webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Hotdog On Stick With Marshmallow

Nang magbakasyon ako sa Canada, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob itanong kay Tita Leceria ang totoo kong nararamdaman. Siguro nga kahibangan ko lang ito dahil ang Mama ko ganito. Siguro nga confuse lang ako sa nararamdaman ko. Ano nga ba ang alam ng isang kinse anyos na katulad ko?

Sinubukan kong kalimutan hanggang sa matapos ang mapayapa kong bakasyon sa Canada.

Pero habang tumatagal ang panahon, mas lalo akong naguguluhan sa sarili kong kasarian. Sinubukan kong magkagusto sa isang lalaki pero wala akong ma-tipohan sa mga kakilala ko, sa mga classmates ko, at mas lalo na sa schoolmates ko. At the end of the day, I always end up looking at some beautiful girls. Is this some kind of influence from my boy friends or kusang loob ko talagang nararamdaman ito?

Para akong bugok, nagagandahan ako sa mga babaeng crush din ng mga kaibigan ko.

Hanggang sa umabot na ako ng grade ten, naguguluhan pa rin ako sa sariling damdamin. I still love boy's stuffs, boy's games, boy's way of living. Pero nali-less lang ang pagiging showy ko sa mga bagay na ganoon kapag nasa bahay na ako kasi since umalis pa-Canada si Mama, dito na ako tumira kina Lolo at Lola. Natatakot kasi akong mapuna ang mga nakahihiligan kong panlalaki. Kahit na naiintindihan ni Lola si Mama, natatakot pa rin akong mapagalitan.

Ang sabi sa akin ni Lola, unti-unti raw na natatanggap ni Lolo ang situwasiyon ni Mama ngayon with Tita Leceria. Unti-unti na raw bumubukas ang isipan niya sa usaping iyon. Lola, being an educator herself, helped Lolo understand Mama's real identity. At the end of the day kasi, kahit bali-baligtarin nila ang mundo, anak nila si Mama kaya dapat, ano mang kahinatnan niya, tanggapin nila ito. Gaya na lang kung paano nilang natanggap na magiging broken ang family ng kanilang panganay. Kung paano nilang buong-loob na tinanggap ang responsibilidad sa pagpapalaki sa akin, sa pagtaguyod sa amin ni Mama.

"Oks ka lang?"

Tumingala ako para makita ang pagmumukha ng bugok kong pinsan at sinundan ng tingin ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Kailan ba ako hindi naging okay?" umiwas na ako ng tingin sa kaniya nang tuluyan siyang nakaupo. Pareho naming tiningnan ang magulo naming pamilya dahil sa first birthday ng bunso nina Nicho na si Medi.

"Um… since birth?"

"Gago!" Umiwas na lang ako ng tingin at pinagtoonan na lang ng pansin ang mga batang magugulo kaysa pansinin ang bugok kong pinsan. "Sinong mga kaibigan n'yo ni Mad ang pupunta rito mamaya?" tanong ko matapos ang ilang sandaling naging tahimik.

"Ate Zetty, Kuya Nicho, family picture daw."

Tumayo kaming pareho ni Nicho nang tawagin kami ni Madonna. Sabay na rin kaming naglakad papunta sa spot kung saan magaganap ang family picture naming mga Saratobias.

"Barkada yata ni Madonna. Hindi pa kasi sure sina Yosef. Alam mo naman na may party din sa kanila ngayon."

"Ah, birthday ng Papa nila 'di ba?"

"Yep. Sige na, ngiti ka na."

Hinawakan ni Nicho ang balikat ko at humarap kami sa camera'ng nasa harapan. Kasama ang mga Saratobias, minus the presence of Mama, ay nagsama-sama kami sa iisang picture and of course, nasa gitna ang birthday celebrant na si Medi.

"Sina Pax, anong oras pupunta?"

"Mamayang gabi pa siguro. Hihintayin daw muna nila mag-off si Tito Gil."

Natapos ang picture taking namin ng pamilya at natapos din ang usapan namin ni Nicho. Pumasok ako sa loob ng bahay nila Nicho para i-check ang cell phone kong ch-in-arge ko muna. Doon ako nag-charge malapit sa outlet ng TV, sa may salas.

