webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Lie

Nag-ayang mag-bar hopping ang mga kaklase ko. Kung saan-saang bar na kami nakapunta pero nagtagal ang stay namin sa MO2.

Dahil na rin sa ibang kakilala kaya kami nagtagal. Kinalimutan pansamantala ang problema, hinarap muna ang isang situwasiyong magpapamukha sa iyong maaari kang manirahan sa isang kasinugalingan.

Before kaming naka-settle sa isang maliit na table, nakipagsayawan pa kami sa lahat. Galing lang kami sa Gorka kaya fresh pa sa amin ang mga ininom namin doon kaya nagsayawan na lang muna kami rito sa MO2. Dahil medyo may tama na, nakipagsabayan ako sa pagsasayaw.

Nang mapagod at pagpawisan, saka lang kami nag-settle down.

Nagtatawanan and still ecstatic with our dancing sesh, may biglang lumapit na waiter sa table namin na may dala-dalang drinks sa tray.

We all look at that waiter with confusion.

"Kuya, hindi pa kami nakakapag-order ng drinks," agad na komento ni Lian nang isa-isang inilapag no'ng waiter ang drinks.

"Bigay po ng kabilang table, Ma'am. Pinapasabi rin po na hi po sa inyo, Ma'am."

Nakatingin sa akin ang waiter nang sabihin niya ang huling sinabi niya.

"Sa akin?" nakaturo pa sa sariling tanong ko.

"Opo, Ma'am. At ipinapabigay din po ito," at inabot pa niya ang ang isang bote ng vodka.

Nag-aalinlangan akong tanggapin iyon pero sa huli ay tinanggap ko rin naman. Mas lalong nag-ingay ang mga kasamahan ko, kinakantiyawan ako.

Sabay-sabay tuloy kaming napalingon sa table na itinuro kanina ng waiter. Paglingon doon, may grupo ng mga lalaking nakaupo rin sa isang round table. Nakalingon din sila sa puwesto namin at kumaway pa 'yong lalaking nasa gitna habang nakangisi na rin. Diretso talaga siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung anong ire-reak ko. Basta kinuha no'ng katabi ko ang libreng kamay ko para ikaway pabalik sa kanila. Tipid na lang akong napangiti. Ayoko namang maging rude.

He looks mature and he looks… old. Like a married person na. Hindi ako pumapatol sa ganiyan.

Dahil nga ayokong maging rude, ngumiti at kumaway na lang ako. Nagpatuloy ang kantiyawan ng mga kasamahan ko. Pero umiwas na ako ng tingin at sinalubong na ang mga kantiyaw nila.

"Grabe, ang ganda talaga nitong si Zetty."

"Totomboy-tomboy pero ang dami pa ring nagkakagustong lalaki."

"Ang short ng hair pero parang naging biglang long at umabot pa yata sa may entrance ng MO2."

Umismid na lang ako sa mga naging reaksiyon nila at inilapag na lang ang hawak kong bote sa lamesa.

"Hala, shet! Papalapit si Papabells, Zet."

Nagkagulo at naghagikhikan ang mga kasamahan ko sa table nang lumapit na nga 'yong lalaking nagbigay sa amin ng drinks at siyang kumaway sa akin from the other table. Napaangat ako ng tingin para tingnan siya.

He flash his smile. "Hi, can we dance?" diretsahang tanong niya.

Kaniya-kaniyang tili at pa-simpleng tikhim ang mga kasamahan ko sa table.

Okay, guwapo nga itong lalaking nasa harapan namin pero he looks mature talaga. Parang daddy vibe, ganoon.

"Sige na, girl, lapitan mo na. Makipagsayaw ka na. Pero kapag may ginawang more than that, tawag ka agad ng rescue kasi ibang usapan na iyon," pa-simpleng bulong ni Lian sa akin nang hindi agad ako nakatayo para tanggapin ang offer no'ng lalaki.

