webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Mother's Advice

Hanggang sa natapos ang misa at muli ko siyang makita nang kausapin ni Tito Jose si Tito Gab ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Gaya ng dati, hindi pa rin kami nag-uusap na dalawa. Ngumingiti naman ako sa kaniya at pinapansin ko naman siya pero kalmado lang ang every response niya. Walang lumalabas na salita, just non-verbal gesture. Para kasi sa akin, hindi siya approachable o baka takot na ako sa kaniya simula no'ng aksidente kong masuntok ang mukha niya? Baka nga. Nakakatakot kasi 'yong naging reaction niya 'yon. Nakakatakot ang mga taong kalmado.

I'm stuck again with nothing while the adults are talking. Hindi kasi sumama sina Justine at Krezian, kahit na sumama sa amin ang parents nila, sa simbang gabi sa araw na ito kaya ako lang ang batang kasama nina Lolo. Gusto ko mang i-excuse ang self ko sa kanila, hindi ko naman magawa kaya naupo na lang muna ako sa malapit na pew habang hinihintay kung kailan sila matatapos.

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng simbahan. Simple lang ang Our Lady of Mt. Carmel Parish Church. Hindi siya 'yong tipong makaluma ang design gaya ng sa ibang lugar. Simple lang, simbahan lang, pero kahit ganoon, ramdam na ramdam mo pa rin ang holiness nito. Hindi ko alam kung anong taon itinayo ang simbahang ito basta ang alam ko, halos yata ng mga important events sa buhay namin at ng pamilya ko when it comes to religious activities ay dito ginanap sa simbahan na ito. Lolo and Lola said na dito raw sila ikinasal. Dito rin nabinyagan ang mga anak nila. Dito ikinasal ang mga anak nila. Dito rin kami bininyagan. Dito rin ginanap ang misa para sa mga namatay nilang relatives, especially Lolo and Lola's youngest.

Huli kong pinasadahan ng tingin ang altar ng simbahan. Napatitig ako sa krus kung saan nakapako si Papa Jesus. It's made of hardwood and its color is brown. Pero dahil sa ilaw na nakapalibot sa likuran nito, nakita ko nang mas klaro ang mukha ni Papa Jesus. Naramdaman ko ang kapayapaan sa aking puso nang makita ko ang mukha ni Papa Jesus. Everytime talaga na nakikita ko siya sa krus, it always remind me of His sacrifice to us. And I am forever grateful of that.

"About kanina…"

The heck!

Gulat akong napatingin sa kaliwa ko nang biglang may tumabi sa nanahimik kong pag-upo. Diretso lang ang tingin niya sa altar habang ako ay nanigas na yata dahil sa gulat. Nakakagulat naman kasi talaga! Bakit ba bigla na lang sumusulpot ang isang 'to?

Napalunok ako at inaalala ang una niyang sinabi. Nang makapagbuntonghininga, umiwas ako ng tingin at ngumisi.

"Anong kanina?"

"What you saw."

Hindi man lang siya lumingon sa akin. Kami ba talaga ang nag-uusap o nangongompisal siya kay Lord? O tingin niya ako si Lord? Hala, grabe siya.

Pero baka si Lord ang kausap niya, in-assume kong ako talaga? Grabe naman kumausap kay Lord 'to, talagang pinaparinig pa sa katabi.

"Secret ba 'yon? Sige, hindi ko sasabihin sa iba. Pasensiya ka na, nakita ko pa. At saka wala akong nakita kanina." Sinubukan kong ngumiti sa kaniya pero kinabahan ako bigla baka kung anong sabihin o gawin niya dahil nga nakita ko ang secret niya. Oo, alam kong isolated area ang comfort rooms ng simbahan pero bakit ba kasi roon siya nanigarilyo? Parang kasalanan ko pa tuloy.

"Zetty, apo, halika na."

Laking pasasalamat ko kay Lord na tinawag na rin ako ni Lola bago pa man siya makasagot sa sinabi ko. Ngumiti ulit ako sa kaniya at tumayo na para puntahan sina Lolo. Narinig ko ring tinawag siya ng parents niya kaya nang paglapit ko sa family ko, nasa side na siya ng family niya na hanggang ngayon ay sinabayan pa rin ng paglalakad palabas ng simbahan ng family ko. Hanggang ngayon ba hindi pa rin tapos ang pag-uusap nila? Ano ba kasi 'yang pinag-uusapan nila? Puwede maki-join?

"Zettiana, pumunta ka sa twenty-eight sa manor ha?"

