngayon nina Yosef dito."

"Nand'yan si Yosef? Sa'n siya?"

"Sumama muna saglit kay Tito Jov. May titingnan daw muna na bagong rasa ng manok niya. Bakit? Tatawagin ko ba?"

"Hindi na. Ikaw naman talaga ang sadya ko."

"Oh, bakit? Wala ka bang pasok ngayon?"

"Half day lang."

"Oh, bakit ka nga napatawag?"

"Papatulong ako sa 'yo."

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa maliit na salamin habang hawak pa rin ang cell phone at nasa kabilang screen pa rin si Ada.

"Anong maipaglilingkod ko sa- wait, are you wearing a puff-sleeve peplum top?"

Naibalik ko ang tingin sa screen dahil sa sinabi ni Ada. Wala sa sarili tuloy akong napatingin sa suot kong damit. Hindi ko pa pala napapalitan.

"Dress…" pagtatama ko sa huling sinabi niya.

"O? Anong okasyon? Masiyadong pormal, ah?"

"Papatulong ako sa 'yo. Tatanong ko lang kung anong maganda sa tatlo?"

Pinindot ko ang back camera ng screen para maipakita sa kaniya ang dalawa pang pagpipilian kong dress. Lumapit ako sa kama since nandoon naman ang dalawa together with all of my pang-alis na damit na hinalungkat ko pa sa maliit na aparador ng kuwarto ko sa apartment na ito.

"Since when did you get conscious about picking a dress? What's going on, Zetty?"

"Tulungan mo na lang kasi ako! Importante 'tong lakad ko ngayon."

"Ay, grabe siya! Siya na nga itong magpapatulong parang siya pa 'tong galit."

"Adaline, tutulong ka o hindi?"

"Heto na, tutulong na! 'Yang dalawa lang ba ang choices?"

"Itong suot ko tapos itong dalawa."

Isa-isa kong ipinakita kay Ada ang mga pagpipilian kong damit. Kahit tatlo lang dapat 'yon, pati 'yong mga hindi ko naman bet talaga ay tiningnan na rin niya, baka raw magustuhan niya't bagay daw sa akin.

Matagal bago kami na-settle nitong si Ada sa pag-uusap tungkol sa mga damit-damit na ito. At kahit hindi naman ako nanghingi ng tip sa kaniya tungkol sa pag-aayos, sinermonan niya pa rin ako at kung ano-ano na ang pinagsasasabi. Pati 'yong pag-aayos sa humahaba ko ng buhok, binigyan din niya ako ng tips kung paano ayusin ito. Ang kulit pa niya kasi tanong nang tanong kung saan ang lakad ko. Ayoko namang direktang sabihin sa kaniya na makikipagkita ako kay Tonton. Gusto ko munang sarilinin itong confession na gagawin ko. Sasabihin ko rin naman kay Ada in the near future, siguro sa December. Detalyado pa 'yan kung gusto niya talagang makinig.

After an hour of quarreling and brainstorming daw, pareho naming sinang-ayonan ni Ada ang naging suggestion niya na instead of dress daw, bakit daw hindi skirt ang suotin ko. I also bought some skirts na siyempre hindi naman ganoon ka-ikli talaga. 'Yong tama lang, 'yong hindi naman masiyadong revealing talaga.

We both choose the denim a-line skirt paired with puff-sleeved peplum top na kulay pastel blue. Okay lang daw na 'yong puting sapatos ko ang i-pair ko sa get up na ito. She looks satisfied and I look comfortable kaya okay na ito. Pinatayan ko na siya agad ng tawag matapos naming makapag-decide ng susuotin ko. 'Yon lang naman talaga ang gusto ko sa kaniya. Hindi ko na rin siya binigyan ng chance para makapagsalita pa para sa ayos ng buhok ko. Baka masabi ko pa sa kaniya 'yong tungkol sa lakad ko ngayon.

