webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Simbang Gabi

"Anong ibig sabihin n'yan, Zetty?"

Huminga muna akong malalim bago tiningnan si Nicho. Sa totoo lang, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya. Tumayo na lang ako at pinantayan ang tingin niya.

"Hindi naman akin 'yan."

"'Wag mo akong gagawing tanga, Zetty, ha. 'Wag talaga," puno ng pagbabantang sabi niya.

Bumuntonghininga ulit ako at sumuko na talaga, napaupo na rin. "Fine. Handa ka bang makinig sa sasabihin ko?"

"Seryoso ba 'to o gagohan? Zetty, kapag ito panggagago, ewan ko talaga sa 'yo."

"Gusto mo bang malaman o hindi? I-sure mo ha? Tatanong-tanong ka tapos hindi pa nga ako nagsasalita, nagdududa ka na."

"Minsan kasi 'yang bibig mo panggagago ang lumalabas, e. Sabihin mo na lang-"

"Oo! Tomboy ako. May nagugustuhan akong isang babae at si Therese 'yon. Ano, okay na?" diretsahang sabi ko kahit na kinakabahan ako at hindi sigurado sa sinabi ko. Hindi nga ako sigurado kung tama bang sinabi ko sa kaniya ang tungkol do'n. Panigurado kasing hindi aalis 'to kapag wala akong sinabi sa kaniyang papasok sa satisfaction level ng bugok na 'to.

Tumango siya sa sinabi ko pero umiwas ng tingin at malalim na nagbuntonghininga. Lumapit siya sa akin at sinenyasan akong umusog kasi uupo siya. Napaayos ako ng upo at hinayaan siyang tabihan ako kahit na mapigtas pa 'tong duyan na ito. Gawa pa naman sa net ang duyan na ito, bahala na talaga. Kapag ito pumalya, alams na mabigat talaga si Nichodemus.

"Katulad ka rin ni Tita Carmy?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Siguro. Baka. Katulad nga ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

"Since when did you realize about that?"

Ma-drama ko siyang nilingon at nagpaawa effect pa. "Tagalog, please? Nasa Pilipinas naman tayo, Nich. Kung puwede nga rin mag-bisaya ka na lang?"

Inambahan niya ako na babatukan niya ako pero dahil alam kong maaawain ang isang 'to, ngumisi lang ako sa kaniya nang hindi na nga niya natuloy ang gagawin sana.

Sinimulan niyang i-sway ang duyan kaya nagpatianod na lang ako.

"I don't know. Gumising na lang ako isang araw na gusto ko na si Therese. Na interested na akong mas makilala pa siya higit sa kaibigan," kibit-balikat na sagot ko matapos ang ilang sandaling pagpapatianod sa sway ng duyan.

"And she likes you too."

"She liked me first. She actually… uh…" sasabihin ko ba 'yong tungkol sa halik? Baka mandiri lang si Nicho, 'wag na lang. "She actually confessed to me first on the night of their seventeenth birthday. Remember no'ng in-invite nila ako? That's when it happened."

"Sigurado ka ba?"

"Dapat ba sa edad nating ganito, sigurado na tayo sa lahat na mayroon tayo ngayon?"

I saw amusement in his face when he heard my answer. "Point taken. Oo nga naman. Sabi nga ni Mama, we're in the crucial stage where everything is confusing us. One day, we're like this, the other, not."

"Kaya siguro sakit sa ulo ang mga teenagers, ano? Bigla kasing nagbabago ang mga desisyon na mayroon tayo."

Ipinatong ni Nicho ang kamay niya sa balikat ko at inilapit sa kaniya. Almost a half-embrace. "Sure ka man o hindi sa desisyon mo ngayon… just always remember I'm here, na sasamahan ka sa path na tatahakin mo. Kahit sa putikan ka pa mapunta, sasamahan pa rin kita. But don't expect me to come near you kapag nasa lusak ka ng putikan. I'll be nearby lang, watching and laughing at you."

Naibagsak ko ang dalawa kong balikat at masama siyang tiningnan lalo na no'ng makita kong nagpipigila siya ng tawa. "As usual. Gago ka nga kahit kailan. Parehong-pareho kayo ng bestfriend mong si Josefino."

