webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Tip Of The Cross

Habang hindi pa nakakarating sa Brgy. Paitan, sinusubukan kong tawagan si Yosef. Pero hindi siya sumasagot. Hindi rin nagri-reply sa text ko. Alam kong naka-on ang cell phone niya kasi nagri-ring naman kapag tinatawagan ko pero hindi talaga sinasagot. Hanggang sa sasabihin na lang ng operator na hindi talaga sumasagot ang tinatawagan ko kaya 'wag ko na raw ipilit. Ay, iba!

Napasandal ako sa back rest ng upuan at tiningnan ang pagpa-parking na ginagawa ni Tonton sa kotse niya.

"Olats. Hindi sumasagot si Tonton."

Iginala ko ang tingin sa paligid ng area pero walang bakas ng kotse ni Yosef. Ni anino ng bugok, hindi ko talaga nakita.

Pero bago bumaba, nagsalita muna si Tonton habang nakatingin sa cell phone niya.

"Nag-text sa akin si Yosef. Ang sabi niya, hindi raw siya makakapunta kasi ginawa siyang driver ng mga kapatid niya."

Mas lalo akong nalugmok dahil sa sinabi ni Tonton. Napabuntonghininga at saka napaahon na rin ulit.

"Tayo na lang. Nandito na rin naman tayo," sabi ko sabay baba sa kotse.

Binuksan ko ulit ang pinto ng back seat para kunin ang back pack ko. Hindi pa rin bumababa si Tonton kaya nilingon ko siya bago isarado ang pinto.

"Hoy, baba na. Para kang timang d'yan, nakangiti mag-isa," sabi ko bago isinarado ang pinto at isinukbit ang back pack.

Para kasing bugok si Tonton kanina. Nakaupo lang siya sa driver's seat tapos parang tulala at nakangiti pa talaga. Isama ko na kaya siya sa mga taong legal kong tinatawag na bugok? Parang papunta na siya sa pagiging bugok, e.

Tinanaw ko ang malaking krus sa tuktok ng bundok. Legit talagang nakatayo na siya. Makikita naman ang bundok kahit saan kang magpunta sa city at mas lalo na kapag pauwi ka galing north or south ng island pero kaya siguro hindi ko napapansin kasi parati akong tulog kapag uuwi ako ng city.

Maya-maya lang din ay nasa tabi ko na si Tonton. Tipid akong napangiti sa kaniya at sinimulan na namin ang paglalakad papunta sa entrance ng bundok, kung saan din ang log book area.

"Tara?" tanong ko pa.

Tumango lang siya kaya nagsimula na akong maglakad. Hindi na inalala ang parang bugok niyang pagngiti sa kawalan kanina.

Buong akala ko bago ako makaakyat dito ulit ay magiging diretso ang pag-akyat ko. Hindi ko alam na dahil less na ako sa exercise at physical activities nitong mga nakaraang buwan ay madali akong mapagod ngayon. Kaya maya't-maya akong napapatigil para magpahinga, humihinga ng malalim, at iinom ng tubig. I'm thankful na patient enough naman si Tonton para samahan ako sa pagpapahinga kahit makailang beses ko na siyang sinasabihan na puwedeng-puwede na siyang mauna.

Halfway done there at nagpapahinga nang bigla akong may narinig na shutter at click ng camera. Nag-angat ako ng tingin kay Tonton at nakita nga siyang may bitbit na camera'ng nakatutok sa direksiyon ko.

"Hoy! Ano 'yan?"

Napatingin siya sa camera niya at parang nataranta sa ginawa kong pagsita sa ginawa niya kanina. Magkasalubong na yata ang kilay ko ngayon dahil sa pagod at sa pagtataka sa ginawa niya.

Napaayos ako ng upo nang hindi pa rin siya nakasagot.

"Uh-"

"Ulitin mo. Hindi yata ako naka-pose doon. Hindi mo naman kasi sinabing magpi-picture ka pala."

Agad akong nag-pose kasi alam kong maganda na ang tanawin sa bandang likuran ko kahit nasa gitna pa lang kami ng bundok. Narinig kong tumawa siya pero agad din namang sinunod ang gusto ko. Bahala siya. Mas matino ang camera niya kaysa gamitin ang cell phone ko for camera. Kaya might as well pose na rin ano?

Matapos ang ilang weird shots ay nag-aya ulit akong magpatuloy kami.

"Oy, picture tayo. Ipang-iinggit lang natin sa dalawa."

Pumuwesto ako sa likuran niya. Kaya siya 'yong nasa harapan. Itinapat niya ang camera sa aming dalawa at ipinaharap naman niya ang screen no'ng camera para siguro makita kung pasok pa ba kami sa lense ng camera.