Buong maghapon ang ginugol ko para lang maghanap ng susuotin sa lakad kong ito at hinanda na rin ang sarili. Nasabi ko na rin naman kay Tonton kung saan kami magdi-dinner at sinabi ko na rin sa kaniya na roon na kami magkita. Hindi na ako nagsabi na sunduin niya ako. I was quite expecting na susunduin nga niya ako kaya hindi na ako nagsabi. Pero usually kapag susunduin niya ako, it's either nagti-text na siya na going na siya o 'di kaya'y bigla-biglang tumatawag para sabihing nasa labas na siya ng apartment building or whatever.

Pero this time kasi ay wala. Kaya hindi na ako naghintay. Nag-commute na lang ako papunta sa resto kung saan kami magkikita.

Hindi pa naman ako sanay na mag-palda in public. Last suot ko yata ng skirt ay 'yong skirt pa ng school uniform noong high school ako. Hindi naman kasi kami nag-s-skirt ngayong college. Arfien pa, hindi uso skirt sa amin.

Pero lahat ng ito ay kakayanin para lang maipakita kay Tonton na kaya kong magbago para sa kaniya. Kasi ganoon ko na siya ka-mahal, na lahat ay puwede kong baguhin sa sarili ko para lang ma-appreciate niya o 'di kaya'y makapasok sa mundong ginagalawan niya.

I want to be on his standards.

Una akong nakarating sa restaurant na meeting place namin. Kahit weekdays pa ngayon, marami-rami ang taong nandito sa 21, isang restaurant na ang pangalan talaga ay 21 kasi nasa twenty-first street Lacson siya located. Google n'yo na lang.

Medyo fit naman ang suot ko sa ambiance ng resto. Okay na 'to. Pasado na.

Pagkarating ko, agad akong nilapitan ng waiter. Asked me about my order pero nanghingi lang muna ako ng kape habang naghihintay. Gusto ko kasing sabay kaming mag-order para mas marami pa talaga ang time. Bonding din kasi namin minsan ang magtagal sa pag-order dahil hindi kami madalas magkasundo pagdating sa bagay na iyan. Paminsan-minsang nagtatalo. At gusto kong mangyari 'yon mamaya para magpapalambing ako. Naks, talino mo talaga, Zettiana!

Babaeng-babae na ako ngayon. Pati suot ko, pangbabae na. Kailangan kong mag-act na parang babae.

Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng Candy Crush. Gusto ko sanang mag-Mobile Legends pero hassle na, nasa resto pa naman ako, baka magtaka sila kung ba't bigla na lang akong napapasigaw. Ito na lang Candy Crush, chill lang.

Pero naka-ilang level na ako, maka-ilang beses na rin akong binabalikan ng waiter para itanong ang order ko, maka-ilang beses na rin akong napapatingin sa wrist watch ko, maka-ilang beses na akong nagri-refresh sa message ni Tonton pero wala talaga, hindi pa rin siya nakararating.

Sa tuwing maririnig kong nagbubukas ang pintuan ng resto, matik akong napapatingin doon, nagbabaka-sakaling si Tonton na ang makikita kong nakatayo roon.

Pero labas-masok na ang mga tao, wala pa rin siya. I already texted him a couple of times, asking kung nasaan na siya. Pero walang reply. Sinubukan ko ring tawagan pero hindi ko na ma-contact, palaging unattended.

Malapit na akong maubusan ng pasensiya. 'Yong litid ng pasensiya ko, kasing nipis na lang ng hibla ng buhok ko pero pinakalma ko pa rin ang sarili ko.

Dadating si Tonix. Dadating siya. Panigurado 'yan.

Pero nagtagal pa ang paghihintay ko hanggang sa unti-unting kumakaonti ang tao sa resto. 'Yong servers ng resto na ito ay napapansin ko nang napapatingin sa akin, siguro nawi-weird-uhan.

Sinabayan pa ng pagkulo ng tiyan ko. Takte, hindi ko na talaga kaya.

"Kuya, wait!" tinawag ko 'yong dumaan na waiter, kakakuha niya lang no'ng bayad ng kabilang table. Paalis na nga ang pamilyang iyon.

"Yes, Ma'am? O-order na po kayo?"

Bigla akong tinubuan ng hiya dahil sa naging tanong niya. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa mga mata niya habang dahan-dahang tumatango.

"What is your order, Ma'am?"

Agad kong sinabi sa kaniya ang order ko. Good for me. For only me.