Sunod-sunod na tinapik ni Nicho ang balikat ko na nagpipigil pa rin ng tawa. "Ano? Masakit ba?" itinuro niya 'yong bandang baywang ko. "Takbo pa kasi. Alam nang prone sa dulas 'yong hagdan na 'yon, e," dagdag niya.

Kung siya, hindi niya magawang batukan ako. Puwes, ibahin n'yo ako. Hindi ako nagdadalawang-isip kapag babatukan ko 'tong bugok na 'to. I'll execute it immediately. The harder, the better. Kaya ginawa ko.

"Magpapahilot ako mamaya kay Lola. Ramdam ko pa rin 'yong maliit na kirot, e."

Tumawa lang si Nicho. Pinabayaan ko na. Bagay naman sa kaniyang maging baliw.

Hindi rin nagtagal ay tinawag kami ng helper ng bahay para sa hapunan. Nicho will be joining us. Hindi rin naman siya pauuwiin nina Lola kapag hindi siya maghahapunan dito. Just make sure lang daw na nagpaalam siya na nandito siya para hindi mag-alala sina Tito Doane at Tita Annellia.

After a couple of days, Christmas break is finally here. Tapos na kami sa Christmas party namin sa school pero marami pang naka-line up na Christmas gatherings ng family and other friends and organizations. Pero mas excited ako sa pag-uwi ni Mama. She'll be celebrating the holidays here in the Philippines. Siya lang mag-isa ang uuwi because Tita Leceria can't make it since nasa Canada na rin naman ang most of her families.

Pero sobrang jampacked ng schedule ko sa darating na Pasko. Sana nga walang tumaba. Ewan ko na lang talaga sa kaliwa't-kanang kainan at handaan. Plus the simbang gabi.

And actually, nagsimula na kaninang madaling araw ang simbang gabi and maaga akong ginising ni Lola kaninang mga ala-una ng madaling araw to prepare. Kasama namin sina Lolo at ang whole family ni Tito Jose. Literally kaming lahat na nakatira sa bahay ang nagsimba. Alam kong mahirap ma-kompleto ang nine mornings ng simbang gabi pero susubukan ko this year. Baka naman, Lord, pakitulungan ako sa paggising tuwing madaling araw.

Twenty-one of December, Christmas party ng mga barangay officials ng aming barangay and kailangan kong tumulong dahil nga si Lolo ang barangay captain. Sa twenty-two ang dating ni Mama sa Negros. Sa twenty-three, last minute shopping daw namin ni Mama for the gifts. Sa twenty-four, preparation for the noche buena. We have a family reunion this twenty-five. May na-organize din na Christmas party with the Osmeñas sa twenty-six. May gift giving kami sa twenty-seven. Free ang twenty-eight and twenty-nine namin, siguro may activity kaming magpi-pinsan. I don't know exactly what. At saka, baka may handaan kayo sa araw na 'yan, willing kong isingit sa schedule ko. Sa thirty naman ay preparation for the new year. Sa thirty-one, a few hours before the New Year's Eve, ay may sasalihan akong event.

Dami kong ganap 'no? Hindi pa kasali r'yan ang events ng annual Paskuhan sa Yutang Bulahan event ng city.

Kahapon 'yong Christmas party ng school namin pero kakagising ko lang, nag-aya na agad ang mga bugok kong kaibigan na gumala raw kami mamaya sa lights on ng plaza. Ngayong araw din kasi sisimulan ang Paskuhan sa Yutang Bulahan.

Tanghali na pero kakagising ko lang. Natulog kasi ulit ako matapos naming magsimba kanina. Sakto ring pananghalian na kaya dumiretso na lang ako ng hapag-kainan at hindi muna inabala ang pag-aayang ginawa nila.

Ayoko sanang magpa-tempt sa galang gagawin nila tonight kasi determinado talaga akong matapos ang nine mornings ng simbang gabi. Kapag kasi gagala ako tonight, paniguradong madaling araw na akong makakauwi.

