webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Wooden Stairs

"Okay, first of all, okay lang ba kay Therese na pinabasa mo sa amin 'yong letter niya? I mean, she stated here that she appreciated you for not telling anyone about her sexuality. Am I right? Am I making any sense here?"

I slouched and blew some silent raspberries nang tumayo talaga si Ada sa harapan ko at parang teacher na nag-lecture sa harapan namin ni Yosef.

"Pinabasa ko 'yan sa inyo dahil gusto kong manghingi ng advice. Ano bang gagawin ko?"

"Edi sasabihin mo sa kaniyang you're falling."

"How?" Nilingon ko si Yosef at dramatiko naman niyang sinalubong ang tingin ko.

"Edi magsasalita ka. Sasabihin mong you're falling."

Kahit kailan ang kapal ng mukha ng walang hiya.

"Gusto mong mamatay?" seryosong banta ko sa buhay niya.

He wrinkled his nose while looking away. "Ayoko. Maraming iiyak na girls kapag maaga akong namatay."

"Marami nga'ng iiyak pero hindi naman iiyak 'yong babaeng mahal mo kapag namatay ka."

"Maninood man ka Ada oy."

Bars, baby!

Hardcore akong nakipag-apir kay Ada dahil sa naging sagot niya kay Yosef. Sabay din kaming natawa. Gustong-gusto ko talaga 'yong nagbabarahan na ang mga Osmeña, e. It's like I'm watching a movie.

"Sige, pagtawanan n'yo 'ko. Kapag 'yon minahal ako, who you kayo sa akin."

Mas lalo kaming natawa ni Ada dahil sa dinagdag ni Yosef. Tawang-tawa na ako. Sumasakit na tiyan ko kakatawa.

"'Di ka nga mapansin no'n, ang mahalin ka pa kaya? Napapansin ka nga pero hanggang kaibigan lang naman," kantiyaw ulit ni Ada na mas lalo ulit naming pinagtawanan. Ang ingay na ng halakhakan namin ni Ada. Hindi na magkamayaw.

Padabog na tumayo si Yosef and cue na rin namin ni Ada 'yon para tumigil sa tawanang ginagawa namin. Tumingala ako kay Yosef at sinundan ang pagbaba niya sa bleachers.

"Oh, sa'n ka pupunta?" tanong ko pa, pilit pa rin pinipigilan ang tawa ko.

"Lalayo muna sa tabas ng dila n'yo," pabagsak niyang sinabi at dire-diretsong naglakad.

"Hoy! Joke lang 'yon. Ito naman. We all deserve to be loved! Mamahalin ka rin no'n o 'di kaya'y hanap na lang ng iba!" pahabol na sigaw ko habang nasa premises pa siya ng solidarity hall.

Natoon kay Ada ang tingin ko na sinundan din pala ng tingin ang pinsan.

"Pabayaan mo muna 'yon. Badtrip na badtrip 'yon, ilang araw na."

"Bakit naman?"

"Dahil sa non-existent lovelife niya," and she quoted. "Anong plano mo? Aamin ka sa kaniya?"

Umiwas ako ng tingin kay Ada at nawala na nang tuluyan sa eksena si Yosef. Napaisip ako sa sinabi niya. What's next now that I admit in myself that I am falling. Although I didn't know what's the real meaning of falling in love. Basta alam ko, I'm falling.

"Let me sink in first na inamin ko sa sarili ko na isa akong tomboy just like my Mama. Masiyadong mabilis ang lahat, Ada. Is this for real?"

"Lumabas sa bibig mo, narinig ko. I think it's real."

Sinalo ko ang mukha ko, frustrated na frustrated sa nararamdaman ko ngayon. Matagal akong nag-isip and Ada's patient enough to wait for what I will say.

Matapos ang ilang minuto, nag-angat ako ng tingin kay Ada.

"Aren't you gonna unfriend me?"

"Nge… bakit naman kita i-u-unfriend? Ano 'to? Facebook?"

"Kasi tomboy ako?"

"Ano naman ngayon kung tomboy ka? Bata pa lang tayo, ramdam ko na naman na may pagka-boyish ka. Actually, tayong dalawa nga 'di ba?"

Napabuntonghininga ako at hinayaan ang school bell na marinig mula sa malayo. Tumayo ako at sinabayan si Ada sa paglalakad pabalik sa classroom namin.

"Paano ko 'to sasabihin sa iba?"

Tinapik ni Ada ang balikat ko and give me an encouraging smile. "Just take your time knowing yourself first. Saka mo sabihin sa iba. Coming out is the hardest part in that kind of situation. Just take your time and trust the process."

