webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Punch

"Susunod ka ba sa Mama mo sa Canada?"

Napatigil ako sa pagsuntok sa punching bag na hawak niya at tinitigan si Yosef. Matagal ko siyang tinitigan. Nag-isip.

Ilang buwan na ang nakalipas, nakaalis na sina Mama at Tita Leceria papuntang Canada pero hanggang ngayon, sinusubukan ko pa rin ang mga huling sinabi ni Tita Leceria sa akin nang gabing iyon. Magkakagusto ako sa isang lalaki? Kanino naman?

Bumuntonghininga ako at nagpatuloy sa pagsuntok habang pinipigilan niya ang paggalaw ng punching bag.

"Sinubukan nila pero matagal pa raw kung ipe-petition ako ni Mama. Magbakasyon, puwede pa raw. Pero ang mag-migrate ng tuluyan doon, mukhang imposible pa sa ngayon."

"Balita ko malamig daw doon sa Canada tapos ang weird pa ng mga tao roon. Sigurado kang magma-migrate ka roon?"

"Pupunta ako roon para makasama ang Mama ko. Hindi para malaman kung malamig ba ang Canada at makipaghalubilo sa mga tao. At anong weird ba 'yang sinasabi mo?"

"Kung aalis ka, paniguradong hahanap-hanapin ka ng Lolo at Lola mo."

I blew some air while still punching my heart out. Nasa pulang punching bag lang talaga ang tingin ko.

"May video calls naman."

"Mami-miss ka ng mga pinsan mo."

"Like I said, may video calls naman."

"Paano kami nina Nicho, Hugo, Pato, at Clee? Wala nang tatalo sa amin sa three on three?"

That's it!

Tumigil ako sa pagsuntok. Hinawakan ko ang punching bag, almost a hug, at ipinilig ko ang ulo ko pa-kanan para masilip sa kabilang side si Yosef. I eyed him intently.

"Alam mo, kanina ka pa. Hindi ako mamamatay. Pupunta lang akong Canada, bugok."

Tinanggal ko na lang ang isang boxing glove, inipit sa aking kili-kili, at lumapit sa table para makapagpahinga at makainom na rin ng tubig. Sumunod din naman sa akin si Yosef na natatawa pa. Umupo siya sa bangko at kumuha no'ng isang slice ng pineapple pie na siyang merienda namin ngayong hapon.

Nandito kami sa malaking bahay nila, nasa veranda na nasa third floor to be exact, kung saan ang mga gym equipments nila. Usapan naming magkakaibigan na pumunta kami rito. Dapat kasama ko si Nicho pero may pinuntahang family affair sa side ng mga Vaflor kaya absent. Samantalang 'yong iba ay papunta pa lang. Sabagay, maaga nga naman akong pumunta rito. Wala kasi akong magawa kina Lolo, kaya nauna na ako rito para makagamit sa iilang gym equipments na nandito.

Grade nine na kami. Marami na ang nangyari. Pero naguguluhan pa rin ako sa mga huling sinabi ni Tita Leceria sa akin no'ng minsang mag-usap kaming dalawa. Hindi na kasi nasundan 'yon kaya nahihiya na akong magtanong tungkol sa sinabi niya.

Tumutungga ako ng tubig nang napatingin ako kay Yosef na sakto ring nakatingin sa akin. Inubos ko muna ang tubig bago ako muling tumingin sa kaniya.

"Sef, may tanong ako sa 'yo."

"Oh?"

"May nagugustuhan ka bang isang babae ngayon?"

Dahil nakatingin ako sa kaniya, kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. "Huh? Oo naman."

"Sino?"

Umiwas siya ng tingin at pinaglaruan ang labi niya gamit ang kaniyang dila. Napatikhim pa siya at umayos ng upo. "Siyempre sa mga magaganda sa school."

"Sino nga? Pangalan ang kailangan ko. Hindi 'yong characteristics."

"Kung sinong kilala mong maganda sa school, 'yon ang mga gusto ko."

Umupo ako sa opposite na space sa harap niya at komportableng sumandal.

"So, gusto mo rin ako? Maganda raw ako sabi ng pamilya ko."

"Hindi naman marunong magsuklay!" at tumawa siya ng malakas.

"Putang ina mo." Inirapan ko na lang siya at isinuot ang hinubad kong glove pabalik sa kamay ko. "Ang sabi sa akin ni Lola na puwede ko na raw ipaputol ang buhok ko sa fifteenth birthday ko. A month from now, actually, para hindi na ako suklay nang suklay sa buhok na 'to."

"Let's see then kung may magbabago ba talaga sa 'yo o talagang natural ang pagiging panget mo."

Walang hiya! Ang lakas ng apog! Sinamaan ko na lang siya ng tingin at hindi na pinatulan ang sinabi niya. Wala naman talaga akong pakialam sa appearance ko - kung pangit ba o maganda - nakakahinga naman ako, 'yon na lang ang importante sa lahat.

