webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The La Union's Confession

Mabilis ang paglalakad na ginagawa ko kahit na nahihirapan sa dala-dalang surfing board. Gusto kong maiyak, hindi dahil sa nangyari, kundi dahil sa ginawa ko sa kaniya.

"Zettiana, I'm sorry!"

Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Tonton na nakasunod din pala sa akin.

Sinubukan kong ngumiti pero dahil kitang-kita ko ang pamamaga ng kaniyang mukha, mas lalo lang akong na-guilty.

"Sorry din. Uh, Tonton, mamaya na lang tayo mag-usap."

Muli akong tumalikod at halos takbuhin na ang establishment para isaoli ang surfboard na ni-rent namin.

Hindi ko na magawang magpasalamat dahil sa nagmamadali talaga ako. Patakbo akong pumunta ng hotel para puntahan naman ang hotel room namin.

Dumiretso akong banyo nang makapasok sa room. Nagpapasalamat din sa lahat ng puwedeng pasalamatan dahil wala ngayon dito si Nicho sa room namin. Siguro nagmi-merienda pa rin hanggang ngayon with Decart. Ewan, hindi ko alam, ayoko munang isipin.

Sumandal ako sa likuran ng pintuan ng banyo at agad napahawak sa labi ko, biglang napatulala na lang at muling inalala ang nangyari kanina.

Naglapat ang labi naming dalawa. Tonton kissed me. But why? Dala ba ng emosyon? Anong nangyari bakit bigla na lang niya akong hinalikan? Bakit humalik ka pabalik, Zettiana Aelexandrae? Why it took you seconds before you stayed away?

Dahan-dahan akong napaupo sa malamig na sahig ng banyo at parang tangang napangiti sa kawalan as I caress my heart.

Ang lakas ng tibok nito na animo'y hinahabol ng sandamakmak na kabayo. Ang lakas ng tibok nito na parang may milyon-milyong alon ang nasa loob nito.

Parang binabayo ng kung anong damdamin ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Bakit naging ganoon?

Muli kong hinawakan ang labi ko.

Ramdam na ramdam ko pa rin sa labi ko ang malambot niyang labi na lumapat dito kanina. Nalalasahan ko ang pinaghalong tubig-alat at ang tamis na galing sa kaniyang labi.

Bakit hinalikan ako ni Tonton? Hindi ba iyon sinadya o may iba pang ibig sabihin iyon? 'Yon ang mga tanong na bumagabag sa akin kahit na nagbabanlaw na ako. Even when I'm changing clothes, 'yon pa rin ang nasa utak ko.

Bakit ako hinalikan ni Tonton? Friends don't kiss their friends, right? Especially on the lips?

Mahigit isang oras yata ang pananatili ko sa loob ng banyo, kakaiisip no'ng tanong na iyon. Sinadya ko rin na bagalan ang kilos ko. Gusto kong pag-isipan nang mabuti ang nangyari at mas lalo na 'yong ginawa ko.

Walang hiya ka, Zettiana, bakit mo na naman sinuntok ang tao?

Pagkalabas ko ng kuwarto, saktong may tumatawag sa cell phone ko kaya agad kong kinuha iyon.

Tumatawag si Mama through Messenger. Hindi ko pala na-off ang Wifi nito kaya hanggang ngayon, na kahit hindi ko naman ginagamit, ay naka-connect pa rin sa Wifi ng resort.

Agad kong in-accept ang video call niya.

"Ma!"

"Hi, anak! Kumusta La Union?"

Nang makita ang ngiti ni Mama, pansamantalang nawala ang bumabagabag sa akin. Malawak akong ngumiti sa kaniya at sunod-sunod din na kumaway.

"Heto, Ma, sobrang ganda ng La Union."

"Nag-i-enjoy ka ba r'yan?"

"Opo naman, Ma!"

"Mabuti naman. Birthday ng Tita Leceria mo ngayon, hindi ka pa bumabati."

Walang hiya! Oo nga pala!

Napasapo ako sa bibig ko at laking gulat nang ipaalala sa akin 'yon ni Mama.

"Oo nga pala, Ma! Muntik ko nang makalimutan sa ganda ng La Union. Nand'yan po ba si Tita Leceria?"

"Nandito ako! Narinig ko mga sinabi mo. Ikaw ha, pinagpapalit mo na ako sa La Union!"

Natawa ako nang biglang magpakita si Tita Leceria sa screen ng camera. Tinabihan niya si Mama sa couch at pareho silang nakatingin sa akin ngayon. Bihis na bihis din silang dalawa.

"Hindi naman po, Tita. Mamaya pa po sana ako mag-g-greet para sa saktong parehong date d'yan sa Canada. Happy birthday po, Tita Leceria!"