Nang makita ang background, aga akong napangiti. "'Yan! Maganda ang background!"

Oo, maganda nga ang background pero dahil mas mataas na talaga siya originally sa akin na dinagdagan pa ng isang baitang sa hagdan, nagmukha akong batang maliit sa likuran niya. Pero keri lang naman. Nag-smile pa rin naman ako sa camera.

Naka-ilang shots ulit kami bago itinigil ang picture-ang nagaganap. Baka kasi hanggang dito lang kami at hindi na makaakyat sa itaas dahil picture lang nang picture.

Mataas na ang araw nang makarating kami sa tuktok. Pero wala sa araw ang atensiyon ko kundi nasa malaking krus that proudly stand before my eyesight.

Humigpit ang hawak ko sa straps ng back pack ko at kahit hingal na hingal, mas inuna ko pa ang mapangiti habang nakatingin sa malaking krus. Ebarg! Ang ganda pa rin. Mas maganda na ang krus nito kaysa noong una. Ebarg talaga!

"Ebaaaaarg!" sigaw ko. "Ang ganda pa rin! Walang kupas!" dagdag na sigaw ko, with wide spread arms like embracing its beauty.

"Oo nga. Ang ganda. Sobrang ganda."

Hinabol ko muna ang hininga ko bago ako lumingon kay Tonton dahil sa sinabi niya. Nakatingin din siya diretso sa krus kaya napangisi ako.

"Picture-an mo 'ko."

Tumakbo ako papunta sa may hagdan at basta lang na inilapag ang back pack ko sa isa sa mga baitang at patakbong umakyat katabi ng krus para makapag-posing.

Hinawakan ko pa muna ang bakal ng krus saka ako humarap sa kung saan naka-position si Tonton para kuhanan ako ng picture.

Nag-pose na lang ako nang kung ano-ano. Alam kong magaling naman si Tonton na pagandahin ang kuha kahit na nakatayo lang ako rito sa tabi ng krus.

Nang makuntento na sa shots na ginawa niya, nanatili akong nakatayo habang tinatanaw ang kabuuan ng paligid. Ganoon pa rin, kitang-kita pa rin ang half ng Escalante City. Nandoon pa rin ang mga dati ko nang nakita pero hindi ko alam kung hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa nakikita ko.

Huminga akong malalim at dinama ang sikat ng araw na dumampi sa aking pisnge na sinamahan pa ng malamig na simoy ng hangin. Marahan akong pumikit habang ang mga alaala ay unting nanumbalik sa aking isipan.

Sa lahat naman kasi talaga ng pagkakataon, ngayon pa talaga, at dito pa talaga.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Tonton sa akin kaya napadilat ako ng mata.

Agad akong tumalikod at mas binigyan ng pansin ang krus sa harapan kaysa sa sariling nararamdaman.

"Anong ginamit na steel sa paggawa nito?" tanong ko pa. Chini-check ang bawat sides ng pinagtayuan ng krus.

"Made of pure alloy steel, manufactured by Osmeña Steel Works."

"Ah! Kina Yosef." Bahagya kong sinuntok-suntok ang steel at napatingala hanggang sa dulo ng krus. "Sana naman matibay na ito ngayon."

"Why? Nagda-doubt ka sa kalidad ng Osmeña Steel Works?"

Napalingon ako sa kaniya at bahagyang natawa. Hindi naman kasi 'yon ang ibig kong sabihin.

"Hindi naman. Alam ko namang matibay talaga ang Osmeña Steel Works. Pagmumukha lang naman ni Yosef ang hindi matibay at kaduda-duda, but anyways, ang ibig kong sabihin ay sana hindi na siya matumba ng kahit anong unos pa ang dumating sa city natin."

Tumingala ulit ako at mas tiningnan na ang every detail ng krus. May napansin akong parang hagdan sa itaas kaya agad kong itinuro iyon bago napatingin kay Tonton.

"Puwede bang akyatin 'to?"

"Oo naman. Gusto mong umakyat?"

"Oo ba."

Dahil sobrang lakas ng loob ko, nilabanan ko ang maliit na kabang naramdaman ko habang inaakyat ang maliit na hagdan na magdadala sa akin sa loob at itaas mismo ng krus. Matagal ko nang gustong akyatin ang krus nito. Noong hindi pa ito natutumba, masiyadong risky ang pag-akyat doon dahil sa steel ka lang tatapak at walang hagdan na puwedeng akyatan kaya hindi advisable. Ngayon kasi, parang isinali na sa design ng krus na puwede na siyang akyatin.