Ipinagtulukan nila akong tumayo na para sumama sa lalaking iyon. Nasa harapan lang naman ang dance floor kaya kung magsasayaw nga kami, madali kaming makikita ng mga kasamahan ko. At kung may gagawin siyang iba, madali lang makahingi ng rescue. Confident naman akong kaya kong i-defend ang sarili ko. May nalalaman din naman akong ibang self-defense. At saka, naturuan na rin ako ng iilang techniques nina Nicho sa tuwing may ganitong situwasiyon.

Sa katunayan, hindi naman ito ang unang beses na nangyari sa akin 'yon. Kapag pupunta kami ng bar ng mga kaibigan ko, mayroon at mayroon talagang lalapit sa akin at aayain akong magsayaw o 'di kaya'y mag-o-offer ng drinks. But this is the first time na may nagbigay talaga ng drinks, hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng kasamahan ko. Mukhang galante ang gagong ito, ah?

Sinamahan ko ang lalaking iyon hanggang sa makarating kami sa dancefloor. Mabuti na lang talaga at party song ang naka-play ngayon kaya may rason ako para mag-enjoy. Thanks to alak, nagkaroon ako ng confidence enough para harapin ang stranger man na ito.

Nang magkaharapan na kaming dalawa, panandalian akong sumayaw at saka nagpakilala na ng sarili.

"Hi, I'm lesbian," diretsahang sabi ko sabay abot ng kamay at malawak na ngumiti.

Nawala ang ngiti ng lalaki at natigil na rin siya sa pagsayaw. Nagtataka niya akong tiningnan.

"Your name's lesbian?" nagtataka talaga niyang tanong.

Malawak pa rin akong ngumiti. "Nope. I'm a lesbian. My sexuality is a lesbian."

Wina-warning-an ko na agad ang mga lalaking gustong dumiskarte sa akin kaya agad kong sinasabi na lesbian ako at may girlfriend ako at kung ano-ano pang valid reasons para lang layuan nila ako. And I do it in a very nice way.

"You're a lesbian?" tanong niya pa.

"Oo. Hindi ba obvious?" itinuro ko pang buhok kung saan pixie hair pa rin ito hanggang ngayon. Kaka-trim lang nito last week, during sembreak.

Imbes na magtaka at magulat sa sinabi ko, bigla siyang natawa. Mahina lang naman pero evident sa mukha niya ang ngiti. Napapa-iling pa nga siya dahil sa tuwa.

"I know."

What?

"You knew?"

Ngayon, ako naman ang nagtaka at nagulat sa sinabi niya. Tuluyan nang napatigil sa pagsasayaw at hindi na alintana ang nagkakagulong paligid dahil sa espirito ng alak.

"Yep. Hindi mo ba ako naaalala?"

"Huh?" mas tinitigan ko ang mukha niya.

Bakit? Kilala ko ba ang lalaking ito? Ngayon ko pa nga lang yata siya nakita. At kung nakita ko man siya, sa dami ba naman ng taong nakikita ko sa araw-araw, imposible nang makilala ko kung sino man 'yong mga nakita ko lang dati. Unless you're my friend, maaalala talaga kita.

"Fred Ledesma. Therence Ponsica's ex-boyfriend. Lunay?"

Mas lalo akong napatitig sa kaniya, sinabayan na rin ng pag-iisip ng mga sinabi niya.

Fred Ledesma? Ex ni Therence? Lunay? Ah! Oo. Kilala ko na.

"Ah! Yeah! Kilala kita. Nag-iba ba mukha mo? Hindi kita nakilala agad."

"Mas guwapo na ba ngayon kaysa noon?" sabi niya habang nag-pogi sign.

Natawa ako ng isang plastic na tawa. Ang lakas ng apog niya, ha, in fairness.

"Nagpa-retoke ka ba? Ibang-iba talaga ang mukha mo noon kaysa ngayon."

Ibinaba niya ang kamay niyang naka-pogi sign pa at mukhang sumeryoso ang mukha. Umayos siya sa kaniyang pagkakatayo at mataman akong tiningnan.

"Hindi, ah. Grabe ka naman. Natural 'yan."

"Ah, ganoon ba."

Ebarg! Wala na akong masabi.