"Ikaw talaga. Wala 'yon, ah. Salamat, anak. Nga pala, nag-message sa akin 'yong girlfriend mo rati, si Therese Ponsica? Sinabihan ako ng happy birthday. Grabe talaga ang batang iyon, walang palya talaga ang pagbati hanggang ngayon."

Panandaliang nawala ang ngiti ko nang banggitin ni Tita Leceria ang pangalan ni Therese. Simula no'ng maging kami at kahit no'ng maghiwalay na kami, bumabati pa rin daw siya sa mga birthday nina Tita Leceria at Mama. Maski sa ibang miyembro ng aking pamilya. Hindi ko naman makita sa social media ang greetings niya kasi hanggang ngayon, blocked pa rin ang account niya sa account ko. Wala akong time mang-unblock, e.

Pinilit kong ngumiti sa kanila. Inisip na wala lang 'yong ibinalita nila. Kasi wala naman talaga. Hindi ko lang talaga gusto ngayon na marinig ang tungkol sa parteng iyon sa buhay ko. Parang unti-unting nag-sink in sa akin na nakaririndi pala ang ginawa ko.

Marami kaming napag-usapan nina Mama during the video call. Nag-share din sila na may handaang magaganap mamaya tapos pupunta sa bahay nina Tita Leceria ang iilang kapwa Pinoy na naging kaibigan nila sa Canada para mag-celebrate. Kaya pala bihis na bihis sila.

Ipinakita pa nga sa akin ni Mama ang mga putaheng Pinoy na pr-in-epare nila for the birthday celebration, pati ang naging decoration nila sa whole house.

Nakakatuwa lang na marinig ang bawat kuwento ni Mama.

"Nasaan ka ba ngayon? Nasaan sina Nicho?"

"Nasa room po ako namin ni Nicho, Ma. Katatapos ko lang maligo nang tumawag ka. At saka, sina Nicho, nasa labas, kumakain po yata."

"Oh, bakit ikaw? Hindi ka kumain?"

"Susunod po ako sa kanila mamaya, Ma."

"Sige na, sumunod ka na. Tatawag na lang ako ulit. Basta 'wag mong kalilimutan to send me pictures of your adventures their in La Union, ha?"

"Okay po, Ma."

Nagkapaalaman ulit kami matapos ang isang oras na tawagan. Bumati uli ako kay Tita Leceria bago ibinaba ang tawag.

Napabuntonghininga ako nang tuluyang na-end ang call.

Frustrated na frustrated kong sinuklayan ang buhok ko gamit ang dalawang kamay habang mariin na nakatingin sa tahimik na sahig ng kuwarto, iniisip kung anong susunod kong gagawin after kong lumabas sa kuwartong ito. Iniisip ko rin kung paano ko haharapin si Tonton matapos 'yong nangyari, matapos no'ng ginawa ko.

Sana talaga hindi nagalit si Tonton sa ginawa kong pagsuntok sa kaniya. Hindi naman ako nagalit sa ginawa niya, nagulat lang naman talaga ako. Pero kakailanganin ko pa rin ang explanation niya sa ginawa niyang iyon. At aaminin kong nagulat lang talaga ako.

Matapos ang ilang minutong pagkakatulala, napagpasiyahan kong tumayo na talaga at lumabas na ng kuwartong ito.

Bitbit ang cell phone, lumabas ako ng hotel room namin ni Nicho na kinakalma pa rin ang sarili ko.

Pero pagkalabas ko, nakita ko si Tonton na nakasandal sa dingding na pinapagitnaan ng pinto ng kuwarto nila at ng kuwarto namin ni Nicho. Nagulat ako pero hindi naman ganoon na gulat talaga. Agad din naman siyang lumingon sa akin nang marinig ang pagsara ng pintuan sa likuran ko.

Nagtama ang tingin namin at mas lalong tumubo ang guiltiness sa aking sistema nang makita ang bandage sa bandang ilong niya.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya at kalmado rin siyang naglakad papunta sa akin. We meet halfway.

With only few inches left for our distance, I stopped, took a deep breathe, hold my cell phone tightly.

"Sorry/I'm sorry."

Nagkatinginan kaming dalawa nang ma-realize naming sabay kaming nagsalita. Gusto kong matawa pero alam kong hindi ito ang dapat tamang oras para matawa. Hindi sa lahat ng panahon ay kailangan mong tumawa sa isang napaka-simpleng pagkakataon lang.

"Can we talk sa may pool side? Walang tao roon."

Panandalian akong napalingon sa direksiyon kung saan ang pools ng resort at agad din namang ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Sige."