Lugmok na lugmok na ako ngayon. Hindi na mabilang ang messages na ipinadala ko kay Tonton pero lahat ng iyon ay walang reply galing sa kaniya. This time, putol na talaga ang kabilang linya sa tuwing tatawag na ako.

Sinubukan ko rin sa social media accounts niya pero wala rin, hindi rin siya online, I can't reach him out.

Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila rito sa Bacolod pero mukhang hindi rin ako makakapasok sa village kung saan nakatayo ang bahay nila. Wala ring chance na makita siya. Pinapagaan ko na lang ang pakiramdam ko ngayon, nag-iisip ng mga rason na puwedeng mangyari sa kaniya. Wala naman sigurong masamang nangyari. Something came up lang siguro pero sure na hindi involve ang accidents doon. Sasabihin din naman siguro niya bukas. Baka busy lang. At kung ano-ano pang klaseng rason.

Dumating ang order ko at tahimik kong kinain ang pagkain. Medyo binilisan ko na lang kasi literal na ako na lang talaga ang natitirang customer ng resto na ito. Pasara na sila pero dahil siguro sa akin ay kailangan pa nilang mag-extend, nahihiya lang sigurong sabihin sa akin.

Binilisan ko na lang ang pag-kain ko. Hindi na halos maubos ang pagkain pati ang juice.

Pagkatapos na pagkatapos kong malunok ang huling kutsara ng pagkain na kinakain ko, agad akong kumuha ng pambayad sa wallet ko para mailapag sa table. Kumuha ako ng isang libo. Sobra ito pero ito na lang ang ipambabayad ko. Kabayaran man lang sa oras na nanatili ako roon para maghintay.

Matapos mailapag ang pera, dali-dali akong naglakad palabas ng resto. Tinawag pa ako no'ng waiter dahil muntik ko pang makalimutan ang cell phone ko. Inabot niya sa akin iyon at sinabihan ko na lang na nasa table na ang bayad ko.

Dali-dali akong lumabas ng resto bago pa man makita ng ibang staff ng resto na ito ang nagbabadyang luha sa aking mata.

Pero nang tuluyan akong makalabas at dumampi sa akin ang lamig ng gabi, doon biglang bumagsak ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Ang sikip-sikip sa dibdib ng mga iniisip ko ngayon. Sa sobrang sikip, pati cell phone ko mahigpit ko nang hinawakan para ilabas lang ang tensiyon na nararamdaman ko.

Ayokong mag-overthink pero hindi ko lang talaga maiwasang mag-overthink. Kung ano-ano kasing pumapasok sa utak ko. Please, tama na.

Pinahiran ko na lang ang luhang pumatak sa pisnge ko at inayos ang sarili para makauwi na. Hindi ko na kasi kaya. Gusto ko na lang munang humiga sa kama at magkulong pansamantala roon.

Gabing-gabi na. God knows what time is it now pero wala na akong pakialam. Nilalamig na ang legs ko dahil nga naka-skirt ako ngayon. My neck is in chills right now dahil din sa lamig. Lahat yata sa katawan ko ngayon ay in chills. Nilalamig dahil sa kung ano-anong pumapasok sa utak ko na dapat ay hindi ko iniisip.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa cell phone na hawak ko at sa daan para magbantay ng jeep. Hanggang ngayon kasi ay may katiting pa akong pag-asa na baka bigla akong contact-in ni Tonton. Gusto kong makita agad ang pagdating ng message o 'di kaya'y masagot agad kung tatawag siya.

Kahit may parte sa aking gulong-gulo na sa mga nangyayari ngayon, I'm still sane enough pa naman para mabasa kung anong mga jeep ang dumadaan. Nag-aabang ako ng orange na jeep na Bata-Libertad ang route. Sa Libertad kasi ang apartment ko. Ang Bata naman ay ang barangay na malapit sa terminal ng Ceres bus.

Nang makakitang may papalapit na jeep na kulay orange, agad akong pumara. Sana lang talaga at hindi punuan para makaupo pa ako. Malalim na rin naman ang gabi, paniguradong wala na rin naman sigurong maraming pasahero pa.

Nakita ko ang pagbagal ng jeep hanggang sa huminto na ito sa tapat ko.

