webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Pixie Dust

Kumalas ako sa yakap at pareho kaming natawa ni Mama. It's the most inappropriate place to deal with drama right now kaya kami natawa. Magyakapan ba naman sa loob ng department store. Parang mga timang.

"Hindi ka talaga nagkagusto sa lalaki, anak?"

"Ma! Ew!" napangiwi ako sa naging tanong ni Mama. After her speech, talagang ipinipilit niya pa sa akin ang daan ng mga babae. Mama naman!

Ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol kay Therese habang namimili kami. Nakikinig naman si Mama pero wala siyang komento. Ang tanging sinabi lang niya ay sana makilala niya si Therese. 'Yon lang, wala ng iba.

"Ma, can I cut my hair?"

Palabas na sana kami ng mall nang sabihin ko 'yon kay Mama. Nilingon niya ako ng puno ng pagtataka.

"Oo naman. Akala ko ba pinayagan ka na ng Lola mo na magpagupit? Hindi ka ba nagpagupit?"

Pinasadahan ko ng daliri ang mahaba kong buhok at umiling. "Trim lang every month."

"Sige, we still have time pa naman," sabi ni Mama habang nakatingin sa wrist watch niya. "Ikaw, Madi, baka gusto mong mag-new haircut. Sagot ko na."

"Sige, Tita, magpapa-slash ako."

Tiningnan ko si Nicho na halatang pagod na pagod na sa lakad namin buong araw. Siya lang kasi mag-isang lalaki ang sumama sa amin at mabilis ma-bore ito kapag nag-s-shopping na. Naiirita nga 'yan minsan kapag kasama niya Mama at kapatid niya 'pag nasa mall na.

Naunang maglakad si Mama at Madonna. Sinabayan ko naman si Nicho at nasa likuran kami.

"Nasabi mo na ba kay Tita ang tungkol kay Therese?"

"Mm-Hmm."

"Anong sinabi niya?"

"Chill lang. Okay lang daw sa kaniya."

"Kayo na ba ni Therese?"

"Hindi ako sure. Pero ang sabi niya sinagot ko na raw siya. So, baka kami nga," kibit balikat na sagot ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ni Nicho nang magtanong siya tungkol kay Therese. It's evident in his ugly face the grimace he made when he asked that question.

"Nandidiri ka ba sa akin, Nichodemus Felizar?" taas isang kilay na tanong ko.

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala, e. Everything went by so fast. Niligawan ka ni Fedgie pero b-in-usted mo only to find out that you like girls pala. You can't blame me, Zettiana. We've been together since we were born, nakakagulat lang bilang pinsan mo. All along I really thought na kilala na kita pero hindi pa pala. "

Napa-iwas ako ng tingin at napa-isip sa sinabi ni Nicho. Tama nga naman siya. Halos buong buhay namin ay magkasama kaming dalawa at kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.

"Anong magagawa ko, e, ganoon 'yong nararamdaman ko?"

Tinapik niya ang balikat ko. "Malaki na talaga tayo. Hindi na nga tayo bata."

Tuluyan kaming nakapasok sa salon na unang pinasukan nina Mama at Madonna. Si Madonna ay nakaupo na isang chiar katapat ng salamin at kinakausap na ng isang parlolista. Ako naman ay hihintay ni Mama kaya agad akong lumapit do'n sa kaharap niyang isang bakla na may hawak na iilang gamit pang-parlor.

Matapos kausapin ni Mama ang baklang gugupit sa akin, na hindi ko alam kung anong napag-usapan nila, ay agad niya akong pinaupo sa chair katapat din ng malaking salamin. Nasa kabila lang si Madonna na nagsisimula ng gupitan.

"Ang sayang ng hair mo, girl. Sobrang haba and halatang alagang-alaga. Sure ka talagang puputulan natin 'to?"

Napatingin ako sa kaniya sa salamin. Sinisipat niya ng tingin ang mahaba kong buhok na halatang walang suklay kasi kaninang umaga ko pa 'yan last nasuklayan.

"Ang init na kasi tapos tinatamad na akong suklayan 'yan."

"Sure ka na talagang puputulan natin 'to? Hanggang saan ba?"

Itinuro ko 'yong bandang balikat ko. "Dito sana, Kuya."