Ngumiti ako kay Tita Felicity at kahit hindi alam kung anong ibig sabihin niya ay tumango pa rin ako. "Okay po. Sige po. Pupunta po ako."

Nagkapaalaman ang lahat kaya nang makasakay na kami sa kotse, agad akong nagtanong kay Lola tungkol sa sinabi ni Tita Felicity kanina.

"La, ano pong ibig sabihin ni Tita Felicity? May ano po sa twenty-eight?"

"'Yong i-o-organize nilang christmas event na sinabi ko sa 'yo no'ng nakaraan? Birthday pala no'ng panganay nila kaya inimbita kayo. Ang bilin daw kasi ay imbitahin ang lahat ng kakilala niya."

"Decart Lizares? 'Yong bestfriend ni Ada? Birthday niya?"

"Oo, si Decart. Kaya dapat pumunta kayo ng mga pinsan mo ha."

"Okay po."

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na masiyadong inintindi ang tungkol doon.

Pagkauwi sa bahay, gaya no'ng nakaraan, natulog ulit ako. Gigising ng tanghali, kakain ng pananghalian, at makikipag-text kay Therese. Pagdating naman ng hapon, kapag walang ginagawa, nagpa-practice ako sa isang maliit na papel sa kung anong ipi-paint ko sa mural. Baka kasi pumalpak ako sa mismong araw ng event na kaya mahirap na 'no. Minsan din tumutulong ako sa preparations sa darating naming family reunion. Tapos pagdating ng gabi, kung may mag-aaya ng gala sa plaza, gagala ako. Kung wala naman, edi matutulog ng maaga para makagising ng maaga. Ka-text pa rin si Therese. Ganoon lang ang ginagawa ko nitong nakaraang araw. Parang naging routine na.

Hanggang sa nag-twenty one na, nagsimula na akong maging busy. Matapos ang simbang gabi, hindi na ako nakatulog ulit gaya ng routine ko. Agad akong nag-prepare sa mga gagamitin na decorations mamaya. Lolo asked a favor kasi na tumulong ako sa mga SK officials para sa decorations and sa pag-organize na rin ng mismong Christmas party nila. Maaga rin akong pinuntahan no'ng SK chairman ng barangay namin at no'ng iilang SK kagawads niya. I was busy the whole day.

Kinabukasan naman, naging mas excited na talaga ako. Ngayong araw na uuwi si Mama. Siyempre, nagsimba muna kami like the usual. Seventh day ko na. Dalawang araw na lang at mako-kompleto ko na talaga. Achievement 'to kapag nagkataon!

Mamaya pa namang after lunch namin susunduin si Mama sa Silay-Bacolod Airport kasi alas-cuatro pa naman talaga ang dating niya. Pero excited lang kasi ako. Dalawang taon ko din kasing hindi nakita si Mama. The last time I saw her personally ay no'ng nagbakasyon ako sa Canada and that was two years ago pa. Hindi na rin kasi naulit ang pagbakasyon ko roon. Gusto ko naman sana kaso naging busy lang ako dito sa Pilipinas during summer breaks kaya d-in-ecline ko muna ang offer na bakasyon. At saka masiyadong magastos. Ang mahal kaya ng plance ticket back and forth.

"Tabihan mo 'ko ng chocolates ha? 'Wag mo talaga akong kalimutan."

Inambahan ko ng batok si Yosef dahil sa sinabi niya. Kung hindi ko lang alam na nasa simbahan pa pala kami ngayon, baka dumapo na 'tong kamay ko sa batok niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Wala bang chocolates sa bahay n'yo?"

"Mayroon naman. Iba lang kasi 'yong lasa ng chocolates kapag galing sa isang OFW na kakauwi lang ng Pilipinas, e."

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi ni Yosef.

"'Wag kang umasang may matitira pang chocolates sa 'yo. Sa akin pa lang, ubos na 'yon."

Tumawa siya pero mahina naman since nasa simbahan nga kami. "Expected. Ang siba mo kasi."

Sinamaan ko ulit ng tingin si Yosef at hindi na sinagot ang pang-aasar niya. Umiling na lang ako at umiwas ng tingin.

Tapos na rin na naman ang misa at heto't naghihintay na naman ako kung kailan matatapos makipag-usap sina Lolo at Lola sa mga kakilang nagsimba rin kanina. Himalang nag-stay ang family ni Yosef para makipag-usap sa ibang kakilala kaya nandito siya ngayon sa tabi ko at inaasar na nga ako.

"Alis na raw tayo." Nilapitan kami ni Tonette at isa-isang tinapik ang balikat namin. "Nagkayayaan sila na mag-sikwate raw."