The remaining classes in our afternoon schedule was a routine. Except that Yosef's ignoring me the whole class. It's obvious pa naman ang hindi niya pagpansin sa akin kasi magkatabi kami sa classroom at sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa discussion ng teacher namin, hindi niya ako sinasagot at mas lalo lang makikinig kay teacher. Usually naman kasi sumasagot 'yan. Minsan pabulong, minsan bulgaran talaga at malakas pa ang boses. Pero himala ngayon na tahimik siya't hindi niya pa ako pinapansin. Tungkol ba 'to sa nangyari kanina? Ang pikon talaga nitong Josefino na ito kahit kailan.

Patapos na rin naman ang klase kaya papatapusin ko munang magsalita si teacher bago ko guguluhin 'tong mundo ni Yosef.

"That's all for today. Don't forget your assignment for next meeting. Diretso uwi. Good bye, class."

Nagsitayuan kaming lahat. "Thank you and good bye, Miss Artajo."

Agad na nagsiuwian ang mga kaklase ko nang makalabas na ang last subject teacher namin for today. Nag-stretching naman ako at nilingon ang katabi kong isinukbit na ang bag sa balikat at mabilis pa sa alas-kuwatrong tumayo at umalis.

"Hoy, Yosef, teka!"

Dali-dali kong ipinasok ang mga gamit ko sa loob ng bag at basta lang itong binitbit para maabutan ko si Yosef sa kaniyang pag-alis. Pagkalabas ko ng classroom, saktong pababa na siya ng hagdan kaya tumakbo na ako para lang maabutan siya.

Pero dahil gawa sa kahoy ang buong building namin, most especially ang hagdan, nadulas ang sapatos ko sa isang baitang dahilan para dumaosdos ang puwetan ko ng mga dalawang baitang. Mabuti napahawak ako sa kahoy na barandilya ng hagdan, napigilan ko ang sarili ko sa pagkahulog ng tuluyan. Pero pucha 'yong kalabog! Umabot yata sa kabilang building!

Dali-dali akong tumayo at nilingon ang ibang estudyante na nakadungaw na pala sa akin. Ngumiti ako ng malawak at sumigaw ng "Okay ako. Buhay pa. 'Wag kayong mag-alala." Naka-thumbs up pa ang dalawa kong daliri para ipakita sa kanilang okay ako.

Tumawa 'yong iba, lalo na 'yong mga malalapit kong kaklase at kakilala, pero hindi ko muna sila inatupag. Tuluyan akong bumaba ng hagdan nang may buong pag-iingat na't baka maulit na naman 'yong nangyari kanina. Okay naman talaga ako. At mabuti na napatigil din si Yosef sa may paanan ng hagdan. Nakalingon na siya sa akin.

Bumuntonghininga ako at ininda ang sakit ng balakang ko. Pucha talaga.

"Galit ka ba sa akin?" diretsahang tanong ko sa kaniya.

Pero ang gago, umiwas lang ng tingin pero alam na alam ko, kasi halata naman talaga, na nagpipigil siya ng tawa. Gago. Ganito 'to kapag nasasaktan ako, e. Imbes na tanungin kung okay lang ako, mas una niya pang tatawanan ako.

"Hindi na. Hindi ko alam na ganito ka pala manuyo ng tao, nagpapatawa ka pala." At ngayon, hindi na nga niya napigilan na ilabas ang tawa niya dahil sa nangyari sa akin kanina. Kaibigan ko ba talaga 'tong Josefino'ng ito?

"Zettiana, okay ka lang?" narinig kong sigaw ni Ada from the second floor. Katabi niya si Nicho at ang iba pa naming kaibigan.

Lumingon ako sa kaniya at nag-thumbs up. "Oo, okay lang." Ibinalik ko ang tingin kay Yosef. "Ah, so galit ka talaga?"

"Hindi na nga," natatawa pa ring sagot niya.

"Galit ka nga kanina? So, napikon ka sa pinagsasasabi namin ni Ada? Bakit? Hindi ka na love ng girlfriend mo?" pang-aasar ko sa kaniya para matigil siya sa pagtawang ginawa niya.

"Kalimutan mo na nga 'yon. Wala 'yon."

Ang lakas ng apog ng gagong ito. Pinag-alala niya ako the whole afternoon by his attitude tapos nadulas pa ako sa hagdan kanina para sabihing kalimutan ko na lang 'yon? Ang lakas ng apog niya talaga kahit kailan!

"For the record, hindi ko sinadya 'yon. Masakit ang balakang ko ngayon. Totoo 'yong pagkahulog ko."