Puwesto ng mga Saratobias ang salas at since hindi pa sila nakakabalik sa loob, nanatiling walang tao sa salas kasi nasa labas naman talaga ang party ni Medi. Umupo ako sa malapit na side table na gawa sa kahoy at kinalikot ang cell phone ko kahit na naka-charge pa ito. Fifty-five percent pa lang din naman ang percentage ng battery.

Nag-connect na lang ako sa wifi at nagtingin-tingin ng update sa social media ko. Ch-in-eck ko 'yong picture namin ni Medi kanina sa cake niya na p-in-ost ko to greet her. Karga-karga ko si Medi no'n habang malawak na nakangiti sa cute na cute niyang Hello Kitty-inspired cake.

Maraming nag-like at nag-greet sa comment section. 'Yong iba hindi ko naman kilala, 'yong iba mga kamag-anak namin na nasa ibang bansa, mga kamag-anak na nasa malalayong lugar na hindi physically present sa party. Mama also greeted Medi, even Tita Leceria. Reasonable naman na maraming magla-like at comment sa photo na iyon dahil naka-tag naman si Tito Doane at Tita Annellia. At saka, cute din naman kasi talaga si Medi.

Isa-isa ko na lang na ni-like ang mga comments and greetings nila. Hindi na ni-reply-an. Hindi rin naman ako ang birthday celebrant.

Until I came across with the latest commentor. His account name is Newton Lizares and he just simply commented: happy birthday. Cl-in-ick ko ang account niya and we're not even friends but we have a lot of mutual friends. Mga two hundred four accounts.

Hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari ng account but since Lizares ang apelyido, I have a hunch na kilala ko siya. Hindi ko rin naman kasi makita ang profile picture niya dahil nakatalikod siya sa camera and mas na-emphasize ang view sa likuran niya kaysa mismo sa katawan niya. Para na nga'ng naging silhouette ang image niya. Naka-private din account niya.

Saktong papasok si Nicho sa loob ng kanilang bahay na may bitbit na hotdog na nasa stick na may kasamang dalawang marshmallows. Pinalapit ko siya sa akin at agad na kinuha ang stick na bitbit niya. Kinagatan ko agad habang ipinapakita sa kaniya ang cell phone ko para mawala sa hotdog ang atensiyon niya.

"Kilala mo?"

Sinamaan niya ako ng tingin nang makita niyang kinakain ko na ang kaninang bitbit niya lang na hotdog on stick. Napa-iling na lang siya at muling tumingin sa cell phone ko. Naka-flash pa rin doon ang account no'ng Newton's Law ay este no'ng Newton Lizares pala.

"That's Tonton. 'Di mo ba kilala?"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinagot ni Nicho sa akin. "Tonton? Na kapatid ni Decart? Na bestfriend ni Ada?"

"Mm-Hmm. 'Di mo ba nakita na nasa mutual friends ako?" Ini-scroll up niya ang screen ko at ipinakita ang profile niya sa list ng mutual friends. Bumabalandra ang pangalang Nichodemus Felizar S. Vaflor. "Bakit? Anong mayroon sa kaniya? Type mo?"

Agad kong inagaw ang cell phone sa kaniya at pinandilatan ng mata. "Bugok! Anong type-type 'yang pinagsasabi mo? Nag-greet lang kasi kay Medi through comment section ng p-in-ost kong photo namin ni Medi. Utak mo talaga may ubo."

"Ba't ang defensive mo? Hindi ka rin naman magugustuhan n'yan. 'Di ka niya type," natatawang sabi niya habang tinitingnan ako. "Akin na. I-add natin. Kawawa ka naman. Hindi pala kayo friends."

Madali niyang kinuha ang cell phone ko at ewan sa engkantong nasa tabi-tabi lang kung anong ginawa niya. Baka nga in-add niya gaya ng sinabi niya. Wala na akong pakialam. Bahala ka sa buhay mo Nichodemus.