Sakto, wala masiyadong nakasakay. Malaki pa ang space.

Pagkasakay ko, umupo ako malapit sa entrance ng jeep, 'yong malapit sa sakayan at sa babaan. Wala naman kasing may nakaupo sa katapat no'n tapos 'yong tapat naman ay mayroon, isang lalaki. Mas convenient kung dito ako pupuwesto kasi madali lang makakababa kahit malayo pa naman ang Libertad.

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon pero kailangan kong ayusin ang buhay ko para hindi maapektuhan ang ibang tao.

Inayos ko ang pagkakaupo ko. Pa-side view akong umupo, 'yong nakaharap ang mukha ko sa bintana ng jeep at nakatukod ang kanang siko ko sa bintana mismo, dinama ang malamig na hangin.

Salamat nga pala sa hangin at hindi ako tuluyang naluha ulit. Pero hindi ko masisisi ang sarili ko kung bigla na naman akong maiiyak ngayon.

Walang hiya naman kasi, sino bang hindi maiiyak na bigla kang hindi sinipot sa lakad? Sinong hindi maiiyak na hindi siya nagpakita? Sinong hindi maiiyak na todo suot ka ng damit na hindi mo usually sinusuot at todo handa ka sa sarili mo para magpa-impress sa kaniya ngayong gabi pero ni anino ay hindi man lang nagpakita? Sinong hindi maiiyak na kung kailan handa ka nang sabihin ang totoo mong nararamdaman, biglang hindi na sumipot?

Takte, Zettiana, 'wag ka nga'ng panghinaan ng loob. Tomorrow is another day. Baka lang may nangyari sa family nila. Maging considerate ka naman. For sure, first thing in the morning tomorrow, magpaparamdam siya sa 'yo para sabihin kung anong nangyari ngayong gabi tapos doon mo na sabihin sa kaniya ang tungkol sa nararamdaman mo. Umintindi ka naman, Zettiana! Iniintindi ka nga ni Tonton sa biglaang tantrums mo sa buhay. Ngayon, ikaw naman ang umintindi. May nangyari lang. Isang hindi inaasahang pangyayari.

Matinding paglunok ang nagawa ko nang mapadaan na kami sa school ko. Umayos ako sa pagkakaupo at inilabas ang wallet para makakuha ng pamasahe sakto lang para hindi na kailangang manukli ni manong driver.

Dahil medyo malayo ako mula sa driver, nakisuyo pa ako sa isa pang pasahero na malapit sa likuran ng driver. Kaya gustong-gusto kong umupo sa hulihan ng jeep, e. Ayokong maging instant conductor at maging tiga-abot ng pamasahe sa driver. As if namang may suweldo ako. Kakapagod kaya 'yon.

Matapos makaabot ng pamasahe, muli akong napatingin sa masalimoot na tanawin sa labas. Kasing salimoot ng nararamdaman ko ngayon.

Siguradong-sigurado na ako sa kaniya. Itong kasiguraduhan ko na lang ngayon ang nagbibigay sa akin ng enough reason para mas magtiwala pa kay Tonton sa kung anong nangyari sa gabing ito at kung bakit hindi siya sumipot. Tiwala at pagmamahal. Magandang kombinasyon sa namumuong relasyon.

Matagal kong sinarado ang pinto ng aking pagtitiwala sa isang tao. Maski ang magmahal, hindi ko ginawa. Kasi masiyado akong nasaktan noon. Nagtiwala ako, pinanghawakan ko ang isang salitang binitiwan sa akin, pinaasa ako sa isang bagay na akala ko ay totoo tapos bigla akong pagtataksilan nang ganoon.

Ngayong handa na akong magtiwala at magmahal ulit, hindi ko hahayaang matibag iyon nang dahil lang sa pag-o-overthinking ko. Wala nga sabi akong mapapala kung sosobra sa normal ang mga iisipin ko.

Malalim akong bumuntonghininga para mawala na itong naiisip ko lalo na't nasa Lizares Street na ako, malapit na kung saan ako bababa.