He lead the way. Sunud-sunuran lang ako sa kaniya.

Tama nga ang sinabi niya, wala nga'ng katao-tao rito sa pool side kahit na marami namang naka-check in sa resort na ito. Maybe they're enjoying the waves, the views, or whatever.

Inunahan ko na ang pag-upo sa may gilid ng pool bago pa man niya itanong sa akin kung saan kami banda uupo. Gan'yan ugali niya kapag may pupuntahan kami o kakain lang, talagang itatanong niya sa akin kung saan kami pupuwesto, saan kami kakain, anong bibilhin, saan kami pupunta. In order to save his saliva and energy from speaking, uunahan ko na siya.

"Dito na lang tayo pumuwesto," sabi ko pa nang tuluyang makaupo. I submerged my feet in the pool. Mabuti na lang at hanggang tuhod itong short na nasuot ko at hindi naman basa ang gilid ng pool kaya puwedeng upuan.

Lumingon ako sa kaniya to ask for his confrimation. Tumango lang siya at sinunod naman ang posisyon ko. Hindi naman siya ganoon ka-layo, hindi rin ganoon ka-lapit. Enough distance between us.

Marahan kong ginagalaw ang paa ko sa ilalim ng tubig at natoon na rin doon ang atensiyon ko. Abot na abot ng paa ko ang ilalim ng pool dahil nasa may kiddie pool naman kasi kami pumuwesto. Sa gilid nga ng mata ko, kitang-kita ko si Tonton na nakapatong ang dalawang siko sa ibabaw ng kaniyang tuhod dahil nakatapak din ito sa floor ng kiddie pool.

We were silent for a couple of seconds. Letting the waves from a distant shore occupy the noise. Letting the small splash from the water underneath us indulge the sound.

Huminga akong malalim at agad na lumingon sa kaniya. Nanatili pa rin ang tingin niya sa tubig, mukhang nakikiramdam katulad nang ginagawa ko kanina pa.

"Sorry sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi sinasadyang masuntok ka. Nagulat lang ako sa ginawa mo. Nakakagulat naman kasi," agad na sabi ko. Dire-diretso para hindi agad siya makasagot. Napakamot pa nga ako sa bandang batok ko dahil sa mga rason ko.

Mas lalo lang akong napa-iwas ng tingin sa kaniya nang paglingon niya ay ang bandage niya sa ilong ang una kong napansin. Hindi ko na inalam kung anong naging reaksiyon niya. Paniguradong wala rin namang magiging reaksiyon 'yon.

"No… ako dapat ang humihingi ng sorry sa 'yo. Sorry dahil ginulat kita sa ginawa ko. But just so you know, hindi ako humihingi ng sorry sa ginawa ko because I meant it. I really meant it, Zettiana."

Nilingon ko siya para salubungin ang tingin niya. Pero ilang segundo pa lang ang nagdaan, agad din akong napa-iwas dahil mas lalo akong na-awkward. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.

"B-Bakit mo nga pala ginawa 'yon? Aksidente lang 'yon 'di ba?"

"Kakasabi ko lang, Zettiana, I meant it. Hindi aksidente 'yon. Sinadya ko 'yon. And I'm asking sorry dahil ginulat kita. And you punching my face was reasonable enough kaya naintindihan ko kung bakit 'yon ang naging reaksiyon mo."

Ipinatong ko ang isang siko ko sa ibabaw ng tuhod at iyong kamay ko'y nakahawak naman sa noo ko, pilit iniiwas ang tingin ko sa kaniya. Mas lalo akong na-awkward. Mas lalo akong nahiya.

"Bakit mo naman ginawa 'yon? B-Bakit mo 'ko h-hinalikan?" tanong ko nang hindi pa rin nakatingin sa kaniya. Halos pabulong ko na nga ring itinanong iyon sa kaniya.

Nakakahiya! Ayokong lasunin ang utak ko, ano ba!

"Hindi ba obvious, Zettiana?"

"Ang ano? Ayokong mag-conclude. Ayokong mag-assume. Sabi nga nila, never assume unless otherwise stated."

"This time, Zettiana, I want you to assume." Napalingon ako sa kaniya at lakas-loob na sinalubong ang seryoso niyang tingin. Unti-unti na ring tumitibok ng mabilis ang puso ko. Nand'yan na naman 'yong parang mga maliliit na alon na nararamdaman kong dumadampi sa malamig kong puso. "I want you to assume that I like you. Kasi gusto kong totohanin ang assume mo. Gusto kita, Zettiana. Gustong-gusto kita."