Nagsimula akong makisabay sa saliw ng musika para mawala ang awkwardness. Hindi naman talaga kami close nitong si Fred. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon naaalala niya pa rin ako.

"Sa-Salamat sa drinks ha?" sabi ko sa kalagitnaan ng pagsasayaw.

"Walang anuman. Hope you enjoyed it."

Lumingon ako sa table ng mga kasamahan ko. Nakatingin na rin sila sa akin kaya masigasig silang kumaway at ngumiti sa akin. Mapakla na lang akong napangiti.

"Oo. Mukhang na-enjoy nga ng mga kasamahan ko."

Medyo pasigaw na ang paraan ng pag-uusap namin kasi nga malakas ang music tapos marami pang tao. Minsan nga lumalapit na ako sa tenga niya para lang marinig niya ang sinasabi ko.

Nag-uusap lang kami habang sumasayaw. Medyo matagal-tagal din ang pananatili namin sa dancefloor. Hanggang ngayon nga nasa dancefloor pa kami.

"Kumusta ka na? Kayo pa rin ba-"

Napatingin ako sa may bandang DJ's area dahil biglang nagsigawan ang mga taong malapit doon. Akala ko kung anong nangyari, nagkasiyahan lang siguro at masiyadong na-excite sa hype na hatid ng atmosphere.

"Ha? Ano?" matapos lumingon doon, bumalik ang tingin ko kay Fred dahil alam kong may sinabi siya kanina kaso na-distract nga ako't hindi ko narinig kung ano 'yong sinabi niya.

"Kayo pa ba ni Therese?" pasigaw na tanong niya at medyo lumapit pa sa may tenga ko.

Natawa ako sa naging tanong niya. Hindi ko alam pero natawa talaga ako o talagang idadaan ko na lang sa tawa ang lahat?

"Oo, kami pa naman."

"Grabe. Ang tagal na ninyo ha. Naghiwalay na kami ni Therence pero kayo pa rin."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan talaga ang tawa ko. Lasing na ba talaga ako o tipsy pa lang? Mukhang lasing na nga.

"Matatag, e," sabi ko na lang habang tumatawa.

Pero nang mag-iwas ako ng tingin, nawala bigla ang tawa ko at napagtanto ang sinabi ko.

Matatag? Kami ni Therese, matatag? Sigurado ba 'yon? Bakit parang nagiging malabo na ang tatlong taon naming dalawa?

Marami kaming napag-usapan ni Fred. Hindi ko nga alam kung ano-ano 'yon kasi wala naman talaga akong pakialam. Nakikisabay lang naman talaga ako sa mga pinagsasabi niya. Minsan tumatango lang at tumatawa kahit hindi ko naman talaga naririnig ang mga pinagsasabi niya. Pakikipagsabayan lang talaga ang key sa lahat ng ganap ngayong gabi.

Nang mapagod kakasayaw sa gitna, nagpaalam ako kay Fred na babalik na sa table namin. Muli akong nagpasalamat sa kaniya sa drinks na ibinigay niya. Pero bago ako pinakawalan, napigilan niya pa ako.

"Can I get your number? Let's catch up next time."

"Ha? Wala akong cell phone, e. Nasira. Bibili pa ako sa Pasko. Pasensiya na, Fred. Add mo na lang ako sa Facebook." Tinapik ko ang balikat niya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad pabalik ng table.

Hindi ko basta-bastang ibinibigay ang cell phone number ko sa ibang tao. Kung gusto mo akong contact-in, chat mo na lang ako sa Messenger or any social media platforms.

"Taray! Tumitiwalag ka na ba sa federasyon, Zettiana?" natatawang bungad ni Halter sa akin nang pabalik na ako sa table.

Umiling na lang ako at tumungga no'ng isang shot na ibinigay sa akin.

"Lipat tayo?" pag-aaya ko sa kanila. "Art District."

"Ay, gusto ko 'yan. Tapos ipapain na naman natin si Zetty para sa libreng drinks."

What the heck?

"Sabi na, loyal pa rin talaga sa girlfriend niya, e. Hindi ba tumalab si Mr. Nice Guy sa 'yo?"