"'Wag mo sa 'king isisi 'yan. Alam mo na namang madulas ang hagdan na 'yan, tumakbo ka pa talaga pababa."

Umusog ako ng kaonti dahil may mga pababang schoolmates namin. Tinatapik nila ang balikat ko at nagtatanong kung okay lang ba ako pero alam ko namang hindi seryoso at mukhang na-enjoy ang nagawa ko, tumatawa kasi sila habang nagtatanong, e. Mga walang hiya. Nagpaalam na rin 'yong mga kaibigan ko na uuwi na sila. Nag-uusap kami ni Yosef kaya tinatanguan ko lang sila. Malaki na sila, kaya na nila sarili nila.

"Are you okay? Nahulog ka raw sa hagdan?"

Shet na malagket!

Napatingin ako sa gilid ng hagdan nang marinig ang familiar na boses ni Therese. Nandoon nga siya, mag-isa, at nakatingin ng diretso sa akin. Napalunok tuloy ako at parang kinabahan. Shet! Hindi ko napaghandaan 'to.

"I-I'm - ehem - fine. Y-Yeah, I'm fine, Therese."

Puno ng pag-aalala ang kaniyang mata even after I said na okay ako. Nanatili ang tingin niya sa akin hanggang sa dahan-dahang siyang tumango.

"Uwi na ako. Baka hinihintay na ako ng mga kapatid ko."

Narinig kong nagsalita si Yosef pero tinapik ko lang ang balikat niya habang nakatingin pa rin kay Therese. Pa-simple ko rin siyang itinulak para mawala na siya sa eksena kasi eksena na namin ni Therese 'to.

Ngumiti ako kay Therese at napangiti rin siya sa akin. Now, that's the smile that should flash in her face all the time.

"Uuwi ka na ba/Tapos na klase n'yo?"

"Oo/Oo."

Sabay kaming natawa ni Therese dahil sa sabay naming tanong at sagot. Napahawak ako sa batok ko at nahihiya siyang nginitian. Parang timang, Zettiana.

"Can I walk you home?" lakas-loob na tanong ko.

She smiled. "Sure. I'll just get my bag." Itinuro n'ya ang direksiyon ng principal's office kaya sinundan ko siya sa paglalakad papunta roon. Mukhang galing din siya roon bago pa siya mapunta sa puwesto kung saan kaming nag-usap ni Yosef.

Naghintay ako sa may canopy na nagko-connect sa principal's office at college building. May sementadong upuan doon kaya doon na lang ako umupo. Ilang minuto akong naghintay. Inaabala ang sarili sa kakatingin sa schoolmates ko na pauwi na.

Maya-maya lang ay lumabas na si Therese kasama ang kakambal niya na nakabusangot ang mukha. Napatayo ako at nang makita ni Therence ang presensiya ko, ngumisi siya at napa-irap ng mata.

"Ugh! Thirdwheel ba ang drama ko ngayon?" pa-iling-iling na sabi niya at dire-diretsong naglakad.

"Sorry, natagalan. Kinausap pa kasi kami ni Sister sa loob," agad siyang humingi ng despensa nang sabayan na niya ako sa paglalakad.

"May pinapagawa si Sister sa 'yo?" sagot ko habang naglalakad papunta sa gate. Medyo mabagal ang paglalakad ko, sinusulit ang minuto dahil malapit lang sa school ang bahay nina Therese. Kaya ang lakas ng loob kong samahan silang dalawa ng kakambal niya sa pag-uwi.

"Uh… hindi. Si Therence kasi may ginawa na naman. Kinausap lang siya ni Sister, pati ako na rin, since hindi makakapunta ang parents namin. Minor lang naman. Madadala naman sa usapan," hindi nawawalan ng ngiti na kuwento niya.

Nilingon ko si Therence na ini-swipe na ang ID niya sa swiping machine.

"Ah… ganoon ba?"

Si Therence kasi minsan, sakit sa ulo. Madalas 'yan sa office ni Sister dahil maya't-mayang kinakausap. Therese, the good one, ay madalas ding madamay dahil nga kakambal but she did nothing wrong. Base lang 'yan sa naririnig ko na usapan tungkol sa kanilang dalawa. Never thought I'm gonna reach the day na magiging interesado ako sa buhay nila… sa buhay niya.

"Ikaw? Are you really fine? Wala bang masakit sa 'yo?"