Eksaherada siyang lumingon sa akin habang nakahawak pa sa dibdib niya. "Tinawag mo 'kong Kuya? Kuya? Kuya talaga?" itinuro pa ulit niya ang sarili niya.

Natawa ako. Inaasar ko lang naman talaga siya. Hindi naman halatang babae siya dahil mahaba ang buhok niya at pangbabaeng damit ang suot niya. 'Yong boses lang talaga niya ay nagpaghahalataang ipit kaya nasabi kong bakla siya.

"Char lang. Tatawagin talaga kitang Kuya ulit kapag hindi mo pa sinimulang gupitan ang hair ko."

"Taray. Nagbanta pa talaga siya, oh."

Tinawanan ko na lang ang sinabi niya at pinagmasdan ang gagawin niyang magic sa buhok ko through the mirror.

Nang ma-bore ako, pumikit ako saglit dahil nakaka-relax pala kapag ganito. 'Yong nakaupo ka lang tapos ginugupitan ang buhok mo tapos maya't-mayang hinahawakan. Sana puwedeng makatulog during this haircut session.

Pumikit ako pero naririnig ko pa naman ang ingay ng paligid at tunog ng gunting habang pinuputol nito ang buhok ko. I feel relax kahit na ito ang unang beses na papagupitan ko nang ganito ka-short ang buhok ko. I remain cool, like I usually do.

After some minutes, naramdaman ko ang pagpagpag ni bakla sa likuran ko at ang pagtapik niya sa balikat ko.

"Gising na, girl. Hindi 'to spa para matulog ka."

Dumilat din naman ako ng mata at ang una kong nakita ay ang nasa harapan ko. Wow!

"Who's that?" nakaturo sa salaming sabi ko pa.

"Taray. May pa-who's that who's that ka pa. 'Wag mo 'kong dramahan nang ganiyan, girl."

Tumawa ako sa sinabi niya. "Char lang. Ang ganda ah!" Hinawak-hawakan ko ang dulo ng buhok ko na hanggang balikat nga.

"Siyempre, ako pa. Magic hands yata 'yan."

"But I want it shorter pa. 'Yong pixie dust. 'Yong parang ganoon," sabi ko sabay turo no'ng picture ng isang babae na may pixie dust hair.

"Girl!" eksaheradang reaksiyon ni bakla. "Anong pixie dust, girl? Pixie cut ang tawag d'yan, girl! Ano ka, fairy? At may pa-pixie dust pixie dust ka pang nalalaman."

Napalunok ako sa sinabi niya at dahan-dahan siyang nilingon. "Pixie cut ang tawag do'n? Hindi pixie dust?" seryoso kong tanong, nagulat na rin. Hindi ba talaga pixie dust?

"Hindi, girl! Pixie cut ang tawag do'n. Saang kuweba ka ba galing, girl, at bakit hindi mo alam 'yan?"

Umiwas ako ng tingin at napalunok ulit. "All my life, akala ko talaga pixie dust 'yon."

"Gusto mo, girl, kalbuhin na lang natin 'yang buhok mo? Puwede ring semi-kalbo kung gusto mong may matira pa sa buhok mo? Mapag-uusapan naman. Mabait naman ako."

Napanguso ako habang nakatingin kay bakla sa salamin. "Sige na, Ate, pixie cut na."

Natawa si bakla pero agad din namang sinunod ang gusto ko. Lumapit pa nga si Mama kung bakit daw nagpapagupit pa ako. Sinabi ko sa kaniyang gusto kong mas mababa pa kaya wala na rin siyang nagawa lalo na't nasimulan na ring mas i-short pa ang buhok ko.

I look good in this pixie cut hair. Bumabagay siya sa shape ng mukha ko. Mas lalo nga nitong na-emphasize ang tangos ng ilong ko. As if namang matangos talaga ito. Duh.

Nakakagulat lang. Parang hindi ako nang maharap ko ang mukha ko sa salamin. Ibang-iba. Parang naging mature ako. Nag-iba na rin ang tingin ko sa sarili ko. It's like the version 2.0 of Zettiana Aelexandrae Saratobias is coming. Magandang pambungad nga ito sa darating na panibagong taon.