Napatingin ako sa view mula sa veranda nila. Maganda ang view nila mula rito sa itaas, nakikita halos lahat ng lupain nila sa paligid at ang iilang kabahayan sa malapit. Pero kaonti lang ang kapitbahay nina Yosef dito sa mismong bahay nila. Hindi katulad sa amin na magkakalapit ang bahay. Dito kasi, parang naging isolated ang bahay nila at wala silang ni-isang kapitbahay. Maliban na lang siguro kung may mangahas na bumili ng lupain nila sa paligid, baka 'yon, magkaroon sila ng kapitbahay.

"Bakit mo natanong 'yon? May nagugustuhan ka ba ngayon?"

Muling bumalik ang tingin ko kay Yosef. "Bakit? Required bang may magustuhan ako ngayon?"

"Hindi naman sa required. Ano 'yon? Requirements lang sa school? Pero alam mo naman sa edad natin ngayon 'di ba?"

"Ah… oo. Pero 'tang ina kasi hindi ako sanay na ganito tayo kaseryosong mag-usap. Tumigil ka nga sa tono ng boses mo, Yosef. Para kang bugok."

"Ako na naman? Ikaw unang nag-open ng topic na 'yon, sa 'kin mo na naman isisisi?"

"Ewan ko sa 'yo. Bumalik ka na nga sa puwesto mo. Nang masuntok kita."

"Hala, takot ako," he mockingly said.

Napa-iling na lang ako at sinabayan siya sa paglalakad papunta sa may puwesto ng punching bag.

Nagpatuloy ako sa pagsuntok at nagpatuloy naman siya sa pag-alalay. Tini-train na rin ako kapag may pagkakataon.

Nagpatuloy lang kami sa exercise na ginagawa namin hanggang sa naisipan kong tumigil ulit at sabihin na talaga kay Yosef ang bumabagabag sa akin, at ang dahilan na rin kung bakit nandito na ako before ang oras na dapat ay napag-usapan namin.

"You're doing good, ba't ka tumigil?" nagtatakang tanong niya nang bigla akong tumigil kahit hype na hype na ako sa pagsuntok.

Namagitan ang punching bag sa aming dalawa. Sumilip ulit ako.

"Sef, may sasabihin ako sa 'yo. Pero 'tang ina, magseryoso ka ha. Kapag talaga biro ang naging sagot mo, wala akong pakialam kung bahay mo 'to pero mahahagis talaga kita mula rito sa veranda n'yo pababa."

"May magagawa pa ba ako? E, mas una mo pang binantaan ang buhay ko bago mo sabihin ang gusto mong sabihin. Ano ba 'yan?"

"May nagugustuhan na ako. Pero… iba."

"Iba? Paanong iba? Engkanto ba?"

Ang lakas ng apog! Inambahan ko ng suntok si Yosef pero napatigil ako nang tumawa siya. "Joke! Joke only. Relax lang, okay? Nagbibiro lang ako. Lipat tayo sa mitts."

Huminga akong malalim at sinundan siya sa kabilang puwesto kung saan nakalagay ang punching mitts. Isinuot niya iyon sa kamay niya at sinenyasan ako na simulan na ang pagsuntok. "Continue. Makikinig ako sa sasabihin mo."

Bumuwelo ako para masuntok ang kaliwang punching mitts na suot niya na mismong isinenyas niyang suntukin ko.

"What I mean is… may nagugustuhan nga ako. Nagugustuhan ko 'yong mga babaeng nagagandahan mo, mga babaeng gusto mo rin," I said in between my hard punches.

"Punch harder, Zetty!" Muli akong sumuntok, kaliwa at kanan, habang nilalabanan ang matigas na pagkakahawak ni Yosef sa mitts. "You mean… you like girls?"

Focus ako sa pagsuntok sa mitts na hawak niya kaya hindi ko alam kung anong naging reaksiyon niya sa sinabi ko. Pero base sa narinig kong tono ng boses niya, parang nagulat nga siya at nagtaka pa.

"Parang ganoon na nga."

"Katulad ka rin ng Mama mo?"

Napatigil ako sa sinabi niya at para bang may natumpak siyang jackpot na hindi dapat tumpakin.

"Am I?" hingal na hingal kong tanong at seryosong nakatingin sa kaniya.

"Continue! Punch harder!"

Na-pressure ako sa sigaw niya kaya muli akong sumuntok, kaliwa't-kanan, with all my weight and forces. Napapaatras na nga si Yosef dahil sa lakas ng mga suntok ko pero hindi siya nagreklamo.

"Pero ang sabi ni Tita Leceria na hindi naman daw ako tomboy. Lalaki raw ang mga gusto ko pero bakit ganito? Bakit nagkaka-interes ako sa mga babaeng katulad ko?!" I said again between my punches. "Mali ba 'to?"