Matapos ang ginawa niya, siya na rin mismo ang nagbalik sa cell phone ko sa ibabaw ng side table at hinayaan ulit itong mag-charge. Unti-unti na rin na pumasok pabalik sina Lolo at Lola sa salas ng bahay nina Nicho. Kaya cue na rin namin ni Nicho 'yon na muling lumabas since bawal kaming makihalubilo sa usapan ng mga matatanda.

"Kung 'di mo type si Tonton… sinong type mo kung ganoon? Pansin ko lang na sa lahat ng classmates natin na babae, ikaw lang ang hindi ko narinig na sinabi mong crush mo si ganito, ganiyan."

"Anong tingin mo kay Ada?"

"Psh, kilala ko kung sino ang crush ni Ada 'no."

"Hala? May crush siya? Sino?"

Inilagay niya ang hintuturo niya sa kaniyang labi. "Secret na namin ni Ada 'yon."

"Ang daya nito! Ka-lalaki mong tao nakikipag-secret ka sa babae. Ikaw siguro 'yong crush ni Ada ano?"

"Anong ako? Asa ka pa."

"Sino nga kasi."

"Sino muna crush mo?"

"Wala nga akong crush." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinagtoonan ng pansin ang nag-iisang hotdog on stick na may marshmallow na nakatusok sa pinutol na katawan ng saging.

"Maniwala. May nanliligaw na siguro sa 'yo pero hindi mo lang sinasabi sa akin? Naku, Zettiana, ha? Pinsan mo ako at Kuya na rin kaya dapat ako ang unang makaalam kung may manliligaw sa 'yo. Dadaan muna sa akin 'yon."

Napangiwi ako nang kukunin ko na sana ang isang stick nang biglang may sumulpot na isang bata, bisita yata ng party, at para na siyang maiiyak nang hawakan ko ang stick na dapat ay kukunin niya. I slightly panic at agad na kinuha 'yong stick at ibinigay sa kaniya. Baka umiyak, ako pa ang sisihin ng magulang nito. Hindi ko pa naman kilala 'yong bata.

Sinundan ko ng tingin ang batang may hawak ng huling hotdog on stick na may marshmallow na gustong-gusto ko. Sayang-saya 'yong bata, parang naka-hit ng jackpot nang ibigay ko 'yon sa kaniya. Nag-iisa na lang 'yon, e, hawak ko na pero ibinigay ko pa sa iba. Sige na nga lang, mas deserve naman siguro n'ya 'yon.

Hindi ko inalis ang tingin sa batang iyon hanggang umupo siya sa children's chair. Una niyang kinagat ang dalawang marshmallow at inilapag lang sa isang pinggan na obviously ay hindi na ginagamit ang natitirang hotdog sa stick at basta lang itong iniwan at muling tumayo para makipaglaro sa ibang bata.

Ang lakas ng apog! Nag-iisa na lang 'yon tapos sinayang lang? Marshmallow lang ang kinain? Sana pala hindi ko na binigay 'yon sa kaniya. Hindi rin naman pala niya uubusin. Akala ko pa naman deserve niya. Sakit sa ulo talaga 'tong mga batang ito.

"Hoy, Zetty! Nakikinig ka ba sa akin? Ano ba 'yang tinitingnan mo?"

Nakanguso akong lumingon kay Nicho at masamang-masama ang loob dahil sa ginawa ng spoiled na batang iyon sa nag-iisang hotdog on stick na may marshmallow na gustong-gusto ko.

"'Yong hotdog on stick na may marshmallow, kinuha no'ng bata pero sinayang lang," parang batang sumbong ko kay Nicho. Legit talagang masama ang loob ko. Nagsasayang ng pagkain ang mga spoiled brats na ito!

"Parang bata 'to. You mean this party hedgehog? Marami pa sa loob."

What?

"Bakit 'di mo naman agad sinabi? Sa'n ba banda? Kunan mo naman ako." In one second, biglang nagbago ang mood ko. 'Di naman kasi agad sinabi ni Nicho na marami pa pala sa loob. Muntik pa akong nag-drama nang dahil lang sa hotdog on stick na may marshmallow.

"Parang tanga. Sagutin mo muna tanong ko bago kita kunan."

"Ano ba kasing tanong mo?"