Ngumiti ako sa kaniya at ini-swipe muna ang ID ko bago sumagot. "Oo, okay lang talaga. Wala namang masakit." Kahit nararamdaman ko na ang kirot sa may balakang ko pero keri pa rin. Kering-keri pa rin, 'day! Maka-ilang beses na akong nagpagulong do'n sa hagdan nina Lolo kaya walang lang 'to 'no kahit pucha ang kirot ng balakang ko ngayon, leche!

"Saktong paglabas ko kanina sa principal's office, narinig ko 'yong classmates mo na pinag-uusapan ka tungkol sa pagkahulog mo sa hagdan. Dapat pupunta akong CR no'n pero pinuntahan kita agad dahil sa sobrang pag-aalala."

"Hala? Baka need mong mag-CR? Ba't 'di mo naman sinabi?"

"Alibi ko lang 'yon. Sa canteen talaga ang punta ko."

Mahina akong natawa dahil sa sagot niya at hindi na muna nagsalita pa. Nagpatuloy ang paglalakad namin hanggang sa makalabas kami ng school gate.

"Rese, daan muna tayo kay Nanay. Bibili lang ako ng makakain." Lumingon si Therence sa aming dalawa since nauuna siyang maglakad. Itinuro niya 'yong sa may bandang gilid ng malaking gate ng simbahan kung saan may nagbebenta ng hot cake, iced tea, at iba't-ibang klaseng chichirya.

Ilang taon na rin 'yang si Nanay Tessa na nagtitinda rito. Mabenta kasi ang hot cake na ginagawa niya sa halagang limang piso isa. Masarap lalo na kung may kasamang iced tea na tig-sampung piso. Swak na 'yon pang-merienda ng isang estudyanteng katulad ko. Kaya naging patok si Nanay Tessa sa lahat.

Naglakad kami papunta roon. Mas nauna si Therence kaya papunta pa lang kami sa kaniya, inabutan na kami ng iced tea at hot cake, isa-isa kami. "Mag-usap muna kayong dalawa. Mukhang kailangan n'yo 'yon," dagdag na sabi niya.

Tinanggap namin ni Therese ang inabot ng kakambal niya at tumayo sa gilid, may distansiya mula sa puwesto ni Nanay Tessa. Doon kasi tumayo si Therence, mukhang kinakausap na rin si Nanay Tessa at ang asawa nito.

Unang minuto, tahimik kaming dalawa at inabala ang sarili sa pag-kain ng ibinigay na merienda ni Therence. Matapos ang unang kagat at sipsip ng iced tea, nilakasan ko na ang loob ko para magsalita.

"Uh… Therese… Thank you nga pala sa painting and I'm sorry for what I did."

"That's… fine, Zet. Reasonable naman ang naging reaction mo. Nakakagulat nga naman. And I've come to the realization na kahit boyish ang appearance mo, you're still a girl inside. I should not ruin it."

Tinanaw ko ang tahimik na shared parking lot ng school at ng simbahan. Wala na masiyadong tao sa paligid, mukhang nakauwi na ang basic education department. Sabagay, alas-cinco pasado na rin naman.

I sighed and slowly look at her. "What if we try?"

"Try what?" naguguluhang tanong niya.

"Try if we can make it work out. Wala naman sigurong masama, 'di ba?"

The shock in her eyes is so evident I had to look away. Hindi ko siya masisisi kung bakit nagulat siya sa sinabi ko. Maski ako, nagugulat na rin sa sariling desisyon pero sa maniwala kayo't sa hindi, pinag-isipan ko 'to kaninang hapon, habang nagka-klase. Hindi ko alam kung tama ba ito pero wala naman sigurong masama?

"What do you mean, Zetty?"

Bumuntonghininga ako at hinarap siya nang tuluyan.

"Nitong mga nakaraang buwan, since your confession, I've been thinking about what you did and the impact it did in my perception in life. Yes, I'm a boyish in appearance and action, pero dahil sa ginawa mo, you opened a side of me na hindi ko alam. Kaya gusto kong subukan kung kaya ko bang magmahal ng isang babae. Gusto kong subukan sa 'yo, Therese."

Her eyes and smile widened. "Are you really sure, Zetty?"

Tumango ako. "Wala namang mawawala, magmamahal lang naman ako."

"So, sinasagot mo na ako?"

Pambihira! Napa-iwas ako ng tingin at mahinang natawa dahil sa sinabi niya at sa tono ng boses niya. She's so excited.

"Nanliligaw ka pala sa akin?"

"I don't know? Maybe? I just confessed to you, right?"

"Ah… yeah?"

Pareho kaming natawa. Hindi ko alam kung bakit. Tumawa kasi siya at dahil nakakahawa ang tawang mayroon siya, natawa na rin ako.