Nararamdaman ko na ang pawis ko at ang hingal sa baga ko pero patuloy pa rin ako sa pagsuntok.

"Bata pa tayo, Zetty. Marami pa tayong kailangang tuklasin sa mga buhay natin at 'yang natuklasan mo ngayon sa sarili mo ay normal lang. Kung masaya ka naman bakit mo pipigilan ang sarili mong gustuhin ang bagay na 'yon? But first, sort it, really. Alamin mo muna sa sarili mo kung sigurado ka na bang tatahakin mo ang daang tinahak ng Mama mo. Baka sa huli, bigla mong ma-realize na na-impluwensiyahan ka lang pala ng Mama mo kaya naisip mong gustuhin ang mga gusto rin niya," sagot din niya habang tinatanggap ang mga suntok ko. "Duck!"

Yumuko ako, umiwas sa naging suntok niya gamit ang mitts, gaya ng sinabi niya. "Then punch!" Bumuwelo ulit ako ng suntok pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay umiwas si Yosef sa naging suntok ko at dumiretso ito sa ibang bagay… sa isang mukha ng tao.

Shit!

"Hala shit! Sorry!"

Sa sobrang gulat ko sa mga pangyayari, hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa lalaking nasuntok ko at nang tanggalin niya ang kamay sa mukha niya at makita ko ang dugo, doon ko na natanggal ang gloves na suot ko at agad siyang nilapitan. Nagulat at nataranta sina Yosef at Tonette, na kararating lang din pala sa veranda, na tawagin ang mga kasambahay nila for a first aid kit.

"Sorry talaga, hindi ko sinasadya," paulit-ulit kong sinabi.

"I just need an ice," sabi niya kina Yosef, hindi man lang sinagot ang paghingi ko ng pasensiya.

Paniguradong masakit 'yong suntok ko, nakabuwelo ako no'n, e.

Kumalma ang lahat nang sabihin niyang okay lang siya. Binigyan siya agad ng ice at kahit ayaw niya, nagpaakyat na rin ng first aid kit sa veranda. Umupo siya sa weight bench habang nasa kamay niya pa rin 'yong pack ng ice na ibinigay sa kaniya para ilapat sa mukha niyang natamaan ko. It turns out that maliit na dugo lang pa 'yong lumabas sa mukha niya pero paniguradong namamaga ang mukha niya dahil sa suntok.

Naiwan kaming dalawa sa veranda nang humupa ang lahat. Si Tonette, aasikasuhin daw muna ang merienda, at si Yosef, kukuha ng extra'ng damit o ewan sa'n 'yon pupunta.

Huminga akong malalim at lumapit sa kaniya, dala-dala ang bagong ice pack na iniwan nina Yosef dito. Mukhang tunaw na kasi 'yong unang binigay sa kaniya. He looks fine but 'yong guilty na naramdaman ko, daig ko pa nakapatay ng tao.

"Pasensiya ka na. H-Hindi ko talaga sinasadya," lakas-loob na sabi ko at inabot sa kaniya ang ice pack na dinala ko. Umupo ako sa katabing weight bench at pinakiramdaman ang paligid. Pero hindi man lang siya nag-response sa sinabi ko. "Pa-check up mo 'yan. Kapag may nakita 'yong doctor na complications, pakisabihan na lang ako. Kilala naman siguro ng parents mo si Felizardo Saratobias? Siya na lang i-contact n'yo kapag may damages sa check-up o kailangang bayaran. Magbabayad naman kami. Pasensiya na talaga sa ginawa ko. Hindi ko talaga sinasadya."

Parang walang emosyon lang na tumitig sa akin si Tonton Lizares. Mas lalo akong naging guilty. Ipinaparamdam talaga niya sa akin na kasalanan ko nga.

"Okay. I'll update you if something happened. Pero salamat na rin sa suntok, nagising ako sa katotohanan."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya o ano pero napapangunahan pa rin ako ng kaba kaya mapakla na lang akong tumawa. Kahit papaano rin naman ay gumaan-gaan ang atmosphere.

"Hindi na ba masakit?" itinuro ko 'yong banda ng mukha niya kung saan ko siya tinamaan. "Na-kalma ba ng ice 'yong sakit?"

"Bearable," kibit-balikat na sagot niya. Bigla ay ibinigay niya sa akin ang ice at tumayo. "I'll go ahead. May iniutos lang talaga sina Mommy sa akin na idaan dito."

Tinanggap ko 'yong ice. "Pasensiya ka na talaga sa nagawa ko. Nadamay ka pa sa katarantaduhan namin ni Yosef."

Tipid lang siya na ngumiti at hindi na sumagot. Naglakad siya papunta sa hagdan at hindi na ulit lumingon sa akin.