Nagulat ang lahat nang makauwi kami at nakita ang buhok ko. Lalo na si Lola. But they eventually moved on with it. Accepted it anyways. Nakakapanibago lang daw since all my life, mas nakasanayan ng lahat na mahaba at magulo ang buhok.

The next day, twenty-four, is the last day of the nine mornings of simbang gabi. Maagang nagising ang lahat. Kompleto at sumama ang lahat nang nakatira sa bahay. Even Tita Annellia's family joined us.

Marami ang nagsimba. Kasing dami no'ng unang araw ng simbang gabi. Punuan din ang simbahan pero like the usual, maaga kaming dumating kaya nakahanap kami ng magandang puwesto. 'Yong usual spot namin sa tuwing nagsisimba kami.

Everything is so solemn kaya kahit na may nakikitang kakilala sa loob ng simbahan, ngumingiti lang at kumakaway, hindi muna nag-uusap.

Pinapagitnaan ako ni Nicho at Justine, na parehong bored na bored sa pagsisimba. Kahit kailan talaga 'tong mga pinsan ko, tamad na tamad magsimba. Mabuti pa ako, na-kompleto ko ang simbang gabi.

Maganda ang naging mensahe ni Father sa homily niya. Sa sobrang ganda, nakalimutan ko na kung ano 'yon. Basta ang naaalala ko lang ay tungkol sa pagmamahal na pure at genuine. And we should always celebrate Christmas with love and care towards the people we truly care for.

Siyempre, hindi ko nakalimutan ang magdasal at humiling para sa ikabubuti ng aking sarili at ng mga mahal ko sa buhay. Nagpapasalamat ako na natapos ko ang nine mornings ng simbang gabi. Never in my life na na-imagine kong matatapos ko nga ito. Ebarg! Achievement na sa akin 'to, 'no.

Matapos ang simba, agad na nagbatian ang mga magkakakilala. Nilapitan ng adults na kasama namin ang mga amigos and amigas nila. Nagbabatian na ang people ng Merry Christmas. May binabati rin naman kami. Mga schoolmates and classmates. Pero ang palagi nilang napapansin ay ang haircut ko ngayon.

May kausap akong isang kakilala nang lumapit sa tumpokan namin sina Yosef at Tonette. Nakasunod sa kanila ang ang magpi-pinsang Barcelona. Mukhang nag-uusap-usap na naman ang adults sa pamilya namin.

Binansagan na nga pala namin ang grupo naming ito na mga batang hamog ng simbang gabi.

"Whoa! Grabe! Sino 'yang kasama mo, Nich?" eksaheradong reaksiyon ni Yosef nang makalapit na sila sa amin.

Natigil ako sa pakikipag-usap kay Osias at nilingon ang walang hiya. Sinamaan ko ng tingin hanggang sa nawala na ang atensiyon ko kay Osias. Nagpaalam na lang siya sa akin nang hindi ko na masiyadong napansin. Siguro binati na rin itong iba.

"Ang pangit naman n'yan, Nich," dagdag pa ng walang hiya.

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin at tinuro ko pa. "Katatapos lang ng misa, Josefino, gumagawa ka na ng kasalanan ha."

Marahas niya akong inipit sa kili-kili niya at ginulo-gulo ang buhok ko. 'Yong parang ginagawa niya sa mga barkada niyang lalaki. Giatay.

"Yosef, ano ba!"

"Iba talaga! Ang ganda ng buhok! Binyagan na 'yan!" patuloy pa rin sa pang-aasar na ginagawa niya.

Dahil kulitan lang naman ito, mabilis akong nakawala sa ginawa niya at inambahan na lang siya ng suntok. Okay lang naman na mag-asaran kami kasi nasa labas na kami ng simbahan. Naghihintay pa rin.

"Ang ganda ng hair mo, Zet. Although, nakakagulat, pero bagay sa 'yo."

"Iba ang hair. Bet ko, Zetty."

Ngumiti ako kina Farrah at Tonette. "Siyempre, ako pa. Salamat sa compliment," naka-pogi sign pa na sagot ko.

They moved on again with my hair and talk about something else, something about Christmas since Pasko naman ngayon. Alangan naman 'yong pag-usapan namin ang undas, e, sa susunod na taon pa 'yon.