"Kung sinong crush mo sa school. Tinanong no'ng nagka-crush sa 'yo."

"Sino ba 'yang bulag na nagkagusto sa akin? Pakisabi sa kaniya na wala akong maisasagot sa tanong niyang iyon kasi wala naman talaga akong sagot, wala akong crush."

"Weird mo naman."

"Tama na nga'ng satsat. Kunin mo na 'yong hotdog on stick na may marshmallow."

"Party hedgehog nga sabi!"

"Whatever!"

Sinundan ko sa paglalakad si Nicho, baka modus lang niya 'yon tapos wala na pala talagang natira sa loob kaya might check it myself 'no, para sigurado.

Teka, party hedgehog ba tawag do'n? Ano ba itong pinagsasasabi ni Nicho?

Sarili kong pinsan, hindi ko masabihan sa sarili kong nararamdaman. Natatakot akong mahusgahan. Natatakot ako dahil naguguluhan mismo ang sarili kong puso sa kung ano talaga ang buo kong pagkatao… at kung bakit ganito ako.

Grade eleven, isa-isang nagkakaroon ng boyfriend ang mga kaibigan kong babae. Maski si Ada na kilala bilang boyish sa buong school, nagkaroon ng boyfriend sa school. Kung hindi naman boyfriend at girlfriend ang usapan ng lahat, 'yong mga taong hinahangaan naman nila ang bukambibig nila. Mga crush kumbaga.

"Alam mo, olats talaga ako kay Therese. Sinubukan kong ligawan 'yon pero wala talaga. Ang sinabi niya lang sa akin, strict daw ang parents niya. Pero nakita mo naman 'yong kambal niya 'di ba? Si Therence. Paiba-iba boyfriend no'n."

"Ano na namang inungot-ungot mo r'yan?" nilalaro ko ang soccer ball dito sa may soccer field nang biglang tinabihan ako ni Yosef at nagsalita na ng kung ano-ano. "Ang sabihin mo kamo, busted ka lang talaga sa kaniya."

"Crush mo si Therese 'di ba? Subuk-"

"Tumahimik ka nga, Anthonio Josefino Ricardo!" mariin kong sabi at agad kong tinakpan ang bibig ni Yosef dahil sa sinabi niya. May iilang schoolmates pa naman malapit sa puwesto namin at lahat 'yon ay kilala ko pa naman. Baka marinig 'yong sinabi ni Yosef at maniwala. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?"

Nang kumalma ako, binitiwan ko ang bibig niya at bumalik ako sa dating puwesto ko. Pero nanatili pa rin ang masama kong tingin sa kaniya.

"In-denial ka na ngayon? Parang noong una nating napag-usapan 'yong tungkol d'yan, amin na amin ka na ah?"

"Babae nga kasi ako," I insisted.

"Ah talaga? Sige nga, halikan mo nga ako."

Ang lakas ng apog!

Mas masama ang naging tingin ko sa kaniya at kung puwede ko lang siyang patayin gamit ang titig ko, baka kanina pa siya nakabulagta sa kinauupuan namin.

"Joke! Joke only, okay?"

"Babae nga kasi ako, Yosef. Babae! Girl!"

"Sige nga, kung babae ka talaga, bakit hindi mo tinanggap 'yong panliligaw ni Fedgie no'ng last month?"

Muling bumalik ang tingin ko kay Yosef at tinitigan siya. Napa-isip sa nangyari no'ng araw na iyon.

Normal school days. Nasa classroom lang kami habang hinintay ang next subject teacher namin. Normal akong nakikihalubilo sa mga classmates ko, reminding them na pumunta sila mamaya sa bahay nina Lolo dahil may kaonting salo-salo roon after class. Seventeenth birthday ko kasi ngayon at kaninang umaga, pag-start ng first subject namin, kinantahan na nila ako ng birthday song at na-greet na rin ako ng iilang nakakaalam na birthday ko ngayon, and that includes our teachers. Dahil kilala rin ako ng ibang faculty and staffs ng school, gr-in-eet din nila ako. Maski si Sister, na principal namin, ay gr-in-eet din ako, may kasama pang wish na sana iwas-iwasan ko na raw ang pagiging makulit.