Nang mawala siya sa paningin ko, isinampal ko sa mukha ko ang ice pack at napapikit. "Ang bugok mo, Zetty!"

Kaya nang nagsidatingan ang mga barkada, walang ibang naging usapan kundi ang ginawa ko kay Tonton Lizares. At alam n'yo kung anong naging reaksiyon ng mga walang hiya? Ayon at tinawanan lang ako sa nagawa ko at sa nangyari. It became a laughingstock kaya imbes na pag-usapan ang outing na gagawin namin sa birthday ni Fiona, hindi na natuloy dahil sa kuwentong iyon.

"'Wag kang ma-guilty. Hindi masakit 'yon. Si Tonton pa, sanay sa suntokan ang gagong 'yon," sabi ni Hugo na tinapik-tapik pa ang balikat ko.

"Ay, oo, 'no? 'Yon 'yong sinabi mo, Ada, 'di ba? Na madalas makipag-away 'yang si Tonton doon sa La Salle?" tanong naman ni Tonette sa pinsan niya.

"Sinabi mo pa. 'Wag kang mag-alala, Zet. Wala lang sa kaniya 'yong suntok mo. Nagulat lang siguro 'yon kaya tahimik," confirmation naman ni Ada sa pinagsasabi nila.

"Ang hina mo kayang sumuntok. Paniguradong parang kinagat lang 'yon ng langgam."

Sinamaan ko ng tingin si Yosef at ipinakita ang kamao ko. "Gusto mo sample-an kita? Nangangatog pa 'tong kamao ko. Dapat nga sa 'yo 'yong suntok ko, e, kung hindi ka lang umilag."

At 'yon, mas lalo lang akong tinawanan nilang lahat.

Nakalimutan ko rin naman ang nangyaring iyon lalo na dahil hindi ko naman nakikita si Tonton Lizares sa araw-araw. Pero 'yong naging usapan namin ni Yosef ang tumatak lang sa akin sa araw na iyon.

February na, malapit nang matapos ang school year. Sa darating na summer, aalis ako papuntang Canada para magbakasyon kina Mama. Wala namang problema sa akin 'yon. Ang pino-problema ko lang ngayon ay ang sarili kong nararamdaman. Dapat bago magbakasyon, maintindihan ko na itong nararamdaman ko.

Nasa bakal na bleachers ako ng solidarity hall ng school. Hawak ko ang isang pirasong amorsiko na basta ko lang binunot sa school field. Nakasuot ako ng school uniform namin, nakatukod ang dalawa kong siko sa ibabaw ng aking tuhod at halos nakabukaka na. Ramdam na ramdam ko ang pawis sa likuran ng aking blouse dahil sa paroo't-parito na ginawa ko para sa decoration ng aming booth, dinagdagan pa ng mainit na panahon at mahaba kong buhok, pawis na pawis talaga ako. I did not accept Lola's bait nga pala about cutting my hair. I just realized kasi na I can't easily let go of my long straight hair. At saka kaya ako nandito kasi may tinitingnan ako sa bandang stage ng solidarity hall, mga babaeng nagpa-practice ng sayaw para sa nalalapit na foundation day ng school.

But my gaze fixed on this particular cute girl. She's so bubbly I can't help myself from staring at her.

"Gusto mo 'no?"

Umayos ako sa pagkakaupo at masamang tiningnan ang biglang tumabi sa akin na si Yosef.

"'Pag tinitingnan, gusto agad? Utak mo may ubo, Yosef!"

"Tingin ka nga sa akin." Hindi na ako tumingin sa kaniya kasi nakatingin na naman talaga ako sa kaniya. "'Ta mo, iba 'yong tingin mo sa akin kaysa sa mga babaeng nandoon sa stage. Iba ka kasi makatingin kaya baka may type ka sa kanila. Sino ba? 'Wag lang 'yang si Therese, ha, kasi type ko 'yan."

Lakas ng apog! Sa lahat ba naman ng babae!

Umiwas ako ng tingin at humaba ang aking nguso. Parang nawalan ng gana. "Si Therese din type ko."

"The hell? Ano? Pag-aawayan nating dalawa 'yan?"

Umismid ako. "'Wag na. Sa 'yo na lang. Paniguradong sa ating dalawa, ikaw din naman ang pipiliin niya."

Makahulugan kong tiningnan si Yosef at hindi na nangahas na nagsalita patungkol sa pinag-usapan namin. Sa lahat ng barkada ko, bukod tanging si Yosef pa lang ang sinabihan ko tungkol doon. At natutuwa ako sa kaniya kasi hindi niya ako pinangunahan, nanatili siyang tikom tungkol sa bumabagabag kong kasarian.

Hindi pa ako handa na sabihin sa kanilang lahat na katulad din ako ni Mama… nagkakagusto na sa kapwa ko babae.

~