Katabi namin kanina si Tonette at may pinag-uusapan kami kanina pero may nakita siyang kakilala kaya kinausap muna niya. Muli nga siyang lumapit para sabihin 'yon.

Tumayo kaming dalawa ni Yosef.

"Sa Macabihag?"

"Yep," sabay na sagot ni Tonette at Yosef. Kasama rin nila ang bunso nila pero nasa tabi ng Mama nila kaya hindi namin kasama sa paglalakad palabas ng simbahan.

Gaya nga ng sabi ni Tonette, nagkayayaan nga ang adults na pumunta sa Macabihag Kapehan para magkape.

Sikat ang Macabihag Kapehan sa sikwate nila o 'yong chocolate drink na gawa sa tinunaw na tablia. Masarap 'yon lalo na kapag mainit at sinabayan mo ng pag-kain ng puto maya o 'yong malagkit na kanin na ginawang suman. Masarap 'yon, promise! Kaso minsan lang kami pumunta nina Lolo roon sa Macabihag after mass to enjoy a cup of sikwate kaya himalang this time, sumama sina Lolo sa iba nilang kakilala para magkape.

Nasa loob ng palengke ang Macabihag Kapehan. It's a small space pero it's, I think, the most convenient coffee shop in the city. Lahat kasi ng estado sa buhay ay welcome dito. Mahirap, mayaman, mid-tier people, talagang dinadayo ang kapehan na ito. Masarap naman kasi talaga ang sikwate at puto maya nila rito. Try it.

Nang makarating kami, halos ma-occupy namin ang buong space. Kaniya-kaniyang order at kaniya-kaniyang puwesto na rin. Pero ang adults na ang nag-order ng mga gusto namin. 'Yong adults ay agad nagsiupuan sa kabilang table, habang kami naman ay nasa kabilang table rin. Mga anak no'ng adults na nag-uusap ngayon.

Maliban sa mga Osmeña, kasama namin ang tatlong Lizares na sina Einny, Decart, at Tonton. Aside from them, sumabay din ang magpi-pinsang Barcelona na sina Amox, Mefan, at Farrah sa amin. Sikat sila bilang the medicine cousins kasi you know, hango sa mga gamot ang palayaw nila. Amoxicillin, Mefenamic, at Paracetamol. Do the math, do the science, do whatever. Kasi hindi ko alam kung ba't ganoon, okay? Malay ko kung anong trip ng family nila't ganoon ang pinangalan sa kanila. Labas na ako roon kaya 'wag n'yo akong tanungin.

So bale, siyam kami sa table. Hindi kasi sumama ang bunso nina Yosef, mas pinili niyang tumabi roon sa Lolo at Lola niya.

Ang gaganda at ang guguwapo ng mga kasamahan ko ngayon. Ako lang yata 'yong parang binalatan na luya rito. Deform at saka nangangasim.

Kung ano-ano lang 'yong pinag-usapan namin. Minsan tungkol sa mga hot issues dito sa city. Minsan 'yong mga event sa Paskuhan sa Yutang Bulahan. Minsan naman 'yong mga… ewan ano 'yon, hindi ako maka-relate. Ang yayaman kasi ng mga ito. Ako lang talaga ang naiiba rito. Mabuti mabilis akong makapag-adjust kaya hindi na sila naging iba sa akin.

Nag-picture na rin kami at dahil phone ni Farrah ang ginamit, paniguradong siya ang makakapag-post no'n.

"Zet, sasali ka raw sa mural painting sa Kasikas?"

Kalagitnaan ng pag-uusap, naitanong sa akin ni Amox 'yon. Tumango naman ako.

Ang Kasikas ay isang event for arts. Any form of arts are being showcase in that event. May music, spoken poetry, paintings, make-ups, at kung ano-ano pang maisip n'yong art. This is organized by a private organization that deals with art. May balak din akong sumali sa org na iyon kaya kahit seventeen pa lang ako, sumali talaga ako sa mural painting.

"Saan nga pala ang pader na gagamitin? 'Yong sa may police station ba?" dagdag na tanong ni Amox.

"Hindi. Mukhang sa fiesta gagamitin 'yon. Ang pader na malapit sa basketball court ng plaza? 'Yon ang gagamitin namin," sagot ko naman.

"Ah! 'Yon? Maganda nga'ng pintahan 'yon. Mabuti naisipan nilang gamitin 'yon. Hindi na magiging boring kapag napintahan na," sabi naman ni Farrah na tinanguan ko naman.

"So, may balak kang sumali sa pinta lawas next year?"