"Kilala ko 'yon. Ex 'yon no'ng kakambal ng girlfriend ko."

"Ah, ex," sabay-sabay na sabi nila. Napa-iling na lang ako at muling nag-ayang umalis.

Saktong naubos na nila ang mga inumin na ibinigay sa amin kaya agad din naman silang pumayag. Pati 'yong personal na ibinigay na alak sa akin ni Fred, naubos na rin nila. Dalawang shot lang yata 'yong nainom ko mula roon.

Gamit ang kotse ni Halter, lumipat naman kami sa may Art District.

I personally like this place kasi bukod sa maraming inumin at iba't-ibang bar dito, nandito rin ang safe haven ko which is ang art. Gusto-gusto naming magka-klase rito kaya the rest of the night, dito na kami nanatili.

I've come to the conclusion that I really need to embrace what I really want in my life. It's to express using art. It's to be heard through the art I'm making. Kumuha ako ng Architecture sa college dahil gusto ko ito. Gusto kong i-express ang sarili ko sa pamamagitan ng paggawa ng mga structures na puwedeng gawing bahay, tambayan, at kung ano-ano pa. Gusto kong marinig ako ng iba sa pamamagitan ng gawa ko. Gusto kong tahakin ang daang dati pang tinahak na ng sarili kong ama.

Yeah, I hated my father because of what he did to Mama, to what he did to us kahit na wala naman talaga akong ideya kung ano-ano iyon. I hated him. I hated him for not being by my side until today. I hated him for hurting us. Pero ngayong unti-unti na akong naging mature, mas naiintindihan ko ang mga bagay-bagay. Nangyayari ang isang situwasiyon dahil sa isang particular na rason.

Walang hiya, lasing na yata ako. Kung ano-ano na itong naiisip ko. Halo-halo na. Iniisip ko na ang non-existent tatay ko.

Gusto ko kasing mag-isip ng ibang bagay. Ayokong lunurin ang utak ko kakaisip kay Therese buong gabi. Ayokong mag-emote nang dahil sa kaniya. Baka nga tamang hinala lang itong nararamdaman ko. Kasi ang totoo pala, wala naman talagang nagbago sa relasyon namin at itong mga hinala ko, tamang hinala lang talaga, hanggang hinala na lang. Malaki ang tiwala ko kay Therese kasi kailangan ko si Therese. Kailangan ko siya sa buhay ko. Kung wala siya sa buhay ko, hindi ako makakabalik sa art na kinalulugaran ko ngayon. Kung wala siya sa buhay ko, hindi ko malalaman kung anong totoo kong pagkatao. Kung wala siya, hindi ko malalaman na kaya ko pa palang magmahal without hating them. Just like what I did to my father. Kung wala siya, hindi ko alam na kaya ko palang magmahal.

Sigurado ako, lasing na talaga ako. Nagkandabuhol-buhol na ang laman ng utak ko.

"Zet, kaya pa? Punta tayong DSB ngayon. Magkakape." Narinig kong sabi ni, ewan kung sino, basta may narinig akong boses.

Mas lalo akong sumandal sa kinauupuan ko at mariing pumikit para makatulog na.

"'Tang ina, patulugin n'yo muna ako."

Dahil sa pagod, alak, at alon ng kotse ay agad akong nakatulog.

Nagising ako sa marahang tapik sa pisnge ko at mumunting tinig.

Dumilat ako ng mata pero mariin ding kinusot-kusot agad ito nang makakita ako ng liwanag. Kinuhanan ko ng muta ang mata ko at panahiran na rin ang gilid ng aking labi, baka may bakas pa ng laway na natira.

Iginala ko ang tingin sa paligid. Nasa loob pa rin ako ng kotse ni Halter pero nakahinto na ito wala na ang ibang kasamahan ko sa loob ng kotse. Maliban na lang kay Lian na nasa labas nga ng kotse pero kaharap ko naman, at siya mismong gumising sa akin.

"Sa'n tayo? Umaga na ba?"

"Gising na, Zet. Nasa DSB na tayo."