Pero kahit anong gawin ko, nakagala pa rin ako. Lights on naman daw, pagbigyan na, at kung ano-anong klaseng rason pa ang inilatag nila sa akin. Sinubukan ko talagang umuwi before twelve para may kaonting oras pa akong makatulog before akong gisingin ni Lola ng mga one AM.

Masaya naman 'yong lights on. Maganda ang view ng plaza with its different decorations of christmas lights and trees and etceteras. Maganda rin ang naging experience ko kasi nagkaroon ng time na makasama ko that night si Therese. Panandalian lang din naman kasi kasama niya ang friends niya and I'm also with my friends.

Speaking of us… nagiging malapit na rin kami sa isa't-isa. Nakikilala na namin ang isa't-isa. Nagkakaroon na ng communications. Unti-unti na ring nagkakapalagayan ng loob. Just like what I said… susubukan ko. So far, so good. Wala namang lapses, walang epal, walang bumpy roads, walang kahit ano. Chill lang. Normal lang, ganoon. Palaging updated sa mga nangyayari sa buhay ng isa't-isa at kung ano-ano pa. I'm happy with that. She's happy too. That's the finest thing that could happen to us… being happy with each other.

Umuwi nga ako sa bahay pero eksaktong twelve AM nga. Kaya ayon, wala pang isang oras ang tulog ko, ginising agad ako ni Lola. She asked me kung sasama ba ako and the determined spirit inside of me ay agad bumangon para mag-prepare to church. Ewan ko ba, motivated talaga akong kompletuhin ang simbang gabi ngayon.

Pero nang makarating kami sa simbahan para sa pangalawang araw namin sa simbang gabi, napatulala ako at doon ko naramdaman ang kakulangan ko sa tulog. Patawarin nawa ako ng Diyos pero nakatulog talaga ako during the homily ni Father. Ang soft kasi ng voice niya, para akong hinehele kaya nakatulog talaga ako sa balikat ni Lola. Susubukan ko na lang intindihin ang readings kanina para maka-construct ako ng sarili kong explanation sa lessons ng misa kapag nagtanong si Lola.

Nagising ako nang natapos si Father sa homily niya at nagsitayuan ang lahat para sa Our Father.

Ebarg! Kahit ilang minuto lang 'yong naging tulog ko, feeling ko ang fresh fresh ko ngayon tapos feeling ko rin kompleto ako sa tulog. Ebarg! Hindi naman ito ang unang beses na nakatulog ako sa simbahan or during the homily of Father. Actually, patawarin din ako ni Lord, ay ilang beses na. Lalo na kapag nag-aayang magsimba si Lola na kulang ako sa tulog. Swear, nakakatulog talaga ako sa simbahan.

Nang mag-communion na, buhay na buhay na talaga ang diwa ko. Enough na 'yong tulog kaya energetic akong sumunod kay Lola sa pag-linya for communion. Nakahawak ako sa balikat ni Lola habang naghihintay sa turn namin. Si Lolo naman ay nasa likuran ko. So, pinapagitnaan ako ng Lolo at Lola ko. Tatlo lang kasi kami ngayon ang nagsimba. Mukhang hindi nakayanan ng iba pa naming member sa bahay. Pagod din siguro sa naging event kahapon. Ako lang talaga itong pinilit pa ang katawan para makapagsimba.

Maraming tao sa simbahan ngayon. Mabuti na lang nang makarating kami kanina, nakahanap kami ng magandang puwesto sa gitna. Punong-puno na kasi ang simbahan at umabot na nga ito sa labas, malapit sa shared parking lot ng simbahan at ng school namin. Sa parish church kasi talaga kami nagsisimba.

One thing I enjoy about going to church is the excitement that it gives me sa tuwing may nakikita akong mga kakilala sa loob ng simbahan. Katulad ngayon, madadaanan namin ang pew kung saan nakaupo ang whole family ni Yosef. Kumaway ako kay Tonette at MJ pero sinamaan ko ng tingin ang Kuya nilang kahit nasa loob na ng simbahan, hindi pa rin natutunaw ang sungay niya. Sumenyas ba naman sa akin na parang tulog. Halata talagang nakita niya ako at inaasar na ngayon. Pasalamat siya nasa simbahan kami, ang matalim na tingin lang talaga ang kaya kong ibigay sa kaniya ngayon. Mukhang tapos na rin sila sa communion since nasa unahan sila at nakaluhod na ang parents nilang tatlo. Itong si Yosef din, nginunguya ang ostias na parang bubble gum. Gago talaga ang bugok.