Pagkarating sa dulo, may parang net na steel ang nakapuwesto roon na puwede mong upuan. Sumunod din pala si Tonton sa pag-akyat. Pero wala roon ang atensiyon ko.

Ebarg! Sobrang ganda! Kitang-kita ko ang lahat! Super! Legit, ang ganda talaga! Parang kaonti na lang ay maaabot ko na ang langit!

"Nakakalula pero ang ganda!" agad na komento ko nang maramdaman ang presensiya ni Tonton.

Hindi nakakasawa. Kahit kailan, ang ganda talaga.

"Puwesto ka, picture-an kita."

Sumandal ako sa bakal ng krus at agad na ngumiti sa camera niya habang naka-indian sit lang. Hindi ako makatayo kasi natatakot ako. Mas mabuti na 'yong nakaupo para safe.

"Gusto mo, picture-an din kita? Marunong naman akong mag-picture."

"Sure."

Ibinigay niya sa akin ang camera kaya hinanda ko na ang sarili ko para makuhanan ko na siya pero bigla siyang naghubad ng t-shirt at mas umakyat pa sa steel na nasa ibabaw namin.

Nakakagulat 'yong bigla niyang paghuhubad ng t-shirt pero hindi naman 'yong sobrang nagulat at na-awkward talaga ako, medyo sanay din naman ako sa mga lalaking bigla-bigla na lang naghuhubad. Mas nakakagulat lang 'yong bigla niyang pag-akyat pa.

"Saan ka pupunta?" agad na tanong ko, medyo kinakabahan sa ginagawa niya.

"Aakyat. Mas maganda ang shot kapag nandoon ako sa itaas at ikaw naman ay nand'yan."

Napangiwi na lang ako nang walang kahirap-hirap niyang inakyat ang tuktok ng krus. Nanatili akong nakaupo kaya tumingala na lang ako dala ang camera para makuhanan siya. Nakapuwesto na rin naman siya ngayon kaya kahit ako 'yong kinakabahan para sa kaniya, natingnan ko pa muna ang camera bago nag-shot.

Ang ganda nga ng background niya kasi ang asul na langit na ang nakikita. Parang nakaka-inggit tuloy. Nag-take lang ako ng random shots. Parang gusto niya candid kasi hindi man lang siyang nakatingin sa camera.

"Tingin ka naman dito, woy."

Tumingin din naman siya at mas lalong naging maganda ang kuha kasi ngumiti siya. The rarest expression I could ever see from him.

"'Yan! Nakaka-inggit tuloy. Gusto ko rin d'yan!" sabi ko nang matapos na ang ilang shots.

"'Wag na. Delikado," sagot niya habang pababa.

Napa-ismid ako sa sinabi niya. "Delikado? E, bakit umakyat ka kung delikado?"

"Hindi mo kakayanin."

Mas lalo lang akong umismid pero hindi rin naman dinibdib ang sinabi niya. Nang makapuwesto ulit siya sa level na parehas sa akin, hindi ko muna ibinigay ang camera niya dahil itinutok ko muna iyon sa aming dalawa para makapag-picture kami.

"Ismayl!" sabi ko pa.

Saka ko lang ibinalik ang camera niya pagkatapos ang dalawang shots ng selfie namin.

I've indulged myself a bit with the view until reality hit me.

Sumandal ako sa bakal na sandalan, itinaas ang isang tuhod para maipatong ang isang braso, at bahagyang pumikit. Muling naalala ang mga alaalang nangyari rito, tatlong taon na ang nakalipas.

Ito 'yong unang lugar na napuntahan naming dalawa after naming magka-aminan. Naging espesyal na ito para sa akin kasi may nagawa akong memories na kasama siya. May mga na-experience ako rito na first time kong masaksihan nang kasama siya.

Tatlong taon, Therese, ang sinayang ko. Tatlong taon ang sinayang ko para maibigay sa iyo ang atensiyon ko. Tatlong taon ang ibinigay ko sa 'yo. Buong buhay ko, alam kong hindi ako makakatagal nang ganoon katagal sa isang tao pero dahil sa naging pangako mo, sumugal ako. Tatlong taon kong pinaniwala ang sarili ko na katulad din ako ni Mama, na nakatadhanang mahalin ang isang babae, ang isang tulad mo. Tatlong taon.

Tatlong taon lang but it feels like a lifetime already. Parang buong buhay ko na ang nasayang ko.

Buong akala ko pa naman ay mamahalin mo ako hanggang dulo. Buong akala ko, ikaw na talaga. Ang mga akala kong hanggang ngayon ay unti-unting naglaho.