Dahan-dahan akong napa-iwas ng tingin sa kaniya at pilit itinatago ang naghuhuramentado kong damdamin. Mahina akong tumawa para mas lalo ko pang itago ang kabang nararamdaman ko.

"'Wag ka namang magbiro ng gan'yan, Ton. Hindi magandang biro 'yan," natatawang sabi ko pa, pilit pa ring tinatago ang kabang nararamdaman.

"I'm not joking, not even messing around, Zettiana."

Walang hiya, seryoso talaga siya. Minsan lang mag-seryoso 'to, pero sa ilang taon ko siyang naging kaibigan, kabisado ko na kung kailan siya seryoso at kung kailan hindi.

"'Di ba may girlfriend ka? Sinabi pa nga sa akin nina Yosef 'yong tungkol doon."

Sige, Zettiana, depensa pa. Iwasan mo pa ang katotohanan kahit sinasampal na ito sa 'yo ngayon din.

Umiwas siya ng tingin sa akin at parang na-disappoint sa sinabi ko.

"Tss… whoever was that, she's not my girlfriend. Dalawang taon na akong hindi dumidiskarte ng ibang babae. Ngayong umaamin na akong ikaw ang gusto ko, sasabihin mo naman sa akin ang tungkol d'yan?"

"Hindi naman kasi kapani-paniwala, Ton, e. Bakit kasi ako. Wala namang kagusto-gusto sa akin. Marami naman d'yang iba. Mga magaganda at matatalinong mas higit pa sa akin na deserve ng attention mo. Pang-kaibigan lang ako, Ton, hindi ginugusto."

Muling nagtama ang tingin naming dalawa. Nagsalubong na ang dalawa niyang kilay at parang naguluhan pa yata sa sinabi ko. Mas lalo tuloy akong nanlumo sa aking sarili.

"Ikaw 'yong gusto ko, e, anong magagawa ko?"

"Marami kang magagawa! Hindi mo sana sinabi sa akin. Sinarili mo sana. Itinago. Hindi ko alam, pero sinekreto, ganoon! Ang dami-dami mong puwedeng gawin, Tonton, itatanong mo pa ba sa akin?"

"E, gustong-gusto ko na nga'ng sabihin sa 'yo na mahal kita tapos sasarilinin ko lang? Mahal na nga yata kita, e."

What the heck!

Napapadyak ako sa tubig dahil sa sinabi niya. Mas lalo akong nanlumo, halos maiyak na rin, pero ang pag-fake ngawa lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

"Ano ba, Tonton, ang lala mo naman, e!"

"Anong malala roon? Nagsasabi lang ako ng totoo. Nagsasabi lang ako kung anong nararamdaman ko. O, sige, heto na lang… paninindigan ko ang nararamdaman ko sa 'yo. Liligawan kita."

Ano ba! Bakit ba kailangan niyang sabihin 'yan! Hindi ko na alam kung pang-ilang beses na akong nanlumo sa isang upuan lang na ito. Ilang minuto lang kaming nandito pero nakaramdam na ako ng pang-ilang beses na panlulumo sa sarili. Ano ba! Nakakagulo ng isipan ang tarantadong ito, e.

"'Wag naman ganoon, Ton."

"Ah, so friendzone ako?"

"Hindi naman sa ganoon-"

"Sabihin mo nga sa akin, Zettiana, kung may chansa ba ako o wala."

"E, kasi-"

"Mayroon o wala lang ang sagot, Zettiana."

Gustong-gusto ko nang umiyak. Bakit ba kasi ako pini-pressure ng ganito ni Tonton. Ilang segundo muna akong nakipagtitigan sa kaniya bago ako nagbuntonghininga.

"Mayroon, pero… hindi mo kasi naiintindihan, Ton. Kayang-kaya kitang bigyan ng chance. Binigyan ko nga ng chance 'yong iba, ikaw pa kaya. Pero sa ngayon kasi-"

"Hindi mo kaya," siguradong-sigurado na sabi niya.

Mas lalo akong nanlumo sa aking sarili kasi tama siya.

"Hindi ko kayang mag-commit sa ngayon. Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot pa ako, Tonton, hindi ko pa kaya."

"Okay. Sige. Hihintayin ko kung kailan mo kaya. Handa naman akong maghintay. Nag-confess lang naman ako ngayon para kahit papaano ay malaman mo naman ang nararamdaman ko. Hindi naman ako nagmamadali, hindi kita pini-pressure na agad sagutin ako. Malaman lang na mabibigyan mo ako ng chance, enough na para sa akin, Zettiana," nakangiti niyang sabi.

Unti-unting kumalma ang sistema ko. 'Yong puso kong naghuhuramentado ay nand'yan pa rin naman pero kahit papaano ay nakakaramdam na ako ng kalma sa aking sarili.