Natapos ang simba pero hindi kami agad umalis ng simbahan dahil may nakitang kakilala sina Lolo at Lola at kinausap muna ito. Hindi naman ako makaalis sa tabi nila kasi baka hanapin pa nila ako kapag tapos na silang makipag-usap sa mga kaibigan nila. Kaya nanatili akong nakatayo sa tabi nila habang iginagala ang tingin sa paligid.

Nakaalis na kanina ang family nina Yosef kaya nagba-bye na lang ako sa kanila mula sa malayo.

Bored na bored na ako. Wala na akong ibang makitang tao. Maliwanag na rin ang labas since sumilip na si haring araw. Kahit nakatulog ako kanina, gusto ko pa ring bumawi ng isang hardcore na tulog.

Isa nga pala sa mga kausap nina Lolo ngayon ay si Tita Felicity at Tito Gabriel. Nag-simbang gabi rin sila. Mukhang silang dalawa lang kasi simula no'ng lapitan nila sina Lolo ay silang dalawa lang ang nakita ko. Never seen their sons. Hindi ko nga rin alam na nandito pala sila kung hindi pa nila nilapitan sina Lolo. Sa dami ba naman kasi nang nagsimba, hindi ko na alam kung sino-sino sa mga kakilala ko ang nagsisimba.

May pinag-uusapan sila about a Christmas party or something. Hindi ako masiyadong nakiusyoso since it's out of my business. Normal lang din naman pag-usapan ang Christmas party sa mga panahon ngayon kasi nga December.

Siyempre, aside sa mga Lizares, mayroon ding ibang kausap sina Lolo at Lola. Naghahalo-halo na talaga kaya hindi ko na alam kung anong pinag-uusapan nila.

Lumingon na lang ako sa may pintuan ng simbahan at saktong may papalapit sa puwesto namin. Diretso lang ang tingin niya pero hindi sa akin. Just as I thought na walang kasamang anak si Tito Gab at Tita Felicity ngayon ay namali ako. May kasama pala sila.

"Dad, tapos na."

Dire-diretso ang naging lakad niya hanggang sa nasa tabi ko na siya. Inihagis niya ang susi sa daddy niya kaya napalingon ako kay Tito Gab.

"Okay ba, Ton? Hindi naman ba flat-tire?"

"Nope."

"Good."

Nawala ang attention ni Tito Gab sa kaniya kaya napalingon ako sa kaniya. Sakto ring lumingon siya sa akin. Tinanguan ko siya at ngumiti na rin para batiin siya. Ang awkward naman kung hindi. Kahit hindi kami close, marunong naman akong mamansin.

Itinaas lang niya ang dalawang kilay niya't umiwas na lang ng tingin. I think that's enough greeting for an acquaintances like us.

Wow. Isang himala yatang makita ang isang Lizares na katulad niya na sinamahan ang parents sa pagsisimba. Halata naman kasing sumama sa pagsimba itong si Tonton Lizares dahil sa suot niya. Hindi naman siya 'yong tipong kararating lang. Naka-casual attire naman siya and it looks formal. At siya lang ba ang sumama? Himala nga. Mas kapani-paniwala kasi na si Einny Lizares ang sasama sa pagsisimba ngayon kaysa sa kaniya. Wala sa appeal niya ang pagiging holy. Ayaw kong mag-judge pero mukhang mas demonyo pa siya sa akin.

Lumingon siya ulit sa akin, mukhang napansin ang pananatili ng tingin ko sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya at hindi na siya pinagtoonan ng pansin pa. Wala naman talaga akong pakialam kung naabutan niyang nakatingin ako sa kaniya. Pakialam niya ba kung naghahanap ako ng sagot sa tanong ko tungkol sa kung bakit siya lang ang sumamang magsimba sa kanilang magkakapatid ngayon.