Nakapikit ako for a purpose. Gusto kong pigilan ang sarili kong maiyak habang inaalala ang mga alaalang nagawa naming dalawa sa loob ng tatlong taon.

Pero bakit ganoon? Damang-dama ko ang sakit kahit na iniisip ko lang naman iyon. Bakit nasasaktan pa rin ako kahit ilang linggo na ang nakalipas?

Mabibigat ang paghinga ko, pinipigilan pa rin ang sarili.

"Hindi ka ba talaga nasaktan nang maghiwalay kayo ni Therese? Okay ka na ba talaga ngayon?" biglang tanong ni Tonton sa kalagitnaan ng aming pagiging tahimik.

Mas lalo akong hindi nagmulat ng mata. Kasi anytime soon, may babagsak talaga. At hindi iyon ang krus na kinalulugaran namin ngayon, kundi ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Umiling ako bilang sagot. Hindi pa rin nagmumulat ng mata.

"Minahal mo ba si Therese?"

Tumango ako.

"Bakit parang hindi ka man lang nasaktan nang maghiwalay kayo?"

Pero nang magmulat ako ng mata at diretsong napatingin sa lap ko, doon na sunod-sunod na nagsibagsakan ang luhang kanina ko pang kinikimkim.

"H-Hindi ako nasasaktan. Hindi nasasaktan ang isang Zettiana Saratobias na katulad ko."

Umiyak ako na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Na para bang fresh na fresh pa ang sakit na ibinigay niya sa akin.

Hanggang ang iyak ko ay naging mahinang hikbi. Kinakagat ko na ang pang-ibabang labi ko para lang mapigilan ang sarili pero kahit anong pigil ko, lumalabas talaga ang katotohanang nasaktan ako.

"Ganiyan nga, Zetty. Ilabas mo ang nararamdaman mo. Hindi 'yong kinikimkim mo lang."

Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Tonton. Para bang ngayon ko lang naiyak ang lahat.

Niyakap ko ang sarili ko at hindi inalintana ang lamig ng pang-umagang hangin. Nakakahiyang umiyak sa harapan ni Tonton pero anong magagawa ko, ngayon lang lumabas ang kinikimkim kong sakit. Hindi ko na mapigilan pa.

"Sige lang, iiyak mo lang lahat."

Naramdaman ko ang yakap ni Tonton pero hindi ko na pinuna iyon. Mas nakatulong lang iyon sa gaan ng pakiramdam na unti-unti kong naramdaman matapos ang ilang minutong pag-iyak.

Dinamayan niya ako sa hanggang sa maging kalmado na ako nang tuluyan.

Nang wala ng luhang mailuha, lumayo na rin naman si Tonton sa akin kaya napasandal ulit ako sa bakal habang pinapahiran ang pisnge ko.

"Pasensiya ka na. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin ang break-up namin. I guess I never cried like that since it happened."

It was easier to cry in front of him kaysa sa mga pinsan ko. It was easier to let him see my real emotion than showing it off with my cousins and close friends. Ewan ko ba. What sorcery is this?

"Okay lang. Basta ba kapag nailabas mo na ang lahat, magiging okay ka na nang tuluyan."

Pinantayan ko ang tingin niya sa akin. "Sana nga," hopeful kong sabi. At ako na rin mismo ang umiwas ng tingin. "Narinig ko, naghiwalay din daw kayo ni Therence?"

"Psh. Ang tagal na no'n. Matagal na rin akong okay. Wala na sa akin 'yon."

Naibalik ko ang tingin sa kaniya at napangisi. "Halata naman. Hindi ikaw 'yong tipong umiiyak over a break-up."

"Psh."

Natahimik ulit kami. Hinayaang ang magandang tanawin ang manaig sa pagitan naming dalawa.

Kahit papaano, gumaan-gaan ang pakiramdam ko matapos kong maiyak ang lahat. I'm certain now na magiging maayos na ang takbo ng buhay ko. Sana nga. Kasi ayoko nang ganoong buhay, na palaging miserable. Ayokong maging miserable.

Sinuklay ko patalikod ang buhok ko at bumalik ang tingin sa kaniya, tipid na ngumiti.

"Pasensiya ka na kung nagpakita ako ng kahinaan. Hindi na dapat akong umiyak nang ganoon. It happened weeks ago pero ngayon lang akong umiyak. Pasensiya ka na talaga."

He weakly smiled and mas lalong pinantayan ang tingin ko.