But that day, I realized I can be something more. I can be something else. I can be something what others see in me.

Inihatid ko ang kambal sa bahay nila and before kaming naghiwalay ng landas ni Therese, we exchanged digits. Pero nang tumalikod na siya at mawala na sa paningin ko, imbes na mabunutan ng tinik dahil sa pag-amin na ginawa ko, parang may nadagdag na bigat sa aking puso. I'm coming out... what else go wrong?

Umuwi ako sa bahay na parang walang nangyari. Mabuti naman at hindi nagloko ang balakang ko, bumalik sa dating puwesto at hindi na muling sumakit pa.

Therese texted me immediately when I checked my cell phone. Nagbihis muna ako at inayos ang sarili ko rito sa bahay, tumulong ng kaonti sa mga dapat maitutulong, bago ko hinawakan ang cell phone ko para makapag-reply.

Takip-silim na at naririnig ko na ang ingay ng mga gangis at kuliglig sa malapit na kakahuyan. Lumabas muna ako ng bahay para tumambay doon sa may duyan sa ilalim ng mangga sa may bakuran ng bahay. Nasa loob naman silang lahat at mas safe ngumiti kapag mag-isa ka.

We exchanged some conversations before I notice Nicho's presence. Medyo malayo ang gate sa tinatambayan ko kaya inaninag ko muna kung tama bang si Nicho ang nakikita ko. P-in-ark niya ang motor niya sa tapat ng gate at nilingon ang bahay, mukhang hindi nakita ang presensiya ko sa ilalim ng mangga. Pumasok siya sa loob ng bahay nang hindi pa rin ako nakikita. Sabagay, madilim nga pala rito sa tinatambayan ko. Ang malapit lang yata na ilaw ay 'yong sa bakod, a few meters away from me, at ang poste ng barangay.

Pinagpatuloy ko na lang ang pakikipag-text kay Therese at sinawalang-bahala ang presensiya ni Nicho. Baka may inutos si Tita Annellia sa kaniya o baka may sadya lang kay Lolo at Lola.

Maya-maya lang ay nakita ko ang presensiya ni Nicho na lumabas ng bahay. Naglakad siya papunta sa direksiyon ko with hands on his pockets. Hindi ko maaninag ang kabuuan ng mukha niya dahil nga madilim dito sa puwesto ko. Ginamit ko na lang ang flash ng cell phone ko para mailawan siya at makita ang pagmumukha niyang parang galing sa akin. O 'yong pagmumukha ko 'yong galing sa kaniya? Ewan? Bakit ba kasi kami magkamukha, e, mag-pinsan lang naman kami. Mukhang ako 'yong nauna, ako 'yong pinanggalingan ng mukha niya, ako 'yong panganay sa aming dalawa, e.

Isinangga niya ang kamay niya mula sa silaw na hatid ng flash kaya iniwas ko na lang sa kaniya at ngumisi.

"Nandito ka lang pala."

Hindi ko pinatay 'yong flash pero nakatutok na ito ngayon sa lupa kasi nga nagta-type ako ng reply kay Therese.

"Bakit? Ako ba hinahanap mo?"

"Sino bang pinaka-pangit dito?"

"Gago ka?" sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang ang gago kong pinsan. "Kung manghihingi ka sa akin ng sagot sa assignment kay Ms. Artajo, 'wag ako. Naghihintay din ako ng sagot kay Ada."

"Nah, I'm done."

Wow! English.

"Lokohin mo lelang mo. Anong I'm done? Sinong supplier mo?"

Nagkibit-balikat lang siya pero hindi sumagot. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at inatupag ulit ang cell phone. Mas lalo ko lang ini-relax ang sarili ko sa duyan habang marahang nag-s-sway ito gamit ang isang paa kong nakatukod sa lupa.

"Nandito ako para isaoli sa 'yo 'to. I believe it's yours?"

"Ano ba 'yan? Bukas mo na lang sana isinaoli?" sagot ko habang nasa cell phone pa rin ang tingin. Pero hindi sumagot si Nicho sa sinabi ko kaya lumampas ang tingin ko sa cell phone ko papunta sa kaniya. Ay mali, papunta sa hawak niyang papel.

Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napabangon ako sa duyan at inabot 'yong ibinigay niya. "Sagot ba 'to sa assignment?"

Kinuha ko sa kaniya 'yong papel at agad binuksan pero nang makita ko kung anong laman… biglang nanlamig ang kamay ko dahil sa gulat. Sunod-sunod ang paglunok na nagawa ko lalo na nang magsalita ulit si Nicho.

"Anong ibig sabihin n'yan, Zetty?"

~