Nasa kalagitnaan ng pag-uusap nang magsidatingan ang mga Lizares. Himalang kompleto ang magkakapatid. Bakit kaya nahuli ang mga ito?

"Ang angas ng buhok!" gulat at nakaturo pa sa aking sabi ni Siggy.

Nakipag-apir ako kay Siggy at Sonny bago nila inatupag si Madonna at Justine.

"Ganda ng buhok. Parang kahapon lang, hanggang baywang pa 'yan, ah? Anong nangyari?"

Nakipag-apir din ako kay Decart dahil sa sinabi niya. Hindi naman kami close nina Einny at Tonton kaya tinanguan ko lang sila bago sinagot ang sinabi ni Decart. "Bagong buhay lang, Deck."

"Angas talaga. Bagay sa 'yo."

"Salamat, salamat. Alam ko na naman 'yon."

"Yabang talaga nito kahit kailan," epal naman ni Yosef na muling ginulo ang buhok ko.

Muntik ko na siyang masuntok dahil sa ginawa niyang iyon. Mabuti naman at agad niyang naitigil 'yon bago pa mag-init ang ulo ko.

Nag-usap ulit ang lahat. Tungkol sa birthday yata ni Decart ang pinag-uusapan nila kasi lahat naman kaming nandito ay imbitado.

Hindi rin nawala ang picture-an since mahilig si Farrah do'n. Para lang ma-picture-an kaming lahat, nakisuyo pa si Yosef sa driver nila para ma-picture-an lang kaming lahat. Sa tapat ng simbahan kami pumuwesto, 'yong may malapit sa malaking star na parol na decoration ng simbahan.

Nakakatawa lang kasi saka lang kami natatahimik kapag picture-an na ang usapan. Marami ang naging shots ni manong Bong kasi matagal din bago natapos ang picture. Kaya kung ano-anong post na ang ginawa namin. Mayroon pang change location na naganap, wacky shots, smiling shots, at kung ano-ano pang shots. 'Yong isang shot na iniisip n'yo, mukhang sa twenty-eight pa magaganap 'yon. Inuman to the max na naman yata ang mangyayari kahit bawal pa kami.

Nagkayayaan na naman daw ang adults na mag-breakfast sa Rodeway Inn. Napa-reserve na raw ni Tita Blake kaya dapat ay puntahan namin. And it's a breakfast get together lang daw since it's Christmas na rin naman.

Gaya no'ng set up namin sa Macabihag Kapehan, ganoon pa rin ang set-up namin ngayon. Hiwalay pa rin kami sa adults. Pero this time, marami kami kasi nadagdagan ang circle namin.

Usapan lang din ang ginawa namin. 'Yon lang ang puwede naming gawin, e: ang mag-usap at kumain, puwede na ring picture-an.

Nakiki-join din ako sa selfie moment nina Farrah, Tonette, at Madonna, since magkakatabi kaming apat. Kung sino-sino lang ang kausap ko. Halo-halo na nga ang topic namin sa table na ito, e. Ebarg, hindi talaga nagsasawa sa mga pagmumukha namin, e.

Wala masiyadong kakaibang nangyayari sa buhay ko nitong Pasko. Sobrang in-enjoy ko lang ang mga ganap sa buhay namin lalo na no'ng Noche Buena at Pasko. Sobrang saya lang. May exchange gift na naganap at may kainan na rin.

Twenty-six of December is the scheduled exclusive Christmas event of the Osmeñas. Invited ang mga malalapit na family friends nila and since kaibigan namin ang mga Osmeña, invited na naman kami. Naki-kain lang naman talaga kami.

No'ng mag-twenty seven, nag-prepare ang whole family namin para sa annual gift giving na ginagawa nina Lolo at Lola sa mga mahihirap na residente ng barangay. It's their personal doings, walang kinalaman ang kahit sinong organization dito, even the barangay or the government. Galing sa sariling bulsa ang perang ginamit pangtulong. Nakasanayan na kasi nilang bigyan ng kaonting tulong tuwing Pasko ang mga residenteng kapos sa buhay. Mas malaki lang ang maibibigay ngayon kasi mayroong naiambag si Mama.