"Don't be. Hindi kahihiyan ang pagpapakita ng kahinaan. Actually, showing weakness is a strength. Kasi piling tao lang ang kayang magpakita ng kahinaan nila sa ibang tao. It's a special ability that few people possess. Showing weakness is having a strength to be transparent to other people. Don't be sorry for showing weakness, Zettiana. We need weakness once in a while."

Napatagal ang titig ko kay Tonton dahil sa mga binitiwan niyang salita. Gusto kong biruin iyon pero there's something about how he looks at me that tells me that I need to take his words seriously. Para bang sinasabi niya na seryoso ang mga binitiwan niyang salita.

I smiled at him and nodded.

"Yeah, right."

Matapos ang nagdaang katahimikan, nag-aya na ako sa kaniya na bumaba na kami sa krus. Sumunod na rin naman siya.

Saktong pagkababa namin ay muli ko siyang kinausap.

"Ton, 'wag na sanang makarating kina Nicho ang pag-iyak na ginawa ko. Bukod sa bibiruin ako ng mga iyon, ayoko lang na mag-aalala pa sila at isipin na apektadong-apektado pa rin ako kay Therese."

"Bakit? Apektado ka pa rin ba sa break-up n'yo?"

"Eeeh, hindi sa ganoon. Seryoso kasi. 'Wag mo na lang banggitin muna sa kanila ang nangyari kanina. Akala mo, hindi ko alam na ikaw ang nagsumbong sa kanila tungkol sa nangyari sa amin ni Therese ha."

"Okay. Pero apektado ka pa rin kay Therese, Zettiana?"

Napabuntonghininga ako at napa-iwas ng tingin.

"Sinusubukan kong hindi maging apektado. Pero alam ko naman na lilipas din ito."

"Let me help you."

"Na ano?"

"Get over it. Get over Therese."

Nangunot ang noo ko't bongga na nagtaka sa sinabi niya. Wala akong maintindihan.

"Paano?"

"Let's get busy together. Go on an adventure every now and then hanggang sa makalimutan mo ang problema mo sa parteng iyon ng buhay mo."

Parang umaliwalas ang mukha ko dahil sa narinig. Adventure daw oh.

"Ay, bet ko 'yan. Kaso sa plates ko pa lang, alam kong magiging busy na ako."

"We'll do it during your free time, free days, like weekend. Anytime, just to keep you busy."

"Sige ba. Subukan natin."

"Ano? Start tayo bukas?"

Napa-ismid ako sa sinabi niya. "Magsi-simba kami bukas at saka family time. May family time din naman siguro kayo, ano? Next week na lang."

He agreed with me sa part na family time. "Okay, next Sabado. Uuwi ka naman siguro sa city natin 'di ba?"

"Oo naman."

"Okay. Akong bahala sa adventure natin next week."

We agreed on that part kaya nag-stay pa kami ng ilang oras sa itaas habang nagpapahinga na rin dahil masarap din ang simoy ng hangin at maganda ang panahon. Nakahiga ako sa isang malaking branch ng puno ng mangga na nandito sa itaas habang siya ay nakasandal lang sa katawan nito at nasa ilalim lang.

Kung ano-ano lang ang napag-usapan namin. Tinatanong niya rin ako kung anong mga adventures and activities ang gusto kong gawin, 'yong mga nagawa ko na at 'yong mga hindi pa. He'll sort it out daw para makapag-plano siya ng mga gagawin sa succeeding days.

Okay namang kausap si Tonton. Cool din katulad nina Yosef at iba pang kaibigan namin sa mga batang hamog ng simbang gabi group. Akala ko nga rati na masungit siya at tahimik kasi hindi nga siya masiyadong namamansin sa akin at sa tuwing nagpapang-abot kami sa circle, tahimik lang din siya.

Pero nakita ko ngayon ang side niya na mukhang hindi ko pa nakikita pero ramdam ko sa sarili ko na 'yon talaga ang personality niya. Siguro defense niya lang 'yong pagiging tahimik pero ang totoo ay madaldal talaga siya at pala-kuwentong tao.

Sabagay, ako nga nagiging tahimik kapag hindi ko gusto ang mga nasa paligid ko. Kaniya-kaniyang klaseng defense lang 'yan.

Before ten AM ay napag-desisyonan naming bumaba. That's right after we talked to some farmers around the mountain. One thing I discovered about him is that he likes talking to people, especially the old ones. Napuna ko 'yon sa kaniya kaya habang pababa, sinabi niya sa akin na malapit talaga ang loob niya sa mga farmers dahil sa negosyo ng pamilya nila. At saka, 'yon daw ang kinalakihan niya.

He has this spot for them. He has this soft side of him I never knew I'd discover.

~