Hanggang sa nagkapaalaman na sina Lola. Narinig ko pang ni-remind ni Tita Felicity si Lola tungkol sa twenty-eight daw. Ewan. Wala talaga akong maintindihan sa pinag-usapan nila.

Magalang lang akong ngumiti sa lahat at sinamahan na ang grandparents ko palabas ng simbahan.

"Ano pong mayroon sa twenty-eight, La?" tanong ko habang papunta kami sa kotse.

"Ay, oo nga pala. Para sa inyo 'yon ng mga pinsan mo. Mag-o-organize daw kasi itong si Felicity ng isang Christmas event sa manor nila. Invited kayong magpi-pinsan."

"Ah, ganoon po ba?"

Hindi na lang ulit ako nagtanong. 'Yon lang naman yata ang pinag-usapan nila kanina. Sobrang tagal pa bago natapos.

Sa sumunod na mga araw, nagtuloy-tuloy ang paggising ko ng maaga para mag-simbang gabi. Minsan sakto sa tulog. Minsan hindi. Minsan lutang talaga. Ikaw ba naman kasi gumala ng buong gabi tapos magsi-simbang gabi pa kinabukasan. Tulog naman sa umaga. Pero okay lang, bakasyon naman, e.

Ika-limang araw na ng simbang gabi at na-attend-an ko ang five days na 'yon. Four more to go and I'm done. Pero teka, may tanong ako. Bakit nga ba simbang gabi ang tawag do'n kung madaling araw naman nagsisimula ang misa? Dahil ba madilim ang paligid? Pero bakit nga? Hindi ba puwedeng simbang madaling araw na lang para walang problema ang mundo? Hapsay unta ang tanan, 'di ba?

Ewan ko. Masiyado lang sigurong lutang 'tong utak ko.

Habang nasa kalagitnaan ng homily, nagpaalam muna ako para mag-CR. Pinayagan din naman ako agad kaysa naman nakaupo lang ako at tulog sa buong time ng homily.

Nag-excuse ako at tahimik na pinuntahan ang CR na nasa likuran pa ng simbahan. Madadaanan ko pa 'yong side room ng altar, kung saan lumalabas ang mga sacristan.

May mga kakilala akong nakita na nakapuwesto sa labas ng gilid ng simbahan kaya panandalian ko lang silang binati. Madalian lang din ang ginawa kong pagwiwi. Matapos kong maghugas ng kamay, at since wala pala akong dalang panyo, iwinisik ko na lang ang extra water habang palabas ng CR.

Paalis na sana ako nang may napansin ako sa may gilid ng CR ng boys kaya napahinto ako sa pag-alis at pagwisik ng basa kong kamay. Isang matangkad na lalaki na may maliit na apoy sa dulo ng kaniyang hawak na stick. Is this a kapre? Char. Joke. Hindi siya kapre. Kilala ko siya kaya ako napahinto.

Nagpakurapkurap ako ng mata. Medyo nagulat sa nadatnan. Tumigil din sa ere ang kamay niyang aabot sana sa sigarilyong nasa bibig niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Mukhang nagulat din sa presensiya ko.

To lessen the awkwardness, hilaw akong napangiti, tumalikod, naglakad pabalik sa simbahan, and just mind my own business.

Ebarg! Ebarg na ebarg ang lalaking 'yon! Bilib na bilib ako sa tapang na ipinakita niya. Nasa likuran lang siya ng simbahan at may misa pang nagaganap ay nagawa niya talagang manigarilyo roon? Is he of legal age na ba para gumamit ng cigarette? Kasing-edad lang kami, right?

Nagulat ako sa nakita ko kanina, okay? Pero wala akong karapatan para sawayin siya sa ginawa niya. Buhay naman niya 'yon at hindi naman kami magkaibigan.

Pero nakakagulat pa rin talaga na makita ang isang Tonton Lizares na naninigarilyo sa likod ng simbahan, during an on-going mass. Ebarg ang guts! Where ma get?

~