Masaya, nakaka-relax ang pagbibigay. Kahit hindi kami kasing yaman ng mga mayayamang pamilya sa city namin, in our own way, ay nakakatuwang isipin na nakakatulong din kami kahit hindi naman kami nakakaangat sa buhay.

Tapos na ang simbang gabi kaya mahaba-haba na ang naging tulog ko tuwing gabi. May mga event pa naman sa plaza in connection with Paskuhan sa Yutang Bulahan pero minsan lang akong gumala since busy din sa mga in-attend-an na mga handaan and gatherings.

The next day, twenty-eight, is the birthday of Decart Lizares. Ang usapan namin no'ng mga batang hamog ng simbang gabi ay dapat by lunch time ay nandoon na kami sa Manor de Lizares.

Ang sarap ng tulog ko nang umagang iyon pero bigla akong ginising ni Madonna kasi may naghahanap daw sa akin sa baba. Ayoko sanang labasin pero hindi niya sinabi sa akin kung sino kaya napilitan akong bumangon at babain kung sino man 'yong naghahanap sa akin.

Palabas ako ng kuwarto nang masulyapan ko ang wall clock.

6:24 AM.

Anak ng apog, ang aga naman!

Inaantok pa akong bumaba ng hagdan hanggang makarating ako sa may salas.

What the heck!

Matinding paglunok ang nagawa ko nang makita si Therese na nandito sa aming bahay. Nang makita niya ako ay napatayo siya at malawak na ngumiti sa akin na sinabayan niya pa ng masigasig na pagkaway.

What the heck talaga!

"Hi, good morning!" nakangiti pa ring bati niya sa akin.

She looks the same, wala namang kakaibang nagbago sa sarili niya. Nakakagulat lang talaga na nandito siya sa bahay namin nang ganito ka-aga with that kind of get-up. Parang nag-jogging siya at dumaan sa bahay namin. Kung nag-jogging siya, ang layo naman nang napuntahan niya't umabot pa talaga siya sa barangay namin?

"O, anak, mabuti gising ka na. May bisita ka, kaibigan mo raw." Biglang sumulpot si Mama galing kusina kaya naibigay ko ang atensiyon sa kaniya. Lumapit siya sa akin at bahagyang bumulong. "'Yan ba 'yong Therese, anak?"

"Ma! Magkape ka lang doon sa labas," bulong ko sa kaniya at pa-simple siyang pinapaalis na.

Naglakad naman siya palabas pero dahil madadaanan niya muna ang puwesto ni Therese kaya kinausap muna niya ito, telling her to sit down and just feel at home. Mabilis na pagkausap lang naman at agad din naman siyang lumabas na.

"T-Therese! Anong ginagawa mo rito?" matapos siyang pasadahan ng tingin ay naitanong ko na sa kaniya 'yon.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. "Aayain sana kita. Magha-hike kami ngayon sa Mt. Lunay."

"M-Mt. Lunay?"

Teka, biglaan naman yata 'to.

"Mm-Hmm. Nag-aya kasi si Therence kaya sumama ako and then naisip kita kaya nag-swing na kami rito."

"H-Ha? Ah, e, paano ba 'to. Magbibihis- ay, magpapaalam na muna ako."

"Okay na. Nasabi ko na sa Mama mo. Magbihis ka na lang."

"Ha?" napakamot ako sa batok ko. "S-Sige. Maliligo lang ako, makakaantay ka ba?"

"Sure, I can wait."

Oo, gusto kong makasama si Therese pero nagdadalawang-isip ako ngayon kung sasama ba ako sa hiking na gagawin nila. May lakad ako mamaya and naka-plano na 'yon. Hindi puwedeng masira kung ayaw kong batok-batokan ako ni Yosef. E, paano 'to? Si Therese na mismo ang pumunta sa bahay at pinagpaalam pa ako? Makakatanggi ba ako? Iisipin ko na lang na matapos naming akyatin ang Lunay, bababa rin kami after since sure akong invited din naman sila sa party ng mga Lizares. Itatanong ko pa kay Therese ang tungkol do'n. Nakalimutan ko kasi, e.

Paniguradong makakaabot ako nito. Sana nga umabot ako. Sana.

~