Marahan kong iginalaw ang paa ko sa ilalim ng tubig, dinama ang lamig nito habang nakatingin pa rin sa pagmumukha ng lalaking biglang nag-confess sa akin.

"Para kang sira. Halika nga rito."

Isinenyas ko ang hintuturo ko sa kaniya para lumapit siya sa akin. Ang uto-uto, agad din namang sumunod.

He leaned forward. Pero hindi ako kontento sa naging distansiya. Kaya hinawakan ko ang neck part ng t-shirt niya at agad inilapit sa mukha ko. Nang halos maduling na ako dahil sa lapit ng mukha niya, nginisihan ko siya.

"Susubukan ko lang," sabi ko at saka inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Talagang susubukan ko lang.

I kissed him for seconds bago ko mismo pinutol ang halik na iyon. Mababakas pa rin sa mukha niya ang gulat at hindi malamang expression ng mukha nang humiwalay ako.

Marahan kong hinaplos ang pisnge niya at sinubukang pag-aralan ang kabuuan ng kaniyang mukha.

"I want us to remain what we are now. I want us to stay at ease. Kung friends tayo ngayon, gusto kong friends pa rin ang turingan natin sa isa't-isa. Ayokong may magbago. Gusto kong kalimutan natin na nag-confess ka sa akin ngayon. Ayokong sasabihin mo sa iba ang tungkol dito. But rest assured na susubukan ko. Susugal ako, Ton, 'yan ang asahan mo."

'Yong gulat niya sa mukha kanina ay unti-unting napalitan ng ngisi kaya bago pa man siyang may gawin na iba, agad na akong tumayo. Napatingala tuloy siya sa akin.

"Dami mo namang kondisyones."

"Ah, so nagrereklamo ka? Suko ka na, ganoon?"

Mas lalo siyang natawa. "Hindi ganoon. Siyempre, ngayon pa ba ako susuko kung kailan nasabi ko na sa 'yo? Okay lang na maghintay basta ba sa huli ikaw ang magiging hantungan."

"Hantungan my ass. Ang corny mo naman."

"Ang galing mo pa lang humalik?"

"Binawi ko lang 'yong halik na kinuha mo kanina para wala kang mapagsabi sa iba."

"Puwede ko rin bang bawiin ang suntok mo kanina?"

"Gusto mo suntukin kita ulit?"

"Brutal talaga nito kahit kailan."

Lumakas ang tawa niya sa naging sagot ko pero hindi ko na siya pinansin pa't naglakad na lang palayo sa pool area. Kinalikot ko ang cell phone ko para matawagan si Nicho at maitanong kung saang lupalop ng La Union sila naroroon.

Pero kalalagay ko pa lang ng cell phone sa tenga ko, nakita ko na ang likuran nila ni Decart na tumatakbo sa hallway, palayo sa puwestong nilalakaran ko ngayon.

Hindi ko na c-in-ancel ang tawag, naghintay pa rin ako na sagutin niya.

"Pinsan! Bakit?"

Wow, himala, tinawag akong pinsan.

"Saan kayo? Nakita ko kayo ni Decart tumatakbo."

"Ha? Ah, eh…"

"Saan kayo? Tapos na kayong mag-merienda?"

"May lakad kami ni Decart, e. Kayo na lang ni Tonton magsama. Bye, pinsan!"

"Aba't-"

Bigla akong binabaan ng tawag ni Nicho kaya hindi ko siya nasigawan dahil sa sinabi niya. Napatitig na lang ako sa cell phone ko hanggang sa may naramdaman akong umakbay sa akin.

Masamang tingin agad ang ibinigay ko sa kaniya lalo na no'ng makitang nakangisi lang siya sa harapan.

"Tara El Union."

Hindi na ako nakapagsalita pero hinayaan ko siyang kaladkarin ako. Tinanggal ko na rin ang kamay niyang umaakbay sa akin.

Balik din naman sa normal ang pakikitungo namin ni Tonton sa isa't-isa. Pero i-deny ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na mayroong nagbago sa mga kilos niya. He's lowkey doing it. At sana lang talaga hindi mapansin ng dalawang kasamahan namin ngayon ang tungkol doon. Kasi katapusan ko talaga kapag nalaman ni Nicho.

In-enjoy namin ang remaining day namin sa La Union. Namili ng souvenirs. Gumala sa mga lugar na puwedeng puntahan. Nag-one last time surfing, at matapos ang lahat ng iyon ay umuwi kami na baon ang sandamakmak na alaalang sabay naming ginawa sa La Union.

~