Naniningkit pa rin ang mata kong nakatingin sa paligid. Umayos ako sa pagkakaupo at muling iginala ang tingin sa paligid. Humikab ako one last time saka sinundan si Lian palabas ng kotse. Nag-unat ako ng katawan nang makatayo ako at muling iginala ang tingin sa paligid.

Naka-park ang kotse ni Halter sa gilid ng daan, sa tapat mismo ng isang kapehan na hindi ko na nakita kung ano ang pangalan. Basta sinundan ko si Lian papasok sa loob.

Maya't-maya ang paghikab ko kahit na kagigising ko pa lang naman. Ebarg! Nakakapagod talaga ang mga pinagagagawa namin kagabi. Walang makakapantay. Nakakapagod talaga.

Nang makapasok sa kapehang iyon, agad kong nakita ang tatlo pa naming kasama ni Lian na nakaupo na sa tables dito. Lumingon silang lahat sa akin at nang makalapit, isa-isa ko silang in-apiran bilang pagbati.

"Morning, Zet."

"Hmm, morning," pagbati ko kay Hansel.

"Himbing ng tulog ah?" tanong naman ni Bevian.

"Ang sakit nga ng ulo ko. Bakit nga pala tayo nandito sa DSB?" tanong ko pa nang makaupo katabi ni Halter na piningot lang ang ilong ko bilang pagbati. Tinampal ko pa 'yong kamay niyang gumawa no'n.

"'Di mo maalala? Nagkakayaan kaya kagabi after natin sa Art District," sagot ni Lian.

Napa-ah na lang ako dahil sa sinabi ni Lian. Mga kaklase ko nga pala silang lahat sa Architecture. Kasangga since first year.

"Mas masarap ang kape sa DSB kapag umaga at kapag lasing ka," sabi pa ni Halter.

Napa-iling na lang ako at hindi na pinatulan ang pinagsasabi ni bakla.

Maya-maya lang din ay inihain na ang pagkain na in-order nila kasama ang talagang pakay namin dito na kape. Hindi nila ako natanong kanina kung anong gusto kong kainin for breakfast pero alam na naman nila kung anong gusto ko kaya wala akong nagreklamo nang cornsilog with rice ang nakahain ngayon sa harapan ko.

Ang sarap tingnan ng mainit na kanin na umuusok pa talaga tapos sinamahan pa ng umuusok din na kape. Ebarg! Ganda ng ganitong buhay tapos ang ganda pa ng tanawin sa harap! Wala na, puwede na akong mamatay. Kunin mo na ako, Lord.

Charot.

Kinain ko 'yong inihain na pagkain sa akin pati na rin ang mga kaibigan ko. Habang kumakain, hindi maiwasan na pag-usapan kung ano-anong mga nangyari kagabi, kung ano-anong mga na-experience namin. Puros tawanan lang naman ang napag-usapan namin ngayon. 'Yong naging highlights lang talaga ng usapan ay 'yong may nagbigay sa amin ng mga inumin sa MO2. Hindi ko na naman ginawang big deal iyon at sinawalang-bahala na lang, nagkibit-balikat, ganoon.

Matapos ang breakfast at habang nag-uusap silang apat, kalmado akong napatingin sa tanawin sa harapan ko. Puros kahoy ang nakikita ko, puros green, puros nature. Ang ganda ng ganitong tanawin tapos malamig pa ang klima. Sobrang kalmado siguro ng mga taong nandito? Hindi sila gaanong nakakaranas ng mainit na klima kasi anytime of the day ay talagang mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin. No wonder na binansagang little Baguio ang Don Salvador Benedicto ng Negros Occidental.

Matapos ang kuwentuhan na may kaonting agahan ay nag-ayang mag-change location. Punta raw kami sa Pine Tree Forest para magpa-picture total daw ay nandito na kami. Itong Pine Tree Forest ay ang part ng DSB na walang entrance fee kasi nasa national highway lang ito. Para siyang forest ng mga pine tree at magandang magpa-picture sa gitna ng highway kasi ang magiging background mo ay ang magkabilang pine trees na nagpang-abot sa gitna ang mga dahon na animo'y naging kuweba ang daan ng mga pine trees. Ewan ko kung may sense ang explanation ko pero basta, 'yon na 'yon.