Napalingon ako kay Mefan at napangiti sa naging tanong niya. "Not sure. Hindi ko kasi forte 'yong pinta lawas. Ito nga'ng mural painting, first time kong sasalihan 'to tapos 'di pa ako sure kung anong kalalabasan."

"Sabagay, sa canvas ka nga pala sanay," sabi naman ni Yosef.

"Subukan mo 'yong pinta lawas, Zet. Magandang challenge 'yon sa talent mo. Tapos gawin mong model si Tonette."

Napalingon ako kay Tonette dahil sa naging suggestion ni Decart. Pinagmasdan din ni Tonette ang katawan niya.

"Puwede rin. Gusto ko ring subukan maging model sa pinta lawas."

"Puwede ring si Therese Ponsica. Perfect 'yong katawan niya para sa pinta lawas."

Ang lakas ng apog ng walang hiya! Pa-simple kong sinamaan ng tingin si Yosef dahil sa sinabi niya pero ang bugok heto't nakangisi lang sa akin at halatang inaasar nga'ng talaga ako.

"'Wag na muna nating isipin 'yon. Next year pa naman 'yon. Pag-iisipan ko pa. At saka, kaonti pa lang ang knowledge ko sa pinta lawas. Siguro, pag-aaralan ko muna 'yon."

"Sabagay…" sabay na sabi ni Farrah at Tonette. At dahil sabay silang nagsalita at pareho silang babae, ayon at nagtititili na parang mga timang dahil jinx daw. Ewan.

Napunta ulit sa ibang bagay ang usapan. Hanggang sa nagsi-uwian na kam.

Pagkarating sa bahay, umidlip ako ng kaonti tapos pagkagising ay nag-prepare na ako para sa pag-alis namin. Ina-update na ako ni Mama through chat sa whereabouts niya. Hinahayaan ko lang siyang mag-chat nang kung ano-anong na-experience niya along the way. Madaldal kasi talaga si Mama kahit sa chat.

After lunch ay umalis kami agad papuntang Silay. Van nina Tita Annellia ang ginamit namin para magsundo kay Mama. Full force lahat dahil utos ni Lolo. In good terms na sila ni Mama at Lolo ngayon, wala nang problema, okay ang lahat. Kaya sobrang payapa ng buhay namin ngayon.

Siyempre, nang makita si Mama, sobrang tuwa ko. Una niya akong niyakap nang mahigpit at tuwang-tuwa talaga ako. After a long time, makakasama ko ulit si Mama sa Pasko. That's what I'm grateful of this year.

Matapos naming masundo si Mama, nag-dinner muna kami and then umuwi sa city namin.

The next day, sumama sa amin sa pagsimba si Mama. Hindi niya alintana ang pagod ng biyahe kaya she woke up early beside me para samahan kami nina Lolo at Lola sa pagsisimba. The usual mass happened and after that, ang usual usapan na naman ng adults ang nangyari. Maraming kakilala si Mama rito sa lugar namin kaya binati ang lahat. Maski si Tita Blake, na mother nina Yosef, ay nakipag-chikahan din kay Mama together with Tita Felicity and others.

Matapos ang simba, nag-prepare naman kami para sa pag-alis namin papuntang Bacolod. Hiniram ni Mama ang kotse nina Lolo at siya mismo ang nag-drive. Dapat magkakasama kaming pamilya ngayon pero may kaniya-kaniyang schedules sila kaya hindi nakasama. Sina Lolo at Lola kasi ay may a-attend-an na alumni homecoming sa dati nilang school. Tito Jose and family naman ay pumunta sa family ni Tita Crestine for a family gathering kaya kahit gustong sumama ni Justine at Krezian, hindi nila nagawa. Tita Annellia and Tito Doane attended the same alumni homecoming that Lolo Felix and Lola Eulyn attended. Pero ang dalawa nilang anak na si Nicho at Madonna ay naiwan kaya sumama sa amin. Itong dalawang bugok kong pinsan, paniguradong iinggitin 'yong dalawa, Justine at Krezian, dahil makakalibre kay Mama.

Shopping all you can, sabi ni Mama. Pero char lang. Hindi kami ganoon kayaman para gawin 'yon. Nag-shopping nga kami pero namili lang kami ng mga ireregalo para sa manito-manita bukas. Namili na rin ng mga ipamimigay na pamasko sa iilang relatives at sa darating na gift giving.

Wala kasing package na dala si Mama kaya bumawi siya sa ganito. Next year na lang daw 'yong boxes of chocolates, sabi niya pa kay Yosef kanina.

Marami na kaming napamili at marami na rin kaming napag-usapan ni Mama tungkol sa mga kuwento niya sa Canada at kung ano-ano pa.