Normal lang ang lahat hanggang sa may pumasok sa classroom namin na may dalang balloons. Kumakanta sila ng birthday song at sa akin ang tingin nila. Umingay ang girls since ang nakikita kong may bitbit ng balloons ay ang mga kaklase naming lalaki. Iba ang paraan ng kanilang ngisi habang nakatingin sa akin. Isa-isa nilang inabot sa akin ang balloons, still singing the birthday song. Nakisabay na rin ang girls.

Hanggang sa nakita ko ang nasa hulihan nila at ang mismong may dala ng cake na may nakasindi ng kandila. Malawak ang naging ngiti niya habang papalapit sa kinatatayuan ko. Ang nasa isip ko sa mga panahong iyon, pakulo ito ng buong klase. Inambagan ang cake at ang balloons para lang sorpresahin ako o kaya'y pakulo ng mga barkada ko o ng pamilya ko. It never crossed my mind na siya ang pasimuno ng lahat ng ito.

Tumigil siya sa paglalakad sa mismong harapan ko. Humigpit ang naging hawak ko sa sticks ng balloons at kahit naguguluhan na may pinaghalong sobrang tuwa, ngumiti pa rin ako ng maayos.

Sa pagtigil niya sa harapan ko, bigla ring natahimik ang buong klase. Iginala ko pa ang tingin ko sa paligid ng marinig ang ibang classmates ko na pinatahimik ang ibang maingay. Nakangiti silang lahat, tuwang-tuwa, at nag-aabang sa mga susunod na mangyayari. Bumalik din ang tingin ko kay Fedgie.

"Happy birthday, Zettiana. I hope you're surprised. Make a wish and blow your candle," sabi niya, encouraging me the cake.

Tiningnan ko ang cake dahil nasa malapit ko na ito ngayon. It's a personalized cake. It has my name on it, a greeting, and what I don't expect is Fedgie's name imprinted on it and the heart designs. This cake is from him.

Lumunok ako at marahang pumikit. Hiniling na sana makilala ko na ang taong mamahalin ko balang araw.

Mabilis lang akong pumikit at agad kong idinilat ang mata ko para ma-blow ko na ang candle. Mahina lang ang pag-blow ko, baka umabot kay Fedgie ang hininga ko. Hindi pa naman ako nakapag-tootbrush kaninang lunch time kasi nakalimutan kong dalhin ang toothbrush ko at hindi naman ako umuuwi sa bahay every lunch time.

Pumalakpak ang lahat matapos kong mapatay ang kandila pero agad ding humupa dahil sa pagpapatahimik na naman ng mga kaklase naming lalaki.

"What did you wish?"

Ngumisi ako sa naging tanong ni Fedgie habang ibinibigay niya ang cake sa isa pa naming kaklase na close friend niya. Inabutan siya nito ng isang palumpon ng iba't-ibang klaseng bulaklak. Dahan-dahang nawala ang ngiti ko pero pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya.

"Akin na lang 'yon. Baka hindi pa matupad kapag sinabi ko sa 'yo."

"Ako… ang wish ko para sa 'yo… sana tanggapin mo ang panliligaw kong ito sa 'yo."

Itinapat niya sa akin ang palumpon ng bulaklak na hawak niya. Nawala na nang tuluyan ang ngiti ko at hindi na ako natutuwa sa nangyayari ngayon.

Nabitiwan ko ang hawak kong mga balloons. Napaiktad ako nang pumutok ang ibang balloons sa pagbitiw ko sa mga iyon. Pero hindi natinag si Fedgie sa nangyari. Nanatili ang tingin niya sa akin.

"F-Fedg, ano 'to? Magkaibigan tayo 'di ba?" pilit pa rin akong naghahanap ng rason kung ano itong ginagawa niya sa akin ngayon.

"I really like you, Zettiana Aelexandrae Saratobias. Sobra-sobra."

Nilabanan ko ang tingin ni Fedgie sa akin pero kahit anong tingin ko, wala talaga.

"I'm sorry, Fedgie. I can't make your wish come true."

~