Hinayaan ko sila sa ginagawa nilang mini-pictorial habang ako ay nakaupo lang sa tailgate ng Fortuner ni Halter, umiinom ng kape, minsan nakatingin sa malapit na tindahan ng iba't-ibang klaseng pananim at bulaklak at mga prutas at kung ano-ano pa. Nararamdaman ko pa kasi 'yong pagod from last night.

Sumisimsim ako sa kapeng nabili namin kanina nang may humintong isang kotse sa tapat no'ng bilihan ng mga tanim. Isang puting Toyota Vios. Sabay na bumukas ang magkabilang pinto. Pero ang una kong natingnan ay ang side ng passenger.

I squinted my eyes, trying so hard to not miss a thing about identifying that girl. But the more I squint my eyes, the more I recognize that passenger.

Dahan-dahan kong inilapag ang kape sa tabi ko at kinuha ang cell phone sa bulsa ng jacket ko. Ni isang segundo ay hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Kaya kitang-kita ko ang paglapit niya sa driver ng kotseng iyon.

Pero alam mo kung anong masakit? 'Yong lumapit 'yong babaeng iyon sa driver at hinawakan ang kamay nito. Sa tantiya ko, isang mahigpit na hawak.

Hinanap ko sa contacts ang name ni Therese. At nang mapindot ko ang call button, dahan-dahan kong inilagay sa tenga ko ang cell phone.

Rinig na rinig ko ang ring pero mas nangingibabaw ang tambol ng puso ko, kinakabahan sa ginagawa ko.

Bumalik ang tingin ko sa kaninang tinitingnan ko. Kumalas siya sa pagkakahawak sa driver na iyon at mukhang kinausap saglit saka bahagyang lumayo sa kaniya. Ang driver naman ay nagpatuloy sa pagkausap sa mga tindera. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng pants niya at agad na sinagot kung sino 'yong tumatawag.

"Hi, good morning," paunang bati ko sa isang kalmadong paraan.

Tumalikod siya sa puwesto ko pero narinig ko rin siyang nagsalita sa kabilang linya.

"Hi. Ang aga mo namang tumawag? Kagigising ko lang."

Sinungaling.

"Wala lang. Na-miss na kasi kita. Saan ka ngayon? Puwede ba kitang puntahan?"

Totoong miss na kita, Therese. Alam ng langit kung gaano kitang na-miss.

"H-Ha? Nandito pa rin kami sa San Carlos ng family ko. Magkikita naman tayo next week, 'di ba?"

Mahina kong ibinuga ang hanging kanina ko pang pinipigilan. Ibinuga ko ang hangin para unti-unting mawala ang sikip sa aking dibdib pero bakit nandito pa rin?

Marahan akong pumikit at tumango-tango pa na parang tanga.

"Anong ginagawa mo ngayon?"

Compose yourself, Zettiana. Compose yourself.

"I'm here in bed, kagigising ko lang 'di ba?"

That's it!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Pero lahat ng iyon ay nag-uugat sa isang rason: isa kang malaking sinungaling, Theresean.

"Ganoon ba? Sige, pahinga ka na ulit. Sorry kung nagising kita. Tawag na lang ulit ako mamaya."

"Okay. Please text first before you call ha?"

"Okay."

Diretso kong ibinaba ang tawag at biglang nanghina sa kinauupuan ko.

Pinagmasdan ko siyang bumalik sa tabi ng kasama niya, ipinagsalikop ang kanilang kamay, at matamis na ngumiti rito as they continue to face the tinderas of that kiosk.

Kasama niya 'yong babaeng ilang buwan kong pinagdudahan. That same girl who wore her sweater. That same girl na palaging present sa study session nila. That same girl… that girl.

Alam mo kung anong pinakamasakit? 'Yong nagsinungaling siya kahit na nakikita ko na sa harapan ko ang katotohanan.

Wrong move 'to, Therese. Because I hate cheaters. I fucking hate cheaters.

~