Hawak-hawak ang cell phone at ang wallet, umayos ako ng upo at hinarap ang lalaking kanina pang nasa tapat ko. Hindi ko na siya pinansin kasi hindi na naman dapat pansinin pa ang ibang tao. Bakit mo ba papansinin 'yong iba na may sariling mundo naman?

Huminto ang jeep sa huling intersection na madadaanan ko bago makababa. Reasonable naman ang paghinto kasi may stop light naman. Sakto ring naka-red light nga.

Sumilip ako sa may stop light para makita kung ilang seconds na lang ang hihintayin.

Hindi na rin naman pala magtatagal kasi ten seconds na lang. Nakita rin sa peripheral vision ko na nag-prepare na si manong driver sa pagda-drive ulit. Kaya muli akong humarap.

Bago pa man makaandar ang jeep, biglang tumayo itong lalaking nasa tapat ko. Bababa yata.

Pero sa pagbaba niya, bigla niyang hinablot 'yong nasa kamay ko. Sa sobrang gulat, hindi ako nakapag-reak agad. Lalo na no'ng bigla ring umandar ang jeep.

Shit! Ano 'yong nangyari?!

"Teka, manong, 'yong cell phone ko!" agad na sigaw ko.

Hindi ko alam kung sino ang titingnan ko, 'yong lalaking kumuha ng cell phone at wallet ko o si manong driver na gusto kong huminto para makababa ako.

Nang makalampas sa intersection ay agad huminto si manong. Kaya dali-dali rin akong bumaba. Sinubukan kong habulin 'yong kumuha ng cell phone at wallet ko pero dahil madilim na sa parteng ito at nasa kabilang daan siya, hindi ko na nasundan. Nawala na lang siyang parang bula sa paningin ko. Hindi ko na nakita.

Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabilis na rin ang tibok ng puso ko. Grabeng kaba 'yong naramdaman ko. 'Yong kabang tuluyang nagpaluha sa akin.

"'Yong cell phone ko…" mahinang bulong ko habang sapo-sapo ang noo, feeling all the frustrations in the world.

Takte naman kasi! Sa tinatagal-tagal kong nag-stay dito sa Bacolod, ngayon pa talaga ako na-snatch-an. 'Tang inang buhay 'to.

Isang malakas na busina ang nagpa-iktad sa akin. Iginala ko ang tingin sa paligid, walang pakialam kung nanlalabo na itong mata ko dahil sa luha.

Literal na nasa gitna na pala ako ng daan. Wala sa sarili akong napaatras sa may side walk. Pinapahiran na rin ang sariling pisnge.

'Yong cell phone ko kasi! Kailangang-kailangan ko 'yon! At saka 'yong ATM card sa wallet ko, kailan ko rin 'yon.

"Okay ka lang, Miss?"

May biglang lumapit sa akin na isang babae na hindi ko alam kung saan nanggaling. Siguro sa kotseng nakahinto sa tapat ko. Hinawakan niya ang kabilang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Pilit pa rin na pinapatahan ang sarili.

'Yong cell phone ko! Baka biglang mag-text si Tonton tapos hindi ko mabasa! Kailangang-kailangan ko 'yon talaga!

"Ate Zetty? Zettiana Saratobias ng Arfien?"

"K-Kilala mo ako?"

Takte, sino ba 'to?

"Imae po. Imae Javier. Freshman po ako ng Architecture sa LCC."

"Ha? Ganoon ba? Hi, Imae."

Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa direksiyon kung saan ko huling nakita 'yong kumuha ng wallet at cell phone ko. Takte, ang dilim na sa daan na pinuntahan niya. Mukhang wala ng pag-asa 'to.

"Okay lang po ba kayo, Ate Zetty? Ano pong nangyari sa inyo? Pasensiya na po kung muntik ka naming masagasaan."

Bumalik ang tingin ko kay Imae. Parang gusto kong maiyak nang maalalang kinuha na ang cell phone ko.

"Okay lang ba siya, Imae?"

Lumampas ang tingin ko sa likuran ni Imae nang may biglang lumapit na isang lalaki.

Anak ka naman talaga ng kagang, oo!

Sunod-sunod na mabibilis na tibok ang naramdaman ko sa puso ko nang makita ang mukha ng lalaki.

"Tonton?"

~