"Ma, ito po? Puwede na po ba 'to?" ipinakita ko sa kaniya ang isang box na set of different kinds of tupperwares. Sabi niya kasi kanina na may manito-manita sila ng friends niya tapos ang nabunot niya ay mahilig daw sa tupperwares kaya nandito kami sa kitchen area ng department store. Sina Nicho at Madonna naman ay humiwalay muna saglit sa amin kasi may bibilhin din daw.

"Hmm… puwede na. Sige, lagay mo na sa cart."

Ngumiti ako kay Mama at agad na sinunod ang sinabi niya. Itinulak ko ang cart at sinundan siya sa susunod na destinasyon namin sa department store.

"Ikaw? Baka may gusto kang bilhing regalo. Buy it now. Sina Yosef, bilhan mo ng gift."

Napa-irap ako sa sinabi ni Mama. "Ma, ano pa po bang maibibigay ko sa mga taong nasa kanila na ang lahat?"

"Oo nga naman 'no?" natatawa pang sabi niya. "Baka may iba kang gustong pagbigyan aside from your friends? Uh… special someone, maybe?" Napa-iwas ako ng tingin kay Mama at matinding paglunok ang nagawa ko. "Oh… you have. Mind telling your Mama about it, Zetty?"

Napahigpit ang hawak ko sa hawakan ng cart at napabuntonghininga dahil sa sinabi ni Mama. Matagal ko nang sinasabi sa sarili ko na kapag nakauwi si Mama, una kong sasabihin sa kaniya 'yong tungkol sa sarili ko bago kina Lolo. Maybe, this is the right time for it.

Bumuntonghininga ulit ako at napatigil sa pagtutulak ng cart. Napatigil din si Mama, patiently waiting for me to speak up.

"Ma, may sasabihin ako sa 'yo pero 'wag po kayong magagalit ha?"

Nangunot ang noo ni Mama at nagtaka sa sinabi ko. "Bakit naman ako magagalit? I'd be happy pa nga siguro kapag nagkataon."

Huminga ulit ako ng malalim at bumuwelo.

"Ma, I'm a lesbian. I like girls."

Natulala si Mama sa sinabi ko at nawala na ang ngiti sa kaniyang labi. Tumitig siya sa akin at ako naman ay nagsimula nang kabahan sa naging reaksiyon niya.

Ilang segundo ang lumipas bago siya nakagalaw at nakapagsalita.

"W-What? Wha-What did you say, anak?"

"Tomboy po ako, Ma."

Marahas na bumuntonghininga si Mama at napaiwas ulit ng tingin. Hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi ko. Paniguradong nagulat sa rebelasyon ko.

"Sigurado ka ba r'yan, anak? How… why? How did you realize? Naimpluwensiyahan ba kita, anak? Bakit ka… bakit ka nagkaganiyan?"

Bumaba ang tingin ko sa laman ng cart, naghanap ulit ng lakas ng loob. "No, Ma. Hindi n'yo po ako naimpluwensiyahan. Simula pa lang naman, Ma, ay hilig ko na ang mga panlalaking gamit, laro, at kilos. Nitong taon ko lang po napagtanto na 'yon po, na tomboy po ako, na gusto ko po 'yong mga babae."

Naramdaman ko ang paglapit ni Mama sa akin. Naramdaman ko rin ang marahan niyang paghaplos sa pisnge ko. Ini-angat niya ang mukha para makita niya.

"Please think of it further and thoroughly, anak. It's not an easy decision."

"Matagal ko na pong pinag-isipan 'to, Ma. Sinubukan kong iwasan pero sa huli, bumabalik ako sa parehong konklusyon na katulad mo ako. How can I stop it, Ma, if I'm already inlove with a girl?"

Malalim na huminga si Mama at parang maiiyak na nakatingin sa akin. Nilabanan ko ang tingin niya. Pinapanindigan ang desisyon ko sa buhay.

"Hahayaan kita sa kung anong gusto mo kasi alam kong bata ka pa at kailangan mo talagang ma-diskobre ang mga bagay-bagay. Pero gaya ng pangako ko, susuportahan kita kung saan ka man masaya, at kapag nasaktan ka sa mundong pilit mong pinasukan, ako mismo ang unang maglalayo sa 'yo sa situwasiyong naroon ka."

Hindi ko napigilan na mayakap si Mama. Mahigpit na yakap. Isang mahigpit na yakap galing sa ina ko ay sapat na para pumatak ang isang luha galing sa aking mata.

"Thank you for accepting me, Ma," bulong ko.

~